14

#CAC14

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatdan ko na agad sila na nasa dining area. 

"Oh Talliah, andiyan ka na. Kain na dito," tawag sa'kin ni Mama.

Lumapit naman ako sa kanila at umupo sa upuan. Amoy palang ay natatakam na ako sa ulam na niluto ni Mama. 

Nagdasal muna ako bago kumuha ng pagkain. She handed me the bowl of rice that I gladly took. Nagsandok din ako ng ulam at nilagay iyon sa plato ko. Nagsimula nadin akong kumain.

Habang kumakain ay pinagiisipan ko na kung sasabihin ko ba sa kanila tungkol sa gusto kong mag-aral sa Manila. It's not like I'm expecting that they would allow me, but like what Mark said, I should atleast give it a try.

"Ma...Pa," panimula ko.

Binaba ko ang kubyertos ko at tumingin sa kanila. Maging si Ate ay tumingin din sa'kin.

"Ano iyon Talliah?" tanong ni Mama

Tumigil naman sila sa pag kain at ngayon ay nakaabang sa sasabihin ko.

"Since malapit na akong magcollege, gusto ko po sanang..." I gulped and licked my lips. "Mag-aral sa Manila."

Binalot kami ng katahimikan at hindi ko magawang tumingin sa kanila.

"Alam mo na ba kung ano yung kukunin mo?" tanong ni Papa

"Uhm, hindi pa po, pero gusto ko po kasing mag entrance exam din."

"Saang school naman anak?" tanong ni Mama

"Sa UP po sana," I muttered

"Oo pero anak, hindi naman sa school yun eh. Mas maganda kung alamin mo muna yung kurso na kukunin mo," wika ni Papa

Tumingin ako sa kanya at dahan-dahang tumango. "Opo, alam ko naman po yun."

Uminom ako ng tubig para mahimasmasan. "Pero nag UP din po si Ate diba?"

I don't know why I suddenly brought that up. Maybe because if she can study in one of the most famous schools, I can too.

"Oo dahil magdodoctor Ate mo nun at isa sa UP na kilala sa kurso niya," tugon ni Papa

"Tsaka anak. Mahirap ang pinagdaanan ng Ate mo dahil malayo ang Manila. Nagcocommute lang siya papunta at pauwi. Hindi namin afford na magdorm siya dahil hindi sapat ang pera na kinikita namin. Nag-aalala lang din kami sa'yo," tumingin namana ko kay Mama sa sinabi niya.

"Naiintindihan ko po," sabi ko at tipid na ngumiti

Binalik ko nalang ang atensiyon sa pagkain.

"Pero kung gusto mo, wala namang masama kung magentrance exam ka sa UP," nabuhayan ako sa sinabi ni Papa

"Oo payag din naman ako kung gusto niya talaga sa UP, pero inaalala ko lang kasi baka

"I'll pay for her dorm Ma," biglang sabi ni Ate

Tumingin kaming lahat sa kanya. Unti-unting umawang ang labi ko sa sinabi niya.

"Alessandra," si Mama

Ngumiti si Ate kay Mama at nagtama naman ang mga mata namin.

"If Talliah really wants to study there then so be it. Besides, maganda naman ang UP as far as I can remember," she chuckled

"Sigurado ka ba diyan anak?" tanong ni Papa

Bahagyang kumunot ang noo ni Ate. "Of course Pa, for my little sister."

Mukhang hindi padin sila nakumbinsi. "Anak, kung mag-aaral ka sa Manila ay ibang iba iyon dito. Mas marami kang makikilala at makakasalamuha. Iba't ibang tao kaya ang payo ko ay piliin mo ng mabuti ang kakaibiganin mo. Delikado din kapag nagkataon."

"Pa, you're overthinking things. I'm sure Talliah can handle it. Kaya nga magdorm nalang siya kung inaalala niyo yung safety niya kapag uuwi," sambit ni Ate

"Eh syempre nag-aalala lang kami. Mahinhin at tahimik itong si Talliah kaya dapat magdoble ingat siya," dagdag ni Papa

"Kakayanin ko naman po," I said

"Pero kung 'yan talaga ang gusto mo edi sige, basta pagbutihin mo lang ang pag-aaral."

Tumingin ako kay Mama at ngumiti. Hindi ko aakalain na mapapapayag ko sila especially si Papa. I know they're just protective of me dahil ako ang bunsong anak. Babae pa ako, kaya naiintindihan ko din naman sila.

"Besides, I want to give something to Lia before I leave," dagdag ni Ate

I looked at her and she gave me a small smile. My heart was very flattered by her offer. I really didn't expect that she'd pay for my dorm. Maybe perks of being the last born. 

Hindi naman ako naging spoiled sa kanila dahil hindi naman ako tulad ng iba na laging may hinihinging malaking bagay. Hindi din ako mamateryal na tao. Kung ano ang ibigay sa'kin ay kontento na ako dun.

On the other note, I almost forgot that she's actually leaving a few months from now. I hope I don't miss her too much but right now, thinking about it makes me miss her more. I just pray that she can adapt and adjust to the new environment. Sana ay hindi siya gaanong mahirapan at magover work.

****

Kinabukasan ay sinabi ko sa mga kaibigan ko ang balita.

"Talaga Talliah?! Oh my, parang gusto ko din magkaklase nalang tayo." 

"Huwag ka na, Lasallista ka na eh." si Kurt kay Inna

"Eh bakit ba? Sabi ko nga diba mag college entrance exam sa lahat para more chances of winning," sabat niya

Nagkwekwentuhan kami ngayon sa loob ng room pansamantala dahil wala pa ang teacher namin. Nakahalumbaba ako habag pinapakinggan ang usapan nila.

"Basta ako Ateneo nalang," sambit niya

"Akala ko ba La Salle ka din?" biglang sulpot ni Mark. 

Umupo naman siya sa tabi ni Kurt.

"Kapag hindi pinagpala," sagot niya

"Sus, huwag mo na ideny, halata naman eh." si Mark

"Sino ba mag UP sa'tin?" tanong ni Inna

"Ako!" biglang tinaas ni Mark ang kamay niya

"So ikaw, ako, at si Talliah." turo ni Inna sa'min

"Sama mo na ako," singit ni Kurt

"Hindi, wag ka na," si Mark at binaba ang kamay ni Kurt

"UST si Terrence diba?" tanong ni Inna at nakita ko siya sa likod ni Inna na papalapit sa'min.

Umupo siya sa tabi ni Inna. "What are you guys talking about?"

"College," I simply said

Sumandal naman siya sa upuan at tumango.

"Si Francis ba saan?" tanong naman ni Kurt

"Sa Lyceum of the Philippines ako."

Lumingon kami sa nagsalita at nakita si Francis na bagong dating. May hawak pa siyang tubler at umupo naman sa tabi ni Mark.

"Ano 'yan?" tanong niya

"Kape, gusto mo?" wika ni Francis at tinapat ang tumbler kay Mark

Umiling naman si Mark at medyo lumayo sa kanya. "I don't drink coffee."

"Ako gusto ko," si Kurt at binigay naman ni Francis ang tumbler niya sa kanya. Uminom naman si Kurt doon.

"So nagstart na ba kayo magreview?" tanong ni Inna

Tumingin ako sa mga kasama ko at wala ni isa sa kanila ang sumagot sa tanong ni Inna.

"I do," biglang sabi ni Terrence at tinaas pa ang kamay.

"Huwag ka na, matalino ka naman eh." si Kurt

Tumingin naman si Inna sa'min.

Umiling ako. "I still haven't. Kakapaalam ko lang eh."

I saw Mark leaned on his chair. "Basic lang UPCAT eh."

"Wow talino mo ah," tugon ni Inna

"Ano bang irereview? What subjects?" I asked

Umayos naman siya ng upo at nag-isip. "Hmm, apat na subjects lang eh. Language proficiency, Science, Math, and Reading comprehension. More on major subejcts."

"Yeah, I think ganun naman lahat." 

"Meron naman akong kaibigan na nakapasa, sa kanya ako magpapatulong," sambit ni Kurt

"Yeah ako din," wika ni Francis

I guess lahat sila pachill chill lang samantalang ako dito nagsisimula nang kabahan.

"Basta sabay tayo magtake Talliah," biglang sabi ni Inna

"Luh, akala ko ba sa La Salle ka na. Kami lang ni Talliah sa UP eh." hirit ni Mark

Inirapan naman siya ni Inna at humalukipkip. "Ikaw lang ba may karapatan ha?"

"Sabi ko nga tayong tatlo eh," si Mark sabay kamot sa ulo

"Sana makapasa," I said

Tinapik naman ako ni Mark sa braso. "Kaya yan! Soon to be iska and isko!"

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Basta ako magpapatulong kay Kuya Keith. Matalino yun e," kampanteng sabi ni Mark

"Wow close kayo?" si Kurt

"Oo bakit?!"

"Akala ko ba basic lang?"

"Oo nga din.."

"Keith? As in Keith Sanchez?" I asked

"Who else? Oo siya. Yung naging schoolmate natin."

"Paano kayo naging close e, ang layo ng gap natin sa kanya pati si Ate Fey," sabi ni Inna

"Sabi ko nga. Close ko lahat!" inis niyang sagot

Inna looked at him suspiciously. "I don't believe you. Assuming ka lang."

"Bitter ka lang kasi naging crush mo si Kuya Keith noon pero nireject ka," sabi ni Mark sabay tawa

"Bwisit ka talaga!" Inna was about to throw hands at him but I immediately calmed her down

"By the way, sa UP ba si Kuya Keith?" I asked

"Ang alam ko oo. Law din kinuha," he replied

"And you seriously think he'd help you?" hirit ni Inna

Before Mark say anything else, Terrence already broke their conversation.

"Basta guys, sana lahat tayo makapasa!"

Bigla akong ginanahan sa sinabi niya. 

Kung kaya nila, ay kaya ko din.

****

Simula nun ay nagsimula na akong mag-aral. Isang buwan nalang ay malapit na akong mag take ng UPCAT. I should have prepared earlier but I didn't know that I'd be studying there.

It was hard balancing my studies and all. Bihira nalang din ako magsocial media dahil wala akong ginawa kundi mag-aral. I must double the amount of effort I put in considering I'm not familiar with all of the lessons on the subjects.

Good thing my sister lend me her reviewers as well as her old books. Marami doong advance lessons na hindi ko pa naaral. I'm a slow learner that's why I find it challenging. Hindi ko naman alam kung alin ba ang irereview basta basa nalang ako.

May mga terms na hindi ako pamiliar at bago pa lang sa'kin. Lahat ay major subjects kaya mas mahirap.

Meanwhile, while studying I heard my phone vibrated.

Umilaw ang screen at nakita ko ang mensahe galing kay Mark.

Mark:

Nag-aaral ka?

Nagtipa ako ng sasabihin.

Yup. Ikaw?

Agad naman siyang nagreply.

Tapos na hehe. Stock knowledge lang yan!

I sighed and typed again.

Ok, goodluck!

Pinatay ko na ang phone ko at nagsimula ulit mag-aral.

Math na ang inaaral ko kaya medyo natagalan ako dito. I tried to focus on this subject more because it's one of my weakness.

Kumakain ako ng mani habang nagbabasa at nagsasagot ng mga formulas.

"I think I need a bucket of nuts to feed my brain."

Tumingin ako sa mga nagkakalat na reviewers ko at napabuntong hininga nalang ako. Sumandal ako sa upuan at pumikit.

Hindi ko namalayan ang oras kaya tuluyan na akong nakatulog sa study table ko.

Kinabukasan ay habang naglalakad sa hallway ay hawak-hawak ko ang reviewer ko. Kagat ko ang isang sneakers bar habang nagbabasa.

Nagulat ako noong may bumangga sa'kin at agad na nahulog ang libro na hawak ko.

Good thing my sneakers bar is still on my mouth. I removed the plastic and eat the remaining half.

Ngayon ko lang napansin na si Mark pala ang nakabangga ko.

"Seryoso ka Talliah? Sa hallway ka talaga nag-aaral habang naglalakad? Ibang klase."

Kinuha niya naman ang libro at tinignan iyon.

"What's this? Parang pangcollege yung Math na ito ah," he said while scanning through the pages.

Kinuha ko naman iyon sa kanya. He looked at me and placed his hands on his pockets.

"Bakit? Nagadvance study ako."

"Para sa UPCAT?" he asked

Kumunot naman ang noo ko. "Oo malamang. Saan ba pa?"

"With that thick book of yours? Mukhang luma na ah," he said

"What do you need exactly? I'm busy so I don't have time to talk to you," sambit ko at binuksan ulit ang libro.

"Hay Talliah. It's useless," he said

My brow shot up and looked at him. Nagulat ako noong bigla niyang kinuha sa'kin ang libro.

"Give it back! Nag-aaral ako eh," reklamo ko pero nilagay niya lang iyon sa likod niya.

"This won't help you. Ang kapal kapal nito oh, baka di ka makapag-aral sa ibang subjects."

"What's your point exactly?" I asked

He sighed and clicked his tongue. "My point is, you don't need to read this thick book. Ilang subjects na ba naaral mo?"

Umiwas ako ng tingin at nag-isip. Simula kagabi ay puro math lang ang inaaral ko, hanggang ngayon.

"Isa palang," I muttered.

"Ha?! So simula kagabi Math lang inaral mo?" he blurted

Tumango naman ako. "Bakit ba? Eh isa sa weakness ko ang Math eh. Ikaw ba?"

"I have my own schedule when to study. Hindi ako nag-aaral twenty four seven."

I rolled my eyes and sighed. "Then what are you implying?"

"Want to know some tips?" he said and wiggled his eyebrows

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Tips? Ang pagkakaalam ko hindi ka pa naman nageexam."

"Study tips kasi," he firmly said

"Pero natutunan ko lang yun sa kakilala kong nag UPCAT din na pumasa syempre," he added

"So ano nga yun?" tanong ko at umayos ng tayo.

He eyed me suspiciously. "Uy, interisado din."

Umiling nalang ako at akmang lalagpasan siya pero agad niya akong napigilan.

"Joke lang, tsaka gusto ko din ito ishare sa'yo. Tulong tulong tayo diba? Kapwa future iska," he said

"So ano? Nais mo bang malaman ang aking sikreto?" dagdag niya

Humarap naman ako sa kanya. "Pag ako hindi nakapasa, ikaw sisisihin ko."

"Huwag kang mag-alala. Proven and tested na 'to and besides, I already shared some of it to Inna. You can also talk to her about it."

"Puwede bang sa kakilala mo nalang ako magpaturo?" I asked

Nagakto naman siyang nasaktan sa sinabi ko. Hinawakan pa niya ang kanyang dibdib. "Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Tsaka ano ka, hindi naman ako tinuruan nun. Nagbigay lang din ng tips sa'kin. Share your blessings kumbaga. Parang exam lang, exchange ng answers," dagdag niya

I don't know if he's making sense or what. Hindi nagtagal ay pumayag nadin ako. Kung sana ay sinabi niya sa una palang na sinabi niya kay Inna ang natutunan niya edi sana kay Inna nalang din ako nagtanong.

But Mark is persistent. I know he really wanted to help me.

****

Dumiretso muna kami sa field at umupo sa mga bleachers. May nakatambay din bukod sa'min dahil maaga pa naman at hindi pa oras ng klase.

"So what are the tips?" panimula ko.

"Unang una, ang sabi sa'kin ay madali lang ipasa ang UPCAT kung..."

"Kung?" I asked

"Kung nakinig ka sa teacher mo nung highschool."

Napakurapkurap ako sa sinabi niya.

"And?"

Umayos siya ng upo at pinagmasdan ang field.

"Kagaya nga ng sabi ko. Apat na subjects lang at mga basic lessons lang din kagaya ng mga lessons natin ngayon sa highschool. Ang sabi niya kapag namaster mo naman daw lahat eh madali nalang para sa'yo," paliwanag niya at tumingin sa'kin

"So you mean, parang stock knowledge lang ganun?" I asked

Tumango tango naman siya. "Oo kung yun ay may knowledge nga bang nastuck sa utak mo," he chuckled

Naghalumbaba naman ako at bumuntong hininga. Hindi ko na masyadong alam ang naaral ko noon. Kapag kasi nag exam kami ay sa susunod na araw ay nakakalimutan ko ang inaral ko.

"Eto seryoso nga. Hindi naman daw kagaya ng sinasabi ng iba na puro advance lessons yung content ng exam. More on pag-aralan mo talaga lessons noong highschool. Akala ko din noong una mahirap pero salamat sa tulong ng kaibigan ko."

"What else?" I asked

Umiwas siya ng tingin at nag-isip. "Ah yun pa pala, dapat din daw mataas grades mo sa highschool dahil yun din ang basehen ng UP o yung tinatawag nilang UPG, University Predicted Grade. Kung saan sixty percent nun ay yung UPCAT exam mo at yung forty percent ay yung grades mo sa highschool, kaya malaking bagay din siya."

I nodded while listening to him. So that how it works huh? Aral ako ng aral ng advance lessons and even lessons for colleges eh ang kailangan naman pala ay yung pinag-aralan mo sa junior highschool.

Napapikit nalang ako at bumuntong hininga. I feel like I already wasted a day.

"So how do you study then?" I said after a long silence

"Hinahati ko yung oras ko. Hindi ako araw araw nag-aaral. Time management lang talaga at kailangan may strategy ka," he said

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya.

"Like for example ngayong araw. Magbabasa ako ng notes for thirty minutes or one hour then after I would rest. Hindi naman siya mahirap kasi pamiliar na ako sa mga lessons natin dati. Talagang aralin mo siya ng paulit-ulit hanggang bumalik sa'yo lahat," dagdag niya

"Okay, I get it." sambit ko

Tumingin naman siya sa'kin at tipid na ngumiti. "Don't stress yourself too much. Easyhan mo lang."

"Sana lahat diba confident," I commented

Mahina naman siyang tumawa. "Syempre, I'm already claiming that I can pass the UPCAT so you should claim it too," sabi niya ng punong-puno ng determinasyon.

"Tss, ayoko naman umasa noh," sambit ko at umiwas ng tingin.

"Hay, mali 'yan kapatid. Eto bigyan kita positive energy," he said

Tumingin ako sa kanya at nagulat ako noong hinawakan niya ang ulo ko. Pumikit siya at bahagyang kumunot ang noo.

"Hoy, ano bang ginagawa mo?" I said

"Huwag kang maingay, baka di ka nila lapitan," sabi niya habang nakapikit padin.

"Ewan ko sa'yo!" I said and removed his hands on my head.

Inayos ko ang buhok ko dahil medyo nagulo iyon.

"Tara na nga, baka late na tayo." He said with a smile on his lips.

Sabay na kaming tumayo dalawa at bumalik sa campus.

****

Like what Mark said, I changed my routine. Nagschedule ako ng mga oras kung saan doon lang ako mag-aaral.

I wasn't used to it at first but I mist admit that it helped me a lot. I wasn't stressed as before in fact, I became more relaxed. Para bang normal lang na araw kung saan nag-aaral ako sa upcoming exams namin.

Buti nalang ay masipag ako magtake ng notes. Nahanap ko din ang mga luma kong notebooks na may mga lessons namin noon. Lahat yun ay hindi na pamiliar sa'kin. Madali lang siya pero sa ibang subjects ay mahirap.

Nevertheless, I have found my own pace. Effective naman yung tinuro sa'kin ni Mark dahil nakakapag-aral naman ako ng maayos at hindi ko din napapabayaan ang mga schoolworks ko sa mismong school. I learned how to manage my time wisely. Ngayon lang din ako nagsipag ng ganito kumpara noong first year ko.

I already passed my application for UPCAT while in the middle of studying. Dalang araw akong naghintay para sa confirmation nila.

Noong papalapit na ang exams ay hindi na ako masyadong nag-aral. Sabi din sa'kin ni Inna at ni Mark na magrelax nalang daw ako para hindi makalimutan ang inaral.

I did what they said pero andun padin yung kaba. It's nerve wracking but I tried my best to remain calm. Once in a lifetime experience din yun kaya hindi ko yun palalampasin.

Dumaan ang isang buwan hanggang sa dumating na ang araw kung saan magtatake na kami ng UPCAT.

Kasama ko ngayon si Inna at si Mark. Buti nalang ay hinatid kami ng Papa ni Inna sa UP Diliman, kung hindi ay hindi din ako papayagan na magcommute. Besides, mas nakatipid din kami ng pamasahe at hindi sayang sa oras. Kung nagcommute kami ay baka late kami ngayon.

It is my first time in UP and I already liked it here. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko na ito ang magiging pangalawa kong tahanan.

The place where I can call, home.

Dito sa UP Diliman ang test center namin dahil ito lang ang pinakamalapit sa'min. Buti nalang ang hindi kami nagkahiwalay-hiwalay ng testing center kagaya ng iba. I'm thankful because of that.

Pagdating palang namin ay sobrang daming tao. I was overwhelmed by the amount of people on the venue. Hindi nadin ako nagulat dahil base noon ay mahigit one hundred forty thousand applicants and only ninety thousand lang ang nagexam. Thirteen percent or eleven thousand were qualified for admission.

Biruin mo yun, sa sobrang daming applicants ay napabilang ako sa naging qualified. That's why the I became more eager and driven to do my best. I won't let this big opportunity go to waste. Hindi man ako sobrang confident na makakapasa ako pero gagawin ko ang makakaya ko.

I wanted my family to be proud of me as well to prove myself that I can be someone that has what it takes. Ayoko din masayang lahat ng pinaghirapan ko at ayoko ding madisappoint ang sarili ko.

I know I have a lot of competitors and I'm sure they also want this as much as I do. Lahat naman kami ay gustong pumasa, gustong makapag-aral sa UP. Ang iba ay dream school pa ito. Imagining myself as a student in UP already excites me. Sa huli ay nanalig ako sa Diyos na sana ay makapasa ako.

"Ready na ba kayo?" Mark said

"Shit! Kanina naman hindi ako kinakabahan eh. Bakit biglang ganito?!" Si Inna na siyang may hawak ng payong.

"Puwede bang umihi muna?" dagdag niya at nakita ko ang pamimilipit niya.

"Bakit hindi ka pa umihi kanina sa bahay niyo? Alam mo namang, tsk. Tiisin mo muna 'yan hanggang sa matapos exam. Baka malate pa tayo eh, delikado na." si Mark

Hindi naman siya nakasagot at umayos nalang ng tayo. She moved closer to me and clinged her arms over mine.

Mukhang siya ay nagulat din sa dami ng estudyante.

"Kaya natin 'to okay? Nag-aral naman kayo diba?" tanong ni Mark.

Hindi ko alam kung pinagpapawisan ba ako dahil sa tirik ng araw o dahil sa kaba. I can feel my heart beating inside my chest. Kung sa recitation nga eh kabang kaba na ako, paano pa kaya ngayon? Naging ten times ang kaba.

Alam kong hindi maganda ang maidudulot no'n dahil baka mamental block ako pero hindi ko mapigilan.

Uminom ako ng tubig sa baon kong bottled water.

"Oo malamang!" bulyaw ni Inna

"Oh edi lakasan niyo nalang pananalig niyo. Pinagdasal ko kaya kayo," he said

"Ako din naman eh," pabulong na sabi ni Inna.

"Si Lord na bahala sa'tin," dagdag ni Mark.

I closed my eyes and did a short prayer. Unti-unti kong inangat ang tingin sa kanila at agad namang nagtama ang mga mata namin.

Tumango kami sa isa't isa. Binalik ko ang tingin sa harap at huminga ng malalim.

UP here I come.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top