13

#CAC13

The next day is another normal day. Maslalo lang naging busy ang lahat dahil sa mga tambak na schoolworks na binigay sa'min. Wala nadin akong naririnig na mga issue tungkol sa'min. Siguro ay nagsawa nadin sila. Alam ko namang lilipas din ang lahat dahil makakalimutan din ng karamihan.

Tahimik akong kumakain sa cafeteria kasama ang mga kaklase ko. The whole squad is here. Katapat ko si Inna at katabi naman niya si Cheska. Medyo malayo ang boys sa'min. Magkakatabi sina Kurt, Terrence, at Mark. Maging sila ay tahimik din.

I felt awkward around them. Mukhang hindi padin nagkakaayos ang lahat.

It's just too quiet. The silence is deafening.

Hindi ako sanay ng ganito. May namumuong tension sa amin. Magkakasama kami pero parang may sariling mundo. It's like we have walls separating us from each other. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin.

I don't know how to start a topic or to lighten up the mood.

Mark is usually the one who does that but it seems like he's not in the mood too.

Bigla ko tuloy naalala ang huli niyang sinabi sa'kin kahapon.

"Kurt, can you pass me the ketchup please."

Lahat kami ay tumingin kay Inna. Tumigil ako sa pag kain at ganun din sila.

Kumakain siya ngayon ng burger na binili niya sa cafeteria. Tumingin siya sa'min at bahagyang kumunot ang kanyang noo.

"What?" she said while chewing

Tumingin naman ako kay Kurt at nakita kong nakatingin siya kay Inna. Sinikuan naman siya ni Terrence at sinenyasan.

"Ketchup daw, hindi mo ba narinig?" si Mark habang kumakain din.

Natauhan naman si Kurt at inabot kay Terrence ang ketchup. Since malayo siya kay Inna ay pinagpasahan nalang namin.

Binigay ni Terrence kay Cheska at binigay naman niya iyon kay Inna.

"Thanks," sambit ni Inna atsaka nilagyan ang burger ng ketchup.

Tumingin ako sa boys at nakita kong nagbubulungan si Terrence at Kurt. Meanwhile, Mark is just casually eating there minding his own business. He's completely oblivious of the situation right now.

I don't know if he knows what happened yesterday when he left or maybe Kurt nor Terrence didn't mentiom anything to him.

Nagtama ang mga mata namin ni Kurt at agad ko siyang sinenyasan. Ngumuso ako kay Inna at umiwas naman siya ng tingin.

This is the perfect time to apologize again to her. Mukhang nakamove on naman na si Inna sa nangyari. She doesn't seem awkward or affected by their presence. She's in fact looks normal. Wala naman akong nakikitang pagiilang sa kaniya.

"Kung magbubulungan nga kayo, huwag sa harap ng pagkain ko. Respeto naman mga pre," si Mark at umusog ng konti sa kanila.

I guess Mark is back to his old self again.

Hindi naman siya pinansin ng dalawa at nakita ko nalang na pasimple silang tumingin kay Inna.

Ano? Hanggang tingin nalang ba talaga? Anong balak mo Kurt? Akala ko ba gusto mo nang mapatawad ka ni Inna.

I really don't know what's stopping them. Based on their actions, it's not like Inna will eat them alive. She's not even intimidating at all.

I saw from my peripheral vision that Kurt and Terrence exchanged seats. Katabi na ngayon ni Kurt si Cheska na ngayon ay mas malapit na kay Inna.

Tumingin naman si Cheska sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Umiling nalang ito at pinagpatuloy ang pag kain.

"Uhm, Inna. Gusto ko ulit mag sorry dun sa nangyari. Hindi ko talaga sinasadya-

"No it's okay. Maybe you're right. Maybe I'm such a self centered person who's selfish and thinks highly about herself."

Umawang ang labi ko sa sinabi ni Inna. Muling tinikom ni Kurt ang bibig niya. Napasapo naman sa noo si Terrence.

"Am I missing something?" biglang singit ni Cheska habang pabalik balik ang tingin sa katabi na sina Kurt at Inna.

I looked at Inna and she just took a big bite on her burger. Pinunasan niya ang gilid ng labi niya at tumingin sa'min na may halong pagtataka.

"What? I already accepted that. Buong linggo ba naman akong pinagchichismisan eh," she smiled bitterly.

"Inna..." I said

Binaba niya ang kaniyang burger sa lamesa at pinagpagan ang kamay.

"Oh! Don't take it the wrong way guys. I just realized that maybe I am but don't worry, I'm over it. I'm not like those girls that became overdramatic just because his boyfriend left her or something, not because Kurt is my boyfriend or anything. It's just that, I'm tired of the drama. Ang liit na bagay ginagawa pang big deal," dagdag niya.

Nakatingin lang kami sa kaniya pagkabi niya nun. She only gave us a small smile.

"Okay what the hell is going on?!" si Cheska.

"Inna, you don't have to-" sambit ko pero agad niya akong pinutol.

"Guys, seriously I'm okay. Ano ba kayo? Masyado kayong ano," she chuckled.

Ilang sandali ay humarap siya kay Kurt.

"And Kurt," agad na nag angat ng tingin si Kurt sa kaniya.

"I forgive you and...sorry if I didn't forgive you right away. Sorry for slapping you in the face or if I went overboard. I'm sorry if for the mean things that I said. It's fine, let's just forget about it." si Inna

Umawang naman ang labi ni Kurt habang titig na titig kay Inna.

"You know what? I'm out. Labas na ako diyan," si Cheska atsaka tumayo.

Sinundan ko siya ng tingin pero hindi nagtagal ay binalik ang tingin kina Kurt at Inna.

"So, friends?" si Inna and offered her hand to Kurt.

Tumingin si Kurt sa kamay niya at pabalik kay Inna. She gave him a small smile.

"Ano, ano kasi. Ako naman talaga yung may kasalanan. Sorry din sa mga sinabi ko at sa lahat. I was just-

"Okay stop. I get it, I get it. Pag hindi ka pa tumigil diyan, hindi kita papatawarin sige," sambit ni Inna.

Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa labi ni Kurt. Hinawakan naman siya sa balikat ni Terrence.

"Ano? Wala kang balak makipagkamayan? Nangangalay na ako dito oh!" si Inna.

Natauhan naman si Kurt at bago niya tanggapin ang kamay ni Inna ay pinunasan muna niya ang kamay sa kaniyang pantalon. He then gladly took her hand and shook it.

Binitawan naman ni Inna ang kamay ni Kurt atsaka humarap sa'kin.

"Yes naman! Bati na sila! Let's celebrate guys," sambit ni Terrence.

"Tsk parang bata naman," si Kurt na kanina pa hindi maalis ang ngiti sa labi.

"You know there's one thing I realized and that is, hindi na tayo bata. We're grown ups. Oo nasaktan ako sa sinabi ni Kurt pero hindi ko sasayangin ang ilang taon naming pagsasamahan para lang dun. And not only him, to you guys as well."

Lahat kami ay nakikinig lang sa kaniya.

I can't help but to admire her. She's so mature handling the situation. Ang gaan niya din kasama, para bang madali siyang pakisamahan. Sa una lang ay akala mo masungit pero kapag nakilala mo na siya ay sobrang bait. She doesn't deserve the hate. She has a pure heart and soul. I don't know why she keeps telling herself the opposite.

"I believe we deserve a second chance, and besides I know Kurt is a nice guy. Tinulungan niya pa nga ako sa project namin noon sa Student Council eh," she chuckled.

"Huy, baka matunaw na dito si Kurt! Kanina pa nakangising aso si loko!" si Terrence.

"Ano ba, hindi lang naman kasi si Kurt. Ginegeneralize ko na nga eh. Huling taon na natin magkakasama, magdadramahan pa ba tayo? Akala ko tapos na tayo sa phase nayun nung first year pa," sambit niya.

"That is true," sabi ni Terrence sabay tawa.

"Akala ko nga eh, magrerequest si Kurt ng open forum," mas lalong lumakas ang tawa niya.

Matalim naman na tumingin si Kurt sa kaniya.

"Ang cringe! Ano? Tapos mag iiyakan dahil nakipagplastikan? Tapos sa huli kunwari bati pero di naman. Tumigil ka na nga Terrence!" sambit ni Inna at mahina ding tumawa.

"So bati na tayong lahat!" Terrence cheered.

"Huy Mark, kanina ka nakain diyan. Sumama ka nga dito sa'min."

Tumingin ako kay Mark na kanina pa tahimik lang. Uminom siya ng tubig at tumingin sa'min.

"Eh bakit? Hindi naman ako makarelate sa topic ninyo! OP tuloy ako," sambit niya.

"Eto naman, kailangan pa talaga suyuin." si Terrence at nilapitan si Mark.

I guess everything's back to normal. Masaya ako dahil nagkaayos nadin sila.

Hindi ko kailanman ginusto ang nangyari pero kung di dahil doon ay hindi ko sila lubusang makikilala.

Because of that, I get to know them more, who they really are in a deeper level. I haven't seen this side of them. I have seen their flaws and their negative emotions. Nevertheless, what surpised me the most is how they handled the situation.

They accepeted their faults and they leraned to forgive. Hindi sila nagtaasan ng pride. They didn't let it rule their emotions, instead they valued their frienship.

Sa tingin ko ay iyon din ang dahilan kung bakit mas tumibay ang frienship namin sa isa't isa.

Even if I only have a small circle of friends, I'm very lucky to be surrounded by them whom I can learn from.

I'm grateful to witness us grow maturely as years go by. I'm already feeling emotional by the thought of graduating and going our separate ways.

Nonetheless, I will cherish every moment together with them.

Ilang sandali ay bigla na lamang sumulpot si Francis at hingal na hingal.

"Oh san ka naman galing?" si Mark.

Hindi agad siya nakasagot at hinabol ang hininga. Umupo siya sa tabi ko at nilapag ang isang paper bag.

"Bumili ng pagkain," tipid niyang sagot.

"Traffic ba sa canteen?" he sarcastically said.

Umiling naman si Francis. "Hindi ko ito binili sa canteen. Pumunta pa akong Jollibee."

Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya.

"Ha?! Paano? Kailan? Buti pinayagan ka," sunod sunod naming sabi.

"Oo may malapit naman diyan. Yun nga lang, tumakbo pa ako. Kaya eto kadadating ko lang."

Nilabas naman niya ang pagkain at binuksan ang iyon. Isang one piece chicken ang laman na may kanin at spaghetti. Mayroon ding ulam na burger steak at fries. Nilabas din niya ang coke atsaka tinusok ang straw doon.

"Eh bakit hindi ka nalang dun kumain? Malapit na matapos break time oh," si Kurt.

"Hindi ako pinayagan eh. Pinayagan na nga ako umorder tapos doon pa ako kakain?" sambit niya at nagsimulang kumain.

"Hello? Puwede namang magpa-grab." si Inna

Tumigil naman siya sa pag kain at tumingin kay Inna. Nilunok niya ang kinakain at uminom ng coke.

"Oh ano? Pakahirap ka pa ah, pwede naman kasing magpadeliver nalang." wika ni Mark.

"Eh hindi ko naisip eh!" sagot ni Francis sabay kamot ng ulo.

Ngumiti lang ako sa kaniya at tinapik ang likod niya.

"Hay nako, tulungan ka na namin diyan. Malapit na matapos break time, sayang naman kung hindi mauubos." si Kurt sabay kuha ng spaghetti na nasa maliit na kahon.

"Oo nga, hindi na masarap ang fries kapag tumagal." kinuha naman ni Mark ang fries.

"Huy, magtira naman kayo." sabi ko

"Ang kapal niyo naman. Kakakain niyo lang diba?" si Inna

"Hindi okay lang, sapat na ito sa'kin." sabi naman ni Francis.

"Sure ka?" tanong ko.

Tumango naman siya at ngumiti.

"Ay guys, kailan kayo mag college entrance exam? May sched na sa UPCAT at USTET ah," sambit niya

"Ha?! Talaga? Kailan?" sabay sabay nilang tanong.

Kumunot naman ang noo ni Francis. "Nung isang araw pa kaya, nagsimula na nga magreview yung iba."

"Shit! I totally forgot about that," si Inna at bumuntong hininga.

"Ako din eh, pero alam ko namang hindi ako papasa." si Kurt at mahinang tumawa.

Nag high five naman sila ni Mark.

"Saan pala kayo magcocollege? May dream school ba kayo?" tanong ni Terrence.

"Sa La Salle siguro ako," si Inna

"Ako, baka La Salle din." sagot naman ni Kurt

"Sus purket doon din si Inna," asar ni Mark

"Syempre dapat kung saan din kilala yung course mo. Ako gusto ko maging iskolar ng bayan! Kaya UP Manila, abangan niyo ko," si Mark.

"Kung makakapasa," hirit ni Kurt

"How about you Terrence?" I asked.

"Hmmm. Maybe UST since engineering kukunin ko," sagot niya

"Ikaw ba?" tanong niya

Nakita kong tumingin naman sila lahat sa'kin.

"Di pa sigurado eh tsaka malabo na mag-aral ako sa Manila," sagot ko

"Bakit naman?" tanong ni Kurt

"Ayaw kasi lumayo pa ako nila Mama eh. Sila naman magbabayad kaya no choice ako," sambit ko

The mood suddenly changed. Tumango tango lang sila.

"Pero gusto mo?" biglang tanong ni Mark.

Hindi agad ako nakasagot. Tumungo lang ako at unti-unting tumango.

Sabi ko nung una ay ayos lang sa'kin na kahit hindi ako mag kolehiyo sa mga sikat na schools kagaya sa Manila, but deep inside I wanted it too.

I can also imagine myself studying at my dream school but is it possible?

"Try mo lang din sabihin sa parents mo, malay mo mag bago isip nila. Sayang din naman, malay mo maging magkaklase pa tayo oh." si Mark

Tumango naman ako at tipid na ngumiti.

"Ay taas ng confidence ah, kala mo naman talaga makakapasa sa CETS," tugon ni Kurt sabay akbay kay Mark.

"Syempre, advance ako mag-isip." si Mark sabay turo sa kaniyang sentido.

"I think it's better to take all CETS para more chances of winning. Magtake din ako sa ibang schools kung sakaling hindi makapasa sa La Salle," sambit ni Inna.

"Isa kang alamat!" si Mark sabay turo kay Inna.

"Eh paano kung hindi napasa lahat?" si Kurt sabay tawa.

"Apaka bobo mo naman nun," sagot naman ni Mark.

"Wow ang talino mo ah!"

"Syempre, ako pa." Mark confidently said.

Ilang sandali ay tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang lunch time. Nagsitayuan na kami at niligpit ang mga gamit. Sabay- sabay na kaming bumalik sa room.

Hanggang ngayon ay hindi padin mawala sa isip ko ang pinag-usapan kanina hanggang sa makarating nalang ako sa bahay.

Nadatdan ko ang magulang ko sa living room na agad ko namang binati.

"I'm home," I said

"Kamusta school?" tanong ni Mama

"Just another normal day," I said and have her a small smile.

Nilapag ko na ang gamit ko at dumiretso sa taas. Pumunta ako sa kwarto ko at nilock ang pinto.

Humiga ako sa kama at bumuntong hininga. Pumikit ako at inaalala ang pinagusapan namin kanina.

Ngayon lang sa'kin nag-sink in na college na pala ako next year. Parang kailan lang kakatungtong ko lang ng highschool tapos ngayon graduating na ako.

Soon, everything will change. I'll meet new people, get to live in a new environment, new system, panibagong adjustment sa'kin.

I suddenly thought of my future. I wonder if I will be successful?

My thoughts are starting to get wild again that leads me to overthinking.

It excites me thinking about it but at the same time, it also scares me.

I will soon take my college entrance exams. Naalala ko bigla ang sinabi sa'kin ni Mark.

Kapag ba sinabi ko sa parents ko na gusto ko mag-aral sa Manila ay paoayagan ba nila ako? Can they support me? I doubt.

But Ate graduated from UP. They supported her, so I think they can do it to me too.

Kinuha ko ang phone ko sa tabi ng kama at sinearch ang college entrance exams.

Lumabas doon ang UP at UST kasama ang schedules. It's around october, so malapit na pala. Kailangan ko na pala mag-aral.

Kinagat ko ang labi ko habang nagsscroll. Nadaanan ko ang results last year at nakita kong buwan ng March nirelease ang results.

Pinatay ko ang phone ko at humiga ulit sa kama.

Biglang bumalik sa'kin lahat. Naalala ko na pinagusapan din namin yun noong family gathering. I remember how my cousins get to study at their dream school.

I also felt the pressure of my friends. I was insecure because they already know what they want to be in the future. They all get to study in their dream school. Is this what they call peer pressure?

Minsan tinatanatanong ko din sa sarili ko na bakit ang dali lang sa kanila? How come they already know what theu want to be in the future? How come they already have everything planned? I envy those people who already know what their passion. Alam na nila kung ano ang gusto nila bata pa lang.

I can feel it whenever I'm with them. We get to talk about our future plans and goals in life. I sometimes feel out of place because I was the only one who doesn't know what I want to be yet.

Here I am struggling to choose the right path for me. I'm afraid that I might fail. What if I choose the wrong way? What if it's not for me? What if at the end of the road, I find myself lost in the desert.

Nakakapagod maging mediocre, wala kang ibang magawa kundi lumugar sa gilid at panoorin yung iba na lumipad effortlessly. Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito lang ako. I honestly, hate myself.

Mababaliw na ako kakaisip dito. Bumangon ako mula sa kama. I sighed in frustration and brushed my hair using my fingers.

I need to get these thoughts out of my head or else I might lose my mind.

Mabilis ako na nagbihis atsaka bumaba sa hagdan. Nadatnan ko sina Mama at Papa na nasa sala padin.

"Ma, punta lang ako sa bahay ni Sabrina."

Please say yes.

"Anong oras ka uuwi?" tanong ni Papa

"Bago po mag dinner," I said and bit my lip

Ilang sandali ay tumango naman sila. Ngumiti ako sa kanila at tuluyan ng lumabas ng bahay.

The sky is orange and the sun is seting. Since malapit lang naman ang bahay ni Sab ay nilakad ko nalang.

Nadaanan ko ang ilang bata na masayang naglalaro. After a few minutes of walking, I finally arrived at my friend's house.

Kumatok ako ng tatlong beses sa gate. Unti-unting bumukas iyon at tumambad sa'kin ang Mama ni Sabrina.

"Magandang hapon po, andiyan po ba si Sabrina?" I said.

"Oh Lia, ikaw pala 'yan. Si Sabrina ba kamo? Andito siya," sambit niya

"Pasok ka hija," nilakihan niya ang bukas ng gate at tuluyan naman akong pumasok.

"Salamat po," magalang kong sabi.

Nakita ko agad ang mga halaman na matagal ng inaalagan ni Tita Agnes. Madalas ako pumupunta sa bahay nila noong first year pa lang kami ni Sab pero ngayon nalang ako ulit nakabisita sa kanila.

"Ang tagal mo ng hindi nabisita dito ah."

"Oo nga po eh," nahihiya kong sabi.

Pumasok na kami sa kanilang bahay at kagaya ng inaasahan ay malinis iyon. May nagbago ng konti dahil sa placement ng furnitures at mas lumuwag din ang loob.

"Marami nadin kaming naibenta dito kaya baka nanibago ka."

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay at tumingin kay Tita. "Mas gumanda nga po."

"Teka lang ah, tawagin ko si Sabrina. Upo ka muna diyan."

Tumango ako at umupo sa sofa nila. Umakyat naman si Tita sa taas.

Napatingin ako sa maliit na picture frame sa side table. Tinignan ko iyon at ang litrato ay si Sabrina noong sanggol pa lamang siya. A small smile crept on my lips. I find her cute in the picture.

Ilang sandali ay narinig kong may pababa ng hagdan. Nakita ko si Tita at kasunod naman niya si Sabrina. Agad naman akong tumayo.

"Uy, Talliah. Andito ka pala," bati niya sa'kin.

I looked at her and she's wearing a plain shirt partnered with black cycling shorts.

"Yeah, I decided to visit you." I said

"Luh, wala naman akong sakit ah," kinurot naman siya ni Tita

"Eto ngayon na nga lang ulit bumisita si Lia eh."

Sinimangutan niya ang kaniyang Ina at lumapit sa'kin.

"Paghahanda ko muna kayo ng meryenda ah."

"Ahh sige po, salamat." sambit ko

Tumingin muna siya sa aming dalawa ni Sabrina bago tumalikod at dumiretso sa kusina.

"Tara sa rooftop?"

Ngumiti ako kay Sab at mabilis na tumango.

Nauna siyang naglakad at sumunod naman ako sa kaniya. Umakyat kami ng hagdan at ilang sandali ay nakarating din sa rooftop nila.

Sinalubong kami ng malakas na simoy ng hangin at pumikit ako upang damahin iyon. Inayos ko ang buhok na tumama sa buhok ko at naglakad lakad.

"Namiss ko pumunta dito," I said

"Yeah me too," she muttered

May malaki at mababaw na lamesa sa gitna na madalas naming inuupuan noon. Dumiretso kami sa gitna at umupo doon.

"May problema ba?" she asked

Hindi naman agad ako nakasagot.

"Purket pumunta lang ako dito may problema na agad? Hindi ba pwedeng namiss lang kita?" I faced her

Mahina siyang tumawa at umiling. "I know you, Lia."

She must have read me again. Yung totoo? Nababasa niya ba isip ko o sadyang halata lang sa mukha ko na problemado ako?

Well what's the point of pretending then.

I sighed. "It's not a big deal anyway."

"Ano ba kasi yun?" aniya

"Eh magdadrama nanaman ako eh," I said trying to light up the mood.

"Go, iiyak mo lang. Dapat pala kumuha ako ng tissue."

I laughed and shook my head. "Hindi naman ako iiyak. Parang baliw 'to."

"So why did you come here then?" she asked

Yumuko ako at bumuntong hininga. "What's your dream? Where do you see yourself in five years?"

"Ay kaloka tanong mo ah. Job interview ba ito?" sambit niya

Sabrina really knows how to break the moment.

"I'm serious! Kasi ako, hindi ko alam eh."

Binalot kami ng katahimikan. My eyes remained on the floor. I shiver by the cold wind that touched my skin.

"I haven't really thought about that yet but if you're going to ask me, I just want to be happy."

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa langit.

"Are you not?" I asked

"I'm just kidding. I just said that to my future self. Sana masaya siya after five years. Sana masaya siya sa trabaho niya. Sana masaya siya sa career na pinili niya. Basta yun," sambit niya

"I'm sure she will," I muttered

"Anyway, this is about you okay. So, tungkol doon sa sinabi mo na hindi mo alam kung?"

"Hindi ko alam kung may future pa ba ako," I answered

Mahina naman niya akong hinampas sa braso. "Ano ka? Lahat tayo may future. May plano si God sa ating lahat."

"I know that but I don't see His signs. College na tayo next year, it's our preparation for our chosen course. Still, I don't know what I want to do in the future. What career I'll take, what profession I want. I don't know yet!" I blurted

Hindi naman agad siya nakasagot at binalot ulit kami ng katahimikan.

"I don't know what advice can I give you but, don't rush things Talliah. Let yourself explore and find what you really want. Don't be too hard on yourself," she said after a few moments of silence.

I sighed. "I know but I feel pressured. I don't want to disappoint my parents. I don't want to fail. I don't want to disappoint the people who have trust in me, more importantly I don't want to disappoint myself."

I looked up at the sky. Nakita kong papalubong na ang araw at dumidilim nadin ang kalangitan.

"My classmates, my friends. They already know what they want but why is it hard for me? Bakit pagdating sa'kin parang ang hirap? Parang ang labo? I don't understand. I am so lost."

I feel pathetic. Ako lang sa pamilya ko ang ganito pati din sa mga kaklase ko. I'm the only one who's different and I hate it.

"Hey, don't compare yourself to them. Iba iba tayo ng pinagdadaanan. Life is not a race Talliah. Just focus on yourself okay? You'll find your way back."

"Talk to God instead, that's the best way. Hindi ka niya pababayaan," she added.

Unti-unti akong tumingin sa kaniya habang nanlalabo ang mata ko.

"Sana mabigyan niya na ako ng sagot," I chuckled.

Naramdaman kong pumatak ang luha sa mata ko, agad ko naman iyong pinunasan.

"Sorry, I didn't mean to." sambit ko at umiwas ng tingin dahil ayoko niya akong makitang umiiyak.

"Hanggang ngayon ba hindi ka padin nasanay? Hindi ko na nga mabilang sa daliri ko kung ilang beses ka na nagbreak down sa harap ko," she said

Para akong tanga dito dahil bigla nalang akong tumawa sa sinabi niya. Effective naman iyon dahil nawala agad ang lungkot sa dibdib ko.

"Thank you Sab. I'm really not asking for advice or anything. I just want to let everything out and you're the only person that I can talk to about these things."

I sighed and bit my lip.

"I just wanted someone to listen," I added.

"I'm a good listener," she said and I nodded.

Tumingin ako sa kaniya at parehas kaming ngumiti sa isa't isa.

Sometimes you just need someone to listen. Hindi ibig sabihin ay kailangan nila magbigay ng advice o comfort. Ang mahalaga ay yung taong willing makinig sa atin.

I felt relieved. The heavy burden in my chest vanished. My mind is clear and I feel like I can breathe normally again.

Nawala ang hinanakit sa puso ko. Hindi ko alam kung pansamantala lang itong nararamdaman ko o baka bukas bumalik ulit sa dati ang lahat pero gumaan ang loob ko kahit papaano dahil nailabas ko naman lahat ng gumugulo sa isip ko.

Even just for today, I just let everything out. My mind became calm after the chaos.

Like what they always say, it's only a bad day and not a bad life. Tomorrow will be different and the sun will shine once again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top