08

#CAC08

Nagising ako dahil narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko.

"Kain na, Talliah." boses ni Ate

Bumangon naman ako at kinusot ang aking mata. Tumingin ako sa bintana at napansin kong gabi na pala. Nakauniporme padin ako ngayon kaya tumayo na ako at mabilis na nagbihis ng pambahay.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan.

****

Sabay-sabay kaming kumakain ngayon sa dining area. Kaming apat lang ang nandito dahil nagpapahinga pa si Kuya galing trabaho.

Ilang sandali ay narinig kong tumikhim si Mama. "Ahh, anak. Tanong lang namin ng Papa mo kung kailan yung alis mo papuntang U.S."

Tumingin ako kay Ate na siyang huminto sa pag kain. "Matagal-tagal pa po. Mga two to three months from now. Madami po kasing proseso at kailangan ko pa pong asuyin yung mga dokumento ko."

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Ate. Tumango lamang si Mama at pinagpatuloy na ang pag kain.

"May nahanap ka na bang trabaho?" si Papa

"Hon, sigurado akong marami pang inaasikaso si Alessandra. Mahaba at matagal na proseso iyon. Alam mo naman yun," sabi ni Mama

Mahina namang tumawa si Papa. "Pasensiya na, masaya lang ako sa anak natin. Unti-unti niya ng naabot ang pangarap niya. Matagal mo nadin inaantay ang araw na makakapag-abroad ka diba?"

Dahang-dahang tumango si Ate at tipid na ngumiti. "Opo, gusto ko din po talaga magkaroon pa ng experience."

"Hindi lang yun. Ganito yun mga anak, mahirap ka kasing yumaman dito. Buti nalang nagdoctor ang Ate niyo dahil in demand yung trabaho niya, malaki din ang kita at ang Kuya mo rin, malaki ang sahod dahil lumalago na ang teknolohiya sa mundo," paliwanag ni Papa.

Ilang sandali ay tumingin siya sa'kin. "Kaya ikaw Talliah, isipin mo nadin kung ano ang kukunin mong course at ang magiging trabaho mo para kagaya ng Ate mo, makapag-abroad ka din sa future."

Bumagsak ang mata ko sa plato ko. Bumuntong hininga ako at uminom ng tubig.

Sana nga ganun nalang kadali ang lahat. Paano kung sabihin kong hindi ko pa alam? Paano kung hinahanap ko pa ang sarili ko? Paano kung wala talaga akong gusto? Imposible dahil lahat ay may kaniya kanyang interes pero ako, hinahanap ko padin hanggang ngayon.

****

"Out na si Talliah!" sigaw ng kaklase ko.

Bumalik ang diwa ko noong tumama ang bola sa katawan ko.

P.E. time ngayon at naglalaro kami ng dodge ball sa field. I'm not really good at sports 'cause I'm not athletic.

Tumingin ako sa maliit na bola sa sahig. Ilang sandali ay tumalikod na ako at dumiretso sa bench. Kinuha ko ang hydroflask ko at uminom doon. Pinunasan ko din ang pawis ng sa mukha ko. Bumuntong hininga ako at umupo sa bench.

Pinanood ko sila habang naglalaro. Malawak ang field kaya iba't ibang sports ang pwede naming malaro. Tumingin ako sa kanan at nakita ang ilan na nagfofootball. Ang mga babae naman sa kanan ko ay nagvovolley ball. Kanina pa kami naglalaro dito at hindi ko alam kung bakit sila hindi napapagod.

Pumikit ako at dahil bigla ulit sumikat ang araw. Kanina ay makulimlim pero ngayon ay umaraw ulit. It was a sunny afternoon and I'm here sweating like a pig. Naiirita pa ako sa pawis na tumutulo sa kili kili ko at sa bra ko. Gusto ko nalang maghubad ngayon. Ayoko naman talaga mag P.E. pero napilitan lang ako dahil kulang daw sila sa players.

I bend down a bit and folded my jogging pants just right below my knee. Pagkaangat ko ay nagulat ako noong nakita ko si Mark na nakatayo sa harap ko.

"Ginagawa mo diyan?"

Maski siya ay pinagpapawisan pero fresh padin tignan, hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin.

"Uhh, nagpapahinga?" I said sarcastically

"Hindi ka sporty noh?" he teased

I rolled my eyes at him. "Naglaro ako kanina ng dodge ball. Out nga lang kasi natamaan ako ng bola."

Tumawa naman siya at tinabihan ako. Umusog naman ako para bigyan siya ng space.

"Kaya pala," he chuckled.

Kumunot naman ang noo ko at tinignan siya. "Kaya pala ano?"

"Nag-cr lang kasi ako kanina tapos pagbalik ko nakaupo ka na."

"Were you watching me?" I said suspiciously

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Ha? Hindi ah. Nakita kong kakastart palang ng game niyo tapos ikaw ang unang na-out," he defended.

Malapit ko na siyang hampasin ng hydroflask ko pero pinigilan ko lang.

Like I've said, hindi ako mahilig sa sports at naiirita din ako kasi masyadong mainit. Isa pa, iniisip ko padin si Ate at yung pinag-usapan namin kagabi. Dad's words stuck to inside my head.

"Naranasan mo ba maglaro nung larong pangkalye. Chinese garter, patintero, tumbang preso, piko, mga ganun?"

Nabigla naman ako sa tanong niya. Unti-unti naman akong tumango.

"Weh? Sige nga, naging nanay ka ba sa chinese garter?"

"Are you serious?" I said

"Oh tignan mo hindi mo alam, tsk." sabi niya at umiling.

"Chinese garter? Eh diba pang babae lang yun?"

Tumingin naman siya sa'kin. "Bakit ba? Tsaka hindi lang naman yun eh, alam mo yung pogs?"

I don't know where this is going or sadyang mema lang siya.

"Master ako nun. Lagi ako binibilhan ni Mama tig ten pesos," pagmamayabang niya.

"Lagi ko din hinahamon yung mga bata dun sa'min kahit mas matanda pa sila kaysa sa'kin," he laughed.

"Dami mo naman naexperience," ayun nalang yung nasabi ko.

"Syempre, buti nalang talaga hindi ako natutulog kapag hapon kahit na pinapagalitan ako ni Mama. Wala nadin naman siyang nagawa kundi payagan ako makipaglaro sa mga bata sa'min."

"Pasaway na bata," sambit ko at umiling-iling.

"Line ko yun ah!" bigla niyang sabi.

"Pero seryoso, masaya ako dahil naranasan ko yun noong bata. Kasi ngayon, lumago na ang teknolohiya at puro gadgets na mga kabataan."

Tumango naman ako sa sinabi niya. Bumagsak ang mata ko sa damo ng field. Ilang sandali ay tumingin ulit ako sa harap at nakita kong masaya padin na naglalaro ang mga kaklase ko.

I realized that Mark and I are different. I didn't grew up like that and don't have much experience in those kinds of things. Sometimes, naiinggit din ako sa mga kapatid ko dahil noong panahon nila ay hindi pa uso nun ang gadgets kaya nakapaglaro pa sila nun noong bata. Their childhood must be awesome. Kung sana ay magkasing-edad lang kami noon ay siguro naranasan ko din yung naranasan nila.

I don't know which generation is better, noon o ngayon?

"Mark! Tara laro na ulit!"

Sabay kaming lumingon ni Mark sa nagsalita. Nakita namin na si Kurt iyon. Nilapitan niya kami at nakita kong may hawak siyang bola ng basketball.

"Oh Hi Talliah!" he greeted me.

"Hey," I said ang gave him a small smile.

"Uy, sakto puwede maki-inom?" biglang sambit ni Kurt

Nakita kong nakatingin siya sa hydroflask ko. He must be really thirsty right now 'cause I saw how his adam's apple move.

Hindi nalang ako sumagot at binigay sa kaniya iyon.

"Ayos! Thanks lodi." binuksan niya iyon at ininuman.

"Hoy, kaya nga may water dispenser para doon uminom eh."

Tumingin ako kay Mark na ngayon ay masamang nakatingin kay Kurt.

Pagkatapos niya uminom ay ibinalik naman niya sa'kin iyon.

"Eh gusto ko yung malamig eh. Bakit ba? Pinainom naman ako ni Talliah eh," sumbat niya.

Eto nanaman sila nagbabangayan dahil lang sa tubig.

"Okay lang, magrerefill nalang ako."

Tumayo na ako at kinuha ang hydroflask ko. Naglakad na ako papunta sa water dispenser at iniwan sila.

Hinintay kong mapuno iyon at tumingin sa bench na inupuan ko kanina, Nakita kong wala na doon si Mark at Kurt. Hinanap sila ng mata ko at nakita kong nag-agawan sila sa bola. They were like kids having fun playing in the field. Nakita kong nakuha ni Mark ang bola kaya hinabol siya ni Kurt. Ilang sandali ay nadapa si Mark kaya agad na kinuha ni Kurt ang bola. Tumayo naman agad si Mark at muling hinabol si Kurt.

I just smiled at them and shook my head like a silly person. Napansin kong nabasa ang kamay ko kaya agad kong tinignan ang tubigan ko. Nakita kong umaapaw na pala iyon kaya agad kong pinatay ang tubig. Uminom ako sa hydroflask para mabawasan ang tubig at tinakpan na iyon.

"Tsk, ano ba 'yan." sabi ko noong makitang nabasa ng kaunti ang sapatos ko.

I just sighed in frustration and went back to the bench. Pagkabalik ko ay kinuha ko ang bag sa ilalim at hinanap ang tissue ko doon. Pagkahanap ko ay pinatong ko ang paa ko sa bench at pinunasan ang sapatos ko.

Nagulat ako noong may tumama sa ulo ko. Napahinto ako at hinawakan ang aking ulo.

"Hala! Sorry Talliah!" rinig kong boses ng babae.

I looked at the ball that was on the ground and it was a ball used for volleyball. I cursed under my breath and sighed.

Well I guess I had enough of sports for today.

****

After P.E. ay nagpahinga muna kami saglit at bumalik na sa classroom. Pumunta muna ako sa C.R. para magapalit ng damit. Dumiretso nadin ako sa classroom at naglakad papunta sa upuan ko.

"Talo team niyo pre, pano ba 'yan." sambit ng isa kong kakalse

"Maduga kayo, lugi kami eh." sabi naman ng isa at binatuhan ng tshirt.

Nasalo naman niya yun at tumawa.

"Talliah? Sorry talaga kanina ah. Hindi ko sinasadya," sabi sa'kin ni Andrea.

"Ayan kasi. Apaka lakas kasi ng palo, out naman." biglang sulpot ni Mandy sa tabi niya

"Ahh okay lang. Mahina lang naman yung tama," I simply said.

She awkwardly smiled and nodded. Nag-sorry ulit siya at tuluyan na silang umalis ni Mandy sa harap ko.

Ilang sandali ay narinig kong bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang adviser namin.

"Okay class, settle down. I have an important announcement."

Unti-unti namang humupa ang daldalan ng mga kaklase ko sa sinabi ni Ma'am Ruiz. Bumalik na yung iba sa kani-kanilang upuan at lahat kami ay nakatingin sa kaniya.

"The schedules of exam are two weeks from now so I hope nagadvance study na kayo."

Nagreklamo naman ang ilan sa'min at ang iba ay tila nagulat. We didn't realize that exams are fast approaching. Ang bilis dumaan ng bawat araw at parang kailan lang kakastart palang ng klase.

"Ma'am katatapos lang namin mag P.E." sambit ng isa kong kaklase

"Tapos? Anong kinalaman nun?" sagot ng aming adviser

"Syempre pagod pa kami tas sasabihin niyo exam na next-

"As I was saying, graduating na kayo. Kaya gawin niyo na ang best niyo sa huling taon niyo dito sa paaralan. Alam kong mahirap pero kaya niyo 'yan."

Some of us were motivated by our adviser's words but some remained silent. I, too can't help but to feel worried. I know this is my last year so the pressure is bigger than ever. Mas maraming requirements ang dapat tapusin.

"But the good news is, you'll have your semestrial break after exams! Makakapag pahinga na kayo," she said enthusiastically

Bigla namang nabuhayan ang mga kaklase ko. Somehow, it motivated us to do our best while the others just wanted to end this school year, like me.

My source of motivation right now is to graduate and make my parents proud. Kahit mahirap ay iniisip ko nalang na makakaraos din ako.

****

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto at nagkulong doon. Wala akong ginawa kundi mag-aral buong hapon hanggang sa nakatulog nalang ulit ako.

Pagkagising ko ay gabi na. Bumaba lang ako at kumain, pagkatapos nun ay umakyat ulit ako para mag-aral. One of the things I learned in highschool is no to procrastination. Naalala ko noong first year pa ako ay pachill-chill lang ako at ineenjoy lang ang una kong taon bilang highschool pero habang tumatagal ay bumibigat nadin ang mga trabaho.

I realized that my routine before was wrong. Dapat sa simula palang ay ginawa ko na agad yung best ko. Naging pabaya din ako noong una pero natutunan ko din sa huli na tapusin lahat ng dapat tapusin. Mas maaga, mas maganda para wala ng iisipin pa. I also used to cram a lot, that's mainly the reason why sometimes I fail in some of my subjects, and I knew that I didn't do my best. I was 't satisfied with myself because I know that I could do better.

Hanggat maaari ay iniiwasan ko ang mentality na "bahala na." Bahala na kung pasang awa, bahala na kung bumagsak ako dahil lagi natin sinasabi na babawi nalang, pero hanggang saan mararating yung babawi nalang sa susunod?

I do fail, but I always make sure I'll do better in the next quarter. I've always wanted to do better because seeing my classmates' achievements, I also want that. I'm not a fast learner like them, I'm not smart, I may not have many achievements like them but that doesn't mean I don't have what it takes. I'll start by baby steps.

Sabi nga nila ay bago ka matutong maglakad ay kailangan mo muna gumapang hanggang sa kaya mo nang tumakbo.

Habang nag-aaral ay biglang may kumatok sa pinto ko. Bumukas iyon at nakita ko si Ate.

"Did I disturb you?"

I shook my head and smiled. Binalik ko ulit ang tingin sa libro sa harapan ko.

Nagulat ako noong may nilapag siya doon na isang sneakers bar together with plastic filled with nuts.

Inangat ko naman ang tingin ko sa kaniya. "Thanks."

"Kumain ka ng mani, pampatalino 'yan."

Mahina akong tumawa at umiling. I guess I need a huge bucket of nuts of all sorts.

"Ang kalat mo naman mag-aral Talliah," dagdag niya.

I looked at my desk and saw my things scattered everywhere. Papers, notebooks, notes, books and whatnots.

"Hindi ka makakapag-aral ng maayos niyan kung magulo mga gamit mo."

Niligpit ko naman ang mga libro ko at inayos ang desk ko. Tinulungan din ako ni Ate.

"See, a clear desk means a clear mind. Madidistract ka kasi kapag madaming kalat."

"You're right," I simply said

"Sige na, aral ka ulit." sambit niya at tumalikod na sa'kin.

I was thinking about asking her leaving for abroad. I know I won't be able to concentrate 'cause it keeps bugging me.

"Uhm, Ate."

Lumingon ako sa kaniya at nakita kong huminto siya. She turned around and her brow shot up.

"Aalis ka na ba talaga?" I knew I already know the answer to that question but I just want to know the details.

"Bakit? Mamimiss mo ko noh?" she teased

Umiwas ako ng tingin at umiling. "Nevermind."

"Eto naman, joke lang. Alam ko namang mamimiss mo ko. Tsaka matagal tagal pa naman yung alis ko," she explained

Tumango naman ako at nakita kong umupo siya sa kamay ko. Magkatapat na kami ngayon.

"Did you want this?" I asked

Her brows furrowed a bit. "Want what?"

I licked my lips and sighed. "To work abroad."

Sometimes I think about if it's because of our parents. They wanted the three of us to work abroad in the future but I never asked them if they wanted to.

Ilang segundo siyang hindi nakasagot hanggang sa unti-unti nalang siyang tumango. "Of course, I mean when I graduated, hindi ko naman gusto agad na makapag-abroad. I just wanted a stable job related to my degree...but as time goes by, I have set new goals. I wanted to explore, to experience something new. I wanted to improve myself and grow."

I stared at her with full admiration. I am very proud of the woman that she is today. She's not only my sister but also a role model. I, too wanted to be like her someday. Swerte talaga ako na naging kapatid ko siya.

"Aren't you worried or...scared?" I muttered

I don't know why I asked her that but working abroad is different. Wala akong experience doon pero alam ko ang pinagdadaanan ng mga OFW's doon. The people there are different so as the culture and all that.

"Not really, what's hard for me is that I'm gonna miss you all. I'll miss everything here."

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong umiwas siya ng tingin.

I know she's a strong person but inside, she's also soft-hearted. Maybe because when you're an adult already, you tend to show less emotion. I mean my two siblings had been through a lot and that made them the person that they are today. Naging matatag sila at malakas both mentally and emotionally.

"Kaya pag butihin mo ang pag-aaral Talliah but also don't stress yourself too much. Learn how to balance acads and lakads," she chuckled

"When I was your age, pachill chill lang din ako kasi highschool eh pero noong nagcollege? Hay grabe, akala ko talaga tatanda akong dalaga. Hindi ko sinasabi sa'yo ito para mapressure ka o ano, I'm just reminding you. Akala ko talaga matalino na ako noong highschool pero noong nagcollege, naging bobo ata ako." she laughed reminiscing her teenage years.

"Pero nakagraduate ka naman," sabi ko.

"Yeah, I never thought I'd survive. It was hard, mababaliw ka talaga pero worth it naman sa dulo," she smiled and looked at me.

"Did you still enjoy college? I mean you have tons of schoolworks. Paano mo nabalance lahat ng yun?" I asked

Umiwas naman siya ng tingin at nag-isip. "Yes, I still enjoyed college. Oo very stressful pero nagawa ko namang ibalance lahat. My acads and lakads. Time management nalang talaga. Also, when I'm stress and tired, I take a break. Kailangan mo din kasi matuto na alagaan din yung sarili mo. Kumain ka ng tama at matulog ka ng sapat, kasi kung hindi. Hindi din gagana utak mo. It will affect your mental, emotional and physical health."

"I know it's all hard to do and hard to explain everything as to why I manage to do all of that but I guess you get my point," she said

I nodded and smiled. "Yeah, I totally get it."

After a few moments of silence, I heard her sighed. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong malalim ang kaniyang iniisip.

"What is it?" I asked

She didn't respond right away. "I just want you to enjoy your highschool and college life even if it's stressful and hard but you'll get there soon, Lia. Learn to have fun too because...when you become an adult, you won't be experiencing that anymore. Adulthood is a different topic and, I hope you can enjoy your teenage years while it lasts."

Unti-unting bumagsak ang mga mata ko sa sahig. Her voice was bittersweet filled with longing and nostalgia. Sometimes I do think about her life and also my brother because they're both adults already. I realized that they don't have much time for themselves or even spend time with their peers like before due to work. They're getting mature and growing as an individual. I can't even imagine the amount of responsibilities weighed on their shoulders.

It must have been hard for them but I hope they can still have time for themselves and enjoy life. There's pros and cons of being an adult that's why sometimes I refuse to grow up but I know it's inevitable. Soon, I'll be on their shoes.

****

After my conversation with my sister, I went back to studying again. Nagpaalam nadin siya dahil masyado na daw kaming matagal na nag-uusap at baka hindi na ako makapag-aral.

I bit the tip of my pen while reading my notes. I was down to my last two subjects and the other one is what I hate, AP. I scratched my head and sighed in frustration.

I stared at my lamp and all the notes that were once again scattered on my desk. I brushed my hair using my fingers and leaned my back on my chair. Sumulyap ang mata ko sa sneakers bar sa tabi ng notes ko na hindi ko pa nagagalaw. Kinuha ko iyon at nagsimulang kainin.

Biglang pumasok ulit sa isip ko ang pinag-usapan namin kanina ni Ate. I admit, I was bothered and pressured. I can't help but to think about my future and what it hold for me.

My future is uncertain. I am excited and worried at the same time because I'm afraid to fail.

There's a lot of things going through my mind. Right now I just tried to focus on the present and worry less about the future. What's important is today, and tomorrow 'cause I have exams.

Nahagip naman ng paningin ko ang digital clock sa tabi ng desk ko at nakitang alas onse na ng gabi. Umayos ako ng upo at nagsimula ulit mag-aral. Kagat kagat ko padin ang chocolate sa bibig ko habang nagsusulat.

Shit! Baka wala akong masagot bukas dahil sigurado akong kulang ako sa tulog. Bigla ko tuloy narinig ang boses ni Ate sa isip ko.

"Kailangan mo din kasi matuto na alagaan yung sarili mo. Kumain ka ng tama at matulog ka ng sapat, kasi kung hindi. Hindi din gagana utak mo. It will affect your mental, emotional and physical health."

So much for daydreaming of your future Talliah.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top