06
#CAC06
Nang mag-uwian ay lumabas na ako ng campus. Habang naglalakad ay naramdaman ko nalang na may yumakap sa'kin galing sa likod.
"Talliah! Congrats, kahit hindi ka nanalo magcelebrate padin tayo," boses ni Sabrina.
Unti-unti niyang kinalas ang kamay niya at ako naman ay humarap sa kaniya.
"Saan ba tayo?" I said and gave her a small smile.
"Saan pa ba? E 'di sa dating tambayan."
I admit, I was not in the mood at first dahil narin siguro sa pagkatalo ko and thinking about it, I just need a distraction for today.
Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa sahig. Ilang sandali ay inangat ko ang tingin sa kaniya at tumango.
She smiled widely at me and clinged her arms on me. "Let's go!"
Mahina naman akong tumawa at nagsimula na kaming maglakad. Nakakailang hakbang palang kami ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko galing sa likod.
"Talliah!"
Sabay kaming lumingon ni Sab at nakitang si Mark iyon. He waved his hand and ran towards us.
"Oh bakit Mark?" tanong ko noong tumigil siya sa harap namin.
Hingal na hingal siya at ilang sandali ay umayos ng tayo.
"Grabe, kailangan ko na atang mag work out. Kapagod."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumingin ako kung saan siya galing at nakita ko ilang hakbang lang ang tinakbo niya.
"Anyway, gusto ko lang sana yayain si-
"Excuse me pero hindi available ang kaibigan ko ngayon," singit ni Sabrina
"Hindi ko naman inaagaw eh," si Mark sabay punas ng pawis sa noo.
Nakita kong susugurin na ni Sabrina si Mark kaya agad akong pumagitna sa kanila.
"Ahh guys, kalma lang. I guess you don't know each other yet so Mark this is my friend Sabrina and Sab this is Mark, my classmate."
"Close friend actually," Mark corrected me
"I'm the bestfriend," si Sab at humalukipkip
Pabalik balik ang tingin ko sa kanila at ilang sandali ay bumulong sa'kin si Sab.
"Is he hitting on you?"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Mabilis akong umiling at tumingin nalang kay Mark.
"You were saying Mark?" sabi ko at agad naman siyang tumingin sa'kin. Nakita ko kasing kanina pa sila ni Sab na nakatingin sa isa't isa.
"Ahh, ano. May pupuntahan ba kayo?" he asked
"Oo, nagaya lang si Sab na tumambay somewhere...bakit mo natanong?"
Umiwas naman siya ng tingin at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. "Kung puwede sanang sumama sa inyo?"
Tumingin naman ako kay Sab at nakita kong umiling siya. "O-okay lang naman. You can join us."
Naramdaman kong hinawakan ako ni Sab sa braso kaya agad akong tumingin sa kaniya. Nangungusap ang mata niya na para bang ayaw niya na sumama si Mark.
"Don't worry Sab, mabait si Mark maypagka abnormal minsan pero-"
"Pogi naman hehe," singit ni Mark.
Matalim naman siyang tumingin kay Mark at nakita ko namang umawang ang labi niya.
"Ahh pero kung ayaw naman ng kaibigan mo, sa ibang araw nalang."
I shook my head and smiled. "Hindi. Ayos lang talaga, puwede kang sumama sa'min."
Nakita kong lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko. Nagulat nalang ako noong inakbayan niya kaming dalawa ni Sab. "Makikithird wheel muna ako ngayon sa inyo!"
Mahina naman akong tumawa at nakita kong inirapan lang ni Sab si Mark.
****
"Ang saya pala dito," si Mark
Nandito ulit kami sa usual na tambayan namin ni Sab. Dito kami madalas tumambay kapag uwian. The difference is that Mark is with us.
Nakaindian-seat kaming tatlo sa damuhan habang pinapanood ang sunset. Nasa gitna ako habang nasa kaliwa ko si Mark at nasa kanan naman si Sabrina.
"Bakit? Ngayon ka lang ba nakapunta dito?" tanong ni Sab
Tumango siya at humiga sa damuhan. Binalik ko ang tingin sa plastic cup na naglalaman ng streetfoods. Tumusok ako ng fishball at kinain iyon.
"You have lots of friends right? Why us?" I asked out of the blue
I looked at him and he was looking at the sky that's now starting to turn orange.
"Kilala ko sila at kilala nila ako pero hindi ko sila kaibigan," he said
Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I don't get it at all.
"So you don't consider them as friends?" I asked curiously
He gave me a small smile and sighed. "They just know me and that's it...but they don't know the real me."
Pagkasabi niya nun ay unti-unting bumaba ang tingin ko sa damuhan. Umihip ang malakas na hangin at binalik nalang ang tingin sa sunset.
I glanced at Sabrina who's taking pictures of it with her phone.
"So ano tawag mo sa'min? Close friends?" biglang sabi ni Sab. "I'm listening here just so you know," she added still taking pictures of the sky.
Bumangon naman si Mark at tumingin sa kaibigan ko. "Oo, syempre kilala ko na si Talliah at pwede din tayong maging close."
Mukhang hindi niya nakumbinsi si Sab kaya agad ko siyang tinignan. Finally, after a few seconds she gave in. Umayos siya ng upo at humarap sa'min.
"Well, it looks like you and Lia get along very well considering she doesn't have much friends. Hindi ko alam kung paano mo nauto itong kaibigan ko at-"
Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya at agad siyang kinurot sa braso. Kumunot naman ang noo niya at hinimas ang braso.
"But if Lia considers you as her friend then I will too," sabi niya at tipid na ngumiti kay Mark.
"May trust issues ka ba?" he asked
"Well, I guess you can say that," sabi niya hanggang sa tumawa nalang silang dalawa.
I have such weird friends but hey, atleast I'm not sad anymore.
Ilang sandali ay tumikhim si Sab at tumiwid ng upo. "Since we didn't introduce ourselves formally. Hello, my name is Sabrina Mercado. You can call me Sab for short."
She offered her hand and Mark gladly took it. "Hindi ko alam kung bakit hindi mo ko kilala dahil nasa kabilang section ka naman pero ako nga pala si Mark Gabriel Alonzo or Mark, in short. Palakaibigan, minsan may sense kausap, madaldal, masasabi kong matalino ako at higit sa lahat pinakapogi sa balat ng lupa, pero joke lang. Yun lang sabi sa'kin ni lola."
Napatampal nalang ako sa noo ko at umiling. Mark is being extra again.
"Sa lahat ng sinabi mo, alin doon ang totoo?" si Sab at nakita kong kinalas na niya ang kamay kay Mark.
"Lahat naman yun totoo eh, tsk. Hindi ako sinungaling dahil liars go to hell," hirit pa niya
"Sa sinabi mong 'yan baka mauna ka na sa impyerno."
Pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Tumigil na nga kayo, parang kayong bata," awat ko sa kanila
Ilang sandali ay umusog sa'kin si Mark at lumapit sa tainga ko.
"Ang hirap palang kaibiganin niyang kaibigan mo," bulong niya
Magsasalita na sana ako pero hinila ako ni Sab at muntikan pa akong sumubsob sa dibdib niya.
"Ang feeling din niyan ni Mark ah, pangalan ko lang binigay ko pero siya kulang nalang banggitin na yung talambuhay niya eh," sabi ni Sab sa medyo malakas na boses at alam kong narinig iyon ni Mark.
Sumulyap ako kay Mark at nakita kong busangot ang kaniyang mukha. Binalik ko din agad ang tingin ko sa kaibigan. "Sab, ganiyan talaga ugali ni Mark kasi gusto lang niya maging komportable ang usapan ninyo. Ayaw niya nung akward. Masyado naman ka kasing pormal kung magpakilala."
Nakita ko namang naningkit ang mata niya kaya agad akong lumapit kay Mark. "Ikaw naman, pagpasensiyahan mo na yung kaibigan ko. Hindi kasi siya sanay na may kaibigan akong lalaki na close dahil nga alam mo na, hindi naman ako palakaibigan."
Pagkasabi ko nun ay agad na tumaas ang dalawa niyang kilay. Bumalik ako sa ayos ng upo ko at tinignan silang dalawa. Ngumiti ako ng malawak sa kanila.
"Why didn't he tell me directly?" si Sab
"Eh bakit hindi nalang niya sinabi agad?" si Mark
Sabay pa silang dalawa na nagsalita. Unti-unting nalawa ang ngiti sa labi ko. Pumikit nalang ako at huminga ng malalim.
Well, I guess they're getting along just fine.
****
We just sat for a few more hours talking about random things. Mark and Sab are starting to get to know each other, well...I think? Hindi ko alam kasi nagbabarahan lang naman sila sa isa't isa pero sa tingin ko ay nagiging komportable na sila sa isa't isa.
Now Mark keeps on telling us jokes and some memes that he found in facebook. Mukhang nakuha naman niya ang loob ni Sab dahil panay tawa lang ang babae sa tabi ko at hindi ko aakalain na umabot sa punto na hinahampas niya na ako.
I have never seen Sabrina laugh like this. Palagi kasing seryoso o minsan madrama ang usapan namin. Well ako lang talaga yung nagdadrama sa kaniya.
Am I really that boring?
Ilang sandali ay humupa ang tawa ni Sab noong tumunog ang phone niya. Agad naman kaming tumingin kay Mark sa kaniya.
Nanalaki ang mata niya at tumingin sa'min. "Shit! Guys kailangan ko ng umuwi. Tinadtad na ako ng texts ng nanay ko. Patay na ko neto."
"Hala magaalas-otso na pala. Sorry, hindi ko napansin." si Mark sa tabi ko
Shit! My parents must be worried about me. Nakalimutan kong magtext sa kanila.
Hindi na namin napansin ang oras dahil masyadong napasarap ang kwentuhan. Ang tagal nadin kasi simula noong last na punta namin dito at ngayon ay mas lalo kaming nagtagal dahil sa daming kwento ni Mark.
Tumayo na kaming tatlo at agad na sinuot ang backpack namin sa likod. Nagsimula na kaming maglakad at kita kong wala na masyadong tao sa paligid.
Madilim ang daan at tanging poste nalang ng ilaw ang nagsisilbing liwanag. Napansin kong masama ang tingin ni Mark sa harap kaya agad kong tumingin kung saan siya nakatingin. Nakita ko ang liwanag sa isang tindahan at may mga tambay doon.
Umusog kami ng konti at nakita kong lumipat siya sa kabilang side upang maiwasan ang malagkit na tingin sa amin ng mga lalaki. Nilagpasan namin ang tindahan at naamoy ko ang sigarilyo nila mula dito. Tinakpan ko ang ilong ko at napansin ko namang unti-unting bumagal ang lakad ni Sab.
"Pst, bata! Dalawa chicks mo diyan ah. Patikim naman ng isa."
Bigla akong napahinto sa tumawag sa'min. Alam kong isa iyon sa mga lalaking tambay sa tindahan. I swallowed hard and slowly looked at Mark and saw his broad shoulders blocking our view.
"Umalis na kayo dito Talliah," mahina niyang sabi.
Napansin kong unti-unting lumapit ang isang lalaki habang nasa likod niya ang dalawa pang kasama. Mas lalo kong naamoy ang sigarilyo galing sa kanila at masakit iyon sa ilong. Humigpit ang hawak ko sa bag ko at hinawakan sa palapulsuhan si Sabrina.
Hinila ko siya at nagsimulang maglakad pero huminto ako noong napansin kong hindi siya sumunod. Lumingon ako sa kaniya at nakita kong hawak-hawak niya ang kaniyang dibdib. Nanlaki ang mata ko at hinawakan ang balikat niya.
"Sab? What's wrong? Huy!" yugyog ko at nakita kong parang nahihirapan siyang huminga.
She was coughing and wheezing and I didn't know what to do. Mahigpit ang hawak niya sa dibdib niya at mabilis ang bawat paghinga niya.
"Mga bossing, bumalik nalang kayo sa inuman niyo at kailangan na namin umalis ng mga kaibigan ko," rinig kong sabi ni Mark
Nagtawanan lamang ang mga lalaki sa sinabi niya. Hindi nila iyon pinansin at sinubukang lumapit sa'min pero agad na humarang si Mark. Nagulat ako noong kinwelyuhan ng isa si Mark at akmang susuntukin pero huminto siya noong may narinig kaming ilang pito.
Lumingon ako at nakita ang paparating na mga gwardiya. Bigla na lamang pinakawalan ng lalaki si Mark at sabay sabay silang tumakbo.
Hinabol ng mga gwardiya ang mga lalaki at agad ko namang binalik ang tingin ko kay Sab. Nakita kong may tinuturo siya sa bag niya kaya agad kong inalis ang backpack sa likod niya.
Lumapit si Mark sa'min at kita kong bahagyang nagusot ang uniporme niya. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang bag ni Sab. Umupo kami pareho
"Anong nangyari?!" tanong ni Mark
"H-hindi ko alam, nakita ko nalang na nahihirapan si Sab na huminga," natataranta kong sabi
Hinablot niya sa'kin ang bag ni Sab at binuksan ang bawat bulsa doon. Tumayo ako at mabilis na nilapitan ang kaibigan. Dinala ko siya sa malapit na tindahan at pinaupo siya sa isa sa mga upuan doon.
"Breathe slowly," I said while inhaling and exhaling. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya at hinanap ang kaniyang mata.
Ilang sandali ay naramdaman ko nalang na lumapit sa'min si Mark at binigay kay Sabrina ang isang inhaler. Agad naman niya iyong kinuha at nilagay sa bibig niya.
"Sit up straight Sab. Calm down and breathe slowly," sabi ni Mark habang nakaluhod sa harap niya.
Pinisil ko ang kamay niya at kita ko ang pangingilid ng luha niya. Pinagpatuloy lang niya ang ginagawa at pumikit ng mariin. After a few minutes, she calmed down and her breathing became normal again.
"Are you okay? Normal na ba ulit ang paghinga mo?' sunod sunod kong tanong.
Dahan-dahan naman siyang tumango at binaba ang inhaler na hawak.
Nakahinga naman ako ng maluwag at yumuko. Kinagat ko ang labi ko at nakitang napahilamos nalang ng mukha si Mark.
"Let's get going. Delikado na kung manatili pa tayo dito." si Mark at agad na tumayo.
Tumingin naman ako kay Sab. "You sure you're okay?"
She nodded and gave me a weak smile. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming tumayo.
Binalikan ni Mark ang bag ni Sab sa kalsada. Pinulot niya ang ilang nakakalat na gamit at pinasok iyon sa loob. Siya narin ang nagbitbit nun.
Nilapitan na namin siya ni Sabrina at nagsimula na ulit kaming tatlo na maglakad.
****
"I didn't know that Sab has asthma," I said
Pagkatapos nung nangyari kanina ay hinatid namin ni Mark si Sab sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung pinagalitan ba siya dahil umuwi siya ng late pero mas inaalala ko kung ano ang magiging reaksiyon ng mama niya kapag nalaman niya ang nangyari. I hope she won't get in trouble.
"It's not your fault," Mark said beside me
Naglalakad kami ngayon pauwi sa bahay. Sinabi kong huwag niya na akong ihatid dahil malapit lang naman ang bahay namin pero hindi siya sumunod. I'm also worried about him 'cause his house is a bit far. Nasa kabilang subdivision pa ata ang bahay niya.
"You really don't have to do this-" I said but he cut me off immediately.
"No, Lia. Alam mo naman yung nangyari kanina at hindi ako mapapanatag kapag umuwi kang mag-isa ngayong malalim na ang gabi."
I just shut my mouth and kept walking. Inayos ko nalang ang backpack ko sa likod ko
"Salamat nga pala...kanina," I said
"No problem, kung di lang dumating yung mga guard e 'di nasira na 'tong gwapo kong mukha," he said and touched his face
Hindi nalang ako nagsalita at naglakad na lamang. Hindi ako sanay na may naghahatid sa'kin pauwi dahil madalas ay ako lang mag-isa.
"Hindi ka ba hahanapin sa inyo? I mean, baka nag-aalala na ang magulang mo," basag ko sa katahimikan.
I saw him put his hands inside his pockets. "Wala na akong magulang."
Bigla akong huminto sa paglalakad. "Are they-"
"They're dead," diretso niyang sabi
My lips parted. "I'm sorry. I shouldn't have-" I paused. "Sorry talaga."
He smiled weakly. "Ayos lang. Matagal na silang patay."
Nagsimula ulit kaming maglakad. Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na wala na pala siyang magulang.
"They died because of a car accident," he began. "What's even worse is that I was there, with them. I was the only one who survived. Ang swerte ko 'no?"
I bit my lips. "I'm really sorry to hear that," I sincerely said
My heart is breaking into pieces especially by the sound of his voice. Alam kong hirap na hirap siyang balikan ang nakaraan.
He chuckled bitterly. "Ang bata ko pa nun. Siguro mga eight? Hindi ko na maalala basta ang traumatic para sa'kin. Kaya nga nung first year tayo may injury ako sa braso ko. I barely survived. I consider this my second life."
Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya.
He sighed heavily. "Alam mo, sana talaga namatay nalang din ako kasama nila. Hindi ko alam kung bakit pa ako nabuhay."
"Don't say that," I held his arm
I looked at him and there was a hint of sadness in his eyes. I can tell he's hurt right now.
"Pero ayos na ako. Nakatira ako ngayon sa lola at lolo ko. Sila ang nag-aalaga sa'kin," sabi niya at ngumiti ulit
I looked at his arm and there I saw his huge scar. Ngayon ko lang iyon napansin. When we were in first year, he told us a different story of his injury. Ang kwento niya sa'min ang na-injur siya sa basketball. He didn't tell us the truth...but now I understand why.
He removed my hand on his arm, then pulled the sleeves of his uniform to hide it. Nauna na siayng maglakad na parang wala lang.
I had no idea that behind his cheerful personality, behind his mask hides a thousand wounds. Hindi ko alam kung paano niya pa nagagawang ngumiti o magpatawa. Maybe it's his way of coping.
"Huy!"
Natauhan ako dahil bigla niya akong tinawag. Tumingin ako sa kanya at medyo malayo na siya sa'kin.
"Ano pang hinihintay mo diyan? Pasko?" he joked
Napailing nalang ako at mabilis siyang hinabol. Nagsimula ulit kaming maglakad. Ilang sandali ay nakarating na kami sa tapat ng bahay.
"Salamat sa paghatid," sabi ko
He smiled cutely. "Sana hindi ka pagalitan."
"Hindi naman siguro," I lied
"Pwede ko naman sila kausapin pero huwag nalang kasi baka isipin nila manliligaw mo ko," he joked
"Sira," I chuckled. "Sige na. Pasok na ko. Bye! Ingat pauwi," I waved my hands
"Bye! See you tom," paalam niya at tinalikuran na ako
I was about to enter inside when I turned my head to look back at him. Ilang hakbang palang ang layo niya mula sa'kin.
"Mark!" I called
He stopped and slowly turned to me. "Hmm?"
I gulped. "If you need someone to talk to. I'm here."
He smiled and gave me a salute. Hindi nagtagal ay nagsimula na uli siyang maglakad palayo.
****
"Napapadalas na gabi ka na umuuwi Talliah ah," si Dad
Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa bahay ay iyon agad ang sinabi niya sa'kin. Nasa sala sila ni mama habang nanonood ng tv.
"Alam mo ba kung anong oras na?" nakatingin na siya ngayon sa'kin.
Tumungo nalang ako at pinaglaruan ang daliri ko.
"Sorry po, hindi ko po kasi namalayan ang oras." I muttered
"Sino nanaman bang kasama mo?" agad niyang tanong
"Si S-sabrina po," I said almost like a whisper.
"Sino?" medyo lumakas ang boses niya
Inangat ko ang tingin ko at nakitang nakakunot ang kaniyang noo. "Si Sabrina po," I firmly said.
Umiling naman siya at bumuntong hininga. Pinakalma naman siya ni mama at tumingin sa'kin.
"Bakit hindi ka manlang nagtext o tumawag? Kanina pa kami nag-aalala ng papa mo." malumanay niyang sabi.
Tinikom ko ang bibig ko at lumunok. "Nakalimutan ko po eh, tsaka hindi ko po talaga napansin yung oras."
Napansin ko nalang na tumayo na si papa sa sofa at agad na umakyat ng hagdan. Hindi ko siya tinignan at nanatiling nakayuko. Kinagat ko ang labi ko at pumikit ng mariin.
Ilang sandali ay naramdaman ko nalang na hinawakan ako ni Mama sa kamay. She caressed my hands while my eyes remained on the floor.
"Anak, huwag ka sanang magtampo sa Papa mo ah? Nag-aalala lang siya sa'yo at pati ako. Delikado na kasi sa labas sa mga oras na 'to kaya sana-"
Inangat ko ang tingin ko at pinilit na ngumiti sa kaniya. "Okay lang Ma. Naiintindihan ko naman."
She gave me a small smile and gently squeezed my hands. I looked straight into her eyes assuring her that I'm okay. She slowly let go of my hand and patted my back. Nilagpasan niya na ako at doon lang unti-unting napawi ang ngiti sa labi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top