05
#CAC05
After a week or two, the voting ended. Naging busy din ang lahat at maging kaming class officers na tatakbo dahil nakain ang oras namin ay humahabol kami ngayon sa mga lessons. Hindi ko na napansin ang nagdaang araw dahil wala akong ginawa kundi mag-aral. I had a hard time adjusting and managing my time 'cause unlike the others, it's hard for me to catch up.
Nawala nadin sa isip ko ang insidente at mukhang lumipas nadin ang issue. Sa ngayon ay excited ang lahat kung sino ang mga mananalo sa Student Council ngayong taon. I'm a bit worried but also excited at the same time.
"Guys, gusto ko lang sabihin na goodluck sa bawat isa sa'tin at manalo o matalo, the best padin kayo." si Cheska
Andito kami ngayon sa cafeteria kasama ang
"Oo nga, St. John padin malakas!" sabi ni Ryan sa tabi ko.
"Basta support ko kayo. Kaya niyo yan!" si Mark
Andito kaming mga class officers sa cafeteria dahil lunch time. Katabi ko si Ryan at ang katabi naman niya si Francis na siyang tumatakbo bilang Auditor namin. Si Inna ang nasa tapat ko habang katabi naman niya ay si Mark. Magkatabi naman si Terrence at Cheska habang nasa dulo ng lamesa nakaupo si Isaac.
"Anong oras daw ba iaannounce yung mananalo?" si Inna
"Mamayang hapon daw, bago mag uwian." sagot ni Francis
Tumango naman si Inna at pinagpatuloy ang pagkain. Tahimik lang ako at kinagatan ang sandwich ko.
"Guys, kinakabahan ako." si Cheska at biglang lumungkot ang mukha.
Tumingin kaming lahat kay Cheska na nagsalita. Kumunot ang noo ko at maging ang iba sa'min.
"Seryoso ka ba Cheska? Eh alam naman ng lahat na ikaw ang mananalo ulit kahit na hindi pa kami bumoto," si Ryan
"So sinasabi mo bang hindi mo ko binoto?" kunot noong tanong ni Cheska
"Syempre binoto, ikaw pa ba?" hirit ni Ryan
Bigla na lamang naghiyawan ang ilan sa'min. Panay asar sila kina Ryan at Cheska.
"Napaghahalataan Ryan ah," sabi ni Francis at nakita ko namang siniko siya ni Ryan.
"Hernandez-Ocampo tandem nga naman, two years in a row. Muling ibalik ang tamis-" biglang kanta ni Mark.
Nagtawanan naman ang lahat at kita ko ang pamumula ng mukha ni Cheska.
"Nakakainis kayo!" sigaw niya at umiwas ng tingin sa'min. Uminom nalang siya sa bottled water niya.
"Pabebe ka pa, gusto mo din naman." si Inna sabay irap.
"Hoy, wag nga kayong ganiyan. May nasasaktan dito oh kaya ang tahimik!" sabi ni Mark sa katabi na si Terrence.
Nanlaki ang mata ni Terrence noong tinuro siya ni Mark.
"Cheska, bakit ka pa daw tumitingin sa iba kung nasa tabi mo naman na si Terrence?" pang-aasar ni Mark.
Matalim na tumingin si Terrence kay Mark. "Gusto mo bang iexpose din kita?" pagbabanta niya
Nagkibit balikat naman si Mark. "Kahit ako pa ang magexpose sa sarili ko. Isigaw ko pa sa buong cafeteria yung crush ko eh."
Umiling nalang si Terrence at tinuon ang atensiyon sa pagkain. Nakita kong hindi siya ngayon makatingin kay Cheska at ramdam ko ang tensiyon na bumabalot sa kanila.
"Alam mo Terrence, tama na kasi ang pagiging torpe. Huwag kang mag-alala, team Bautista ako," dagdag ni Mark.
Sinipa ko naman siya sa ilalim ng lamesa at agad naman siyang tumingin sa'kin na may halong pagtataka.
"Tumahimik ka na nga," I whisphered
"What?" he mouthed confused
Inirapan ko nalang siya at sumulyap kay Isaac na kanina pa tahimik. Magkalapit sila ni Francis at nakita ko namang nag-uusap ang dalawa.
"Huy, may sarili kayong mundo diyan ah," si Ryan. Mukhang napansin din niya na kanina pa silang dalawa nag-uusap.
"Wala kasing sense yung topic niyo kaya dito ako kay pareng Isaac," sabi ni Francis habang hindi inaalis ang tingin kay Isaac.
"Aba't kala mo may sense ka din kausap?" hirit ni Ryan
Nakita kong umusog siya ng konti kay Ryan at tinignan si Isaac.
"Pre, sasayangin mo lang laway mo diyan. Kami nalang kausapin mo," sabi ni Ryan habang nakangiti kay Isaac.
Tinulak naman ni Francis si Terrence dahil konti nalang ay mahuhulog na siya sa kaniyang upuan. "Dun ka na nga lang kay Cheska! Palibhasa kasi nireject ka din eh!"
"Ulol! Sana hindi ka manalo!" si Ryan
"Mahiya nga kayo. Para kayong bata kung umasta," si Inna
"I know right? They're getting annoying," si Cheska
"True girls," si Mark at umiling.
Tinaasan ko naman siya ng kilay at nakita kong kumunot lang ang noo niya. Ilang sandali ay nagkaroon nadin ng kapayapaan ang lamesa namin. Nagpatuloy nalang sila sa pagkain habang ako ay tumayo na.
"San ka?" tanong ni Mark sa'kin.
"Library," tipid kong sagot.
Dahan-dahan naman siyang tumango at hindi padin inaalis ang tingin sa'kin. Kinuha ko nalang ang bottled water ko sa lamesa at tumalikod na. Nagsimula na akong maglakad papuntang library. Since may ilang minuto pa namang natitira bago matapos ang lunch break ay nagdesidiyon muna akong magbasa sa lib at magadvance study.
Pagkapasok ko ay dumiretso ako sa mga shelves at kumuha ng ilang libro. Naisip ko na kailangan kong mag-aral sa subject na nahihirapan ako at iyon ay ang Araling Panlipunan kaya ang kinuha ko ay Philippine History, World history at iba pa. Eventhough I don't like the subject, I have no choice but to study it.
Weakness ko talaga ang subject na iyon kaya kahit nahihirapan ako ay iniisip ko nalang na kailangan kong gumraduate. Minor or major subjects man yan ay kailangan ay pantay pantay ang pag-aaral mo sa kanila.
Wala naman masyadong tao sa library dahil halos lahat ay nasa cafeteria na. Umupo ako sa dulo at pinatong ang makakapal na libro sa lamesa.
Binuklat ko ang libro at nagsimulang magbasa pero ilang minuto palang ay nahihilo na ako sa sobrang daming paragraphs at sentences. What I hate about myself is that I have a short attention span. I also get distracted to easily and that won't help me at all.
Hindi ko alam kung bakit walang pumapasok sa isip ko kahit paulit-ulit ko na iyong binabasa. Maybe my mind is thinking something else. Sa totoo lang ay iniisip ko ang mangyayari mamaya kung saan inaaninsiyo na ang resulta. I just can't get it out inside my head.
Since it's useless 'cause I don't understand what I'm reading, I decided to take a quick nap instead. I can feel my eyes getting heavy and my breathing calms.
"Talliah?"
Talliah!"
I slowly opened my eyes when I heard someone calling my name.
"Andito ka lang pala babae ka, kanina pa kita hinahanap."
Kinusot ko ang mata ko at unti-unting inangat ang tingin. I saw my friend Sabrina standing in front of me.
"Oh hey Sab?" bakas pa ang antok sa boses ko.
"Anong hey Sab. Ikaw nalang ang hinihintay namin kaya tara na."
"Huh?" I said half asleep
Nagulat ako noong pinitik niya ang noo ko kaya agad akong nagising sa ginawa niya.
"Ano bang-
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya nalang ako hinila patayo. The next thing I knew, we're already running. Lumabas kami ng library hanggang sa mapunta sa hallway.
"Bakit ba tayo tumatakbo?" sabi ko
"Announcement na. Mamaya na tayo mag-usap," sabi niya habang hila hila padin ang kamay ko.
Kumunot ang noo ko at ilang sandali ay nanlaki ang mata ko. Ilang oras na ba akong tulog at hindi ko na napansin ang oras? I'm sure it's not that long.
"What?! Now na? Eh diba mamaya pa-
"Ewan ko pero last minute inaannounce eh."
Magsasalita na sana ako pero bigla kaming lumiko at natagpuan ko nalang ang sarili namin sa gym. Bumungad sa'min ang mag estudyante sa iba't ibang baitang. Agad na hinanap ng mata ko ang mga kakalse ko
"Ayun sila! Puntahan mo na," si Sab sa tabi ko.
Tumango ako at naghiwaly na kami. Nilapitan ko sila at nakita ko ang pag-alala sa kanilang mukha.
"Lia! Finally you're here. Saan ka galing?" si Ryan
Magsasalita na sana ako pero sunod-sunod silang nagsalita.
"Where have you been?" si Cheska
"You're late," si Francis
"Anong position na ba ang inaannounce?" tanong ko
"Auditor," tipid na sagot ni Terrence
Kaya pala napansin kong kabado ang mukha ni Francis. Hindi siya mapakali sa upuan niya at nakatitig lang sa harap. Tumingin ako sa paligid at nakita na katapat namin ang mga competitors namin, from first year to fourth year students. Nakita ko din sa stage ang isang estudyante na siyang nag MC ngayon.
Inna approached me and clinged her arms on me. "Thank God you're here! I can't stand the boys anymore. Kanina pa sila hindi mapakali."
Hinila naman ako ni Inna at sabay kaming umupo sa itim na monoblock chair.
"Nervous?" tanong niya
Hindi ko alam ang isasagot ko at tumingin nalang sa sahig. She held my hand and squeezed it.
"Huwag kang mag-alala, parehas lang tayo."
Tumingin naman ako sa kaniya at naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa'kin. Her hands were cold as ice.
"Inna, yung kamay mo. Medyo nasasaktan ako," I said while looking at her hand
She immediately let go of my hand and laughed awkwardly. "Oh! I'm sorry."
Tumingin nalang kaming dalawa sa harap at nakita ko ang ilang estudyante sa stage.
"Sinong nanalo?" I asked
"Sa sergeant at arms, grade seven sa babae at grade eight naman yung lalaki."
Dahan dahan naman akong tumango at tumingin ulit sa stage.
"Tapos sa PRO grade nine naman. Kinakabahan na ako kasi malapit na ako."
Kinagat ko ang labi ko at kahit ako ay kinakabahan din. Nagulat nalanng kami noong nagsalita ang MC.
"Now let us proceed to the Auditor! A very close fight indeed. Garnering a total of 150 votes. The winner is Francis Rafael G. Navarro from grade ten St. John!"
Agad na naghiyawaan ang mga estudyante maslalo na sa section namin. Tumingin ako kay Francis at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Nakita ko ding masaya ang boys para sa kaniya.
Tumayo naman kami at pinalakpakan siya habang paakyat siya ng stage. We were so happy and proud of him and not only that, he also represented our section.
"Seatmate ko yan!" sigaw ng kaklase namin sa audience.
Ilang sandali ay tumahimik ang mga estudyante. Umupo na kami at pinagpatuloy naman ng MC ang pagannunsiyo.
"Congratulations Francis from St. John! Now let us proceed to the position of Treasurer. The candidates are Celestine Ignacio from grade nine St. Lorenzo and Inna Del Mundo from grade ten St. John. The results are in and the winner is..."
I looked at Inna beside me who's now biting her nails. I held her hand and gave her a small smile. I admit I'm also nervous not only for myself, but for us. This is our last year and we really want to make the best out of everything before we leave. I know everyone of us wants to win this so badly.
"Inna Del Mundo! Congratulations to you!" the MC announced on the mic.
The crowd became louder and wilder than before. Tumingin ako kay Inna at nakita ko ang gulat niyang ekspresiyon. I stood up and offered a hug. Nagulat nalang ako noong bigla niya akong niyakap ng mahigpit. I caressed her back and smiled.
"Congratulations, Inna." I said
"Thank you," she whispehered
Kumalas na kami sa yakap at agad naman siyang naglakad papunta sa stage. We stood up and clapped our hands. Nakita ko ang masasayang mukha ng mga kakalse namin at kaming kapwa class officers niya. I saw Inna on the stage and she waved at us. I waved back and gave her a thumbs up.
Ilang sandali ay umupo ulit kami. Now there are only five of us left on our seats. Katabi ko si Ryan at katabi naman niya si Terrence at Cheska habang si Isaac ay nasa banda din ni Cheska.
Ngayon ko lang narealize na wala si Mark dito. I looked at the crowd to find him but I couldn't. Ilang sandali ay nahagip ng mata ko ang isang lalaki sa dulong parte ng audience. Nakita ko siyang nakatayo sa mahaba na bench at may hawak hawak na malaking kartolina.
Naningkit ang mata ko at binasa kung ano ang nakasulat doon.
"St. John lang malakas!" sigaw ni Mark
Nakita ko ang ilang pictures ng mukha namin doon na nakadikit sa kartolina. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano pero puro mga wacky at pangit na kuha ang nandoon. Umiling nalang ako at nagtakip ng mukha sa kahihiyan.
"I can feel that you are all fired up and excited to know the next winner for the next position. Hindi ko na papatagalin pa, let's move on to the Secretary. Two amazing candidates are deserving for the position. Charmaine Domingo from third year St. Joseph and Talliah Hope Cojuangco from grade ten St. John."
At this point I can feel my heart beating wildly inside my chest. My hands were cold and my throat feels dry. I licked my lips anticipating the winner. Even the mention of my name makes me feel excited and nervous at the same time. This is the most nervous I have ever been. I told myself that it wasn't a big deal if I win or lose but after everything that I've been through...I also wanted to win.
"Again, this is another close fight. The gap is small by only ten votes!"
The crowd became louder and everyone was cheering. I heard my classmates cheering for me while some are also cheering to my competitor. I can say that it really is a close fight base on the reaction of the students.
Do I have a chance?
Can I possibly win?
My mind was clouded with thoughts that I couldn't even hear the loud cheer of the audience. My eyes were just straight at the MC who is now holding the paper.
If my name get called, I'd literally have no idea what to do.
"And the winner is..."
I swallowed hard and bit my lip. I felt like I don't want to hear the results anymore nonetheless, I tried to remain calm even if I know that I look like a nervous wreck right now.
I hope to hear my name, please say my name.
"Charmaine Domingo from St. Joseph! Congratulations!"
I felt my heart froze for a moment. My eyes remained on the MC. Muling naghiyawan ang mga estudyante pero parang wala akong marinig. Napakurap kurap ako at tumingin sa sahig. Sinubukan kong hindi ipahalata ang pagkadismaya ko dahil ayokong ipakita sa kanila na apektado ako kahit na ang totoo ay nanghina ako.
"Lia, okay lang 'yan. We still support you. What's important is you did your best." sabi ni Ryan sa tabi ko.
Why do I keep hearing those words from them? Why do I feel like it didn't mean anything to me?
I couldn't even look at him nor the stage 'cause I know my fellow class officers are watching me right now.
Sinikap kong palakasin ang loob ko at unti-unting tumingin sa kaniya.
"Ayos lang ako, hindi naman talaga ako umaasa eh." sabi ko at pekeng ngumiti.
The truth is I did. Ayoko na magsinungaling sa sarili ko at sabihing hindi ko gustong manalo kasi sino ba namang gustong matalo diba?
Tanggap ko naman nung una, pero bakit masakit padin para sa'kin?
Umasa talaga ako?
Naniwala talaga ako sa sarili ko na mananalo ako?
I don't know exactly what I feel rather than empty.
"Now the time has come to announce most awaited positions, the Vice President and the President. Ryan Hernandez from grade ten St. John and Jessica Dy from grade eight St. Matthew. And the winner is...Ryan Hernandez!"
I stood up and acted like nothing happened. Ngumiti ako at pinalakpakan si Ryan. He gave me a high five and so are the others. Naglakad na siya paakyat ng stage at agad naman kaming umupo.
My eyes remained on the stage even if I feel someone watching me on the corner of my eyes. Umayos nalang ako ng upo at hindi iyon pinansin.
"Congratulations Ryan! This is your second year as Vice President and also your last year. How does it feel?" tanong ng MC kay Ryan.
Kinuha naman ni Ryan ang mikropono at masayang tumingin sa audience.
"Ma, Pa. I made it! Labyu fans!" sigaw niya
Nagtawanan at naghiyawan ang lahat sa sinabi ni Ryan. I looked at him and a small smile formed on my lips.
Binalik naman niya ang mikropono sa MC at tinanggap naman ng MC iyon. "Ahh hindi po ito live so malabo pong makita iyon ng magulang ninyo," pagbibiro niya.
Nagtawanan muli ang mga estudyante at nagpalakpakan. Ilang sandali ay pinagpatuloy na niya ang pag anunsiyo sa huling posisiyon at iyon ay ang magiging President ng Student Council.
"Last but not the least, eto na ang pinakahinihintay ng lahat at ang pinakaimportanteng posisyon sa Student Council. Ito ay ang President. Handa na ba kayong malaman kung sino ang mananalo?" tanong niya
"Oo kanina pa!" sigaw ng isang estudyante
"Overtime na po!" sigaw ulit ng isa
"Kayo nalang mag MC sige," he said sarcastically. "So, going back. We have three candidates for President this year and they are all grade ten students from St. John. I am very much excited to announce the winner. Will it be Francesca Ocampo, the former President last year. Terrence Bautista, her biggest rival or someone who's new for the position, Isaac Garcia."
Tumingin ako sa kanilang tatlo. Cheska looks confident like she's already expecting to win while Terrence looks like he doesn't care at all. Meanwhile, Isaac seems oddly calm in this situation.
Tumahimik ang audience at lahat sila ay nakatingin sa kanilang tatlo. May narinig akong sumigaw ng pangalan ni Cheska at ilan ay ang pangalan nina Terrence at Isaac. The tension rose more and more in the whole gym.
I looked at the MC and saw his brows shot up when he read the paper. Inilapit niya ang mikropono sa bibig at tumingin sa audience. "Well this is surprisingly unexpected but I am happy to announce that the President for this year Student Council is..."
"None other than...Isaac Garcia! Congratulations!"
Pagkasabi nun ng MC ay mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga estudyante. I looked at Isaac and he looks like he wasn't expecting to win. Nilapitan naman siya ni Terrence at cinongratulate siya. Tinapik niya ito sa balikat at kita kong sumilay ang ngiti sa labi ni Isaac.
Meanwhile, Cheska does not seem happy with the results. Her lips were parted and seems frozen on her seat. Nilapitan ko naman siya at nakita ko siyang tulala.
"Hey Cheska, congrats padin."
Mukhang hindi niya ako narinig dahil nanatili siyang nakatingin sa kawalan. Hinawakan ko naman ang balikat niya at agad naman siyang tumingin sa'kin.
Bumukas ang bibig niya pero tinikom niya ulit tila hindi alam ang sasabihin. She smiled bitterly and stood up.
"Excuse me for a while," sabi niya at nilagpasan ako.
Napakurap-kurap ako at nanatiling nakatayo ng ilang segundo at unti-unting lumingon sa kaniya. Sinubukan ko siyang hanapin pero natabunan na siya ng mga estudyante.
Bumalik nalang ako sa upuan ko at tinignan ang stage. Nakita kong nandoon na si Isaac kasama sila. Francis and Inna welcomed him as well as the other students. Nakita kong masaya sila sa pagkapanalo ni Isaac.
"There you have it. Congratulations to the students who are now offically part of the Student Council! Great job and goodluck to all!"
To be honest, I didn't expect that he would win. Akala ko noong una ay si Cheska talaga pero ganun talaga, minsan nasa taas ka at minsan nasa baba. Sa tingin ko ay nasaktan ang pride niya dahil sa pagkatalo. I feel sorry for her but I think Isaac deserved the position.
"Well, I guess it's just you and me Lia," si Terrence
Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya. Hindi ako sumagot at nanatili ang mata sa stage.
"Olats nanaman," sabi niya at mahinang tumawa.
Terrence has always been nominated for President since first year but he always lose against Cheska but there wasn't a moment that I saw him discouraged. He's a good sport. He's even happy when Isaac won but I still wonder he managed to be optimistic despite his failures.
"Hindi ka ba," I swallowed hard. "Napaghihinaan ng loob?"
Hindi naman siya agad nakasagot sa tanong ko. Nanatili ang mata niya sa stage habang tipid na nakangiti. Ilang sandali ay bumaba ang tingin niya sa sahig at bumuntong hininga.
"I believe that my time will come. Maybe not today or next year but soon, the time will come when my hard work will pay off. I take my failures as my motivation to work harder rather than be discouraged."
Inangat niya ang tingin sa'kin atsaka ngumiti. "Just because I lose doesn't mean I'm a failure."
Tumungo nalang ako at pinaglaruan ang daliri ko.
I guess he's right. Hindi dapat ako panghinaan ng loob dahil lang natalo ako. Oo masakit din para sa'kin pero wala naman akong magagawa.
What's important is I did my best right?
But...did I really did my best?
Best ko na nga ba iyon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top