01
#CAC01
Kinabukasan ay dumiretso ako sa mga lockers. Binuksan ko ang locker ko at kumuha ng mga libro.
"Good morning!"
Nagulat ako sa pagdating ni Mark. Napahawak ako sa dibdib ko.
"Gulat ka?" natatawa niyang sabi
Napailing ako at pinagpatuloy ang pagkuha ng gamit.
"Galing magsalita nung speaker kahapon 'no?" tanong niya
Tumango ako. Binuksan din niya ang locker sa tabi ko at kumuha din ng gamit.
"What do you think about her?" he asked again
"She's very well spoken. Ang dami kong natutunan especially sa last part."
"Ako din," sagot ko. "Akala mo naman talaga nakinig."
Nakita kong bigla siyang napatingin sa'kin. "Grabe nakinig kaya ako."
I chuckled. "Yeah right."
"Kaso inantok na ko sa dulo kaya natulog nalang ako," sabi niya sabay tawa. "Pero may naintindihan naman ako."
Bigla kong naalala ang nangyari kahapon. It was such an incredible experience for me. I enjoyed it because I learned a lot. I always crave for new things. I want to learn more. Sana ay may iinvite pa na guest speaker ang school. Nakakainspire kasi at nakakamotivate.
"Why law?" I blurted
Nakita ko kasi kahapon ang suot niya. Naka itim na coat at puti na polo sa loob at kulay itim din na slacks.
Sinara ko na ang locker ko at hinarap siya. Napatigil siya bigla sa pagkuha ng gamit.
"Ha?" nautal niyang sabi
"Law kukunin mo diba? Am I right or?"
Sinara ko ang bag ko at nilagay iyon sa likod.
"Pano mo naman nalaman na law kukunin ko?"
Inirapan ko siya at sumandal sa lockers.
"I saw you were carrying law books yesterday...and today, another bunch of law books in your locker," sabi ko sabay silip sa locker niya.
Agad niya itong sinara. Nagulat ako doon at lumayo ng kaunti.
"Why? What's wrong?" naguguluhan kong tanong
Umiling siya at tipid na ngumiti. "Nothing. Ang observant mo naman masyado."
I smiled. "So...why law? I'm just curious."
Hindi agad siya nakasagot. Ilang sandali ay sa wakas ay tumingin din siya sa'kin. He shrugged and gave me a small smile.
"Ewan," sagot niya
Kumunot ang noo ko. "Hindi mo alam or hindi ka sigurado?"
Hindi niya ako sinagot. Bigla na lamang siyang may kinawayan galing sa likod ko.
"Oy Joseph!" tawag niya
Nilingon ko kung sino yung tinawag niya at nakita ko ang schoolmate namin kahapon. The one that the guest speaker praised.
"Uy pre!" bati nito pabalik
Nakipag-apir sila sa isa't isa.
"Galing mo kahapon ah. Hanep!" ngiting puri ni Mark
"Close kayo?" pagsingit ko sa usapan
"Close ko lahat," sabi ni Mark sabay kindat
"Salamat pre. Nahiya na nga ko eh kasi ang dami bigla bumati sa'kin," sagot ni Joseph
Tumawa si Mark. "Tsk. Sikat ka na talaga. Basta walang kalimutan ah."
Ilang sandali ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Tatalikod nadin sana ako para pumunta sa klase pero bigla akong tinawag ni Mark.
"Lia."
Nilingon ko siya. "Hmm?"
"Why Med?" he asked and put his hands inside his pockets
I wasn't able to answer. My eyes remained on him. His brows shot up waiting for my answer.
Umawang ang labi ko. "Hindi pa sure 'yon. Undecided pa ko."
Umiwas ako ng tingin. Why did he suddenly asked the same question I asked him? Pero hindi naman niya sinagot yung tanong. I don't why but I still feel embarassed. Graduating na ako pero hanggang ngayon ay hindi ko padin alam ang kukunin samantalang lahat ng kaklase ko ay alam na ang gusto nilang course.
"It's really not something to be embarassed about," he said
Bigla akong napatingin sa kanya.
Did he just read my mind?
He gave me a small smile. "See you later in class!" kumaway siya sa'kin bago tumalikod at naglakad palayo.
I'm not really close with him before but I somehow feel comfortable around him or maybe he naturally makes people comfortable around him.
Naging kaklase ko siya mula first year hanggang ngayon pero hindi naman kami masyadong nag-uusap noon pero alam kong mabait siya..pasaway nga lang minsan dahil laging pinapagalitan ng teacher namin pero hindi kailanman nawala ang pagiging masiyahin niya. Friendly siya at approachable. Kumbaga lahat kaming mga kaklase niya ay madali niyang makasama at makausap.
I sighed and turned my heel. Nagsimula na akong maglakad papunta sa classroom.
"Grabe, hindi ko inakala na magiging parte ako ng Student Council."
"I'm so proud of you Erika, ang galing galing mo!"
Rinig kong usapan ng mga estudyante na dumadaan. Sinundan ko sila ng tingin.
Student Council?
I have never been a part of that even before. Magmula elementary hanggang higschool ay hindi ako napabilang doon.
Sometimes, they don't even care of your potential as long as you're popular then they'll automatically vote for you. It's a shame but that's what it is.
Maypagka-introvert din kasi ako kaya hindi ako gano'n kasociable at friendly kaya wala akong masyadong kilala sa school. I always keep a low profile to avoid issues and all.
What's important to me now is to study hard for myself and for my family. I don't have to please everyone like everybody else.
I just shrugged it off and continued walking until I reach my classroom.
Pagkapasok ko palang ay nakita kong nagdadaldalan at may kaniya kaniyang mundo ang mga kakalse ko. Napansin kong wala pa ang adviser namin kaya dumiretso nalang ako sa upuan ko.
Napahinto ako noong nakita kong may nakaupo sa upuan ni Mark na katabi ko. Kumunot ang noo ko at lumapit doon.
"Kurt? Bakit ka andiyan? Upuan 'yan ni Mark ah."
Nakita kong nagdadaldalan sila ni Ethan pero ilang saglit ay tumingin din sila sa'kin.
"Pinalipat ako ni Ma'am eh, dun na siya sa upuan ko. I'm going to be your new seatmate."
Inirapan ko nalang siya at umiling. Umupo nalang ako sa armchair habang hinihintay ang teacher namin.
Pinagpatuloy nalang nila ang pakikipag-usap sa isa't isa.
Ilang sandali ay umayos ako ng upo noong pumasok na ang adviser namin. Bigla ding tumahimik ang mga kaklase ko at sabay sabay na bumati kay Ma'am.
"Goodmorning class," sabi niya at dumiretso sa maliit na desk sa gitna
"Ma'am! Ngayon po ba tayo mageelect ng class officers para sa Student Council?" tanong ng isa kong kaklase sa harap.
"Yes, I was going to announce it pero inunahan mo nanaman ako Mr. Laurel."
Mahinang tumawa naman ang mga kakalse ko sa sinabi ni Ma'am.
"Okay class let's start. Since you already know how this works, of course unang-una ang President."
Sinulat ni Ma'am sa whiteboard ang mga class officers mula President hanggang sergeant at arms.
"Now, the nomination for the President is officially opened. Who would like to start?"
Agad namang nagsitaasan ng kamay ang mga kaklase ko sa unahan. Nakita kong iginaya niya ang mata niya sa buong klase.
"Yes Ms. Castillo, who would like to nominate?"
Tumayo naman si Bea sa kaniyang upuan. "I would like to nominate Francesca Ocampo for President."
Biglang nagpalakpakan ang mga kaklase ko kay Cheska at nakita kong nakangiti siya at mukhang masaya siya dahil ninomate siya.
Tumingin ako sa white board at nakita kong sinulat ni Ma'am ang pangalan ni Cheska sa tabi ng President.
"Okay, who else wants to nominate for the position of President," sambit ni Ma'am
Agad nanamang nagtaasan ng kamay ang mga kaklase ko. "Yes Mr. Dela Cruz?"
"Ma'am I would like to nominate Terrence Bautista for President," sabi ng kaklase ko at mahinang tumawa.
Tumingin naman ako kay Terrence at nakita kong hiyang hiya siya sa kaibigan niya.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nilang inaasar ang dalawa. Naghiyawan ang mga kaklase ko at agad naman silang pinatahimik ni Ma'am.
"Tignan mo, lumalabas nanaman ang pagkababae ni Eric," rinig kong bulungan ng dalawang babae sa harap ko.
"Oo nga, eh alam naman nating straight si Terrence at may gusto pa kay Cheska," sabi naman ng isa.
Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin nalang sa harap. Nakita kong sinulat naman ni Ma'am sa whiteboard ang pangalan ni Terrence.
"Ano ba naman 'yan, sila nanaman. Last year sila na yung tumakbo ah." rinig kong bulong ni Kurt sa tabi ko
Hindi nalang ako umimik at yumuko. I opened my notebook and scribbled random things.
"Pustahan pre, si Cheska mamimigay nanaman ng kung ano-ano. Last year diba namigay siya ng tshirt? Ano naman kaya ngayon? Lightstick?" sabi niya kay Ethan at rinig ko ang mahina nilang tawanan.
It's true tho. Hindi na ako magugulat kung siya ang mananalo. Sikat si Cheska sa buong campus at maski sa lower level ay kilala siya. She's very sociable to other people and she's really not that hard to like. Supportive pa ang pamilya niya kaya noong nanalo siya ay maslalo siyang nakilala at nagkaroon pa siya ng fanbase.
"Okay class, may gusto pa bang dumagdag sa nominees natin for President?"
Nilibot ko ang mata ko sa buong classroom at nakitang wala ng nagtaas ng kamay.
"Alright, mukhang wala na. Who would like to close the nomination?"
Nakita kong nagtaas ang isa kong kaklase sa harap at agad naman siyang tumayo. "I move to close the nomination for-"
"Wait a moment. Yes Mr. Garcia, you're raising your hand. Would you like to nominate someone?" tanong ni Ma'am.
Tumingin naman ako sa kakalse kong si Isaac. Nandoon siya sa dulo ng row namin at nakita kong bahagyang nakataas ang kamay niya, mukhang nagdadalawang isip pa siya.
Unti-unti naman siyang tumayo at yumuko. "Ma'am, can I...nominate myself?"
Halos lahat kami ay nakatingin lang sa kaniya. Napakurap-kurap pa ang ilan sa'min at binalot kami ng katahimikan. Mukhang hindi din inaasahan ang nangyari.
Isaac is the type of student who doesn't talk much. Minsan nga eh ay hindi ko napapansin na nadiyan pala siya. Tahimik lang kasi siya pero may ilan naman sa'min ang kumakausap sa kaniya, kapwa nerd ganun. Hindi ko alam kung bakit ninomate niya ang sarili niya.
"Ah, yes of course!" si Ma'am
Ilang sandali ay narinig ko ang ilang bulungan at tawanan ng mga kaklase ko.
"Puwede pala yun? Edi sana ninomate ko narin sarili ko para atleast makakompetensiya ko si papa Terrence," malanding sabi ng kaklase kong babae sa harap.
"Gaga, walang boboto sa'yo! Mahiya ka nga." sabi ng isa
Nakita kong may nagtaas ng kamay sa kaklase ko. "Ma'am pwede po ba yun?"
"Yes, puwedeng pwede. Actually ngayon lang nangyari 'to na may kaklase kayong ninominate ang sarili. Ang tawag doon ay independent party list," paliwanag ni Ma'am.
"Paano po mangyayari yun?" tanong ni Reese
"Ang mangyayari ay since tatlo ang nominado ay automatic ay silang tatlo ang tatakbo sa Student Council."
Tumango tango naman ang mga kaklase ko. Bago iyon sa'min kaya sa tingin ko ay mas iinit ang labanan. Sigurado naman ako sa mananalo si Cheska dahil magaling din siya at sa tingin ko ay hindi siya naging apektado kahit dalawa na ang kakompetensiya niya pero hindi mawala sa isip ko si Isaac.
Pinagmasdan ko siya at nakita kong titig na titig siya sa whiteboard habang sinusulat doon ni Ma'am ang pangalan niya.
Muling humarap si Ma'am sa klase. "Anyone else?" tanong niya at mukhang wala ng nagtaasan sa'min.
"Okay Ms. Ruiz, you may now close the nomination."
Agad na tumayo ang kaklase ko. "I move to close the nomination for President."
Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. "Okay class let's proceed for the Vice President. The voting begins after all the nominations for the class officers."
Muling nagsitaasan ng kamay ang mga kakalse ko. "Ma'am! I vote Ryan Hernandez as Vice President."
Nakita kong namilog ang mata niya sa sinabi ng kaklase. Bigla nanaman silang naghiyawan.
"Tang ina nga naman pre. Hernandez and Ocampo tandem nanaman, wala ng bago. Eh sure win nanaman 'yan eh," buntong hininga ni Kurt at umiling.
"Ano ka ba pre, wag ka ngang maingay diyan. Baka marinig ka ng fans nila at sugurin ka. Hindi kita matutulungan pre," si Ethan
"Pake ko sa kanila, edi sugurin nila ako," hirit ni Kurt
"Hoy Mr. Penetrante, pwede ba? Kanina pa ako naririndi sa'yo ah. Ikaw nalang kaya tumakbo, puro ka daldal eh akala mo may ambag," sabi ng babae kong kaklase sa harap noong lumingon siya sa'min.
"Kaya nga wala akong balak tumakbo eh, ikaw nalang kaya at-"
Hindi ko na napigilan at sinipa siya sa paa. Tumigil naman siya at tumingin sa'kin. Kumunot ang noo niya at ganun din ako.
"Can you please shut up Kurt," sabi ko at umiling
Huminga nalang siya ng malalim at sumandal sa upuan. Mas maigi pa kung si Mark nalang yung katabi ko eh. Kung alam ko lang na mas malala pala siya sa kaniya edi sana nagpalitan nalang din ako.
"Okay class let's move on to the Secretary."
Umayos naman ako ng upo at bahagyang nagulat sa sinabi ni Ma'am. Secretary na agad? Ang bilis naman.
"Kasalanan mo 'to Kurt eh, apaka daldal mo," sabi ko pero busangot lang ang mukha niya.
Humalukipkip nalang ako at umiling.
"Ma'am I vote Mandy Salvador for Secretary!" si Reese ulit
Sinulat nanaman ng adviser namin ang pangalan ni Mandy sa white board. Sumandal nalang ako at pumikit.
Sigurado akong matagal pa matatapos ito dahil magbobotohan pa.
"Ma'am I vote for Talliah Cojuangco for Secretary!"
Bigla akong dumilat noong narinig ko ang pangalan ko. Tumingin ako sa kanan ko at namilog ang mata ko noong nakatayo si Kurt.
Umayos ako ng upo at hinila ang uniporme niya. Tinignan niya naman ako at matalim akong tumitig sa kaniya.
"Anong ginagawa mo?!" I hissed
"Duh, obvious ba? I'm nominating you," mahina niyang sabi
"Yeah I know but why?!"
Magsasalita na sana siya pero agad na nagsalita ang adviser namin.
"Is there any problem?" si Ma'am
Tatayo na sana ako para magreklamo pero agad akong pinigilan ni Kurt.
"Ma'am I move to close the nomination for Secretary," si Ethan
Mas lalong nanlaki ang mata ko at tumingin kay Ethan. Nakita kong nagthumbs up siya sa'kin at unti-unting umupo.
Inalis ko ang pagkakahawak sa'kin ni Kurt at inayos ang aking uniporme. Tinignan ko siya ng masama at nakita kong nagapir lang sila ni Ethan.
Nagsanib pwersa ba sila para humiganti sa'kin. Pinag-isahan nila ako ah!
"No need to thank us Lia. Kung sa tingin mo ay pinagttripan ka lang namin ay nagkakamali ka," si Kurt
"Besides, we just want something different and new sa Student Council. I think it's time to give students like you a chance," dagdag niya
"And you think nominating someone like me would make a difference? I'm not even competent enough for the position?"
Hindi ko din alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa huli niyang sinabi.
Students like me? A chance? What the heck did he mean by that? It's a huge responsibility and I'm not ready for it!
A few minutes have passed and the nomination for all class officers are now closed.
Nagsimula nadin ang voting. Nagsimula sa Vice President dahil sabi nga kanina ng adviser tungkol sa President ay tatlo silang maglalaban sa Student Council.
"The voting begins now for the Vice President. Who's in favor for Kimberly Ignacio?"
Ang paraan ng pagboboto namin ay itataas lang ang kamay at bibilangin kung sino ang pinakamaraming boto depende sa gusto naming manalo at yun ang tataguriang mananalo.
May ilang nagsitaasan ng kamay at maging sila Ethan at Kurt ay pabor kay Kimberly.
"8 votes, going once."
May ilan pang nagtaas ng kamay at maski ako ay nagtaas nadin.
"A total of 12 votes for Kimberly Ignacio."
Nagpalakpakan naman kami at mukhang alam na namin agad kung kanino mas pabor ang karamihan.
"Now who's in favor for Ryan Hernandez?"
Hindi ko na narinig ang bosea ni Ma'am dahil naghiyawan na ang mga kaklase ko.
Maslalong dumami ang nagtaas ng kamay kumpara kay Kimberly.
"A total of eighteen votes for Ryan Hernandez! I guess we have a winner. Congratulations Ryan," masayang bati ni Ma'am.
"Still a close fight," bulong ni Kurt
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako kinabahan. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil alam kong secretary na ang susunod na category.
I swallowed hard and took a deep breath. Hanggang ngayon ay naiinis padin ako sa kanilang dalawa ni Ethan.
I know I have no chance when it comes to this. Hindi na ako umaasa na mananalo pa ako. If I win this then I'm qualified for the Student Council. Hindi pa iyon final dahil magkakaroon padin ng botohan and that means I have to compete with my schoolmates on the lower levels.
"Okay now let us move on to the Secretary. Let's start of with Mandy Salvador."
Mas mabilis pa sa alas kwarto ang pagtaas ng kamay ng mga kaklase ko. Ang ilan ay tumayo habang ang iba ay hindi mapakali sa upuan nila.
Mandy Salvador is also popular. Not only that, she's also the Team Captain of the Volleyball team. Maraming lalaki at maski babae ay humahanga sa kaniya.
I have zero chance when it comes to her. I don't even have an athletic bone in my body. Hindi na ako lalaban pa pero nakakainis dahil wala akong choice.
"Sana pre manalo siya noh? Ang galing niya maglaro ng Volleyball tapos ang ganda pa ng sulat niya."
Rinig kong sabi ng dalawang lalaki sa harap ko.
"Hindi po purket maganda ang sulat ay Secretary na!" sigaw ni Kurt at agad namang lumingon ang dalawang lalaki sa kaniya.
Sinipa ko nalang ulit siya sa paa at agad naman siyang tumahimik.
This guy is really getting on my nerves.
"Fifteen votes for Mandy Salvador. Let's give her a round of applause," masayang sabi ng adviser namin.
Fifteen?! Eh halos kalahati nayun ng buong klase ah. How am I gonna compete with that? But on the other note, so the other half is in favor of me?
"Now let's move on to Talliah Cojuangco."
Hindi nagpatalo ang dalawa kong katabi at sila agad ang unang nagtaas ng kamay. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang ilan na unti-unti ding nagtaas ng kamay.
How can this be? Sigurado ba sila sa desisiyon nila? Sure na 'yon? Baka pagsisihan lang nila ah.
I kinda feel awkward and uncomfortable right now.
Nagulat ako noong biglang hinawakan ni Kurt ang palapulsuhan ko at itinaas ang kamay ko.
"Puwede mo ding iboto ang sarili mo," sabi niya habang nakakalokong ngumiti.
I smiled awkwardly when some of my classmates looked at me. Nakita ko ang ilan sila ay nakangiti habang ang iba ay tamad lang na nakataas ang kamay.
"I prefer Talliah than Mandy. Simula kasi noong naging Captain siya ay yumabang na. Akala mo kung sino," rinig kong sabi ng kaklase ko.
"Oo nga, kahit hindi ko close si Talliah ay siya nalang iboboto ko kaysa kay Mandy," sagot ng isa.
Kinagat ko nalang ang labi ko at yumuko.
This is embarrassing, I don't even know why. I'm not used to attention that's why I get so conscious with myself easily.
Pumikit nalang ako ng mariin dahil alam kong hindi din ako mananalo. Para akong baliw dito habang nakataas padin ang kamay ko.
"Fifteen votes too! We have a tie."
Bigla akong napadilat sa sinabi ng adviser ko. Inangat ko ang tingin ko at nakitang nagkakagulo ang buong classroom. Maslalong umingay ito kumpara kanina.
A tie? What the hell?
Ready na akong matalo pero bakit biglang may tie? Tama ba yung narinig ko o mali lang ang bilang ni Ma'am?
"Shit! We have a chance Talliah!" yugyog sa'kin ni Kurt.
"Unang beses pa lang nangyari ito!" si Ethan.
I don't know if they're being overdramatic or exaggerating but either the two.
"What will happen then?" I asked.
"Ang mangyayari kapag may tie ay dapat magspeech ang dalawang kalaban dito sa harap at patunayan nilang karapat-dapat sila sa posisyon na yun. You just need to convince and prove yourself to the audience," lumingon ako sa aming adviser na ngayon ay nakatingin sa'min ni Mandy.
Muling naghiyawan ang mga kaklase ko.
Oh boy! This is what I'm afraid of. Public speaking!
Pwede bang magback out nalang? Sa ngayon gusto ko nalang lamunin ako ng lupa.
Kung sa recitation nga ay kabado na ako paano pa kaya kapag speech na? Baka himatayin na ako on the spot.
I'm really not confident enough and I know I'll mess this up. I haven't even prepared anything 'cause I'm clearly not expecting all of this!
Call me overdramatic but introverts like me can't handle those. I feel pressured right now. Hindi ko alam kung bakit naging blanko nalang ang utak ko.
"You have a voice Lia. You just need to be heard," si Kurt.
Nakita niya siguro na kanina pa ako hindi mapakali sa upuan ko. Tumingin ako sa kaniya ng masama at sinuklian lang ako ng isang ngiti.
Binalik ko ang tingin sa harap at nakita kong nakatayo na si Mandy. Nagtama ang mata namin ng adviser ko at agad akong umiwas ng tingin.
My palms were sweating so hard and I can feel my heart beating wildly inside my chest.
Sana may milagrong mangyari.
Ilang sandali ay lahat kami lumingon noong malakas na bumukas ang pintuan.
"I vote for Talliah Cojuangco for Secretary!" sigaw niya
Just when I thought that everything is already worse, well not until he came.
What a great timing Mark Alonzo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top