Chapter 9

Nagtatalo ang isip ko.

Muli kong tinitigan ang imbitasyon na kanina lang ay iniabot sakin ni Kat.

Naguluhan pa ako nung una kung para saan yun ngunit nang mabasa ko ang nakalagay sa invitation ay agad kong naintindihan.

"Come to my birthday, bes. Please?"

Hindi ako tumango at hindi rin ako umiling. Inabot ko lang mula sa kamay niya ang invitation at agad na umupo sa upuan ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

The theme of her invitation is skyblue and white.

Sa baba nun ay ang caption.

KATZY VIENNE TIAMZON @22

You're invited!

Napahilamos ako sa mukha ko.

"Problema mo?"

Kumunot ang noo ko at napatingala sa nagsalita.

"Anong ginagawa mo rito?"

Nagkibit balikat siya at naupo sa tabi ko. Agad namang nagtilian ang mga katabi kong babae.

Jusko, hanggang dito ba naman?

"Wala lang, wala raw klase. Half day lang."

Humiga ako sa braso ko. Wala nanamang klase. Pabobo na kami ng pabobo bawat araw.

"Kdot."

"Tara, siomai?"

Napabangon ako at tinignan si Kat. Nakikipagdaldalan na siya sa iba pa naming kaklase ngayon. Bakit ang saya niya?

Bakit ako hindi?

Bumuga ako ng hangin at isinukbit ang bag ko sa balikat ko nang hablutin ni Zade ang bag ko at isinabit sa kaniyang balikat.

Nagkatinginan naman kami.

He smiled. "Ako na."

Nagkibit balikat nalang ako at sinundan siya ng lakad.

"San punta, bro?" tanong nang bokalista nila na nakasalubong namin.

Maraming tao ngayon sa hallway, mukhang enjoy na enjoy sa vacant hours.

"Sa lugar na wala ka," walang kwentang sagot ni Zade at agad siyang nakatanggap ng sapak mula kay Samuel.

Nagtawanan sila at nagilingan. Napabaling si Samuel sakin na agad ngumiti nang mapang-asar.

"Saan ba yang lugar na yan, pre? Mukhang delikado yan."

Kumunot naman ang noo ko nang sapakin ni Zade si Samuel sa braso. Mahina lang naman.

"Gago ka, lumayas ka nga sa harap ko."

Tawa nang tawa si Samuel habang naglalakad palayo.

"Ingat sa lugar na yan, pre. Baka makulong kayo for nine months."

"Ulol," sigaw pa ni Zade.

Binalingan naman niya ako at kumalma ang kaniyang mukha.

"Tara na nga," sabi niya sabay hila sa kamay ko kaya nagpatinaod nalang ako sakaniya.

Tumigil kami ni Zade nang makarating na kami sa stall nang siomaian. Sa loob parin naman yun nang university. At dahil malaki ang Eastwood, marami ring kainan ang nakapalibot.

"Beef siomai and gulaman," sabi agad ni Zade sabay abot nang perang pambayad.

Tinapik tapik naman namin ang lamesa habang naghihintay.

"May sasabihin ako."

Napalingon ako sakaniya na diretso ang tingin sa field.

Mainit ngayon at ang makita ang mukha niyang nasisilawan ay isa sa mga magandang tignan sa ngayon.

"Ano yun?"

"Mamaya."

Tumango lang ako sakaniya hanggang sa nakuha namin ang order naming siomai.

Napagdesisyonan namin na maglakad lakad sa field kaya yun ang ginawa naming dalawa.

Naghahalong lamig at init ang panahon ngayon pero hindi namin ininda ang kahit ano sa dalawang yun.

"Anong paguusapan natin?" tanong ko nang makaupo kaming dalawa sa isa sa benches.

Napili naming manood ng naglalaro habang nagkikwentuhan. Kumuha muna ako ng siomai sakaniya dahil ang tagal niyang kumain.

Tinampal niya naman ang kamay ko kaya lumipad ang kamao ko sa ulo niya.

"Aray naman!" reklamo niya nang mabatukan ko siya.

Nagmake face lang kami at dumiretso nang tingin sa harap nang field.

"Since the day that we met, wala na akong ibang ginawa kundi ang maglook forward sa mga susunod pa nating coffee dates."

Natigil ako. Coffee dates?

Bumaling ako sakaniya nang nakakunot ang noo.

"Yeah, parang tanga diba? Sinong estranghero ang maghahangad ng coffee dates sa taong kakikilala pa lang niya. Kaya simula nung nalaman kong sa Eastwood ka nagaaral, inalam ko na ang tungkol sayo."

Nagpatuloy ako sa pagkain nang siomai habang nakikinig sakaniya.

"At nalaman kong girlfriend ka pala nang MVP player nang Eastwood Knights na si Lukas Sy."

Yeah, my boyfriend is one of the varsity of Eastwood University. The captain ball actually. Ilang beses ko na siyang nakitang maglaro pero madalas tinatamad ako.

"Simula nun, palagi na kitang inaabangan sa cafe na yun at kapag nakikita kita palaging sinisigurado kong walang extra upuan para magkatapat ulit tayo pero kalaunan feeling ko nasanay kana rin naman sakin."

Fact check.

"Tapos-"

"Seriously, Zade. Stop beating around the bush. What do you really wanna say?"

He inhaled his breath sharply and looked straight into my eyes.

"I like you, Vanness. And I want to court you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top