Chapter 5
Alam kong ang tanga ko nang pumayag akong magpaloko sa kaniya.
Pero hindi kailanman sumagi sa isip ko na ibang 'Vie' pala ang tinutukoy niya.
"I'm sorry, V. Mahal ko siya, e..."
Kanina pa kami nag-iiyakan dito.
Sa totoo lang, akala ko nadurog na yung puso ko dahil sa ginawa ni Lukas sakin at nung babaeng nahuli ko pero hindi ko akalain na mas madudurog ako sa impormasyong nalaman ko.
"Mahal na mahal ko kayo, bakit niyo nagawa sakin to?" pinipiga ang puso ko kasabay nang pagbagsak nang panibagong luha sa mata ko.
Naramdaman kong niyakap niya ako at nawalan ako nang lakas para itulak siya.
As if, kaya ko.
The Vie that my boyfriend was talking about was actually my bestfriend.
Katzy Vienne Tiamzon.
Nalaman ko kanina lang. Nakita ko silang magkasama at nagtatawanan. Akala ko, tropa lang since trio naman kami talaga.
Normal lang kay Kat na murahin si Lukas dahil magbabarkada kami. Normal lang din na magkasama sila at nagtatawanan.
Kasi sa totoo lang, si Vienne at si Lukas ang magkaibigan bago pa ako dumating.
At si Kat din ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Lukas.
Kaya normal lang, normal lang.
Pero tangina, normal ba yung makita ko silang naghaharutan? Naghahalikan? Nagyayakapan? Turing sa isa't isa magjowa? Normal ba yun?
"I'm sorry, V..."
Sorry. Puro nalang sorry. Pucha, bakit nauso pa yung pulis kung pwede lang naman palang aregluhin lahat dahil sa isang 'sorry'?
But then, again. Sila na lang ang meron ako. More like, sila lang ang gusto kong meron ako.
"Okay, Kat... Okay na..." pagpapakalma ko sakaniya kahit sa loob loob ko, nanatili parin akong durog.
"Vannessa, we heard what happened, are you okay?"
Sinalubong ako nang mga kaklase namin. Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko sa puntong to pero gusto kong maging masaya sila.
Kami pa rin naman, e.
Oo, sabi ni Lukas, mananatiling kami dahil hindi naman niya mahal si Kat. At oo, alam ni Katzy yun.
Pero tangina, naglolokohan lang naman pala kami rito. Bakit kailangang pare parehas pa kaming masaktan?
"O-okay lang..." I tried to smile but failed.
Tinapik lang nila ako at tinap sa ulo. "You'll get through this."
Dumating ang teacher namin para sa araw na iyon. At wala siyang ibang diniscuss kundi ang magaganap na foundation week namin sa susunod na linggo.
"I hope you will all participate. We're rooting for you. Class dismissed."
Ganun lang natapos ang araw namin. Pero buong araw hanggang sa makarating ako sa cafe na paborito ko ay wala akong ibang maisip kundi ang nangyari kanina.
So, Kat and Lukas used someone to cover their true relationship, huh?
Nailing na lang ako at naupo saking favorite spot.
Ma-ulan ngayon.
Parati nalang ba kapag nagdadrama ako, uulan?
Konti nalang, maniniwala na ako na itinadhanang umulan kapag may nagdadramang tao.
Napailing ako.
Kung saan saan na naman umaabot ang utak ko.
"So, are you now convinced?"
Hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino iyon dahil siya naman palagi ang nakakasama kong magkape rito.
Zade sat infront of me and placed his cup and cake infront of my cake and coffee.
"Hindi ko alam."
Bumuntong hininga siya kaya napabaling ang ulo ko sa kaniya. This is the first time that I saw him feel defeated.
"Di ko alam na ganito ka pala ka-tanga."
I smiled bitterly. "Mahal ko, e."
He chuckled and somehow it made me feel calm. To calm in the middle of the storm is something. Para bang dahil sa tawa niya, nawala lahat nang takot na nararamdaman ko.
"Gasgas nang linya mo. Buti hindi mo ko kaibigan, hindi kita mababatukan."
Natawa ako dahil sa sinabi niya pero naisip ko.
"Meron laging isang tao sa buhay natin, na kahit ilang beses tayong saktan, hindi natin magawang iwan."
He looked at me with amusement. Pumahalumbaba siya at tumitig sakin.
"Tell me more."
Alanganin naman akong tumingin sakaniya.
"What do you mean?"
"Tell me, paano maging tanga?"
Natawa akong muli. Dapat naiirita na ako sa sinasabi niya ngayon but I can't seem to find the reason to be irritated.
"Sabi nila, kung tanga ka dapat Shann Vanness pangalan mo."
Nagtawanan kaming dalawa sa banat ko. But in a few seconds, he's back with his usual expression, serious and a lil bit playful.
"Kidding aside, kapag kailangan mo nang kausap, nandito lang ako."
Katahimikan ang namayani samin hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong nakangiti dahil sa kaniyang sinabi.
"Thank you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top