Chapter 3

"Tarantado naman pala yang si Lukas mo, e! Bakit mo naman hinayaan, Van?"

Tulala lang ako ngayon. Ilang araw na simula nung mangyari ang gabing yun ngunit ngayon ko lang nagawang ilabas ang saloobin ko.

Tiningala ko ang bestfriend kong mataman akong pinagmamasdan.

I smiled bitterly. "Mahal ko, e."

Napatampal naman siya sa noo niya.

"Big word, V. Mahal. Mahal mo nga, mahal ka ba?"

Sa tuwing tinatanong ako nang ganiyan ng mga tao noon, madali ko lang nasasagot iyon. Dahil oo, sino ba namang tao ang hindi magmamahal pero tumagal sa relasyon na umabot nang taon? Tanga lang siguro yun.

Pero ngayon, hindi ko alam kung masasagot ko ba ang tanong na yun na hindi nagdadalawang isip sa katotohanan.

"Sabi niya. Sabi niya, mahal niya ako, Kat. Siguro naman sapat na yun?"

Napabuntong hininga siya at padaskol na umupo sa harapan ko.

Mabuti nalang wala pang guro sa oras na ito. Busy kasi ang lahat sa pagaayos para sa foundation week. Kaya naman lahat nang estudyante ay masipag pumasok dahil wala naman halos klase.

Magagaling lang kasi walang klase. Tss.

"V, makinig ka."

Hinawakan ni Kat ang kamay ko habang ilang beses na napapabuntong hininga.

"V, isang beses ko lang sasabihin to kaya sana makinig ka. Matalino ka, okay? Kaya alam kong madali mo lang makukuha ang sasabihin ko."

Titig na titig siya sakin kaya wala akong nagawa kundi ang tumango nalang sakaniya.

"Bago yun, tatanungin muna kita ng mga bagay bagay."

Tumango lamang ako sakaniya.

"Mahal mo ba?"

Hindi na ako nagdalawang isip at sumagot. "Oo naman. Mahal ko, mahal na mahal."

"Mahal ka ba?"

Dun ako natigilan. Kaya agad siyang ngumiti sakin, ngiting mapait.

"V, kahit sabihin sayo ni Lukas na mahal ka niya pero hindi mo ramdam, wala ring point yun."

Ouch.

"Isipin mo, anong mararamdaman mo na kung si Tita Amanda yung nasa pwesto mo, mahal na mahal niya si Tito at ganun din naman si Tito sakaniya pero naghahanap naman siya ng iba, anong mararamdaman mo?"

"Masakit."

Alam ko namang hindi kayang gawin yun ni Papa kay Mama dahil sobrang mahal nila ang isa't isa. Pero paano nga kaya?

"Masakit kasi nandiyan naman si Mama. Committed sila sa isa't isa tapos maghahanap pa siya?"

"That's the point, V. Kung talagang mahal ka niya, hindi siya magmamadali at rerespetuhin ka niya. Sige, let's say nirerespeto ka niya dahil hindi ka naman niya kailanman pinilit diba?"

Umiling ako.

"Pero sa iba niya hinanap yung pagkukulang mo. To be honest, lust is just around the corner. Parang sa pagmamahal, it takes time." dugtong niya pa.

"And your point is?"

"Kung patuloy niyang hahanapin yung pagkukulang mo sa ibang tao, paano siya makukuntento? At kung talagang hindi niya magawang pumirme, hiwalayan mo na. Tandaan mo, hindi lang puro pagmamahal sa relasyon. Tiwala ang pundasyon nang lahat ng iyon. Paano ka magmamahal kung wala kang pagtitiwala? Magkakasiraan lang kayo. Kaya hiwalayan mo na."

Hiwalayan mo na.

Yan yung mga salitang paulit ulit kong naiisip.

Naisip ko lang, bakit nga ba ang dali lang para sakanilang bitawan ang mga ganung kataga?

Hindi ba nila naisip na ang hirap gawin yun lalo na kung mahal na mahal mo?

Pero bakit hindi ko naisip na ang tanga tanga ko?

Napabuntong hininga ako.

"Penny for your thoughts?"

Lumipad ang tingin ko sa taong nagsalita.

Siya na naman.

"Pa-share ako ng seat, ha?"

Tumango nalang ako at bumalik sa cake na kinakain ko.

"Alam mo? Nagtataka na ako, e. Bakit laging pinagtatagpo ang landas natin sa cafe na to?"

Napatunghay ako dahil sa sinabi niya. It's been days since the last time I saw him. Ano na naman kayang ginagawa nito rito.

Bumaba ang tingin ko sa nasa tapat niya.

Kape.

Of course, magkakape siya! Ang tanga naman.

"Malay." tipid kong sagot.

Pumahalumbaba siya at tinitigan ako. Agad naman akong nailang dahil dun.

"Hindi yun malay. Tawag dun, destiny."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Destiny? As a writer, yes, I do believe in love. Pero hindi sumagi sa isip ko ang maniwala sa tadhana.

Hindi nga ba? O, talagang sa nangyayari ngayon, ayoko nalang talagang maniwala?

"Sorry, I don't believe in destiny."

Napahampas siya sa lamesa at natawa. It somehow caught my attention. I never seen someone laugh like this heartily. Kung tumawa siya parang lahat ng bagay sa mundong ito ay maganda.

When the truth is, life is so unfair in so many ways.

"For a writer like you, it's hard to believe that you're not hopeless romantic."

Kumunot ang noo ko at agad na natigil sa paghigop ng kape.

"How did you know?"

He smiled. "I just know."

Napailing nalang ako. Wala rin namang mangyayari kung pipilitin ko.

"Hindi naman lahat ng manunulat dapat hopeless romantic."

"Is that it? Edi dapat hindi rin lahat ng writer, nagpapakatanga katulad nang mga characters nila."

Muntik ko nang mabuga ang kapeng iniinom ko.

"Seriously? Ano bang alam mo?"

"Nothing much. Alam ko lang, hindi mo dapat kinukulong ang sarili mo sa relasyon na alam mong masisira lang. Ay hindi, sira na pero pinipilit niyo paring ayusin. At bilang manunulat dapat alam mo na hindi pinipilit ang pag-ibig. Kahit nga hindi ka writer dapat alam mo yan."

Tumayo siya at isinukbit ang bag niya sakaniyang balikat.

Napatingin ako sa gawi kung nasaan ang kaniyang nameplate. Nakalimutan kong hindi pala kami nagkakilala nung unang beses kaming nagkita.

Zade Lofranco

"Nakita mo na, sana wag kang magbulagbulagan."

Iyon lang ang huling sinabi niya bago ako iniwan saking kinauupuan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top