:Chapter 1

Ineish Ace pov:

"Gab!" Sigaw ko nang hindi niya tangapin ang binigay ko na cookies.

"Sorry, Ineish pero I can't accept it. Thanks though" lingon niyang sabi saakin at nag lakad na papasok ng avr para mag practice sa paparating nilang battle of the band.

Ano nga ba ang magagawa ko, I'm just one of his fans.

Napaka gwapo at bait niya kasi, he doesn't accept any gifts from his fan girls kasi ayaw niyang umasa ang mga nag bibigay sakanya na baka may chance sakanya.

Agad akong bumaba pa punta sa canteen, umupo lang ako dun habang tinitignan ang cookies na dapat para kay gab.

Lumiwanag ang mata ko nung nakita ko si arish, vp namin sa school council classmate ko din.

We talked about gab and I asked her kung pwede ba akong manood sa avr she immediately pulled me towards the avr.

Nag aasaran lang ang mga band mates dun habang ako naman ay nakaupo sa harap ng stage.

Sobrang pasasalamat ko kay arish dahil sa ginawa niya mapapanood ko si gab.

Kung 'Di Rin Lang Ikaw
Song by December Avenue

"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan

Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa 'ting dalawa

Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw

Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli"

Damang dama niya yung kanta alam na naming lahat para kanino yun.

"Gab, tagos sa esophagus ko yang kanta mo. Damang dama mo no!" Pang aasar ni kean

Magaling siyang kumanta pero nalungkot ako sa kanta niya, halata naman kasi na mahal na mahal niya pa din Samantha Loreal Anuer.

She graduated last year dito sa school namin, pag ka graduate niya ay hiniwalayan niya si Gabriel dahil ayaw ng parents niya dito dahil sa age gap nila.

It left gab so broken to the point na gustong gusto na niya kumalas sa banda nilang supreme.

Pag ka tapos ng practice nila ay agad kong binigyan ng tubig si gab.

Tinignan niya ang bote na hawak ko at kinuha. For the first time tumanggap siya ng galing sakin!

"Jay oh" abot niya sa kabanda niya ngunit hindi nito tinangap "Yoko! Para sayo yan eh"

"M-malinis naman yan, di ko pa naiinuman" he nodded and placed the water bottle on the table.

Para akong kinurot sa ginawa niya, kaya napag desisyunan ko na din mauna na

Hindi man niya ininom at least tinangap niya and that's a progress!

Pag uwi ko ay naabutan ko si papa at mama na nag aaway nanaman.

"Ano iiwan mo nanaman kami ni ineish?!" Sigaw ni mama kay papa.

"Pagod na pagod na ako sainyo!" Tinulak siya ni mama kaya hinawakan siya ni papa sa braso.

"Saan ka napagod?!" Agad na akong lumapit sakanila at hinawakan si mama sa balikat.

"Ma! Pa! Tama na yan!" Kita ko ang maleta ni papa "Saan ka pupunta pa?"

"Iiwan niya na tayo" paiyak ni mama.

"Pa naman! Pwede ba kahit minsan lang kami naman unahin mo, kahit minsan paramdam mo naman saamin na di ka napipilitan na sumama saamin" pinunasan ko agad ang luhang tumulo sa mata ko.

"Kahit minsan paramdam niyo naman na importante din kami sayo" natahimik lang silang dalawa habang nakatingin saakin.

I was a quiet kid, yung kahit punong puno na tumatahimik pa din, kahit ubos na, sinusubukan pa din. Kaya sobrang bago sakanila ang mag open ako ng ganito

"S-sorry anak" sinubukan akong yakapin ni papa ngunit di ko siya hinayaan.

Pag pasok ko sa kwarto ay agad akong naiyak.

Pinunasan ko ang luha nang mag vibrate ang phone ko, when I checked it it was a message from gab sa ig.

Gab_riel

Hey, thanks for the water.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top