xxiv

Chapter 24: Changed

Bakit hindi nya itext o itawag nalang?

Hindi ko naman sya pwedeng lapitan at kausapin nalang dahil baka makita kami ni Chanyeol at pagsimulan na naman ng away. Baka hindi sya makapagpigil at magkagulo pa dito. Ayoko namang magmukha syang walang modo sa harap ng parents nya. Just no. Ano bang kailangan ni Namhyun? Ang sabi ko, iwasan na namin ang isa't-isa. Ano itong favor na gusto nyang hingin sa akin?

Hindi ako pupunta. Ano man ang favor na yun, bahala na sya. Kung gusto nya talaga magkaayos sila ni Chanyeol. Sya nalang ang gumawa ng paraan. Susunod nalang ako kay Chanyeol kahit anong sabihin nya. Sobrang naiipit na ako sa away nila. Ayaw kong pati sa away namin ni Chanyeol eh, maipit pa si Jesper. Kahit gaano kalevogue si Chanyeol, mas gusto ko yun kesa ganito na puro away.

Hindi ako pupunta at magsisinungaling na naman. Chanyeol has trust problems dahil dun sa kidnapan na nangyari noon. Laging pumapasok sa isip nya na may kailangan o kapalit lagi ang taong lalapit sa kanya and that they want their families 'connection'.

Walang kaibigan kundi musika.

Nung nagsama na kami, onti onti na syang nagbago, naging open na sya at ayaw kong dumating na naman sa point na mahirapan na naman syang maniwala at magtiwala. In the past few days, he was like that. I thought he'll overcome that for it was me because he genuinely loves me but in his head, he can't just bring himself to believe it. Sarado agad. Nakita nyang may pampalaglag, yun na yun.

"Baekhyun," Naibalik ako sa realidad dahil sa biglang pagsulpot ni Chanyeol sa gilid ko. Kumuha sya ng cupcake at nilagay sa plato ko. "Hindi ka pa ba naglilihi?" I stared at him. Hindi ko alam kung matatawa ba ako. We just did it last night. Inaantay nya talaga ang bata na yun pero wala. Kung wala ding witness, paano mahuhuli yung bumunggo. Yung CCTV nalang sana kaso disconnected. Napansin kong napatingin sya sa plato ko. Probably, naaalala nya kasing malakas ako kumain kapag buntis ako. "I—guess—not."

"Chan, we could still try."

"Baka, may iniinom kang pangontra?"

"Ha?! Ano? Chan naman, naririnig mo ba yang sinasabi mo? Kahit bantayan mo pa ako ng 24 oras, wala akong iniinom dyan na kahit anong gamot." madiin na sabi ko pero mahina lang. Pagchismisan pa kami ng makakarinig. "Mahirap lang talaga. Kung desperado ka talaga, paguwi sa bahay." I told him and he just looked at me. Alam mo yung feeling na, iba na ang tingin nya? FCK.

"Chanyeol!" Napalingon kaming pareho sa pagtawag sa kanya ni Nana. Nakadress sya na pula. Waley. Dapat naglong gown ako at nagwhite veil. Tingini. "Hi Baekhyun." bati nya sa akin at maarteng kinaway ang daliri nya. "Nakausap mo na si Mr. Nakamura? Naalala mo na sabi ni Dr. Yeon? Take the other shareholder's side. Nandito ngayon ang ilan sa biggest holders. Wanna talk to them? I'll back you up." Nakangiting sabi nya. Napisil ko tuloy yung cupcake sa inis ko eh. Sa harap ko talaga? Pero sa bagay, wala din naman ako maitutulong kay Chanyeol.

"Dito ka lang, Baekhyun." sabi nya. I just followed them with my gaze. NANA linked her arms to Chanyeol's arm. Tinitignan ko lang sila habang nakikipagusap sila dun sa high profiles na tao. Hindi naman sanay si Chanyeol sa ganoong small talk dahil hindi sya umaattend sa ganitong event but then, nakikita kong keri na nya ang sarili nya sa ganitong bagay. Is he competiting with his brother again? For much bigger position?

To be the next head?

Ang sabi nya ayaw nya kasi gulo lang.

Nawalan ako ng gana dahil kay Nana. I was feeling kinda out of place. Pinanuod ko lang si Jesper habang kalaro ang ibang bata dun. Maya-maya ay bumalik si Chanyeol at Nana. Nagusap sila tungkol sa di ko maintindihan na bagay. Probably related to science tapos may lumapit sa amin. "Dr. Park and Dr. Im hanggang dito ba naman eh, hindi pa rin kayo mapaghiwalay? Sa ospital lagi kayo magkasama. Kung hindi ko lang alam na kasal tong si Dr. Park eh iisipin ko talaga magasawa kayo. May 'chemistry' naman kayo." The woman said making me cleared my throat. Magkakachemistry din sila nung pader pag hindi sya nanahimik. Putangina!

"We're only friends." they said in chorus.

"Nasaan ba ang asawa mo, Dr. Park?"

Hindi ako lumingon. Nakatuon lang ang tingin ko sa pagkain ko. "This is my wife, Park Baekhyun." Tinap nya ang balikat ko ng dalawang beses. Napa-ohh naman yung babae. Hindi na rin ako nagsalita. Sobrang sama ng pakiramdam ko dahil sa party na yun. I don't feel like I belong. Ewan. Stress lang ako. Kapag napapahawak ako sa tyan, hindi mawala sa isip ko ang nangayari eh. I am still in grief but then Chanyeol seems to be enjoying the party? Lumapit si Jesper sa akin dahil sa sumasakit daw ang tyan nya.

Nagpanic agad ako.

Nilapitan ko si Chanyeol habang buhat si Jesper. "Chanyeol, uuwi na kami." I told him but he told me to wait, "Hindi pwede, Chanyeol masakit—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila nya agad ako paalis sa kumpulan. Ang higpit ng yakap ni Jesper sa leeg ko dahil sa pananakit ng tyan nya. Kinakabahan tuloy ako. Hindi ko alam anong gagawin ko sa maliliit na daing nya sa tenga ko. Tapos galit galitan pa si Chanyeol.

"Bakit nagmamadali ka?! Kita mong may mga kausap pa ako 'di ba?!" mahina pero galit na sabi nya. Inalo alo ko lang si Jesper na umiiyak lang. Bakit ba ang init na lagi ng dugo nya sa akin?! Ang HB na nya masyado.

"Kausapin mo lahat ng gusto mo pero uuwi na kami ni Jesper! Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit sya umiiyak? Ha? Masakit ang tyan nya pero kung busy ka pa, sorry po sa istorbo ha? Dadalhin ko nalang sya sa ospital!" sigaw ko kaya napatingin sa amin ang ilang taong nandun. Inindyan ko nalang ang tingin nila at lumabas ng venue. Napuno na ako dahil nagaalala na ako kay Jesper. Okay pa naman sya kanina pero bigla nalang syang umiyak dahil masakit daw ang tyan nya at hindi sya makahinga. Akala ko hindi kami hahabulin ni Chanyeol pero humabol sya at binuksan ang pinto ng kotse. Ninenerbyos tuloy ako.

"Ano ba nangyari?"

"Masakit daw tyan. Di makahinga."

"Ano ba nakain nya?! Alam mo naman na may allergy sya, binantayan mo sana mga kinakain nya!" Chineck agad nya ang pulse, breathing and airway ni Jesper. He opened the car at pinahiga ito dun. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Fck. Niluwagan nya pa ang damit ni Jesper tsaka kinoveran ng coat nya. "Inaatake sya ng anaphylaxis. Nasaan na yung auto-injector nya? Yung pinapadala ko sayo lagi, Baekhyun! Ibigay mo sakin!" Nagisip pa ako, lagi kong dala yun pero kasi hindi ko ata napasok sa bag ko ngayon?! xx

"Hi..hindi ko dala." sagot ko.

Nawala sa isip ko. Spaced out ako these days dahil nadedepress pa rin ako. "Fck! Sa dami ng makakalimutan mo, bakit yun?! 'Di ba sabi ko, dalhin mo lagi?!" May hinanap sya sa dashboad. Lalo akong kinakabahan kasi sumisigaw pa sya. Feeling ko kasalanan ko. Nakahanap sya ng dala nyang auto injector at tinurok yun kay Jesper. Nakahinga ako ng maluwag nang onti-onti ay umaayos na ang hininga nito. Tinignan ko si Chanyeol, he is mad. "Muntik na sya! Nasaan ka ba ha?!"

"I'm sorry okay?! I'm sorry!"

"Sorry? Life threatening yun, Baekhyun! Simpleng bagay lang, bantayan mo sya sa kinakain nya eh! Pumasok ka na, uuwi na tayo!" sigaw nya at pumasok na sa kotse. Di na ako sumagot kasi may kasalanan naman ako. Kung hindi lang nakatuon ang pansin ko sa kanya, nakita ko sana kung ano nakain ni Jesper. Sino ba nagbigay sa kanya nun? Hindi ko din kasi nakita kasi nakatuon pansin ako kay Chanyeol at sa mga kausap nya. Hindi ko naman sinasadya o ginusto. Lalapit naman kasi si Jesper sa akin kung may gusto syang kainin o magtatanong kung bawal sya dun.

Pagdating sa bahay, dinala agad ni Chanyeol si Jesper sa kwarto nito, checking kung okay na ba talaga to. Sya na nagbihis at pinatulog. Nakasilip lang ako sa kanila sa pinto.. Hindi na ako pumasok at bumalik sa kwarto namin. Panatag na ako dahil okay na sya. Bumalik si Chanyeol at napatayo ako sa kama. Inabutan ko sya ng pamalit. Hindi nya ako iniimik.

"Chanyeol, okay na ba sya?"

"Okay na sya." malamig na sagot nya.

"Kasalanan ko talaga. Pinabayaan ko lang syang makipaglaro. Nawala sa isip kong baka may makain syang bawal. I'm sorry. Kasalanan ko na. Hindi ko naman ginusto yun eh" Naiiyak na sabi ko at napahilamos sa mukha ko. Naiintindihan ko naman kung bakit galit si Chanyeol, I was just spaced out and I forgot to bring it today. Ngayong araw. Ngayong araw lang naman. Ang tanga lang.

"Mabuti at alam mo. Sana hindi na maulit to dahil sa susunod, BAKA MAKALIMUTAN KONG IKAW ANG NANAY NYA." Para akong binaril sa dibdib ko. Itong Chanyeol na nasa harap ko, bakit ibang tao na? Yung Chanyeol na korni at malambing, nasaan na sya? Bakit ganito na sya? Alam ko depress din sya pero pwedeng isipin din muna nya ako? DEPRESS din ako sa nangyari! Bakit parang kasalanan ko pa? Ako na nga ang nabunggo dito di ba?

"Chanyeol, bakit ang cold mo?"

Huminga sya ng malalim, "I'm tired."

"Hindi ako sanay na ganito ka. Can we please talk about this? Chanyeol, mas hindi ko kaya kung ganito trato mo sa akin." I scratched my arm, "Kailangang kailangan kita ngayon eh. Pero bakit," I paused, "Parang ang layo layo mo na?"

"I don't have time for drama, Baekhyun. Babalikan ko pa si Jesper. Matulog ka na" Hahabulin ko sana sya kaso pinagsarhan na nya ako ng pinto ng banyo. Hindi ko na alam gagawin ko. Gusto ko magalit sa kanya pero hindi ko magawa pero hindi ko rin magawa intindihin. Ang bigat bigat sa pakiramdam.

Yung feeling na onti-onti ng gumugulo ang haligi na sumusuporta sa pamilya namin. I want to protect this family and I would do everything just to keep it standing strong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top