xxii
Chapter 22: Accused
Chanyeol
"Shall we eat lunch?" Nana said. Dahil malalim ang iniisip ko, she waved her hand right in my face. Naibalik ako sa realidad dahil sa ginawa nya. I cleared my throat. "Mukhang malalim yata ng iniisip mo, Dr. Park?" sabi nya. Iniisip ko kasi si Baekhyun. Hindi pa rin kasi kami naguusap simula kahapon. FCK. Nasaktan ko sya. Minsan kasi hindi ko mapigilan ang galit ko. Isa pa, parang kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan? "A penny for your thoughts? Alam mo, gutom lang yan. Kain tayo"
"Nah, baka dumaan asawa ko—"
"Lunch lang? Isa pa, may paguusapan tayong status ng pasyente. Just work. Nothing else. Ako mismo kakausap sa asawa mo. Kung pinagseselosan nya ako." sabi nya at napakamot nalang ako sa batok ko.. Kapag galit kasi yun si Baekhyun, eh baka hindi pa nga nya nabubuka bibig nya, binalibag na sya lalo na ako. Eventhough, Baekhyun is trying his best to submit himself to me as his husband, minsan binubogbog pa rin ako nun. Masakit sa katawan.
Tinapik nya ang likod ko.
"Dr. Park," Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Si Dr. Yeon. Sya ang vice president dito sa hospital. Isa sya sa may malaking shares sa kompanya and one of the best surgeons. Ngumiti ako sa kanya. "Maglulunch na kayo?" Tumango kami ni Nana. "That's good. Keep your MIND working. Your father is rooting a lot for your talent. In time, bababa na sa pwesto ang Appa mo. I have one advice, start by getting the other shareholder's side. If you really want to be the next 'head' of the Park Hospital." he said, sounding serious.
Nagkatinginan kami ni Nana, "Is he on your side?" Hindi ako nakasagot dahil hindi ko rin alam. She sighed. "Halika na, meron akong alam ditong the best steak house nearby. I think 20 minutes away lang yun dito. So do you want to eat there?" Tumango ako tsaka sabay na kaming lumabas ng ospital. Tinuro nya ang daan papunta sa restaurant na yun. Madalas kaming magkasama ni Nana but to us, it's nothing. We are just friends besides, may Baekhyun na ako. Alam nya yun.
Kotse ko na ginamit namin.
"Why are you still single Jin Ah?"
"Being single is fun, you know."
Tumawa ako, "I don't think so?"
"Happy with your wife?" she asked.
I smiled, "Oo. Mahirap ang buhay may asawa pero masaya naman kasi hindi ka na nagiisa. May katuwang ka na sa lahat ng bagay and I guess I'm lucky to have a pair like Baekhyun." I stated feeling proud and contented. "Hindi ako nagsisisi at 'sya' ang pinakasalan ko. Kapag naghanap ka ng aasawahin mo Jin Ah, siguraduhin mo lang click kayo. Parang kami ni Baekhyun, click na click." Natawa sya ng malakas. 'Di ko mapigilang bumira ng kakornihan basta si Baekhyun ang pinaguusapan.
"Ang korni mo rin Dr. Park ano. Hindi ka na katulad ng dati. Ibang iba ka na sa Park Chanyeol na every two weeks nagpapalit ng girlfriend pero ni isa sa kanila, wala kang sineryoso dahil kay Baekhyun, uhm—" Napahinto sya at napatingin sa akin, "Wait, kung hindi namatay si Aya, sya kaya ang asawa mo? I know you loved her, kung hindi lang sya malandi at nilandi ang Kuya Namhyun mo. OMG. Sorry, Chanyeol hindi ko na dapat brinibring up yun."
"Past is past." I told her.
"I see? But you're happy now. Look at you? Kahit ako ano, nakamove on na rin sayo." she said and I laughed out loud. Ginagawa nalang din namin na katatawanan ang past namin nun. Jin Ah is quite charming pero si Baekhyun lang talaga ang hinahanap hanap ko. I can't imagine a day without him. Isa pa, kay Baekhyun lang ako hindi makapagpigil.
But ugh, ayoko lang talaga na kasama nya si Hyung. Ewan. I just feel scared? Na mangyari ulit yung kay Aya noon. Na baka.. Baekhyun might fall out of love... I can't bare to think that way. I trust him but I don't trust hyung. "Oh ito na ang Terry's Grill?" tanong ko na sya namang tinanguan ni Nana. Agad na pinark ko ang kotse doon sa hindi kalayuang parking lot dahil puno na kasi dun sa parking lot ng Terry's Grill.
Habang papalapit kami sa restaurant eh, may napansin akong pamilyar na hubog sa loob nito. I saw Baekhyun. I saw him with hyung. Bakit naman sila magkasama this time? FCK.
"Oh? Something wrong?" Nana asked. Dumapo ang tingin nya sa tinitignan ko. "Is that Baekhyun? Your wife? Oh, seems like he's having lunch here too pero kasama nya si—" I held her hand and pulled her back to the car. Hindi na sya nagpumiglas. Kinuha ko agad ang phone ko and pressed the speed dial. Ang dami kong tanong sa isip ko. Why are they having lunch together? What are they talking about? After ng tatlong ring, sinagot na nya. "Where are you?" bungad na tanong ko agad.
"Nandito ako sa office?"
Humigpit ang kapit ko sa CP, "Ganun? Have you already eat lunch..? Kumain ka, alam mong may umaasa na sayo." dugtong ko, trying to calm myself for he's lying again. Ibinaba na nya agad ang tawag. "Sa iba nalang tayo, Nana. Wala akong gana kumain dyan." sabi ko at umoo nalang sya.
Kumain kami sa ibang restaurant talking about this certain patient na syang minomonitor namin and some strategies and new medicines pero nangunguna pa rin sa isip ko si Baekhyun. Lumabas ako ng hospital ng alas-tres at dumireto ako sa bahay. Naabutan ko si Jesper dun sa sala na naglalaro sa ipad. Tinakbo agad nya ako nang mapansin na ako.
"Appa! Aga nyo! Wala duty?"
"Namiss kasi kita." sabi ko.
"Kikiligin na po ba ako?" aniya.
Natawa ako at ginulo ang buhok nya. "Stop playing and sleep. I told you to take care of your eyes, remember? So give me your ipad and go now to your room. I'll give it back to you once you are awake." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Nagdadalawang isip pa sya kung ibibigay nya pero wala na syang nagawa. Umakyat ako sa kwarto, still looking at my phone. Hindi ko alam, I feel strange? Parang may mangyayari.
Humiga ako sa kama and I decided to sleep in a few hours. Nang magising ako alas-sais na. Napatingin ako sa relos ko at napabalikwas ng bangon. Lumabas agad ako ng kwarto. Balak ko sunduin si Baekhyun so we could talk about it kaso napansin kong flat ang gulong ng kotse ko kaya nagtaxi ako. Maya-maya, kinapa kapa ko ang phone ko sa bulsa ko pero wala? Hindi ko sya nakuha sa bedside table.
I arrived at the building.. around 6:55 PM. Nagtataka ako kasi para namang may nangyari. Nung aakyat na ako sa floor nila Baekhyun, nilapitan ako ng guard. "Sir, di ba po kayo ang asawa ni Mrs. Park Baekhyun?! Hindi pa po ba kayo nakokontak sa 'nangyari' sa kanya, Sir? Nasagasan po sya kanina sa underground Parking Lot at ito po pala ang gamit nya at ang susi po ng kotse nya." Sa narinig ko, para bang nanghina ang tuhod ko. Nasagasaan? Yung bata! Tinanong ko kung saang ospital sya dinala at tinakbo ko agad ang kotse ni Baekhyun. Ito gagamitin ko para hindi na ako magtataxi dun.
Binuksan ko ang makina kaso may napansin akong gamot sa plastic. I examined it and my eyebrows met.
Bakit may pampalaglag sya?
----------------------------------------------------------------------------------------------
Baekhyun
Nang magising ako ang sakit talaga ng katawan ko. Nasilaw ako sa sikat ng araw at onti-onting, nakaadjust na ang mata ko. Napansin ko ang nurse na chinecheck ang dextrose ko. Agad na napahawak ako sa ulo ko, trying to remember what happened... I was hit by a car! "Miss.. Miss, yung baby ko?"
"I'm so sorry, Mrs. Park, you lost the baby." Lalo akong nanghina dahil sa sinabi nya. Wala na?! Ganun lang?! I waited, we waited long enough para sa batang yun tapos mawawala ng ganun lang. Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Chanyeol. Lumapit sya sa akin at doon na ako naiyak ng sobra. I reached for his hand but he's not saying anything. He's just quiet.
"Chan, wala na yung baby." Naiiyak na sabi ko. Nakatayo sya sa gilid ko kaya niyakap ko sya. "Chan, wala na yung baby." Paulit ulit na sabi ko na parang sirang plaka. Wala na... wala na. Parang nung nakaraan lang nang malaman namin... ang saya saya nga namin pero ngayon.. wala na. Wala. Napabitaw ako kay Chanyeol. "Bakit ang tahimik mo? I'm sorry. Alam kong matagal mong inantay yun. I'm sorry. Hindi ko naman ginusto eh. Ang bilis ng pangyayari. I was just calling you, I heard the car, I turned my head and-"
"You tried to get rid of it anyway."
Para akong binuhusan ang tubig.
Ano daw?
"Get rid? What?!" I asked.
May nilabas sya sa bulsa nya, "I saw this in your car, Baekhyun at alam ko ang mga gamot na to. Pampalaglag! Why do you have these ha?!" he said with anger in his voice.. Hinablot ko yung gamot. Hindi ko alam kung san galing ang gamot na yun but I swear, hindi ako uminom nun. "Tell me now, Baekhyun, did you really tried to get rid of the baby? Ayaw mo ba dahil sa career mo huh? TELL ME!" sigaw nya.
"Wala akong alam dito, Chanyeol!" I shouted back, "Alam mong hindi ko magagawa yun! Kilala mo ako! Mas importante kayo kesa sa career ko! I can't believe this! Anak ko rin yun!" I said, crying. "Kung depress ka, MAS DEPRESS AKO! We've been together for so many years and now, why are you accusing me like you just met me yesterday?" Nahilamos ko nalang ang palad ko sa mukha ko. I need his comfort more that anything pero ito, inaakusahan nya ako. Hindi ko alam.
I don't know about those medicines.
.
.
.
.
"I don't know Baekhyun, when you've been lying to me lately." tipid at wala ng buhay na sabi nya. Bakit ganito? I got hit by a car, he should be worried about me and I lied because I need to, it's white lies. Hindi dahil may kalokohang tinatago ako sa kanya.
I want that kid too. Hindi lang sya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top