♕ The Denial Queen?
Dedicated to @ImUrRetardedK-Poper :)
Sorry kung ito lang ang UD ko ah. :( Hindi ko pa nagagawa yung Pleasure Partner eh, I'm so sorry. :( But the next UD would be for you, pramis yan! :)
Happy happy birthday dearest! Much love and Godbless! May you have more birthdays to come! ♥ ♥ ♥
♡ ♡ ♡ ♡ ♡
"Bat ba kasi ayaw mo pang umamin na may gusto ka din sakin ha?!" sigaw ni Park Chanyeol sa kanyang nililigawan na si Byun Baekhyun.
Nabulabog nanaman ang kanilang dorm dahil sa sigaw ng binata. Dahil grabe! Araw-araw ata na ito ang awayan ng ChanBaek. Parati nalang gustong paaminin ni Chanyeol na may gusto sakanya si Baeklita. Pero meron nga ba talaga?
"Sobra ka na Chanyeol ah!" sigaw ni Baekhyun pabalik. "Kelan mo ba ako titigilan sa paganyan-ganyan mo?!"
Ang totoo niyan ay gusto naman talaga ni Baekhyun si Chanyeol. Osige nga, isa nang PARK CHANYEOL yan! Tatanggihan mo pa ba? Yung Author nga, patay na patay diyan, si Baek pa kaya na parati itong kasama? Tsk. Himala naman kung hindi diba? :3
Ang dahilan lang naman kung bakit ayaw ni Baekhyun na sagutin si Chanyeol ay dahil.. natatakot itong makuha ang kanyang v-card. Ang alam kasi ni Smurf ay kapag naghalikan na sila ng Yoda, hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili niya. Ang isa pa ay ang trabaho nila. Masyadong matatalino ang fans ng EXO at siguradong mahahalata sila kung sakaling sila na. Nag-iingat lang si Baek.
Napasabunot naman si Chanyeol sa ulo niya at sinundan si Baek pababa sa hagdan. "Baekhyun~ Pakiusap naman oh! Ilang buwan na akong nanliligaw sayo!" reklamo niya sabay hawak sa braso ng isa. "Sabihin mo nang mahal mo din ako." nag-puppy eyes pa ang Yoda pero wala eh. :( Ouch.
Ang totoo niyan ay sobrang na-cute-an si Baekhyun sa puppy eyes ni Yeol pero hindi nga pwede! Ayaw niyang mahulog sa bitag nito.
"CHANYEOL!" sigaw niya sabay hila pabalik ng braso niya. "Ayoko na! Pagod na pagod na ako sayo! Tigilan mo na ako, please lang!"
Umiling si Chanyeol. "AYOKO NGA KASI BAEK!" sigaw din niya. "Mahal na mahal kita at hindi ako titigil! Diba ganun yun? Kapag mahal mo, kahit gaano kahirap, hindi ka susuko?! Para saan pa yung ilang buwan Baek kung titigil lang din ako ngayon?!"
Napabuntong hininga lang si Baekhyun kasi wala na siyang magagawa, alam niya yun.
"Mahal kita!" sigaw ulit ni Chanyeol. "Bat ba kasi hindi mo sabihing ganun din yung nararamdaman mo, Baekhyun?! Bat ba kasi ayaw mong aminin?!"
Napa-irap si Baek at naglakad papunta sa kusina kung nasan ang kanyang bff na si Kyungsoo. Nagluluto ito at natatawa sa dalawang nag-aaway. Alam niya kasi ang totoo. Siya pa? Tsk.
Sumunod ulit si Chanyeol kay Baek sa kusina. "Oh." inis na sabi niya. "Hindi mo masabi kasi mahal mo din naman ako diba? Diba?"
Umirap ulit si Baek at kumuha ng tubig sa ref. "Che." bulong nito. "Bahala ka sa buhay mo."
Totoo ang sinabi ni Chanyeol. Hindi masabi ni Baek kasi hindi siya marunong magsinungaling. Kung pwede lang naman, sasabihin niya kay Chanyeol na hindi niya ito gusto pero he's not a good liar. Siguradong mahahalata ni Chanyeol na nagsisinungaling lang siya.
"Admit it, Baekhyun." pagpupumilit ulit ni Park. "Admit that you love me!"
Napahinga ng malalim si Baek at tumingin kay Kyungsoo, asking for help. Pero nag-shrugg lang si Kyung at tinuloy ang ginagawa niya. Napa-irap nalang ang Baeklita at tumingin kay Chanyeol.
"Kapag ba sinabi kong hindi kita gusto, titigil ka na?" tanong ni Baek habang umiinom.
Nanlaki ang mga mata ni Chanyeol. Sasabihin na ba ni Baek na hindi niya ito gusto?
Napahinga ng malalim si Chanyeol. "A-ah.." simula niya. "O-oo?"
Napa-irap ulit si Baekhyun. "Tignan mo na!" inis na sabi niya. "Either way, hindi ka din naman titigil eh! Grabe. Ang kulit." bulong pa niya habang inuubos ang tubig sa basong hawak niya.
Napakagat labi nalang si Chanyeol at umiwas ng tingin. Ayaw niyang tumigil. Kahit pa ilang beses na sabihin ni Baek na tama na, na itigil na niya. Mahal nga kasi niya.
Pero ang mga sumunod na sinabi ni Baek, hindi niya inakala.
"Sobrang childish mo, Park Chanyeol." seryosong sabi ni Baekhyun. "Nakakairita ka, alam mo ba yun? Hindi ako laruan kaya tigilan mo na ako. Huwag mo akong gawing past time. Nagsasayang ka lang ng oras. Ha?" dagdag pa ni Baekhyun saka umirap pa ng isang beses.
Napasinghap si Chanyeol sa sinabi ni Baek. Ganun din si Kyungsoo. Napatigil siya sa pagluluto.
"G-ganyan ba talaga ang.. tingin mo Baek?" bulong ni Chanyeol habang nanlalaki ang mga mata. Hindi niya akalain na masasabi ni Baek sakanya yun. "Sa tingin mo t-talaga.. past time lang k-kita?"
Napalunok si Baekhyun at hindi alam ang sasabihin. Saka lang niya narealize yung sinabi niya. But.. it's too late.
"I'm not childish, Baek." bulong ni Chanyeol at bakas sa mukha niya ang galit. "Childish ba na mahalin ka? Childish ba na hingin na mahalin mo rin ako?"
Napatingin si Kyungsoo sa mainit na scene sa harapan niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Hindi niya alam kung sisingit na ba siya o mamaya pa.
"Chanyeol.." simula ni Baekhyun pero hindi pa niya natapos ang sasabihin ay nagsalita na ang Yoda.
"Alam mo Baek," simula niya habang umii-iling. "kung ayaw mo sakin, sabihin mo. Diba, sabi ko naman sayo, sabihin mo lang na hindi mo ako gusto, gagawin ko ang lahat para tigilan ka, kahit pa masakit para sakin?"
Hindi na nakasagot si Baek. Nakatingin lang siya kay Chanyeol habang pinapatay ang sarili niya dahil sa mga leche na nasabi ng bibig niya.
"Pero bat hindi mo masabing ayaw mo sakin?" tanong ni Chanyeol habang nakakunot noo. "Hinihintay mo ba tong chance na to para ipahiya pa ako?"
Siyempre hinde! Yan sana ang sagot ni Baek pero wala eh. Napipi na po ang ating bidang baekla. :(
"See." bulong ni Chanyeol. "You can't even answer me."
Tumalikod na siya at naglakad palabas ng kitchen. Mukhang Baekhyun really did hit a nerve. Haaay. :( Lumapit naman agad si Kyungsoo sa kanyang bestfriend at pinat ang likod nito.
"Bat pa kasi hindi mo pa aminin?" tanong niya kay Baek na hanggang ngayon ay nasa state of shock palang.
Umiling si Baek. "Alam mo naman kung bakit diba, Kyungsoo?" tanong nito. Puno na ng pag-aalala ang boses niya dahil nagalit na nga sakanya ng tuluyan ang Yoda. "Hindi ko naman masabi sakanya ang dahilan ko."
Napa-iling si Kyungsoo. "Chanyeol's a good guy, Baek." bulong nito. "Alam kong rerespetuhin ka niya at kung ano man ang magiging desisyon mo. You don't have to treat him like that!"
"I know!" frustrated na sagot ni Baek at napasabunot nalang siya sa ulo niya. "I didn't mean those words, Kyung. Ngayon.. galit na sakin si Chanyeol."
"Sinampal mo nalang sana siya, mas okay pa yun." sabi naman ni Kyungsoo. "Alam mo bang mas masakit ang words kesa sa physical pain? Lalo pa't galing sayo yun. Mahal na mahal ka kaya nung tao!" dagdag nito habang tinutuloy na ang pagluluto.
Napa-facepalm nalang si Baek dahil bakit ganun ang bestfriend niya? Hindi ata siya ang kinakampihan? :'( Napatingin si Baekhyun sa pinto ng kwarto nila ni Chanyeol kung saan nagkulong ang higante. Hindi nanaman siya nito papansinin. Sigurado siya doon.
"Alam mo, ganyan ang sakit ng tao eh." biglang sabi ni Kyungsoo habang nakatalikod sakanya.
Napakunot noo naman si Baekhyun at napatingin sa bestfriend niya. "Anong sakit?"
"Saka mo lang mapapansin yung importance ng isang tao pag wala na sila sa tabi mo, pag iniwan ka na nila." sagot ni Kyungsoo. "You'll just realize how big their part in your heart is, the moment they move away and take that piece with them. Masakit diba?"
Napakagat labi nalang si Baek dahil sa kaba. Dahil totoo ang sinabi ni Kyungsoo.
Paano pag tumigil na talaga si Chanyeol? Paano kapag tuluyan na nga siyang mawala sa kanya? Paano na ang ChanBaek? Paano na ang araw-araw na rosas sa ibabaw ng table niya? Paano na ang araw-araw na pag-aayos ni Chanyeol ng mga gamit niyang magulo? Paano na ang araw-araw na pangungulit niya dito?
Sino nang gagawa ng mga yon? Sino na ang magpaparamdam sakanya kung gaano siya kaimportante? Sino na ang magmamahal sakanya ng tulad ng ginagawa ng isang Park Chanyeol?
"Oh ano," singit ni Kyungsoo sa kanyang pag-iisip. "nagsisisi ka na? Hay nako Baek. Kung ako sayo, sasabihin ko na sakanya yung totoo kong nararamdaman, ngayon palang. Ngayong mahal pa niya ako."
"A-anong ibig mong sabihin?" nag-aalalang tanong ni Baek.
Napabuntong hininga naman si Kyungsoo. "Malay mo kasi.. mainlove yan sa iba. Ikaw rin." mapang-asar pa na sagot niya kaya mas lalong kinabahan si Baek. Bunganga kasi eh. =___=
Napatingin ulit si Baek sa pinto ng kwarto nila. Sasabihin na ba niya?
Maglalakad palang sana siya paalis ng kusina nang bumukas ang pinto at lumabas ang isang Chanyeol naka-EXO mask at naka-coat. Naka-gloves din siya at bonet. Mukhang may lakad at nagmamadali pa.
"Saan ka pupunta, Yeol?" tanong ni Suho, ang kanilang leader. May training pa kasi sila mamaya at baka late nanaman bumalik ang isa.
Ngumiti naman ng tipid si Chanyeol at pinipilit na hindi tumingin kay Baek na nakatitig sakanya ngayon. "Sa Cafe *** lang, Gramps. I'll just meet someone." sagot niya habang nilalagay ang gloves sa kanyang malalaking kamay.
Parang sinipa naman ang puso ni Baek sa narinig niya. Meet someone? Bakit parang ang bilis naman ata na ipagpalit siya ni Chanyeol? Kanina lang pinipilit niya itong maging sila ah!
Nasasaktan siya, oo. Sobra. Mahal na mahal naman kasi niya eh. Ang duwag lang kasi. =__=
Tumango ng mabagal si Gramps Suho. "Osige." sagot niya sabay tingin ng mabilis kay Baek. "Bilisan mo ah."
Tumango naman si Chanyeol at mabilis na lumabas ng bahay.
"Kita mo na." singit ulit ni Kyungsoo sa gilid ni Baek.
Tinulak siya ni Baekhyun sabay irap. "Che." inis na sabi nito. "Bwisit. Akala ko ba kaibigan kita? Ha?"
Natawa naman ng marahan si Kyungsoo at tumabi kay Baek. "Kaibigan mo naman talaga ako eh." seryosong sabi ni Kyung. "That's why right now, i'm making you realize kung ano ang pinapakawalan mo."
Baekhyun just rolled his eyes pero deep inside, sobrang nagsisisi na siya. Ang arte kasi, kainis! At mas lalo lang niyang pinapahirapan ang sarili niya. Sa padeny-deny niya na yan, mas lalo lang siyang masasaktan.
♡ ♡ ♡
20 minutes later..
Kanina pa umalis si Chanyeol at kanina pa din naka-upo si Baek sa harapan ng TV pero wala namang pumapasok sa isip niya kundi ang tanong kung sino ba ang pinuntahan ni Chanyeol sa cafe malapit sakanila. Ayaw niyang aminin sa sarili niya na SELOS ang nararamdaman niya. In-denial talaga. =__=
Maya-maya pa, bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng dorm ang dalawang anghel na sina Tao at Lay. May hawak ang dalawa na coffee cup. Nanlaki ang mga mata ni Baek nang marealize na Cafe *** din ang coffee na hawak ng dalawa.
"Oh, buti andito na kayo." sabi ni Gramps sa dalawa.
Tumango naman si Tao at umupo sa tabi ni Baek habang tinatanggal ang EXO mask na suot niya. "Yeah." sagot nito. "Nakita nga namin si Chanyeol doon kanina eh, may kasamang babae."
Napakunot noo si Baek at halos madurog ang puso niya. Babae. Babae ang pinuntahan ni Chanyeol sa cafe na yun. Tama siya ng pakiramdam, may iba nang gusto si Chanyeol.
Ganun kabilis. Kasi hindi naman talaga siya minahal nito.
Hindi nakapagsalita si Baek at tuluyan na ngang nabato sa kinauupuan niya. Hindi niya akalain na sobrang sakit pala na wala na siyang Chanyeol.
"Ano pang hinihintay mo?"
Nabasag ang katahimikan sa biglang pagsingit ni Lay sa tabi ni Baek. Nakangiti ito, labas ang dimples. Naks naman Yixing! :D
"A-anong sinasabi mo?" tanong ni Baek sa katabi niya.
Napabuntong hininga naman ito. "Pumunta ka na doon at sabihin kay Chanyeol yang nararamdaman mo!" sagot nito sabay tulak ng marahan kay Baek.
"Ano?" gulat na sabi ni Baek. Agad-agad? Ngayon na?! Hindi naman excited tong mga ka-members niya ah!
"Come on!" singit bigla ni Chen sa likod niya. "Mauubusan ka na ng time, Baek! Baka maging sila na nung babae mamaya!" pang-aasar pa nito sabay tulak ulit sakanya.
Napatayo naman si Baek dahil sa malakas na tulak ni Chen. Inirapan niya ang lahat ng ka-members niya pero agad itong naglakad papunta sa pinto.
Napabuntong hininga muna siya at binuksan yun. Tumakbo siya palabas at hindi na inalintana pa ang lamig. Hindi na din niya narinig ang pagsigaw ni Xiumin ng, "Baek! Yung mask at coat mo! Baekhyun!!!"
Agad na pumunta si Baek na nasabing cafe kung saan glass wall ang paligid. Agad niyang nakita si Chanyeol at ang kausap nitong babae. Napayakap siya sa sarili niya dahil naka t-shirt lang siya at malapit nang mag-winter sa Korea!
Tumayo si Chanyeol at yung babae. Hinalikan niya ito sa pisngi at sabay na silang lumabas ng cafe. Naramdaman nanaman ni Baek yung parang tadyak sa puso niya. Sobrang sakit na makita niya mismo ang lahat ng iyon. Pakiramdam niya, maiiyak siya.
"Maybe tomorrow?"
"Yeah sure!"
Nanlaki ang mga mata ni Baek nang marinig ang nag-uusap na yun. Wala siyang mask at siya si Byun Baekhyun! Baka isang fan iyon at pagkaguluhan siya!
Agad na tumalikod si Baek sa pathway at sinubukang itago ang mukha niya. Pinikit pa niya ang mga mata niya at yumuko ng sobrang OA. Maya-maya pa, nalampasan na siya ng dalawang babae at saka lang siya nakahinga ng maluwag.
Lilingon na sana siya nang isang kamay ang pumatong sa balikat niya.
"Baek?"
Agad na lumingon si Baek at nakita si Chanyeol na nakakunot noong nakatingin sakanya. Halos manlumo siya nang makita ang mukha ng taong mahal niya. Sobra siya nagsisisi at nasasaktan. Kung bakit pa kasi niya kailangan i-deny lahat.
"C-chanyeol.." bulong niya at kasabay nun ang pagdaan ng lamig sa kanyang katawan.
Nanlaki ang mga mata ni Chanyeol at agad na humawak sa coat na suot niya. "Baek naman!" inis na sabi nito. "Bat ka lumabas ng walang dalang coat! Tignan mo, namumuti ka na sa lamig." huhubarin na sana niya ang suot nitong coat pero pinigilan siya ni Baek.
"H-huwag." nanginginig na sabi nito. "O-okay lang a-ako."
Pero umiling si Chanyeol. "Hindi ka mukhang okay sakin." sabi nito at inalis ang kamay ni Baek sa braso niya. "Isuot mo ito at--"
Naramdaman nalang niya nag mahigpit na yakap sakanya ni Baek dahilan para hindi niya tuluyang maalis yung coat na suot niya. Napatigil si Chanyeol at nakatingin lang nanaginginig na Baekhyun sa harapan niya.
"B-baek.."
"I-i'm sorry, Chanyeol." bulong ni Baekhyun. Napapikit nalang siya nang maramdaman ang pagtulo ng unang luha niya sa araw na yon. "P-patawarin mo ako."
Napangiti ng maliit si Chanyeol. "Kahit naman hindi ka mag-sorry, patatawarin parin kita eh." sagot nito at niyakap pabalik si Baek.
Pero umiling ang isa. "H-hindi yun ang ibig kong s-sabihin." sagot ni Baek. "Sorry kasi.. hindi ko masabi yung nararamdaman ko."
Napakunot noo si Chanyeol, hindi alam ang isasagot.
"Mahal kita Park Chanyeol." bulong ni Baekhyun at mas lalong hinigit sa Chanyeol papalapit sakanya. "Mahal na mahal din kita."
Gustong ipaulit ni Chanyeol ang sinabi ni Baek pero hindi niya magawa. Hindi siya makapagsalita at parang paulit-ulit lang sa isip niya yung sinabi ng taong kayakap niya ngayon.
"Pero.. may mahal ka na bang iba, Yeol?" tanong ni Baek at iniangat ang ulo niya para titigan sa mata si Chanyeol. "Hindi mo na ba ako mahal?"
Nagulat si Yoda nang makita ang mga luha sa mata ni Baek at agad niya itong pinunasan gamit ang kanyang kamay. "No. Of course not." angal niya agad. "Mahal na mahal kita, Byun Baekhyun. Hindi magbabago yun, okay?"
"P-pero.." nakakunot noong sagot ni Baek at napatingin sa Cafe *** kung saan galing si Yeol at yung babaeng maganda.
Napabalik ang tingin ni Chanyeol sa cafe at kay Baek. He smiled wide. "That's my sister, Park Yura." sagot nito. "Nag-usap kami kasi.. humingi ako ng advice on how i could get you back after a big fight."
Nanlaki ang mga mata ni Baekhyun at napatingin kay Chanyeol.
"Kyungsoo called me and told me the real reason or reasons why you don't want to confess." Chanyeol murmured and hugged Baek tighter. "Baekhyun~" he cooed. "I love you. I'll respect you. Please. Huwag mong isipin na sasaktan kita o pipilitin ka sa mga bagay na ayaw mo."
Hindi alam ni Baek ang sasabihin. Isa lang ang alam niya. Hindi siya niloloko ni Chanyeol at mahal na mahal parin siya nito.
"Channie~" Baekyun sobbed at binaon ang ulo niya sa chest ni Chanyeol. "I'm so sorry." dagdag niya habang naiiyak.
Natawa nalang si Chanyeol at niyakap siy Baek. "C'mon." bulong niya. "Don't be a baby. I love you okay?"
Tumango si Baek habang hindi parin inaalis ang ulo sa dibdib ni Chanyeol. "I love you too." bulong nito pabalik.
Natawa ang Yoda biglang binuhat nito si Baek para magkapantay ang kanilang mga mukha. Tinitigan niya ito hanggang sa mailang si Baekhyun.
"You're so perfect."
Marahan niyang dinampi ang labi niya sa labi ni Byun Baekhyun at agad naman na tumugon ang isa. Kahit pa marami ang dumadaan na kotse sa paligid nila, hindi sila nagpatinag. Mahal kasi nila ang isa't isa.
Pinulupot ni Baek ang braso niya sa leeg ni Chanyeol at pinalalim pa ang halik nilang dalawa. Mga ilang minuto lang silang ganun hanggang sa maubusan sila ng hininga at matawa sa gitna ng pathway.
"Let's go home." bulong ni Chanyeol at ibababa na dapat si Baek pero niyakap ni Baekhyun ang leeg ni Chanyeol at pinulupot ang dalawang hita sa bewang nito. Pinikit niya ang mga mata niya at palihim na ngumiti.
Chanyeol chuckled at napa-iling nalang. "Okay." he said at hinigpitan ang yakap sa bewang ni Baek. "Pasalamat ka mahal kita." sabi nito.
"Thanks." Baekhyun murmured and kissed Chanyeol's neck. "I love you too."
And with that... they walked... ay hindi pala. Chanyeol walked home. :)
♡ ♡ ♡ ♡ ♡
Hindi naman lahat kasing swerte ng ChanBaek diba?
Kaya kung meron mang nagmamahal sayo, give them importance. Baka mawala sila, magsisisi ka pa. Masakit yun. :'(
Good mornight guys! Happy Birthday again @ImUrRetardedK-Poper !!!! :D
Godbless you all! MUA~ ^^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top