♔ Sky Full of Stars


HAPPY HAPPY FATHER'S DAY SA TATAY MO, SA TATAY KO AT SA TATAY NATING LAHAT! :D





"Ano ba yan?!" singhap ni Byun Baekhyun habang nakatingin sa class schedule niya para sa second sem. Napa-irap siya sabay bulsa ng papel na hawak lang niya kanina.



Napatingin sakanya si Luhan, ang kanyang bestfriend, na kasama niyang nag-enroll. "Oh Baek, bakit?" tanong niya habang naglalakad na sila palabas ng university.


"Alam mo bang hanggang 8pm ako gabi-gabi?!" inis na sabi ni Baekhyun sabay irap na parang kasalanan pa ni Luhan ang lahat. "Grabe talaga. Ayokong umuwi ng gabi!"



Napa-eye roll nalang si Luhan at umiling. "Baek, ako hanggang 7pm." sagot niya. "Ganun talaga. 4th year na tayo eh." binigyan pa niya ng ngiti si Baekhyun pero wala parin.



"Kahit na!" reklamo parin ni Baek.



"BAEK NAMAN!" inis na sabi ni Luhan sabay kamot sa ulo niya. "SA TABI LANG NG SCHOOL ANG DORM NATIN! MAKAREKLAMO KA PARANG SA MALAYO KA UUWI AH!"



Tinignan siya ng masama ni Baekhyun hanggang may usok na lumabas mula sa tenga at ilong niya... kung posible man yun. "Alam mo naman kung bakit gusto kong umuwi ng maaga diba, Luhan?" inis na sabi ni Baek. Umirap siya saka nagpatuloy sa paglalakad.



"Baek--"



"Paano ko na maiistalk si Chanyeol niyan?!" sigaw niya nang nasa labas na sila ng university. "Paano ko na makikita lahat ng post niya sa FB, tweets niya sa Twitter at pictures niya sa Instagram kung late naman ako uuwi?! Edi pag-uwi ko, tulog na agad?!"



"Baek... ganun talaga yun!" sigaw ni Luhan. "Hindi ka naman niya kilala eh."



Umirap si Baekhyun. "Kung sana... may milagro lang eh." bulong niya at napabuntong hininga. Kahit pa forever crush niya si Park Chanyeol, never siyang pinansin nito. Tahimik lang kasi si Yeol at puro mga kaibigan ang kasama.



Pero alam ni Baek na wala siyang girlfriend o boyfriend. Ang hindi lang niya alam... kung may gusto si Chanyeol na iba at kung sino ito.



Inakbayan siya ni Luhan sabay turo sa langit. "May ishe-share ako sayo, Baek, tutal bff naman tayo." nakangiting sabi niya.



Sinundan ni Baekhyun yung tinuturo ni Luhan. "Si Nathaniel?"



"Sira!" sigaw ni Luhan sabay palo sa balikat ni Baek. "Hindi siya, ano ka ba?!"



"Eh bat mo kasi tinuturo yang langit?!"



"May tinuro kasi sakin si Kyungsoo. Sabi niya... totoo daw." mahina sabi ni Luhan habang naglalakad na sila pabalik sa dorm. "Ganito. Every night, for nine days, dapat isulat mo sa langit yung pangalan ng crush mo. Dapat walang absent ah! Nine nights na dapat sunod-sunod!"



Tinaas ni Baek yung isa niyang kilay. "Paano kung may absent?" tanong niya. "Hindi pwedeng ulitin?"



"Ang alam ko... one chance lang eh." sagot ni Luhat at napa-shrugg.



"Ganun ba... Oh tapos?"



"I-trace mo gamit yung daliri mo yung pangalan niya sa mga stars. At sa pang-sampung gabi, magiging kayo!" nakangiting sabi ni Luhan habang parang nagsusulat sa langit. "At dahil hanggang gabi naman ang klase mo, pwede mong gawin bago umuwi."



Tinignan siya ni Baek. "Totoo talaga yan?"



Napa-shrugg ulit si Luhan. "There's no hurt in trying." sagot niya at ngumiti.



"Meron." malungkot na sabi ni Baek. "Aasa ako."



Simula nang mag-start ang klase nina Baekhyun, ginawa na niya yung sinabi ni Luhan sakanya. Gabi-gabi niyang sinusulat yung pangalan ni Chanyeol sa langit bago maglakad pauwi. Minsan, pinagtitinginan na siya ng mga tao kasi sobrang open kung gawin yun ni Baek. Yung para na siyang tanga.



Park Chanyeol...



Park Chanyeol...



Park Chanyeol...



Park Chanyeol...



Park Chanyeol...



Park Chanyeol...



Park Chanyeol...



Park Chanyeol...



Sa ika-siyam na gabi ng pagsusulat niya sa langit, sobrang excited si Baek. Tinakbo niya mula classroom nila hanggang sa labas ng building.



"9th night." bulong niya sa sarili niya habang nakangiti. "Bukas... magiging kami na!"



Paglabas niya ng building, natigilan siya sa nakita.



Nakapayong lahat ng tao.



Nanlaki ang mga mata ni Baek at naramdaman niya ang paninikip ng dibdib niya. Tumingin siya sa langit at kahit isang star... wala siyang nakita. Umuulan ng malakas at nagtatakbuhan lahat ng tao para sumilong.



Naramdaman niya ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya at kahit sobrang lakas ng ulan, umalis siya sa silong ng building at sa field. Tumingin siya ulit sa langit, naghahanap ng kahit saang merong stars. Kahit pa basang-basa na siya sa ulan.



"Huling gabi na oh." bulong niya sa sarili habang umiiyak. "Bakit ngayon pa umulan?!"



Basang-basa na siya at nararamdaman niya ang mga tingin ng tao sa paligid niya. Pero wala siyang pakialam... kailangan niyang isulat ang pangalan na yun.



Maya-maya pa... naramdaman ni Baekhyun ang pagtigil ng pagbuhos ng ulan sa kanya. Napatingin siya ulit na langit at isang itim na payong ang nakita niya. Mas maitim pa sa langit ngayong gabi.



"Magkakasakit ka." bulong ng isang boses sa likod niya.



Tinulak ni Baek yung payong at tumingin ulit sa langit. "H-hindi pwede." nanginginig na sabi niya. "K-kailangan kong isulat yung p-pangalan ni Park Chanyeol."



Napabuntong hininga yung may hawak ng payong. "Byun Baekhyun..."



Naghahanap parin ng stars si Baek. "U-umalis ka na." inis na sabi niya kahit lamig na lamig. "Kailangan k-kong isulat ang pangalan n-niya."



"Pang-ilang gabi mo na ba?" mahina tanong ng taong nasa likod niya.



"Pang s-siyam." bulong ni Baek. Napatingin siya sa mga paa niya habang nararamdaman ang pag-iyak. "Bukas... bukas... na kasi..."



"Ako kasi.. siyam na gabi ko nang nasulat yung pangalan mo."



Nanlaki ang mga mata ni Baek at lumingon sa taong nasa likod niya. May hawak itong malaking payong at nakangiti sakanya.



"Park... Chanyeol..."



Inilahad ni Chanyeol yung kamay niya. "Ngayon ang ika-sampung gabi." nakangiting sabi niya kay Baekhyun. "Can i.. send you home?"



Ngumiti si Baek at pinunasan ang luha mula sa mga mata niya. "Sure." bulong niya saka kinuha ang kamay ni Chanyeol.



Hinila siya ng isa saka niyakap gamit ang isang braso.



"You're definitely going to be sick." natatawang sabi ni Chanyeol at saka hinalikan ang noo ni Baekhyun.



Ngumiti si Baek saka niyakap pabalik si Chanyeol. "It's worth it."




♡ ♡ ♡ ♡ ♡



Thank you for reading everyone! Godbless!!!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top