♔ Jealous Chanyeol
Uy salamat nga pala sa mga nagre-re-read ng stories ko! :D Thank you Thank you! I'm super touched!!! ^__^
Dedicated to @DOgether! Thank you for all the votes and comments!!! Iloveyou from the bottom of my being. MUA~
PS: Puro fluff na UD. Hahaha. :D
♡ ♡ ♡ ♡ ♡
Teka... Si Yoda?! Nagseselos?! O__o
Bakit nga ba? Anong nangyari?!
"Teka lang Hyung! Naiiyak na ako!"
"Hahaha! Sabi na kasing huwag kukurap ng mabilis eh! Ayan tuloy! Hahaha!"
"Hyung naman eh! Aasarin pa ako!"
"Akin na at pupunasan ko! Hahaha."
Napa-irap nanaman si Chanyeol habang pinapanood sina Baekhyun at Sehun sa may sofa, nagtatawanan. Nagpapaturo kasi si Sehun magpalagay ng eyeliner kay Baek dahil hindi ito marunong. Gusto daw niya ng new look ngayong 2015.
"Hmmph." sabi ni Chanyeol habang iniinom ang Coke-in-can na hawak niya. Nakaupo siya sa isang stool sa kitchen habang masamang-masama ang aura.
Kasama niya si Chen sa may kitchen at umiinom naman ng kape. Pinapanood lang niya si Chanyeol habang takot na takot at pinagpapawisan. Ikaw ba naman ang may katabing galit na Yoda. -,-
"Buti pa si Yeollie mabilis matuto!" daing ni Baek habang natatawa. Pinalo naman niya ang eyeliner sa braso ni Sehun. "Ikaw! Napaka-SLOW!"
"Grabe ka naman Hyung!" sigaw ni Sehun. "Dali! Lagyan mo pa!"
Nagsimula namang maglagay si Baek ng eyeliner sa paligid ng mata ni Sehun. Naka-upo si Sese sa sofa habang nakatayo naman sa harap niya ang kanyang Hyung.
"Ah!" daing ni Sehun nang malapit ni Baek masyado ang eyeliner sa mata nito. At kasabay nito ang paghawak niya sa bewang ni Baek para itulak ito palayo.
Agad naman na napasinghap si Chanyeol sa simpleng hawak na yun sa kanyang kasintahan. Galit na kinuyom niya ang kanyang mga daliri at nasira ang lata ng softdrink sa kamay nito. "Bwisit." bulong niya at marahas na tinapon ang lata sa basurahan sa tabi niya.
Halos mailabas naman ni Chen ang iniinom, kaya para makaiwas na din sa takot, tumayo ito at mabilis na naglakad paalis ng kusina.
Pinanood siya ni Chanyeol habang masama ang tingin. Napabuntong hininga nalang siya at tumayo na din at nagsimulang maglakad pabalik sa kwarto nila.
"Makatulog na nga lang ulit." inis na bulong nito sa sarili niya at medyo inis pang naglakad padaan sa sala.
"Oy Chanyeol! Lika dito at tulungan mo ako!" tawag sakanya ni Baek habang nakangiti ng malaki.
As usual, halos tumigil naman ang pagtibok ng puso ni Chanyeol basta nakikita niya ang mga ngiti ni Baekhyun pero sa ngayon, galit siya. Galit at selos na selos.
Tinignan naman siya ni Chanyeol at nagbigay lang ng isang boring na reaction. "Matutulog ako." tipid na sabi nito at saka naglakad na nga paakyat.
Agad naman na sumimangot si Baekhyun at saka binalik ang tingin kay Sehun na medyo nagtataka rin ang mukha. "Problema nun?" tanong niya kay Sese. "Matutulog daw, eh kagigising lang niya kanina."
Napa-shrugg naman si Sehun. "Nagseselos?" tanong niya sabay kuha ng eyeliner mula sa kamay ni Baek. "Ano pa nga ba?"
"EH? Nagseselos?!" gulat na tanong ni Baek. "San magseselos yun? Sayo?! Eh Totoy ka lang!" sabi pa niya na walang halong biro.
"Totoy ka diyan?!" inis na sabi ni Sehun at naglakad papunta sa isang malaking salamin sa may sala. "Kausapin mo si Chanyeol-hyung para naman hindi kayo mag-away dahil sakin. Ang gwapo ko kasi diba, Hyung?"
Napa-iling nalang si Baek. "Kapal talaga." bulong nito sa sarili at pinanood si Sehun na maglagay ng sariling eyeliner na lampas-lampas at hindi pantay. -,- Kawawang Totoy, este--- Maknae.
Pero to clear things up nga, umakyat na din si Baek at hindi na kumatok sa kwarto nila ni Chanyeol. Pagkapasok niya ay nakita niya si Yeol na nag-gigitara habang naka salampak sa carpet. Plucking lang ang ginagawa nito at nakapikit pa siya habang dinadama ang music. Nuks naman.
Umupo si Baek sa harap ni Yeol ng dahan-dahan para hindi makagawa ng ingay. Pinanood niya ang pagtugtog ni Chanyeol ng isang kanta na hindi niya alam. Marahil, bagong kantang composed nanaman niya.
Nagsimulang mag-hum si Chanyeol habang nakapikit pa din at mas lalong ngumiti si Baek. Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa kasintahan at hinalikan ito ng mabilis sa labi.
Napasinghap naman si Chanyeol at agad na minulat ang kanyang mga mata. At siyempre... ang magandang mukha ni Baek ang sumalubong sakanya.
"B-baek?"
"Huwag mong sabihing... nagseselos ka kay Sehun?" tanong ni Baek habang nakatingin sa gitara ni Chanyeol. Iyon yung regalo niya noong nakaraang anniversary nila.
Hindi naman sumagot si Yeol at tinignan lang si Baekhyun.
"Sobra kasing possessive eh." sabi ni Baek at saka tumingin sa mga mata ni Chanyeol. Ngumiti ito at tinaas ang dalawang kilay. "Tama ako diba?"
Umiwas ng tingin si Chanyeol at napa-pout nalang. "Masama ba yun?" mahinang tanong niya.
"Kelan pa yun naging masama?" tanong ni Baek at natawa ng mahina. Pinisil niya ang magkabilang pisngi ni Chanyeol. "You're so cute when you're jealous." sabi nito at natawa.
"You sound like you don't mean it!" daing naman ni Yeol. Tinignan niya si Baek habang naiinis ang mukha.
Tumawa lang si Baekhyun at lumapit sa kanyang kasintahan. Inalis niya ang gitarang hawak nito at ipinatong sa carpet sa tabi nila.
"Ganito nalang.." mahina niyang sabi at saka umupo sa hita ni Chanyeol. "..i'll make it up to you." sabi nito at saka niyakap ang leeg ni Yeol. Hinalikan niya ang leeg nito at agad namang napabuntong hininga si Chanyeol. Nagrelax ang buo nitong katawan at niyakap ang bewang ni Baek.
"I love you Park." bulong ni Baekhyun habang nakapikit ang mga mata at nakangiti. "I love you and i mean it. Huwag ka ngang paselos-selos effect diyan dahil hindi na tayo high school! Hahaha." dagdag pa nito at natawa.
Umiling naman si Yeol at binaon ang ulo sa leeg ni Baek. "I mean it, Baby." bulong nito. "And you can't blame me!"
"Then whenever you feel jealous, just pull me and kiss me then and there." seryosong sabi ni Baek at iniangat ang ulo niya para titigan sa mata ang kasintahan. "Or else... tell me whenever you're jealous and i will be the one to kiss you and make you feel that i'm all yours, Park Chanyeol."
Ngumiti ng malaki si Yeol. "I'm jealous, Baek." bulong nito habang natatawa. "I'm really, really jealous right now."
Baekhyun giggled. "Yeah right."
Pero hinalikan parin niya si Chanyeol.
Hanggang sa... alam niyo na. ;)
♡ ♡ ♡ ♡ ♡
Sorry! Short lang siya. hehehe. Loveyou all~
Godbless and Enjoy the weekend!!! ^__^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top