♔ Happy Baekhyun Day!

Happy Happy Birthday naman sa ating Eyeliner Diva slash High-pitched Biatch na si Byun Baekhyun! Kahit na malaki ang inis ko sa putanginang baklitang yan, mahal siya ni Chanyeol kaya sige... mahal ko na din siya. Hahaha. :D

Pero higit sa lahat, HAPPY HAPPY BIRTHDAY MY DEAREST SISTER! :D This chappy is for you and I Love You no matter what! :D Huwag mo nang basahin kasi alam kong di mo type. Hahaha. Godbless and stay pretty like me! Charot~ I would ALWAYS be here. And i'll never leave. :*

PS: Super short lang. hehe. Bday special lang eh. =3=

♡♡♡♡♡

Nagising si Baekhyun na may sobrang laking ngiti sa labi. Yung ngiti na aabot talaga sa tenga niya. Yung ngiti na minsan lang niya gamitin. Napatingin siya sa paligid ng kwarto nila ni Chanyeol saka hinagilap ng mga mata niya ang kasintahan.

"Asan na yun?" bulong niya sa sarili nang wala siyang nakitang higante na may malalaking tenga.

Maya-maya pa, bumukas na ang pinto at isang hingal at pawisan na Chanyeol ang pumasok sa kwarto nila. "Baek?" nakangiting sabi nito saka lumapit sa kama. "Gising ka na pala."

Tumango naman si Baek at natawa ng mahina. "Oo naman." masayang sagot niya. "Importante tong araw na to diba?" pinunasan pa ni Baekyun ang mga panis na laway sa mukha niya kasi baka bigyan siya ni Yeol ng Birthday Kiss na magiging torrid at alam niyo na. =3=

Napakunot noo naman si Chanyeol. "Huh?" takang tanong niya. "Bat anong meron?"

Tinignan siya ng masama ni Baek saka umirap. "Huwag mo na akong lokohin, Channie~" malambing na sabi niya. "Alam ko namang niloloko mo lang ako eh." gumapang pa siya papunta kay Yeol saka yumakap sa braso nito.

Lumayo si Chanyeol saka tumingin kay Baek habang takang-taka talaga. "Babe... wala talaga akong alam sa sinasabi mo." seryosong sabi niya na naging dahilan para mapatahimik si Baekhyun.

Nilayo niya ang sarili niya kay Yeol saka gulat na tumingin dito. "S-seryoso ka ba diyan, Yeol?" mahinang tanong niya. Bakas na bakas din sa boses niya ang sakit.

Tumango ng isang beses si Chanyeol saka napa-pout.

Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata ni Baekhyun. "M-may 6... w-wala ka talagang m-maalala?" naiiyak na tanong niya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Chanyeol saka hinawakan ang mukha ni Baek. "Babe!" panicked na sabi niya. "B-bakit ka umiiyak?! Hala! M-may nagawa ba ako?!" pinunasan niya ang mga luha na nagsisimula nang umagos mula sa mata ng kasintahan.

Umiling si Baek saka inilayo ang mukha niya. "L-lumayo ka sakin." galit na sabi nito saka umalis sa kama. Pinunasan niya ang mukha niya at inayos ang sarili.

Agad na napatayo si Chanyeol saka hinawakan ang braso ni Baek. "Baekhyun... ano ba kasing problema?"

Tinignan siya ng masama ni Baek. "Wala." galit na sabi niya. "Walang problema, Park Chanyeol. Wala talaga." kinuha niya agad ang jacket niyang nakasabit sa isang upuan at sinuot ito.

Nanlaki ang mga mata ni Chanyeol nang ma-realize ang gagawin ni Baek. "Baek!" kinakabahang sabi niya. "San ka pupunta?! Baekhyun!"

Nang nakahawak na si Baek sa doorknob ng kwarto nila, tumigil siya saglit at napapunas ng luha niya. "Alam mo Chanyeol... sa lahat ng bagay na pwede mong makalimutan, dito ako pinakanasaktan." napa-iling siya saglit saka lumingon ng konti sa kasintahan. "Really, Yeol. You're so disappointing."

Agad na tumakbo si Baekhyun palabas ng kwarto nila at palabas ng dorm. Ibinaba niya ang hoodie ng jacket niya at inalagay ang mask.

At syempre ang Yoda... imbes na habulin ang kasintahan, agad siyang napa-ngisi at tumango-tango sa sarili. "Hehehehehe." nakangising sabi niya. "Mission accomplished."

Sabay takbo papunta sa mga kasamahan.

♡♡♡

Saan nga ba napunta si Baekhyun?

Actually, wala naman siyang pinuntahan talaga. Naglakad-lakad lang siya sa park, sa village nila kung saan wala masyadong tao. Nag-stay din siya sa isang bench sa gilid ng daan at nag-Instagram. Binasa niya lahat ng greetings ng mga fans sa Twitter at Insta niya.

Napangiti siya ng mapait. "Buti pa sila... may greeting sakin. Kaya mahal na mahal ko tong mga to eh." sabi niya. "Tanginang Park Bwisit Chanyeol na yun!" marahas na binulsa niya yung cellphone niya saka kinagat ang labi niya sa inis. Tinitigan din niya ng masama yung dumadaan na aso sa harapan niya. Agad naman na tumakbo ito paalis.

Oh well, i understand his frustrations nga naman kasi. =3=

Nang mag-gagabi na, natakot na si Baek. Hello? Buong araw siyang wala sa dorm, hindi pa naligo at nag-brush. Wala nang natirang pera at wala pang kasama. *ehem* Chanyeol *ehem*.

In other words... no choice siya.

Mabagal siyang naglakad pabalik sa dorm nila. Ayaw niyang makita ang mga pagmumukha ng mga taong NAKALIMOT kuno sa bertday ng diva. Aba. Walang pwedeng makalimot sa birthday niya no!

Tahimik na ang dorm ng dumating siya. Hindi din maingay sa loob dahil feeling niya, patulog na din silang lahat alinsunod sa utos ng dakilang leader nila.

Nang binuksan niya ang pinto,

"HAPPY HAPPY BIRTHDAY BYUN BAEKHYUN!!!"

Napatigil lang si Baek sa may pintuan habang nakatingin sa mga banners, balloons, party hats, confetti at kung anu-ano pang hinanda ng mga ka-members niya. Inisa-isa niya ang maga mukha nila hanggang sa mapatingin siya kay Chanyeol.

"Happy Birthday." Chanyeol mouthed. May hawak siyang malaking boquet ng roses at balloons sa isang kamay.

Tinignan niya ito ng masama. Bitch eh. =3=

Napa-cross arms si Baek. "Matapos akong magutom at mapagod sa labas?!" galit na sabi niya. "Mga walang hiya kayo!" dinuro-duro pa niya ang mga kaibigan habang inis na inis ang mukha.

Natawa naman silang lahat. "Sorry na Baek." singit ni Kyungsoo. "You know... kelangan ko ng enough time para magluto."

"At enough time para ayusin ang buong bahay." singit ni Chen sabay thumbs up.

Napa-irap nalang si Baek hanggang sa lapitan siya ng Chanyeol. Iniabot niya ang hawak nitong bulaklak. "Happy Birthday, Baby." masayang sabi niya. "I'm sorry for what happened kaninang umaga."

Tinignan ni Baek yung bulaklak at dahan-dahang kinuha. "Sus." pakipot. Eww. "If i know, hindi mo talaga naalala birthday ko." naka-pout pa na sabi niya. Pacute! Pasalamat si Baek, cute talaga siya. Kaiyak. T^T

Agad naman na umiling si Chanyeol at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Baek. "I can't do that." seryosong sabi niya. "I would never ever forget one of the very important days of your life, Babe."

Tinignan siya ni Baekhyun sa mata... at syempre, nakikita niya kung gaano kaseryoso at katotoo ang sinasabi ni Chanyeol. Makikita naman sa mata lahat diba?

Baekhyun slowly smiled and nodded.

Dahan-dahang hinalikan ni Chanyeol ang noo ni Baek. Napapikit naman si Baekhyun hanggang sa bumaba ang halik ng isa sa kanyang ilong.

"What do you want?" Chanyeol whispered as he hovered his lips over Baek's.

Natawa ng mahina si Baekhyun. "What do you mean?" mahina niyang tanong.

"Birthday gift..." sagot ni Yeol saka hinalikan ang gilid ng labi ni Baek.

Baekhyun smirked and grabbed Chanyeol's waist. "I love you, Yeol." bulong niya saka napakagat-labi. "It's you that i want."

Chanyeol grinned. "I know you'll say that." he whispered. "I want and love you too, Baby. Happy Birthday."

And about Yeol's gift... hehehe. You know. :)

♡ ♡ ♡ ♡ ♡

Yey! Thank you for reading guys! Loveyou all~

Happy May 6 everyone! :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top