♕ Gift ko?!

Merry Merry Christmas ulit loves!!! :* 

♡ ♡ ♡ ♡ ♡

Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, siguro, kanina pa duguan sina Chanyeol at Jongin dahil sa mga tingin ni Kyungsoo at Baekhyun. Alam kong creepy ang normal na titig ni Kyung, pero imagine kapa naging x100 and creepiness nito! Imagine niyo guys! 

Yun ang ginagamit niyang titig ngayon. 

Si Baekhyun naman.. ayan.. halos hindi na makita ang black portion ng mata niya dahil sa talim ng tingin niya sa dalawa. Paano ba naman?! 

May gift sina Jongin at Chanyeol sa isa't isa! 

"Oh, Kai!" masayang sabi ni Chanyeol sabay abot ng regalo kay Jongin. "Dahil number 1 fan mo ako, may gift ako sayo! Tada!" 

Ngumiti naman ng malaki si Jongin at agad na umalis para kunin ang regalo niya kay Chanyeol. "Ako din, Chanyeol hyung! Alam ko kasing may regalo ka sakin eh. Hehehe." 

"Merry Christmas!" bati nila sa isa't isa at nagyakapan pa!!! #KaiYeol

Ayun. Sumabog ang ulo ng mga babes nila. Ayan kasi eh. =___= So malandi. 

Matapos ng batihan nila ay masayang naglakad naman si Chanyeol papunta kay Baek na naka-upo sa sofa at naka-cross arms. "Baek baby!!! Halika at--"

"Don't talk to me you ugly giant!!!" sigaw ni Baek at tumayo mula sa kinauupuan niya. Tinignan niya pa ng mas masama si Chanyeol at halos maglabas na ng usok sa ilong at tenga niya. 

Nanlaki naman ang mga mata ni Chanyeol. "Baby.. yung mata mo! A-anong nangyari?!" panicked na tanong niya. Walanjo. Tanga din to minsan, eh no? =3= 

"Bwisit ka!" sigaw ni Baekhyun at dinuro ang higante. "Magsama kayo ng Nognog na yun! ARGGHH!!!" sigaw pa niya at padabog na umalis ng sala at lumabas ng dorm. Ayaw niyang magkulong sa kwarto dahil alam niyang kakatukin lang siya ni Chanyeol doon. 

Nanlaki naman ang mata ni Yeol at napatingin kay Jongin na nanlalaki din ang mga mata. Napatingin siya kay Kyungsoo na biglang tumayo at nag-walk out din sabay bulong ng, "Makaalis na nga." at pumunta sa kusina para aliwin nalang ang puso niyang nadurog. T^T 

Agad naman siyang sinundan ni Kim Jongin habang naka-pout at sabay kamot sa ulo. 

Napabuntong hininga si Chanyeol at pumunta sa kwarto nila. Agad niyang kinuha ang coat niya pati na din ang coat ni Baekhyun. Kumuha din siya ng dalawang pair ng gloves at sinuot ang regalo sakanya ni Xiumin noon na furry hat. Kinuha din niya ang beanie hat na bigay sakanya ni Luhan at binulsa ito. 

Hindi naman mahirap hanapin si Baek. Hindi kasi ito makakalayo dahil baka may makakita sakanya at sobrang lamig din ng gabi at naka-tshirt at pants lang siya. Hay. Magwa-walk out na nga lang, yung hindi pa siya handa. 

Nag-stay siya sa isang sarado nang coffee shop, yung may mga dining seats sa labas. Umupo siya sa isa sa mga upuan doon at niyakap ang sarili dahil sa lamig. Madilim na ang paligid kasi nga closed na yung shop at yung street lights nalang ang meron. 

Ang problema kasi kay Baek, kapag galit o nagseselos siya... ayan. Umiiyak. T^T Pinunasan niya ang mga luha niya habang naka-pout at pilit na pinipigilan ang mga hikbi. Ang cute nga niya eh. 

Yumuko siya at umiyak lang. Yung tahimik na iyak. Palihim naman na lumapit sakanya si Chanyeol at pinatong ang coat na dala niya sa kanyang kasintahan. Nuks. 

"Alam ko na nga ba, dito kita mahahanap eh." sabi nito at kumuha ng upuan para umupo sa harapan ni Baekhyun. 

Napatingin naman sakanya si Baek at umirap habang basa parin ng luha ang mukha. "Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong niya at tinaas ang isang kilay. 

Ngumiti naman ng maliit si Chanyeol at kinuha ang isang kamay ni Baek. "Hinanap ka, syempre." sagot niya at nilagay ang isang glove kay Baekhyun. 

"Psh."


Natawa si Chanyeol ng mahina at kinuha ang isang pang kamay ni Baekhyun. "Alam kong nilalamig ka, Baek." sabi niya habang nilalagay ang isa pang glove sa kabilang kamay ni Baekhyun. Matapos nun ay sinuot niya ng tuluyan ang coat ng kasintahan para hindi lang ito nakapatong sakanya. 

Niyakap ni Baek ang sarili at napatingin kay Chanyeol. Napa-pout siya at umirap. "Bwisit." bulong niya at umiwas ng tingin. 

Kinuha ni Chanyeol ang beanie hat na nasa bulsa niya. Sinuot din niya ito kay Baek at saka inayos ang bangs at pinasok ang tenga sa loob nito. Saka siya ngumiti ng malaki at pinisil ang mukha ni Baekhyun. 

"Aray! Ano ba?!" sita sakanya ni Baek at hinampas ang kamay palayo sa maganda niyang mukha. 

"Baek naman eh.." sabi ni Chanyeol habang may nagmamaka-awang mukha. "Huwag ka nang magselos kay Jongin! Fan lang niya ako!" depensa niya sa sarili. 

Umirap pa ulit si Baekhyun. "Fan daw. Pwe." 

Nilapit ni Chanyeol ang upuan niya hanggang sa wala nang space sa pagitan ng mga tuhod nila. Kinuha niya ang magkabilang kamay ni Baekhyun at hinawakan ito ng mahigpit. 

"You're being jealous over nothing, Baby." bulong niya habang nakatitig sa mukha ni Baek. "Alam mong ikaw lang ang mahal ko." 

Baekhyun glanced at Chanyeol pero agad din niyang iniwas ang tingin niya. Sobra naman kasing gwapo ni Yeol kapag ganun ang mukha niya! Baka mapadali ang panglalambing niya dito. Sayang daw ang moment. 

"I love you." bulong ni Chanyeol at sa pagkakatong iyon, hindi na naiwasan ni Baek ang tumingin sakanya. Nakikita niya sa mga mata ng higante kung gaano ka-totoo ang lahat ng iyon. Chanyeol's eyes tell nothing but the truth, ika nga. 

"Noong birthday mo.." simula ni Baek habang naka-pout at umiiyak. "..siya ang niregaluhan mo. Naka-TV pa tayo noon ah! Alam mo bang nasaktan ako?!" tumulo ulit ang mga luha ni Baekhyun nang maalala ang EXO Showtime episode 3 kung saan birthday ni Chanyeol ang na-feature.

Chanyeol sighed. "That's because i really am amazed of his dedication to our work." sagot niya. "And because i know that you deserve more than a gift meant for a show, Baby. You deserve more than that." 


Unti-unti nang nawala ang sama ng tingin ni Baekhyun kay Chanyeol. Napalitan ito ng tuluyan pang pag-iyak. "N-nagseselos ako." iyak ni Baek. "S-sobra." hikbi pa niya.

Agad naman na pinunasan ni Chanyeol ang mukha ni Baek gamit ang isa niyang kamay, habang ang isa ay hindi parin binibitawan ang kamay ng kasintahan. "Don't cry." bulong ni Yeol habang nakahawak sa pisngi ni Baekhyun. "Christmas is not yet over, right?" 

Napakunot noo naman si Baekhyun. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya habang humihikbi parin. 

Kinuha naman ni Chanyeol mula sa bulsa niya ang isang medium-sized na box. Color black ito at may puting ribbon sa itaas. "Akala mo siguro.. wala akong gift sayo no?" tanong niya kay Baekhyun at napa-smirk. 

Tumango si Baek ng mabagal. 

Chanyeol chuckled and shook his head. "I would never do that." bulong niya. Iniabot niya kay Baekhyun yung box at kinuha naman ito ni Baek. 

Binuksan niya ito at isang silver bracelet ang sumalubong sakanya. Simple lang ang design at walang charms na nakasabit. Meron itong diamond sa gitna at napaka-masculine ng dating. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang naka-engrave na C at B sa kabilaan ng diamond. 

"C-chanyeol.." gulat na bulong niya at napatingin sa kasintahan habang napupuno nanaman ng luha ang mata. 

Itinaas ni Chanyeol ang isa niyang braso at pinakita ang suot niyang bracelet. "See." sabi niya at ngumiti na ubod ng sweet. "We're forever connected, Baek." kinuha niya ang bracelet mula sa box nito at hinila ang isang kamay ni Baekhyun. Inilagay niya ito dito habang nasa state of shock palang ang isa. Hindi kasi niya talaga inexpect. 

"Perfect." masayang sabi ni Yeol habang nakatingin sa mga bracelet nila. "You know, we should--"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang hilain ni Baek ang mukha niya at halikan siya sa labi. Mga dalawang segundo siyang nagulat pero agad din namang tumugon sa halikan nila. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Baekhyun at mas nilapit pa ito sakanya. Lumalim nang lumalim ang halik nilang dalawa hanggang sa hindi na sila makahinga at naghiwalay para sa hangin. 

Idinikit ni Chanyeol ang noo siya sa noo ni Baek habang hawak-hawak parin ang mukha nito. "Sorry if it's late, Baby." bulong niya dito. 

Umiling naman si Baek at kinuha ang isang kamay ni Yeol na nasa pisngi niya. Hinawakan niya ito ng mahigpit. "No." mariin na sabi niya. "It would never be too late. Sorry kung.. nag-overreact ako kanina, Yeol." bulong niya pabalik. 

Chanyeol brushed Baekhyun's cheeks. "Huwag kang mag-sorry Baek." sagot niya. "It only means that you love me, right?" 

Baekhyun nodded. "Very much." sagot nito. 

"And i love you, too." sabi ni Chanyeol at humiwalay para tignan si Baek ng maigi sa mata. "That's why.. keep your distance from other guys and gals cause you make me crazy at times." seryosong sabi nito. 

Napakunot noo naman si Baekhyun. "Huh?" 

Chanyeol sighed. "Hindi lang ikaw ang marunong magselos, Baek." sabi nito. 

Baekhyun rolled his eyes and giggled. "Well.. it only means that you love me, right?" pag-uulit niya sa sinabi ni Chanyeol kanina. 

Chanyeol rolled his eyes and swooped down to kiss Baekhyun once more. "Very much." sagot nito. 

Tumayo naman si Baek at hinila ang kamay ni Chanyeol. "Halika na nga." masayang sabi niya at nagsimula na silang maglakad pabalik sa dorm. "Yung regalo ko pa sayo!" 

Natawa naman si Chanyeol at inilagay ang braso niya sa bewang ni Baekhyun. Hinapit niya ito palapit sakanya at pinatong naman ni Baek ang kanyang ulo sa balikat ng kasintahan. 

"May regalo ka pala sakin." natatawang sabi ni Chanyeol. "I'm suprised!" 

Baek rolled his eyes. "Pinag-ipunan ko yun, kala mo ah." sagot niya. 

"I bet." sagot ni Yeol at hinalikan ang ulo ni Baekhyun. He smiled and sighed in contentment. "Merry Christmas Baby." bulong niya sa kasintahan. 

Baekhyun looked up and tiptoed to plant another kiss on Chanyeol's lips. "Merry Christmas too, Babe." 

And walking back home is another precious moment to savor for both of them. With Chanyeol's hand on Baekhyun's waist, his head on the giant's shoulder and of course.. love between the two of them, what more could they ask for? 

It was just the sweetest Christmas... ever. 

♡ ♡ ♡ ♡ ♡

Hoped you liked it guys!! 

Votes and comments are highly appreciated! Godbless and much love!!! MUA! :* 

Merry Christmas again. ^__^ 

~HahuYeah 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top