♔ Chocolates x Hugot x ChanBaek
Dahil sobrang namiss ko mag sulat ng Filipino shot! haha. :)
Maligayang Araw ng mga Puso mga ka-ChanBaek! ;) xoxo!
PS: Another super short. ehehehe
* * * * *
Valentines na at napagdesisyunan ni Byun Baekhyun na gumawa ng home-made chocolates na ishe-share niya sa kanyang mga ka-members. Oo. Sa mga ka-members niya. Maliban sa isa, syempre. Medyo bitter kasi siya ngayong Valentines dahil number 1, walang regalo sa kanya si Park Chanyeol at number 2, masyado ata itong busy para sakanya. Remember, may drama nga siya diba? Leche talaga.
Inilabas na lahat ni Baek ang kailangan niya para sa chocolates nang isang matangkad at gwapong lalake ang pumasok sa kusina. Naka sando pa ito at shorts. Jusko. Kung kelan naman ayaw ni Baek na makita ang biceps nito, saka pa lumitaw.
Kunwari ay hindi niya ito napansin at tuloy lang sa paghahanda ng gamit. Mixing bowl, cocoa powder, butter, sugar, milk, water, at kung anu-ano pa. Pinapanood naman siya ni Chanyeol habang umiinom ng tubig mula sa isang gilid.
"What are you making?" biglang tanong ni Chanyeol at napa-singhap naman si Baekhyun sa biglang pagsasalita nito. Tinignan niya ito saka umirap lang. Yung matalim na irap ah.
"Che." Bulong nito at lalagyan na sana ng tubig yung kaserola, pero dahil nasa tabi ni Chanyeol yung water dispenser, kailangan niyang lumapit doon. Kung minamalas ka nga naman. Walang nagawa si Baek kundi ang lumapit nga sakanya. "Tabi." inis na sabi nito sa yoda sabay tulak pa.
Agad naman na tumabi si Chanyeol, pinapanood parin si Baekhyun habang nakakunot noo. "Tulungan na kita, Baek." offer niya sabay ngiti. Yung totoong ngiti ah.
Tinignan naman siya ni Baekhyun ng masama. "Tulong? Seryoso?" sabi niya.
Tumango si Chanyeol. "Oo. Seryoso."
"Talaga? Yung totoong 'seryoso' ah. Hindi yung klase ng 'seryoso' na ginagamit mo kapag sinasabi mong mahal mo ako." galit na sabi niya kay Yeol. "Gusto ko yung 'seryoso' talaga. Hindi yung fake, tulad mo." Umirap pa ito ng isang beses saka naglakad papunta sa stove.
Napabuntong hininga nalang ulit si Chanyeol. Kagabi pa humuhugot si Baek at hindi niya alam kung kelan ito ititigil. Hindi na naman niya gets kung anong problema. Minsan kasi, nagagalit nalang si Baekhyun ng walang dahilan. Typical Baek.
Sinundan ni Chanyeol si Baek at pinanood ito habang nilalagay ang kaserola sa stove para iinit. "Kelangan pa talagang iinit yan, Baek?" tanong niya habang nakatingin sa kasintahan.
"Oo!" sagot ni Baekhyun. "Pero hindi kasing init ng dugo go, Park Chanyeol! Kasi wala nang mas iinit pa doon ngayon! Naiintindihan mo?!"
Napa-atras naman si Chanyeol sa gulat at minabuting hindi na muna lapitan masyado si Baek. Pumunta nalang siya sa kitchen counter kung saan nakahanda na lahat ng ingredients para sa chocolates.
"Anong gagawin ko, Baek?" tanong ni Chanyeol. Gusto niya kasi talagang tulungan si Baekhyun gumawa ng chocolates. Marunong siya pero ayaw niyang sabihin para hindi siya magmukhang nagmamarunong. Humble DAW siya.
Lumapit din si Baekhyun sa kitchen table. "Ihalo mo yung cocoa powder at butter sa mixing bowl." inis na sabi nito. "Ihalo mo. Yung maayos! Yung tama! Yung wala kang masasaktang iba! Yung hindi selfish! Yung MAAYOS!"
Tumango naman ng mabilis si Chanyeol at ginawa yung sinabi ni Baek. Hinalo-halo nga niya yung ingredients at saka niya inilagay sa mixer. Matalim siyang pinapanood ni Baekhyun mula sa kabilang dako ng counter. Gustong-gusto niyang sabunutan si Chanyeol ngayon.
"HUWAG MONG MADALIIN!" sigaw ni Baek nang ititigil na sana ni Chanyeol yung mixer. "Hindi ka naman kinakapos sa oras diba?! Sa akin ka lang naman walang oras diba, Chanyeol?! Kaya huwag mong madaliin yang pag-mix!"
Napabuntong hininga ulit si Chanyeol at hindi nga tinigil yung mixer. Maya-maya pa, uminit na yung pinapa-init ni Baek kaya tinigil na ni Chanyeol yung mixer. Tinanggal niya yung mixing bowl at iniabot kay Baek.
"Hindi ba nasobrahan yung---"
"Hindi!" galit na sabi ni Baek nang marahas niyang kunin ang mixing bowl mula kay Yeol. "Hindi nasobrahan, Yeol! Ako lang yun! Ako lang yung sobrang nasasaktan, hayop ka!"
Napa-facepalm si Chanyeol. Alam niyang nag-o-overreact na naman si Baekhyun. Wala namang bago eh. Tulad nga ng sinabi ko, kagabi pa yan. Bigla nalang siyang nagsimulang mag-drama. Inuulit ko, walang maayos na dahilan. Typical Byun Baekhyun.
Inis na inilagay ni Baekhyun yung mixture sa mainit na tubig. Hinalo-halo niya yung mga yun gamit ang spatula hanggang lumapot. Lumapit ulit sakanya si Chanyeol at dahil naghahalo siya, hindi siya makalipat ng pwesto. Napapamura nalang siya sa isip niya.
Medyo marahas ang ginagawang paghalo ni Baek at tumatalsik pa mula sa kaserola yung hinahalo niya. Napa-iling si Yeol.
"Baek, ako na." sabi niya. "Nagtatapon ka lang oh. Saka baka mapaso ka pa."
"Huwag na." giit ni Baekhyun. "Tapos na. Huli na ang lahat. Nasaktan na ako. TAPOS NA, OKAY?!"
"Baek, sayang yung---"
"Oo! Sayang talaga! Sayang talaga, Chanyeol!" sigaw nanaman ni Baekhyun saka tinigil ang paghahalo. "Sayang talaga lahat ng luhang iniyak ko para sayo! Sayang lahat ng laway na sinayang ko sa pakikipaghalikan sayo! SAYANG! Sayang talaga!" Dinuro-duro pa niya si Chanyeol sa dibdib.
"Baek! Ano ba? Grabe naman---"
"Grabe talaga, Chanyeol!" sigaw na naman ni Baek, galit na galit. "Grabe ka talaga! Valentines, Yeol! VALENTINES NGAYON, ALAM MO BA YON?!"
Napatingin si Chanyeol sa likod ni Baek at nanlaki yung mga mata niya sa gulat. "Baek! Kumukulo na yung---"
"OO! Kumukulo na talaga yung dugo ko sa galit, Yeol!" sigaw nanaman niya. "Kaya ang mabuti pa, umalis ka nalang! Umalis ka nalang kundi mapapatay na talaga kita!"
Mas lalong nanlaki yung mga mata ni Chanyeol nang biglang umapoy yung niluluto ni Baek. Agad niyang hinila ang braso ng kasintahan para ilayo ito sa apoy at saka pinatay agad yung stove. Kumuha siya ng basahan saka itinaklob sa apoy.
Napatigil naman si Baek at gulat na napatingin kay Chanyeol.
"See!" inis na sabi ni Yeol. "Kung sana pinapatapos mo lang ako, Baek."
Napakapagat labi naman si Baekhyun saka umiwas ng tingin. "Aalis ka diba?" mahina niyang sabi. "Aalis ka nanaman para sa taping niyo. Iiwan mo nanaman akong mag-isa." tumingin siya kay Chanyeol at alam niyang malapit nanaman siyang maiyak. "Sige nga! Sinong hindi magagalit?! Dapat nga tayo ang magkasama ngayon!"
Napabuntong hininga nanaman si Chanyeol. Parati nalang siyang napapabuntong hininga pagdating kay Baek. Hindi niya kasi talaga magawang magalit dito. Kahit pa gaano nakaka-init ng ulo tong smurf na to, hindi niya talaga magawang magalit sakanya.
"Wait here." kalmado niyang sabi saka naglakad paalis ng kitchen.
"Ano?!" sigaw ni Baek. "Anong wait?! HOY CHANYEOL! Anong wait, ha?!"
Nang bumalik si Yeol, agad namang napatigil si Baekhyun nang makitang may hawak itong sobrang laking bouquet ng bulaklak. Andun lahat ng paborito niya. Sa isang kamay, may hawak siyang card.
"I'm supposed to give this to you tonight." sabi ni Chanyeol habang nakatingin sakanya ng seryoso. "Pero mukhang kailangan mo na siya ngayon palang." napangiti siya habang umiiling-iling. "Happy valentines, babe."
Napa-pout naman si Baek. "Totoo ba yan?" tanong niya saka nagpunas ng luha.
"Oo. Totoo nga." sabi ni Chanyeol saka tumango. "Yung 'totoo' na ginagamit ko kapag sinasabi kong mahal kita."
Napangiti naman si Baek habang naiiyak parin.
"And... I'm not leaving today." dagdag ni Chanyeol saka lumapit kay Baek. Iniabot niya yung bulaklak saka yung card. "I'll spend the whole day with you. And tonight, I would gladly take you to dinner."
Nagulat naman si Baekhyun sa sinabi ng kasintahan. Sobrang minsan nalang kasi talaga sila lumabas dahil sa busy na schedule. Siguro nga mali na isipin niyang wala nang time si Chanyeol sakanya.
"Just promise me one thing." seryosong dagdag ni Chanyeol.
"Ano?" tanong ni Baek saka nagtaas ng isang kilay.
"Wala nang hugot." natatawang sabi niya. "Just stop. Don't do it again."
Tumango naman si Baek saka niyakap sa leeg si Yeol.
"Okay." mahina niyang sabi. "Promise."
"I do love you, Baek." bulong ni Chanyeol nang yakapin niya si Baekhyun sa bewang. "I do. Don't ever doubt that again."
Tumango si Baekhyun. "Happy valentines."
* * * * *
Thank you for reading!
Love you all~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top