♕ Chasing Chan
Alam ni Byun Baekhyun na maganda siya.
Oo. 'Maganda' talaga. Hindi 'pogi' or 'cute'. Hindi daw enough para i-describe kung gaano siya ka-dyosa. Basta 'maganda'. Maganda talaga.
Kaya naman noong aminin niya sa EXO-K na isa siyang bisexual, talaga namang nagulat ang mga ito. Nagpatawag siya ng 'conference' sa kitchen area ng dorm nila. Pero para sa mga ka members niya, hindi kasi masyadong halata kay Baekhyun na ganun ang kanyang sexuality. Mapagbiro man ito, mas manly naman siya kaysa kay Luhan.
"Naiintindihan ka namin, ano ba?" sabi ni Suho, yung leader nila. Inakbayan niya si Baek habang tumatango-tango. "Mahal ka namin, Baek. Maging sino ka man."
Napa-irap naman si Kyungsoo. "Ang drama Suho ah." sabi nito. "Hindi naman kasi big deal yun, Baek. Gets na gets ka namin." tumabi din ito kay Baekhyun at pinat siya sa likod.
Pinatong naman ni Sehun sa kamay niya yung ulo niya habang nakatingin ng maigi kay Baek. "Eh diba Hyung, hindi naman ibig sabihin na sa lalake ka lang magkakagusto?" tanong niya at dahan-dahan namang tumango si Baek.
"Teka, teka." singit ni Jongin saka tumabi kay Baekhyun. "Paano mo narealize? Saka bakit ngayon mo lang sinabi?"
Agad naman na napatahimik si Baek. Nanlalaki yung mga matang napatingin siya sa lahat ng taong nasa harap niya. Paano nga ba niya sasabihin yung totoo? Paano niya sasabihin na isang araw, narealize niyang kinikilig na pala siya sa isa nilang ka-member? Paano niya sasabihin ngayong pinapanood din siya ni Park Chanyeol?
Napakamot ng baba si Baek. "A-ano..." simula niya habang umiiwas ng tingin. "Basta."
"Basta?" nagtataka namang sabi ni Chanyeol at saka tumabi din kay Jongin. "Basta ganun nalang? Narealize mo nalang?"
Inirapan siya ni Baekhyun. "Oo." inis na sabi nito. "Kulit mo."
"Weh? Hindi ako naniniwala." sagot naman ni Yeol. Hindi talaga siya magmi-miss ng pagkakataon para awayin si Baek. Nasa dugo na nila ang magbangayan. Kaya naman lumipat siya ng upuan at tumabi kay Baekhyun. "So paano nga?" tanong pa niya ulit.
Lumayo naman si Baekhyun sakanya. "Basta nga kasi, Yeol." bwisit na sabi niya. "Lumayo ka nga sakin." tinulak pa niya si Chanyeol nang tangkahin niyang akbayan ito.
Natawa naman si Yeol. "Paano nga kasi Baek?"
Tinignan siya ng masama ni Baekhyun. "Sige. Isa pa, susungalngalin na kita." pagbabanta pa niya pero natatawa lang talaga si Chanyeol sakanya.
"Huwag mong sabihing... may gusto ka na sa isa sa amin ah." sabi naman ni Yeol na nagpatigil, hindi lang kay Baek, kundi sakanilang lahat.
Paano nga kaya kung meron? Paano kung may crush na si Baek sa isa sa kanila?
Hindi agad nakasagot si Baekhyun. Nakatitig lang siya kay Chanyeol habang gulat at hindi alam ang sasabihin. Nakangiti lang naman si Yeol sakanya, naghihintay ng sagot. Pero nang mabasa niya ang reaksyon ni Baekhyun, napatigil din siya sa pagtawa at dahan-dahan na nawala yung ngiti sa labi niya.
Pero inunahan na siya ni Baek. "H-hindi ah." sabi niya habang pilit na natatawa. "Wala akong gusto sa kahit sino sa inyo no. Yuck." dagdag pa niya.
Yun na nga lang, kilala na siya ni Chanyeol. Kilalang-kilala.
Okay. Siguro nga, kapag may gusto ka sa isang tao, most of the time, sinusungitan mo lang siya. Ganun daw kasi mostly sa mga babae. Pero hindi babae si Byun Baekhyun.
"Uy Yeol, gumawa ako ng cookies! Gusto mo ba?" excited na tanong ni Baek isang araw. Maaga siyang nagising para mag-bake ng chocolate chips cookies at kapapasok lang ni Chanyeol sa kusina para uminom ng tubig.
Napangiti naman si Yeol. "Oh talaga ba?" tanong niya saka lumapit kay Baek. "Asan? Pahingi naman ako!"
Mas lalong napangiti si Baek. "Sige ba! Teka lang ha." binigyan pa niya ng mas malaking ngiti si Yeol at BAM! Naramdaman ni Park Chanyeol na parang napatigil sa pagtibok yung puso niya. Alam naman niya na sobrang perfect ng eye-smile ni Byun Baekhyun, parati naman niya itong nakikita.
Pero bakit ganun? Bakit naging ganun yung naramdaman niya?
Kinuha ni Baek yung cookies mula sa oven at takot lang siyang pinapanood ni Chanyeol. Napahawak ito sa dibdib niya at saka ito pinalo ng isang beses. Straight siya. Straight as a ruler nga daw. Hindi pwede. Hindi talaga pwede.
"Medyo mainit pa ah." bulong ni Baek habang nag-aalalang nakatingin sa mga cookies niya. "Baka medyo matagalan pa yung---"
"Ah, ayoko na pala." mabilis na singit ni Chanyeol. "Ayoko na pala, Baek. Sorry." sabi pa niya bago mabilis na umalis sa kusina ng ganun-ganun lang. Hindi nga niya matignan si Baek nang naglakad ito palayo.
Naiwan si Baekhyun na malungkot siyang pinapanood paalis. "Anong nangyari dun?" bulong niya sa sarili.
Ang pangalawang instance ng pagiging 'overly nice' ni Baekhyun ay ang pagluluto at pagseserve kay Chanyeol tuwing umagahan, tanghalian at hapunan. Nagpaturo pa ito kay Kyungsoo magluto para lang makuha yung gustong taste ni Chanyeol sa pagkain.
"Ano bang meron?" tanong sakanya ni Kyungsoo noong nagluluto sila ng kimchi.
Napa-shrug lang si Baek. "Wala naman." sagot niya. "Gusto ko lang matutong magluto."
"Para kay Yeol?"
Tumango si Baekhyun. "Alam mo na, close kasi talaga kami at gusto kong i-repay lahat ng--- ARAY KO NAMAN KYUNGSOO! BAKIT MO AKO PINALO NG SANDOK?!" napahawak siya sa ulo niya habang nakasimangot at nakatingin ng masama kay Kyung.
"Utot mo Baekhyun ah." inis na sabi nito. "Ako pa talaga? Ako pa talaga ang niloko mo ha?"
Inirapan lang siya ni Baek habang minamasahe yung ulo niya. "Ano bang sinasabi mo, ha?" sabi niya pabalik kay Kyungsoo.
"Hindi mo nalang kasi sabihin na may gusto ko sakanya," sabi ni Kyungsoo habang naka-abang parin yung sandok kung sakaling ideny pa ni Baek. Sobrang obvious na kasi. Saka sa laki ba naman ng mata nun? Sa tingin niyo hindi niya mapapansin?
"WALA!" sigaw ni Baek at isa nanamang malutong na palo ng sandok ang sumalubong sakanya. Lesson learned: Huwag mag-deny kay Kyungsoo. Masasaktan ka lang. Literal.
Kaya kinagabihan, si Baekhyun ang nagluto at talaga namang sarap na sarap si Chanyeo sa pagkain nila.
"Ang sarap talaga, Kyung!" puri ni Chanyeol kay Kyungsoo. "The best ka talaga, no?"
Umirap naman si Kyungsoo. "Hindi ako yan." sagot niya. "Si Baek ang nagluto ngayong gabi."
Nang mapatingin si Chanyeol kay Baekhyun, nginitian siya ng malaki ni Baek, hinihintay na purihin din siya nito. Pero ayun nanaman kasi yung 'weird' na smile ni Baek na kayang gawing baliw yung puso niya. Dahan-dahan niyang nilunok yung kinakain niya saka umiwas ng tingin.
"Um, ang sarap Baek." mahinang sabi ni Yeol.
Natuwa naman si Baekhyun. "Masaya talaga akong nagustuhan mo." sabi niya kay Yeol. "Kung gusto mo, magluluto pa ako para sayo. Gusto mo ba?"
Nanlaki naman ang mga mata ni Yeol at gulat na nilibot niya ang tingin sa mga kasamahan. Lahat naman nagulat sa sinabi ni Baek maliban kay Kyungsoo na tuloy lang sa paglamon sa kimchi na nasa plato niya. Maya-maya pa ay nabilaukan siya at agad namang kumuha ni Jongin ng tubig.
Naghihintay parin ng sagot si Baek. "Gusto mo ba, Chanyeol?" tanong niya.
Lumunok naman si Yeol saka umiling. "Um, huwag na." sagot niya. "Okay lang. Mag-aabala ka pa."
"Hindi! Hindi abala yun, promise!" dahilan naman ni Baek at tinaas pa ang kanang kamay bilang pangako.
Umiling naman ulit si Chanyeol. "Huwag na nga, Baek." sabi niya. "Okay lang talaga."
Dahil doon, agad na napa-pout si Baek. "Ayaw mo?" mahina niyang sabi. "Osige. Okay lang."
Napatingin sakanya si Chanyeol pero agad din niyang iniwas ang tingin. Hindi maganda si Baek, naisip niya. Masyado siyang cute, hindi na niya kinakaya.
Nasundan pa ng maraming pagkakataon ang ganung inaasta ni Baekhyun at Chanyeol. Madalas naririnig mula sa bibig ni Baek ang mga statement tulad ng:
"Kumain ka na, Yeol? Paghahanda na kita."
"Nag-init pala ako ng tubig kung gusto mo. Nasira yung heater sa banyo eh."
"Feel ko maglaba ngayon. Akin na yung mga damit mo Chan."
"Chanyeol, gusto mong kumain sa labas? Treat ko!"
"Chanyeol, tara larong video games!"
"Chanyeol, pwede mo bang gawan ng lyrics tong melody na naisip ko?"
Chanyeol. Chanyeol. Chanyeol.
Parati nalang Park Chanyeol. Nakakarindi na.
Pero ayun na nga. Kahit nasa iisang kwarto lang sina Chanyeol at Baekhyun, kapansin-pansin ang biglang pag-iwas ni Yeol kay Baek. Malimit na niya itong sinasamahan kahit pa parati siyang tinatawag nito. Sa umaga naman, maaga na din siyang umaalis ng dorm para mamasyal. Mag-isa. Weird.
"Ayan. Aalis nanaman." bulong ni Kyungsoo kay Baek habang naghahanda sila ng breakfast. "Hindi pa kumain yun ah."
Nakasimangot naman si Baek nang tuluyan na ngang lumabas si Yeol ng dorm. "Saan kaya yun pupunta?" tanong niya. "Dalhan ko kaya ng pagkain?"
"Huwag na." sabi naman ni Kyungsoo. "Halata namang umiiwas lang eh."
Napakunot noo naman si Baekhyun sabay tingin kay Kyung. "Umiiwas? Saan? Kanino? Sakin?" sunod-sunod na tanong niya. Napatigil siya sa panggigisa sa sibuyas at humarap sa kaibigan.
Napa-shrug si Kyung. "Ayokong magsalita."
"Pero bakit siya iiwas sakin?" panicked na tanong ni Baek sabay turo ng sandok sa mukha niya. "Wala naman akong ginagawang masama ah."
"Wala ba talaga?" tanong naman pabalik ni Kyung. "Eh kung umasta ka, parang ikaw yung nanay niya ah."
Napatigil naman si Baekhyun. "Caring lang talaga ako!"
"Pwede ba, Baek?!" inis na sabi ni Kyungsoo. "Tama na yang ginagawa mong pandedeny sa feelings mo ah. Naririndi na ako!"
"Pero totoo nga..." mahinang sabi ni Baekhyun. "Umiiwas siya sakin?" Halata ang lungkot sa mga mata niya kaya walang nagawa si Kyungsoo kundi ang mapabuntong hininga nalang. Aaminin niya, medyo naaawa na din siya kay Baek dahil sa ginagawang pag-iwas ni Yeol.
"Kausapin mo nalang," sagot ni Kyungsoo saka tinuloy ang pagluluto. "Mas maganda kung galing sakanya."
Gabi na nag dumating si Chanyeol.
Nakasara na din lahat ng ilaw sa dorm nang pumasok siya. Pero nang i-on niya yung switch ng ilaw, isang tao ang nakaupo sa paanan ng hagdan, naghihintay sakanya.
"Baek!" gulat na sabi ni Yeol sabay hawak sa dibdib. "Ano bang ginagawa mo diyan?! Ginulat mo naman ako!"
Napahikab si Baekhyun saka tumayo at nag-stretching. "Kailan nating mag-usap." seryosong sabi niya. Wala na yung overly sweet at caring at Baekhyun. Medyo inis pa ang boses nitong kumakausap kay Chanyeol.
"Ngayon na?" tanong ni Chanyeol habang tinatanggal yung suot niyang jacket. "Gabi na, Baek."
Naglakad si Baekhyun papalapit sakanya. "Oo. Ngayon na." mariin na sabi niya. Tumigil siya tatlong yapak mula kay Chanyeol. Mas maliit siya kesa dito kaya kailangan niyang iangat ang tingin para makita sa mata si Yeol.
Napalunok si Chanyeol dahil sa kaba. "Baekhyun..."
"Bakit mo ako iniiwasan?" agad na tanong ni Baek. "May ginawa ba ako na hindi mo nagustuhan, ha, Chanyeol?"
Dahan-dahan naman na umiling si Yeol. "Baekhyun, hindi kita--"
"Bakit ka nagsisinungaling?" inis na sabi ni Baek. "Bakit ayaw mong sabihin yung dahilan? Gusto mo ba, hulaan ko pa?"
"B-baek... Ano kasi..."
"Habang naka-upo ako diyan at naghihintay sayo, naghalungkat talaga ako sa utak ko ng mga posibleng dahilan kung bakit mo ako iniiwasan." sabi ni Baekhyun habang nakatingin parin sa mga mata ni Yeol. "At alam mo kung anong naisip ko?"
Umiling si Yeol. Takot parin siyang nakatingin kay Baek.
"Park Chanyeol, gusto kita." pag-amin ni Baek na naging dahilan para mapasinghap si Chanyeol. "At tama ka. May dahilan kung paano ko nalaman na hindi ako tulad ng iniisip ng iba. Eh malay ko bang kikiligin ako sayo diba? Malay ko bang macu-cute'an ako sa naglalaway mong mukha sa pagtulog. Malay ko bang magugustuhan kita? Hindi ko naman pinilit yun! Pero Yeol, kung ayaw mo, sabihin mo. Hindi yung bigla ka nalang umaalis, iiwas, nang walang pasabi."
"Baekhyun, hindi mo kasi naiintindihan eh." mahinang sabi ni Chanyeol.
"Ang alin? Asan?" inis na sabi ni Baek. "Wala ka namang pinapaintindi sakin."
Napahawak si Chanyeol sa buhok niya saka ito hinila. "Nakaka-frustrate ka naman, Baek eh!" daing niya. "Hindi ako sanay sa ganito!"
"At ako pa talaga yung nakaka-frustrate? Ako pa talaga?"
"Hindi ko din kasi naiintindihan, okay?"
"Wow. Kanina lang ako yung hindi makaintindi. Ngayon naman, ikaw na." sarcastic na sabi ni Baekhyun. "Ano ba talaga ha?"
"Ikaw yung problema ko, Baek." sabi ni Chanyeol. Okay. Hindi talaga siya magaling sa ganito.
Mas lalong nainis si Baekhyun. "AKO?!" galit na sabi niya. "Ako ang problema mo?! Ano bang ginawa ko sayo ha?!"
"Baekhyun straight kasi ako!" sigaw ni Chanyeol. "Alam ko, babae lang ang gusto ko eh. Sure talaga ako doon."
Hindi nakapagsalita si Baek. Para siyang sinipa sa dibdib at sinampal ng ilang beses. Masakit pala talagang sabihin ng taong gusto mo na hindi ka niya type. Umatras si Baekhyun mula kay Chanyeol saka umiwas ng tingin.
"Kaya pala..." mahina niyang sabi. "Kaya ka pala lumalayo."
Napadaing ulit si Yeol at bago pa makalayo sakanya si Baek, hinila niya ang kamay nito palapit sakanya. "Pero Baek, hindi eh." simula niya. "Hindi pala ganun kadali yung feelings ko para sayo. Baekhyun, sa tingin ko kasi nagugustuhan na kita at hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko o ano."
Hinila naman ni Baek yung kamay niya pabalik. "Kung sinasabi mo lang yan dahil naaawa ka sakin, kalimutan mo na." medyo galit pa na sabi niya. "Kalimutan mo nalang din na gusto kita."
"Baek, ano ba?" inis na din na sabi ni Yeol. "Gusto nga kita, tapos lalayo ka? Ikaw naman yung iiwas ganun?"
"Eh hindi ka naman sure!" sigaw ni Baek. Demanding talaga amp.
Napapikit si Yeol sabay buntong hininga. "Byun Baekhyun, umiiwas ako kasi nagtataka talaga ako sa nararamdaman ko para sayo." bulong niya. "I'm not gay and I know that. Pero pagdating sayo... hindi ko na alam eh."
Tinignan lang siya ni Baekhyun. "Oh tapos?"
Bumaba yung tingin ni Chanyeol sa labi ni Baek at napalunok ito. "May gusto akong gawin," mahina niyang sabi. "Pero baka magalit ka."
Napakunot noo naman si Baekhyun. "Ano?" tanong niya.
Dahan-dahan na inangat ni Chanyeol ang isa niyang kamay sa pisngi ni Baek. Hinaplos niya ito saka unti-unting dinampi ang labi niya sa labi ni Baekhyun. Hinalikan niya ito na para bang hindi siya sigurado sa ginagawa niya. Pakiramdam kasi niya, hindi niya alam kung paano humalik ng kapareho niyang lalake. Pero nang halikan siya pabalik ni Baek, nawala lahat ng alanganin sa isip niya.
"Gusto kita," mahinang sabi ni Yeol nang humiwalay sila sa halik. "Sigurado ako. Gusto din kita, Byun Baekhyun."
* * * * *
Messy, I know. huhu.
Anyways, salamat sa pagbabasa! Godbless~
xoxo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top