♔ Chanyeol vs BaekYeon
It hurts me to write this. Pero wala eh.. I'm feeling depressed. Dito ko nalang ilalabas. Hahaha!
♡ ♡ ♡ ♡ ♡
Baekhyun: Kyungsoo, sobrang galing talaga ng GG no? Sobrang hot na, sobrang talented pa nilang lahat! Lalong-lalo na siyempre si Taeyeon ko. Wala kang masasabi sakanya. Maganda na--
Chanyeol: Ano? May sinasabi ka ba? Sinasabi mong the best ang 2ne1?! Oo naman! Hahaha! Si Dara noona pa? Sila kasi, walang arte sa katawan, di tulad ng ibang girl groups diba?
Baekhyun: /naiinis na/ Sinasabi mo bang maarte ang mga GG? Ha Chanyeol?!
Chanyeol: Ha? Wala naman akong sinasabi ah. Ikaw nagsabi niyan, Baek.
Baekhyun: /galit/ Ano bang problema mo ha, Park Chanyeol?! Si Kyungsoo naman ang kausap ko, bigla ka nalang sisingit diyan! Para kang kulang sa pansin ah!
Chanyeol: Ako ba ang nakisingit o yang Taeyeon mo na yan?
Baekhyun: /nagulat/ A-ano? Ano b-bang problema C-chanyeol?
Chanyeol: Ako ba ang may problema o ikaw Baek?
Baekhyun: ...
Chanyeol: Masaya naman tayo noon diba? Pero bakit ka nahulog para sa iba? Kulang pa ba lahat ng binigay ko? Kulang pa ba AKO, Baekhyun?
Baekhyun: ...
Chanyeol: So ngayon, wala kang masabi? Masakit diba? Masakit na sinasabi ko sayo to lahat. Nagagalit ka na crush ko si Dara, pero nagalit ba ako noong minahal mo yung Taeyeon na yun? Wala kang narinig sakin diba, Baek? Pero ngayon, pagod na ako. Ayoko nang magkunwari na hindi masakit. Kasi sobra akong nasasaktan. Sobra akong umaasa na mahal mo pa ako, na ako parin ang pipiliin mo sa huli. Pero hindi nga. Hindi pala. Hindi mo pala ako ganun kamahal.
Baekhyun: Akala mo ba hindi masakit?! Hindi mahirap na iwan ka?! Mahal kita, Chanyeol! Mahal na mahal! Pero may mga bagay lang talaga napumipigil sa atin. Hindi mo alam kung ano ang binitawan ko para lang sayo. Pero hindi pwede, Yeol. Hindi pwede.
Chanyeol: Alam mo Baek, kung mahal mo talaga ako, hindi ganito. Kasi ako, kung ako lang ang nasa posisyon mo, alam ko ang pipiliin. At hindi si Taeyeon yun. Ikaw ang mahal ko kaya ikaw ang pipiliin ko. Kahit pa anong sabihin ng iba! Ganun kita kamahal. Kahit ano pa.. kahit gaano pa kahirap. Ikaw parin.
Pero hindi yun ang ginawa mo. Siguro nga.. hindi mo ako mahal tulad ng pagmamahal ko para sayo.
♡ ♡ ♡ ♡ ♡
Masakit ba? Oo, masakit punyeta.
Pero infairness sa Insta update ni Chanyeol! Kinilig ang pwet ko dun ah! Hahaha.
CHANBAEK FOREVER!!!
~HahuYeah
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top