Chapter 8
#ChainedtothePastWP
Chapter 8
Elusive
The moment the eatery got busy with the arrival of construction workers, my mood got a lot better. I forgot about what happened earlier.
Ibinigay ko na lang ang ube na inihanda ko kay Tatay Selmo na madalas kumakain dito ng hapunan pagkatapos mamasada ng tricycle. Madalas ko siyang nakakausap kapag tumutulong ako rito tuwing bakasyon. Mag-isa na lang siya sa kanilang bahay simula nang namatayan ng asawa at nilayasan ng anak para sumama sa kasintahan. Iyon ang rason na kahit dapat namamahinga na lang siya sa bahay sa edad na sitenta ay namamasada pa rin siya.
He needed to work to live. If he wouldn't work, he would either get sick or starve to death. That's why even when he's old, he still had to work hard.
I admire his strength and hardwork so much, but I couldn't help but to pity his situation. I wonder how he felt when his wife died and his daughter left him to flee.
Noong kinuwentuhan niya ako tungkol sa kanyang buhay ay hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Nakaramdam ako ng labis na galit. I wanted to curse his daughter for leaving him, because even when she knew she's the only family he had left, it still wasn't enough to make her stay.
However, I realized that I'd be such a hypocrite if I did. Wala naman akong pinagkaiba sa kanya. I also ran away from my parents. Pinili kong manatili rito kaysa bumalik sa kanila. I had no right to curse her and call her names.
"Salamat ulit, apo..." Abot hanggang mata ang ngiti ni Tatay Selmo bago tinikman ang ube na binigay ko sa kanya.
Napangiti na lang ako habang pinapanood siya. Hindi rin ako nanatiling nakatambay sa lamesa dahil kailangan kong magpatuloy tumulong.
Umabot hanggang alas-nuebe na bukas ang eatery bago kami tuluyang nagsara. Kahit apat na oras lang akong tumulong ay hindi ko maitanggi ang naging pagod ko. Paano na lang kaya kung hindi ako tumulong sa kanila ngayon?
"Anak, salamat sa pagtulong ngayon ah." Nakangiting bumaling sa akin si nanay nang nasa loob na kami ng tricycle pauwi.
I returned her smile and held her hand. Bahagya akong nakaramdam ng awa dahil kitang-kita ko sa kanyang mga matang bumibigay na ang antok at pagod. Dati ay alas-otso pa lang, nagsasara na siya, pero dahil nga sa mga manggagawang kumakain doon ay nagtatagal na siya hanggang alas-nuebe o alas-diez.
"Ganoon din po ba noong mga nakaraang araw na hindi ako nakakatulong sa inyo?" nag-aalala kong tanong.
Marahan siyang tumango sa akin. "Gusto ko mang magsara ng maaga katulad dati, pero sayang ang dagdag kita dahil madami-dami ang construction workers na kumakain pagpatak ng alas-otso."
"Pero, Nay, hindi ninyo kaya na kayo lang tatlo nina Ate Princess at Ate Jenny," sabi ko. "Kung kumuha po kaya kayo ng kahit magpa-partime lang ng ganoong kritikal na oras. Para lang po mayroong dagdag tulong."
Muli siyang tumango. "Iyon nga ang balak ko," sabi niya. "Nagpapahanap na ako kay Jenny ng puwedeng magtrabaho mula alas-singko hanggang alas-nuebe."
"Kapag wala po akong assignments, tutulong po ako."
Agad umiling si nanay bilang pagtanggi. "Huwag na." Pinisil niya ang aking kamay. "Kukuha na ako ng dagdag na tao. Pagkatapos ng eskuwela ay umuwi ka kaagad. Alam kong nakakapagod din ang mag-aral. Para na rin may kasama agad ang kapatid mo at hindi natin kailangang pabantayan lagi kay Vicky hanggang sa makauwi kayo ni Lydia o ng tatay mo."
Bahagya akong napayuko. Hindi ko alam kung maipapangako ko bang hindi ako tutulong tuwing kaya ko lalo na't alam kong kulang sila ng tao ngayon. Kahit ngayon ngang apat na kami ay naging mahirap pa rin, ngunit hindi ko naman maitangging kailangan din ng mag-aalaga kay Freah. Ayokong maramdaman ng kapatid ko na walang oras sa kanya ang kanyang pamilya.
I've been there before. I already struggled getting through that feeling everyday. Minsan kahit alam mong mahal ka nila, hindi mo pa rin maiiwasang isipin na nawawalan sila ng oras sa'yo madalas dahil subsob sa trabaho para sa kinabukasan mo. That feeling would always linger on you. I knew it so well to forget how it felt...
"Ate! Nanay!"
Pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Freah mula sa hapagkainan kung saan kumakain siya kasama sina tatay at Lydia na nakabusangot na naman ang mukha. Siguro ay napagalitan siya ulit ni tatay.
Matunog na hinalikan ni nanay si Freah. Nang pinakawalan ay agad inilahad ng aming bunso ang kanyang kamay sa akin. Natawa ako. Alam ko na kaagad ang hinihingi niya sa akin.
Kinuha ko sa aking bag ang chocolate donut na pangako ko sa kanya kaninang umaga.
"Aba't inuwian ka pa ng Ate Lia mo ng paborito mo ah," sabi ni Tatay kay Freah nang bumalik ito sa hapag. "Pero ubusin mo muna 'tong pagkain mo bago mo kainin 'yan."
"Opo!" Sa sobrang saya ng kapatid ay hindi na siya nakipagbabag pa kay tatay at pinagpatuloy ang pagkain ng kanin.
Lumapit kami ni nanay sa hapag para sumabay sa pagkain. Nagmano ako kay tatay bago umupo sa tabi ni Freah pagkatapos kumuha ng plato at kubyertos para sa aming dalawa ni nanay.
"Pasensya na at nauna na kaming kumain," paghingi ng paumanhin ni tatay kay nanay matapos humalik sa pisngi nito.
Umiling si nanay habang pumunta sa kabilang kabisera. "Hindi naman na ako kailangang hintayin sa susunod. Kahit mga alas-otso pa lang ay kumain na kayo. Maaga pa ang pasok ng mga bata para magpuyat."
"Sige..." Huminga nang malalim si Tatay at nakita ko ang pagsulyap niya kay Lydia na walang gana habang kumakain. "Itong anak mo nga pala ay halos kakauwi lang din. Aba't umalis pala kasama ang mga kaibigan."
Nagsimula na ako sa pagkain. Kung puwede lang na hindi ko marinig ito ay ginawa ko na. Lydia hated it whenever she's being reprimanded in front of me. Now, it's happening again.
"Nagpaalam naman sa akin ang anak mo kaninang umaga..." mahinahong sabi ni Nanay para hindi na mapagalitan pa si Lydia.
"Ayos lang naman ang umalis kasama ang mga kaibigan, pero huwag sanang gabing-gabi ang uwi." Mariin ang boses ni Tatay at tila pinipigilan ang sarili na magtaas ng boses sa harap ng pagkain. "Paano kung mayroong masamang mangyari sa'yo at sa mga kaibigan mo?"
Ibinaba ni Lydia ang kanyang kubyertos. Mukhang kanina pa siya nagtitiis na makinig sa pangaral ni Tatay.
Nag-angat siya ng tingin sa aming ama. "Oo na nga po, Tay," labas sa ilong niyang sabi. "Hindi na nga po mauulit. Nagkatuwaan lang po kami at hinatid naman ako nila Desiree."
"Dapat lang na hindi maulit, Lydia, kung hindi ay babawasan ko ang baon mo para wala ka ng pera panggala pagkatapos ng klase," banta ni Tatay.
Saglit na napapikit si Lydia, pinipigilan na sumagot pabalik. Nang bahagyang kumalma ay pinulot niya muli ang kutsara't tinidor para magpatuloy sa pagkain kahit na walang gana.
"Lia."
Nilingon ko si nanay nang bigla akong tinawag.
"Ipatikim mo sa kanila iyong ube kanina."
Sumilay ang aking ngiti nang maalala ang mga pasalubong ni Mikael para sa akin. Mabilis kong kinuha sa sala ang aking bag. Inilabas ko lahat ng pasalubong sa akin at inilapag sa aming lamesa ng maayos.
"Oh! Akala ko ba'y ube lang?" Natawa si Tatay nang makitang madami akong uwi.
"Akala ko rin..." sabi ni Nanay.
Walang pag-aatubiling inabot ni Freah ang choco flakes bago lumingon sa akin. "Ate, akin na lang 'to."
"Oo naman," sabi ko dahil balak ko naman talagang ibigay sa kanya 'yon. Alam kong gustong-gusto niya ng mga pagkaing mayroong tsokolate.
"Galing Baguio ang mga 'to ah." Sinuri ni Tatay ang peanut brittle na mukhang nagustuhan niya. "Sino ang nagbigay sa'yo nito?"
"Iyong kaklase ko pong pumunta ng Baguio no'ng bakasyon," sagot ko. "Ayoko nga po sanang tanggapin dahil nahihiya po ako, pero nakakahiya rin pong tanggihan."
"Tamang-tama at gagawa ako ng mga leche flan na ibebenta sa eatery sa Biyernes! Bigyan natin siya ng kahit dalawang llanera bilang pasasalamat dito sa dami ng pasalubong niya."
Sumang-ayon ako sa gustong mangyari ni nanay. Balak ko rin namang bumawi kay Mikael. "Tutulong na rin po ako sa paggawa ng leche flan."
Tumango na lamang si nanay sa akin. Babalik na sana ako sa pagkain nang madaan ang tingin ko kay Lydia. Sa itsura niya pa lang habang nakatingin sa mga pasalubong ni Mikael, mukhang malalim na ang kanyang iniisip.
Biting my lower lip, I averted my gaze away from her. I didn't know why I felt slightly guilty about it.
Pagkatapos kumain ng hapunan, nagprisinta akong maghuga ng pinagkainan ngunit hindi ako pinayagan ni nanay. Hindi na ako nakipagtalo at tumungo na sa banyo para maglinis ng katawan bago bumalik sa aking kuwarto kung saang naabutan ko si Lydia na nakaupo sa aking kama.
It was a very rare sight to see her inside my room that I got completely shocked.
"Lydia, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya nang maisara ko ang pintuan.
Nilingon niya ako at nag-angat ng tingin sa akin. Ang nag-aalab na galit sa kanyang mga mata ay nagbabaga. Tumayo siya at dire-diretso ng lakad palapit sa akin.
Hindi ako nagpasindak sa kanya. Nanatili lamang akong nakatayo habang sinusugod niya ako dahil sa galit at iritasyon na mukhang alam ko ang pinanggalingan.
"Sabihin mo nga sa akin, Lia." Hinablot niya ang aking braso at mariin itong hawakan. "Kay Mikael ba galing ang mga pasalubong na 'yon?"
The way she stared at me was looking so hopeless—that instead of telling her the truth, she just wanted me to lie and save herself from getting hurt. But even though I lied, I knew she already knew the truth. She just couldn't accept it.
"Alam kong pumunta sila ng Baguio noong bakasyon kasama ng pamilya niya," sabi niya sa akin. "Nagpost ang Ate niya ng pictures sa Facebook."
With a sigh, I forcely removed her hand from gripping on my arm. Kitang-kita ko ang pamumula ng aking braso nang matanggal ko ang kanyang kamay.
Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay kita kong mayroong namumuong luha sa kanyang mga mata. My heart pitied her for those suppressed tears. I was sure that she's trying so hard to stop herself from crying in front of me.
"Oo, tama ka. Galing nga kay Mikael ang mga pasalubong na 'yon."
Instead of lying, I straightly told her the truth. Wala na rin namang magagawa pa kug magsisinungaling ako. Mayroon nang magpapatunay na galing nga 'yong kay Mikael dahil sa mga litratong pinost ng kapatid niya.
I didn't know about that at first because I didn't even have any social media accounts. As much as possible, I was avoiding to expose myself on the internet. Masyadong delikado 'yon para sa akin.
The pain I saw in her eyes turned something vile. Muling bumalik ang galit dito.
"Hindi ba't sinabi ko sa'yong layuan mo na si Mikael?" mariin niyang sabi sa akin. "Masyado mong pinipilit ang sarili mong magpapansin sa kanya!"
Though I found her words absurd, I didn't bother talking back. Hinayaan ko lang siyang magsalita. Alam kong sinasabi niya lang ang mga 'yan para aluin ang sarili niya.
"Kapag nakita kong nilalapitan mo pa rin si Mikael, hindi ko na papalagpasin pa 'yon, Lia," babala niya sa akin. "Kaya kung ako sa'yo titigil-tigilan ko na si Mikael. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto!"
Binangga niya ako nang nagmartsa siya palabas ng aking kuwarto. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata para pigilan ang sarili.
I had no idea how she managed to say those words to me without hesitation. Sana ay ma-apply niya ang mga sanabi niya sa akin sa sarili niya kapag nalaman niyang umamin na sa akin si Mikael.
Pinalagpas ko na lang ang nangyari. I didn't want to waste my time arguing with her. I knew how closeminded she could be. Kahit anong sabihin ko ay hindi niya papakinggan o iintindihin. I'd rather talk to a wall than talking to her because it's just the same thing.
"Eh baliw pala talaga 'yang kapatid mo, eh!"
"Shh..." Pinatahimik ko ulit si Karmela nang mapasigaw siya sa iritasyon.
Mayroon pang natitirang labing-limang minuto bago ang aming unang klase kaya lumabas muna kami ng silid upang ikuwento ko sa kanya ang nangyari kagabi. Ayokong ikuwento sa kanya sa loob ng silid dahil nandoon na sina Lydia at ang kanyang barkada. Mikael's also there. I didn't want him to hear about this.
"Galing pa talaga sa kanya 'yon, ah." Umirap siya at hindi ko alam kung pang-ilang irap niya na 'to simula noong inumpisahan ko ang pagku-kuwento. "Siya nga itong habol nang habol kay Mikael simula noong high school kahit na wala naman sa kanyang gusto 'yong tao."
Wala akong masabi na dahil tama lahat ng sinasabi niya. Pero siguro ay ganoon lang kagusto ni Lydia si Mikael. Taon na rin ang nagdaan.
"At ikaw naman!" Nalipat sa akin ang kanyang galit. "Hindi ka man lang nagsalita. Hinayaan mo lang siyang sabihin 'yon sa'yo."
"Karmela..."
"Kapag sinabi mo sa kanyang umamin sa'yo si Mikael noon at gusto ka pa rin ng tao hanggang ngayon, paniguradong supalpal 'yon!"
Napailing naman ako at saka napahinga ng malalim. "Ayoko lang na gatungan pa ang galit niya sa akin kagabi. At kita kong nasasaktan din siya kaya hinayaan ko na."
"Hay nako, Lia! Malapit na talaga kitang patayuan ng rebulto."
She shook her head in disappointment. I just bowed my head and played with my fingers. Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Karmela ang aking kamay kaya napa-angat akong muli ng tingin sa kanya. Ang kanyang mga mata ay mayroong tinatanaw sa 'di kalayuan.
"Tingnan mo si Alastair!" sabi niya.
Mabilis ko namang nilingon ang banda kung saan siya nakatingin. There I saw Alastair being stalked by four girls. Namumukhaan ko sila noong high school. Mas matanda sila ng isang taon sa amin. The one wearing a white headband, looking pretty innocent, won Miss Intramurals before.
They all looked like they were trying to approach the elusive Alastair, but they were too shy to do it and be aggressive.
"Napaka-guwapo naman talaga ng bago nating kaklase. Mukhang may gusto sa kanya si Denise―Ay!"
Natigil si Karmela at nagulat habang ako naman ay napatayo ng biglang itinulak ng mga kaibigan si Denise kay Alastair. Tumama tuloy siya sa likuran nito at mabilis na yumuko bago pa napaharap si Alastair sa kanya.
I saw how his eyes narrowed when he eyed the three girls behind the one in front of him. Nang bumaba ang tingin niya kay Denise, Alastair lips moved when he talked to her. Hindi ko nadinig ang kanyang sinabi dahil sa aming distansya pero nanlalaki ang mga mata ni Denise na nag-angat ng tingin sa kanya habang tumatango.
After that, Alastair just gave her a courtly nod and turned his back right away to continue walking. Kinikilig naman ang mga kaibigan ni Denise nang nilapitan siya. The smile on her face was too bright while watching Alastair walked away.
Gaya nga ng sabi ni Karmela, guwapo si Alastair. Kahit hindi ko siya tipo ay inaamin ko namang totoo 'yon. For sure, he'd gather more attention soon because Denise already took liking of him and it's just the second day of school.
"Hala! Malapit na pala ang first period! Balik na tayo sa classroom, Lia!" Biglang napatayo rin si Karmela nang maalala ang oras.
Tumango naman ako at naglakad na kami pabalik sa aming silid para sa unang klase.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top