Chapter 7
#ChainedtothePastWP
Chapter 7
Free Service
Karmela and I took a break from walking around the campus when my back was starting to hurt because of the delicacies Mikael gave me earlier.
Ayaw ko kasing bitbitin lang ang mga pasalubong niya. Baka mamaya ay masira ang paperbag. Medyo mabigat pa naman ito.
"Ilagay mo muna sa akin ang iba," sabi ni Karmela at binuksan na ang zipper ng kanyang bag.
"Huwag na, Karla... Baka mabigatan ka pa," pagtanggi ko.
"Hay, Lia, ayos lang," pilit niya. "Kahit isang garapon lang ang ilipat mo sa akin para mabawasan ng bigat ang dinadala mo."
Kahit nag-aalangan ay ipinalagay ko na ang garapon ng ube sa kanyang bag. Hindi naman kasi ganoon kabigat ang mga nakaplastik at talagang iyong mga garapon ang nagpapabigat.
"Thank you, Karla," pasasalamat ko sa kanya matapos kong ilipat ang isang garapon sa kanya.
"Sus! Para ka namang iba, Lia," natatawa niyang sabi sa akin. "Pero paalala mo na nasa akin ito bago ka umuwi at alam mo namang medyo makakalimutin ako."
Nakangiti akong tumango sa kanya nang malihis ang aking tingin at atensyon sa 'di kalayuan. On the field's bleachers, neverminding being under the sun, there I saw Alastair fidgeting something on his phone. He was alone.
Hindi pala siya sumabay kila Peng. I wondered if they left him out or he chose to be alone. Pero sa nakikita kong personalidad niya, sa tingin ko ay pinili niyang mapag-isa.
"Sino ba ang tinitingnan mo?"
Karmela also turned, followed my line of vision and found Alastair.
"Oh..." When she looked back at me again, she was wearing a meaningful smile. "Ikaw ah! Tinitingnan mo si Alastair ah! Kala ko ba si Mikael ang gusto mo?"
Sumimangot ako kay Karmela. "Si Mikael naman talaga ang gusto ko," paglilinaw ko. "Bigla ko lang siya nahagip ng tingin at inisip kung bakit siya walang kasama. Ayon lang!"
Tumango-tango si Karmela at mukhang naintindihan ang aking dahilan. Itinabi niya sa gilid ang kanyang backpack habang ako'y niyakap lang ang akin habang nakapatong sa aking hita.
"Sa paraan pa lang ng pakikipag-usap niya kay Peng kanina, mukhang ayaw niya talagang makisalamuha sa iba. Mukha ring masungit at seryoso sa buhay," paghahayag ni Karmela ng kanyang napuna patungkol kay Alastair. "Hindi na katakataka kung bakit siya mag-isa ngayon."
Honestly, I agreed on the part where she found him serious and snobbish because if you'd ask me to describe him, those words would surely fit. But it was just a first impression, though. The way I see and view him might change sooner or later.
Napanguso ako. "Siguro ay nahihiya lang siyang makipag-usap lalo na't kakalipat niya lang dito. Hindi rin malabong naninibago pa siya," pagsubok kong pabulaanan ang kanyang pagiging mailap. "Kapag nagtagal-tagal siguro, magiging bukas din siya sa ibang tao."
I could actually see myself in him. I was just like him when Aling Marissa enrolled me in San Isidro Elementary School. Napasa ko ang exam para sa ika-apat na baitang kahit na halos dalawang taon din ako natigil sa pag-aaral. Iyon ang dahilan kung bakit magka-year kami ni Lydia. I realized that my topics when I was being home schooled were somehow advanced than the standard curriculum implied by the government in normal schools.
Pero ayon nga! Because I was home schooled and I'd never been enrolled to a normal school, I didn't know how to act around my classmates. Naging mailap at tahimik din ako. Mas gusto kong mapag-isa. Madaming nangahas na makipagkaibigan sa akin, but I could only be civil to them. I didn't know who to trust yet. I was very wary of the people around me and the new environment I wasn't used to.
My biological parents raised me like a Barbie doll, locked up in a doll house. They groomed and pampered me well; showered me with love; spoiled me whenever they had a chance, but to be honest, it made me feel suffocated sometimes even with all the luxury.
Well, that was when I didn't know how cruel the world can be. I already understood why they tried so hard to keep me out of the light. They did that to protect me at all cost, but I wasted everything when I disobeyed them, risked my life, and failed my best friend.
However, it didn't invalidate that I felt deprived of the experiences that a normal kid should experience.
That's why the new experience of going to a public school overwhelmed me that I chose to hide myself from everyone. Not until Karmela came and forcely pulled me into her world. I got acquainted to our other classmates and became more approachable.
Lydia didn't like what happened. She didn't want me to have friends. Noong una ay hindi niya ako pinapansin sa school dahil tahimik lang ako at madalas mag-isa. But when she saw me gaining attention, that's when she started bullying me and it went on and on, up until now.
"Hmm..." Tumikhim si Karmela dahil ilang segundo rin akong natahimik dahil sa pag-iisip.
Nilingon ko siya dahil alam kong ginawa niya 'yon para makuha ang aking atensyon.
"Nakikita mo ang sarili mo sa kanya?" hula niya at bahagyang nagtaas ng kilay sa akin. "Iniisip mong katulad mo siya dahil parang ganyan ka rin noon?"
Tipid akong ngumiti sa kanya.
I didn't know if I should be scared that Karmela could easily read me now, or I should be happy that someone like her could understand me without the need to explain myself.
"Well, you're actually right..." She sighed. "Hindi ko dapat siya pangunahan dahil hindi ko naman siya lubos kilala. Ni hindi ko pa nga siya nakakausap. But I hope our other classmates would also give him the chance to express himself and not be intimidated."
While nodding, I suddenly thought of my sister. She could be a huge pain in the ass to other people.
"Sana lang ay hindi siya pagtulungan ng barkada ni Lydia..." wala sa sarili kong sabi.
Nagtaas naman ng kilay si Karmela. She snorted a bit, trying to stop herself from laughing. "Paanong pagtulungan ba ang iniisip mo?"
Kinunot ko ang aking noo habang tinititigan ang matalik na kaibigan. "Ha?" Hindi ko maintindihan ang kanyang tanong sa akin.
"Kung iniisip mong pagtutulungan siya nila Lydia sa paraang ginawa nila sa'yo noon, malabo 'yon!" Siguradong-sigurado siya sa kanyang sinasabi at hindi mapigilang matawa. "Baka sa ibang paraan nila pagtulungan si Alastair."
"Sa papaanong paraan naman?"
Napabuntong hininga siya. "Alam mo hindi ko alam kung purong inosente ka ba talaga, pero kapag tiningnan mo si Alastair, dapat alam mo na kaagad ang ibig kong sabihin," iritado niyang sabi sa akin. "Ang lalaking may ganoong itsura katulad niya, malabong ibully nila Lydia. Aba'y napakaguwapo kaya! Baka nga pinagnanasaan na siya ng ibang kabarkada ni Lydia!"
Hindi ko mapigilan ang matawa nang maisip kong tama siya. I couldn't deny that Alastair has the looks which could make girls fall for him. He's handsome, alright! But his looks wasn't my type.
Alastair looks too dark, rough, and dangerous. I like guys who look soft, kind and bright — someone like Mikael! Ang katulad niya ang mga tipo ko, hindi iyong katulad ni Alastair na parang kayang magpaiyak ng babae nang hindi kumukurap at hindi apektado.
Muli akong sumulyap sa banda ni Alastair para makumpirma ang aking paglalarawan sa kanya. Napasinghap naman ako nang makitang sa layo ng aming distansya ay nakatingin siya sa akin. Napalunok ako sa pagkabigla.
Though I found it awkward, since I wanted to help him settle here in San Isidro, I smiled at him to be friendly.
And to my surprise, he just looked away and fiddled on his phone again. My lips parted, dumbstruck, because of what just happened. Did he just ignore me?
Hindi niya man lang ako nginitian pabalik. Ni wala siyang kahit anong reaksyon.
I was trying to be nice to him, but he was being exceptionally rude to me.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko ay namumula na ang aking pisngi sa hiyang nararamdaman. Hindi ako makapaniwala na hindi niya talaga ako pinansin.
Calm down, Lia... Ikaw na nga ang nagsabi na bigyan siya ng tiyansa. Magiging approachable din siya. Kailangan niya lang ng oras na makapag-adjust.
Ten minutes before our next class, Karmela and I returned to our building and looked for our room. Ganito pala sa kolehiyo. Hindi katulad noong elementary at high school na sa iisang silid lamang ginaganap ang lahat ng klase. Ngayon ay kailangan pa naming maglipat-lipat. Mabuti na nga lang at sa iisang building lang lahat ang mga silid na kailangang pasukan.
Dahil isang block lang kami ng mga kaklase ko kanina sa naunang subject, sila rin ang kaklase ko sa mga sumunod na subject. Katulad kanina ay agad din kaming dinidismiss ng mga propesor na sumunod. Ang iba'y hindi pa nga pumasok.
To sum it all up, my first day in college was boring. Too much for being excited with this new chapter in my life.
"'Nay!"
Nagdesisyon akong pumunta sa may eatery dahil maagang natapos ang huling klase. Wala pa atang treinta minutos ay pinauwi niya na kami. Bumili lang kami saglit ni Karmela sa may school supplies ng mga pinapabiling gamit ng iba naming propesor.
"Oh, Lia!" Gulat si Nanay nang makita akong papasok sa eatery.
Saglit siyang may ibinilin kay Ate Princess, isa sa mga katulong ni nanay rito sa eatery, bago tumungo sa akin. Agad akong nagmano sa kanya at ganoon din ang ginawa ni Karmela bilang respeto at pagbati sa nakakatanda.
"Bakit nandito kayo agad ni Karmela?" tanong niya at sumulyap sa orasan. "Hindi ba't alas-singko pa ang uwian ninyo?"
"Maaga po kaming pinauwi. Wala po masyadong ginawa sa unang araw," sagot ko.
"Iyong kapatid mo?" tukoy niya kay Lydia.
"Nagpaalam po siya kanina na aalis kasama ng mga kaibigan, 'di ba po? Kaninang umaga?" paalala ko kay Nanay dahil mukhang nawala na sa kanyang isipan.
Napatango-tango naman siya. "Oo nga pala!" sabi niya. "Nawala na sa isipan ko."
I smiled and let my eyes roam around the eatery. Medyo madami-dami rin ang kumakain ngayon. Paniguradong pagpatak ng alas-singko, mas dadami pa ang kakain dito dahil tapos na ang oras ng trabaho ng karamihan.
"Oh siya't kumain na muna kayo ni Karmela. Doon na kayo umupo." Tinuro ni Nana yang lamesa malapit sa counter bago nilingon si Karmela. "Iyon pa rin ba ang gusto mo, Karmela?"
"Syempre po! Ang sarap-sarap po ng bulalo ninyo eh."
Napangiti si nanay sa pagpuri ni Karmela sa kanyang bulalo at saka dumiretso sa kusina. Akmang sasama ako para tulungan siya pero pinaupo na niya ako kasama si Karmela at siya na raw ang bahala.
"Ay, Lia!" Biglang nanlaki ang mata ni Karmela nang may naalala. Kinuha niya ang kanyang bag at nilabas doon ang ube na bigay ni Mikael. "Ito nga pala! Baka makalimutan ko pa."
I was slightly surprised to know that she actually remembered when it slipped my mind already. Grabe! Ako pa talaga nakakalimot sa bigay ni Mikael para sa akin!
"Nako, salamat! Muntik ko nang makalimutan!"
Kinuha ko agad sa kanya ang ube. Ilalagay ko sana sa bag ko nang maisipang puwede naming kainin ito ngayon. Kahit kaunti lang dahil hindi namin ito mauubos.
"Hindi mo ilalagay sa bag mo?" tanong niya nang ipinatong ko lang 'to sa lamesa.
Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Puwede naman nating kainin ngayon. Bibigyan ko rin si nanay."
Kaya ayon nga ang ginawa namin. We ate the ube for desert. Si nanay rin ay kumain at binigyan ko na rin sina Ate Princess at Ate Jenny.
I felt so proud while sharing the food Mikael gave me to those who are close to me. Paniguradong kapag nalaman ni Mikael na natuwa at nasarapan sila nanay sa kanyang pasalubong, matutuwa rin siya.
"Umuwi na si Karmela?" tanong ni Nanay pagkatapos kong ihatid si Karmela sa sakayan ng tricycle at bumili saglit ng chocolate donut na ipapasalubong ko kay Freah pag-uwi namin mamaya.
Tumango naman ako at itabi ang bag ko sa loob ng maliit na opisina ni nanay dito sa eatery.
"Ikaw? Bakit hindi ka pa umuwi? Wala ka bang gagawin para sa eskuwela?"
Nakangiti akong umiling bilang sagot. "Wala pa pong assignments. May mga pinabili lang po sa amin ang ibang propesor na gagamitin bukas sa klase," paliwanag ko. "Tutulong po muna ako rito ngayon. Sabay na po tayong umuwi."
"Oh sige..." Wala nang nagawa si nanay dahil alam niyang hindi niya ako mapapauwi kapag gusto kong tumulong. "Pakitulungan muna sina Princess at Jenny roon. Ko-kompyutin ko pa ang mga ipapanindahan ko bukas."
"Sige po!" masaya akong sumunod sa kanyang utos.
Pagkasuot ko ng hairnet at apron na pang bewang ay lumabas ako agad para tumulong. Nakita ko agad ang isang lamesa na mayroong pinagkainan. Iyon ang nilapitan ko para linisin.
Nasa gitna ako ng paglilinis nang mahagip ng tingin ko si Alastair sa 'di kalayuang lamesa. Nanlaki ang mga mata ko. Mukhang hindi niya pa ako napapansin dahil abala siya sa pagkain.
He was probably eating his dinner. To think that he chose to eat his dinner here in our eatery amazed me. Pero sa totoo lang ay hindi na dapat ako nagulat dahil medyo malapit lang ito sa kanyang tinitirahan.
Napansin ko naman na tubig lang ang kanyang inumin. I realized that I should give him a free service because he's my blockmate. Gusto ko ring ipakita sa kanya na mababait ang mga taga-San Isidro. Baka sa ganoong paraan ay mawala ang pag-aalangan niyang makisama sa amin.
Mabilis kong tinapos ang paglilinis ng lamesa. Pagkalagay na pagkalagay ko sa urungan ng mga pinagkainan na niligpit ay kumuha ako ng softdrinks para ibigay sa kanya.
Babalik na sana ako nang maisip ko ang ube na bigay sa akin ni Mikael. I should probably let him taste it, too.
Kaya naman nagmadali akong bumalik sa opisina ni nanay. Hindi na niya ako pinansin dahil abala siya sa pagko-kompyut. Kinuha ko ang ube mula sa aking bag at saka bumalik sa kusina. Kumuha ako ng maliit na mangkok at naglagay ng tamang dami ng ube.
Nilagay ko sa tray ang softdrinks at ube bago nagpasyang lumabas ng kusina at puntahan si Alastair sa kanyang lamesa.
I was all smile with the thought of approaching him and giving him this free service, but my smile immediately faded when I saw his seat vacant. Nililigpit na ngayon ni Ate Princess ang lamesa kung saan siya kumakain kanina.
Hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko. I was stuck and couldn't even step a foot forward. Humigpit ang pagkakahawak ko sa tray.
"Oh, kakainin mo ba 'yan?" tanong sa akin ni Ate Princess nang dumaan siya sa akin pabalik sa kusina matapos linisin ang lamesa.
Napaawang ang aking bibig at bahagyang naibaba ang tray na hawak.
He already left.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top