Chapter 19
#ChainedtothePastWP
Chapter 19
Standards
Alastair and I just sat on the top of the rock formation and let the time passed by without doing anything else. We were both quiet and making peace with nature.
An oceanscape or seascape was undoubtly one of the most beautiful sights in the morning, but it could also look scary once the night falls. That's how I felt when the moon already withdrew its kisses from the ocean and started to go up higher in the sky. I was imagining different sea monsters living in the deep parts of it which might suddenly show up in front of us. It terrified me.
I was having those ridiculous funny thoughts and scaring myself when Alastair finally decided to take me home, right when the clock struck ten.
Even though I was feeling weary and sleepy throughout the whole ride, I didn't get to take a nap because I was thinking of possible scenarios which might happened once I got home. Hindi ko alam kung uuwi ba ngayon sina nanay at tatay sa bahay o kung mananatili sila sa lying inn kasama si Lydia.
I had no idea how to face them, especially my adoptive father who's very angry with me. He even almost hit me with his own hands, but it was okay with me because I knew I deserved it. If I had to apologize over and over again and repent for it, I would do it without any hesitation.
Naging mabilis ang biyahe pauwi. Hindi pa nag-iisang oras ay nasa San Isidro na kami. Wala pang alas-onse y media ay nakarating na kami sa Parcutela. Like what he promised, he was able to bring me home before midnight.
Not that it's a good thing because this was the first time I went home beyond 8PM, but still... I admired Alastair for keeping his words.
The moment the car halted in front of our house, like she heard the car's engine, I saw Freah dashing on her way out. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na tinanggal ang seatbelt at nagmamadaling lumabas ng sasakyan upang salubungin ang umiiyak na kapatid.
"Ate!" she cried and hugged me as soon as I held her in my arms.
"Freah..."
My heart broke for my crying little sister. She should be asleep by now. Could it be that she was waiting for me to come home?
Tatanungin ko sana siya kung sino ang kasama niya sa bahay nang madinig ko ang nag-aalalang boses ni nanay na tinawag ang aking pangalan.
"Lia!"
Nag-angat ako ng tingin sa bahay at kita kong nagmamadali rin si nanay sa paglabas upang makalapit sa amin. Her eyes were filled with tears. It was the same expression she wore when she saw Lydia unconscious earlier.
Just to think that she cared for me just like how she cared for her real daughter pained my heart. What did I even do to deserve her motherly love―treating me the same like her real daughter?
She cupped my face with her soft hands, while Freah was still locking me in her embrace.
"Saan ka ba galing?" naiiyak niyang tanong sa akin. "Kanina ka pa namin hinahanap! Alalang-alala kami sa'yo! Hindi mo pa dala ang cellphone mo!"
"Sorry po, Nay..." Iyon lamang ang nasabi ko at saka pilit na ngumiti kahit na naiiyak pa rin.
"Pasensya na po kung ngayon lang nakauwi si Lia."
Gulat kong nilingon si Alastair na siyang nakalapit na sa amin. I almost forgot that I was with him. Nang makita ko si Freah na umiiyak palabas ng bahay ay nawala na sa isipan ko.
Napalingon ngayon si nanay kay Alastair. With his head held high, he stared back at my adoptive mother.
"It's my fault that's why she went home this late," Alastair took the blame even when I willingly came together with him. "Wala po kayong dapat ipag-alala. She was safe with me. Nirerespeto ko po ang anak ninyo."
Pakiramdam ko'y nag-init ang aking pisngi. He was reassuring her that nothing indecent happened between us by saying that he respects me. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang sabihin 'yon.
"Naniniwala ako sa'yo, hijo," kalmadong sabi ni nanay. "Pero sana lang ay nagpaalam muna kayong dalawa o kahit nagsabi man lang. Paano kung may mangyaring masama sa inyong dalawa at walang nakakaalam kung nasaan kayo?"
Tumango-tango si Alastair at nanatili pa ring seryoso. "Alam ko pong naging padalos-dalos ang desisyon namin sa pag-alis ng walang paalam. But I will take the blame for this. Sana po ay hindi ninyo pagalitan si Lia."
Kita kong bahagyang sumulyap sa akin si nanay at tipid na ngumiti kay Alastair. "Hindi naman ako galit. May tiwala ako sa anak ko. Nag-aalala lang ako," paglilinaw ni nanay. "Pero maraming salamat, hindi lang dahil sa paghatid mo sa anak ko, kundi dahil alam kong sinamahan mo siya hanggang sa gumaan na ang pakiramdam niya."
My heart melted because of those heartwarming words from my adoptive mother. I couldn't help but to smile.
"Walang ano man po," tipid na sabi ni Alastair at saka ako nilingon. "Mauuna na ako, Lia."
I knew I asked him to start calling me Clem, but he still called me Lia in front of my second family. Siguro ay alam niyang kahit nakapagdesisyon na ako ay hindi pa rin ako handang sabihin sa pamilyang umampon sa akin ang totoo. Mas lalo lamang akong humanga kay Alastair.
"Mag-ingat ka. Salamat din sa oras..." marahan kong sabi sa kanya.
"No problem," he briefly said then nodded at my mother before he entered his car and drove away.
As soon as Alastair's car was out of sight, we also went inside the house.
Since she didn't want to part with me, I tucked Freah in her bed who already got tired and sleepy because of crying. Ni hindi na siya nakapaglinis ng katawan at nakapagpalit ng pantulog.
Nang tuluyan nang nakatulog si Freah ay lumabas na ako ng kuwarto niya. Naabutan ko si nanay sa may sala at abala sa kanyang cellphone. When she saw me, she immediately put it down and motioned me to sit beside her.
Lumunok ako bago lumapit sa kanya. Nagsumikap akong ngumiti. "Bakit po pala umuwi kayo, Nay?" tanong ko sa kanya. "Si tatay lang po ba ang naiwang bantay ni Lydia?"
"Sa tingin mo ba ay mapapalagay ang loob ko kung alam kong hindi ka umuwi matapos mong bumisita sa kapatid mo lalo na't nagkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan ng tatay mo?" tanong niya sa akin. "Lia, sobrang nag-alala ako. Naiwan mo ang cellphone mo rito sa bahay at si Princess ang nakasagot ng tawag ko. Wala ka raw sa bahay at hindi pa umuuwi. Tinanong ko rin si Karmela at wala ka rin sa kanila. Hindi namin alam ng tatay mo kung saan ka hahanapin."
Napaawang ang aking labi nang madinig ang kanyang huling sinabi. Hindi ko alam kung nagkamali lang ba ako ng pandinig o talagang sinabi niyang hinahanap din ako ni tatay.
"H-hinahanap din po ako ni t-tatay?"
Naiiyak na ngumiti si nanay. Inabot niya ang aking mukha at hinimas ang aking pisngi. "Alalang-alala rin sa'yo ang tatay mo nang sinabi kong nawawala ka at hindi pa umuuwi..." sabi niya. "Pinabantayan muna namin si Lydia kay Jenny para hanapin ka."
Mas lalo akong hindi nakapaniwala dahil nagawang iwan ni tatay si Lydia para lamang hanapin ako. I thought he would never be able to forgive me for hurting his real daughter, or even if he would, that would surely take time. Ang galit sa kanyang mga mata kanina para sa akin ay hindi ko inaasahan na huhupa kaagad. I was ready to face his hatred until it subsides. Who would've thought that he'd still care for me the moment he knew I was nowhere to be found?
Pilit kong nilunok ang bumabara sa aking lalamunan. Kahit na alam kong wala na para kay nanay ang nagawa ko kay Lydia, gusto ko pa rin ulit humingi ng tawad sa kanya.
"Nay, gusto ko pong humingi ulit ng tawad dahil sa nangyari kay Lydia," seryoso kong sabi. "Hindi ko man po sinasadya, alam kong hindi po mababago no'n ang nangyari. Nasaktan ko pa rin po siya."
"Lia, alam kong hindi mo 'yon sinasadya... Kilala kita at kilala ko rin si Lydia..." malungkot na sabi ni nanay. "Sa inyong dalawa, laging ikaw ang mapagpasensya. Madaming hindi magandang nagawa sa'yo ang kapatid mo pero pinapalampas mo lang. Hindi ako magbubulag-bulagan sa ugali ni Lydia dahil lang siya ang nasaktan."
Napabuntong hininga siya bago muling nagpatuloy.
"Naikuwento sa akin ni Freah ang nangyari kanina at tama nga ako ng hinala," sabi ni nanay. "Nasabi niyang naabutan niyang may inaagaw sa'yong regalo si Lydia kaya pumagitna siya para pigilan kayo pero nakita mong nasasaktan ang bunso mong kapatid kaya naitulak mo palayo si Lydia sa kanya."
Mayroon man akong sapat na dahilan kung bakit ko 'yon nagawa, hindi pa rin maalis sa akin ang makaramdam ng konsensya sa pangyayari. I still pushed Lydia with my own hands and hurt her. Hindi ko rin nagawang tumawag ng tulong. I was too frozen to move because of the terrifying flashbacks inside my head.
"Pero siya po ang tunay na anak ninyo..." sabi ko. "Kaya hindi ko po masisisi si tatay nang magalit siya sa akin kanina."
"Lia..." Hinawakan ni nanay ang aking kamay at pinigilan ako sa pagsasalita. Pinisil niya ito at kasabay no'n ay ang pagpatak ng kanyang luha. "Tandaan mo... Kahit ano'ng mangyari, anak ka pa rin namin ng tatay mo... Walang sino man ang makakapagsabi na hindi kita anak dahil anak kita. Ikaw si Linette Afia Hernandez ng pamilya natin..."
"Tama ang nanay mo..."
Sa gulat ay sabay kaming napalingon ni nanay kay tatay na mukhang kadarating lamang. Kung kanina pa lang sa lying inn ay mukhang pagod na siya sa pag-aalala, mas lalo na ngayon. He looked so worn out, but he still managed to give me a smile.
"Isa kang Hernandez at anak ka namin ng nanay mo, Lia..." dagdag niya. "Sana ay mapatawad mo si tatay kanina, anak. Dala lang ng takot at sakit dahil sa nangyari sa kapatid mo kaya muntik na kitang mapagbuhatan ng kamay. Hindi ko naisip na nasaktan din kita..."
Wala na akong nagawa nang bumuhos ang aking luha. Nagkukumahog akong lumapit kay tatay upang yakapin siya. I buried my face on his chest and cried my heart out.
"Sorry po, tay..." hagulgol ko. "Hindi ko po sinasadya... Hindi ko po sinasadyang masaktan si Lydia... Hindi ko po ginusto 'yon..."
"Naiintindihan ko, anak... Naiintindihan ka na ni tatay..."
The end of my birthday as Lia Hernandez was filled with love and forgiveness, but I still didn't have a clear head after that. I still wasn't at peace with myself. I may had asked forgiveness to my adoptive parents, but not to Lydia.
Kinabukasan ay nagpaalam ako kina nanay at tatay na bibisita ako kay Lydia. I knew she wouldn't like my presence and she might ask me to leave right away, but that wouldn't stop me from coming.
Nang dumating ako sa lying inn ay sumilip ako sa ward kung nasaan si Lydia. I saw her eating her lunch. Tinutulungan siya ni nanay sa pagkain.
Sa anim na mga kama sa public ward ng lying inn ay dalawa lamang ang okupado. May isang kamang pagitan sina Lydia at ang isa pang pasyente. There were also curtains which divided all the beds and gave a sense of privacy to each patient.
Dala-dala ang binili kong kiat-kiat sa palengke na paborito ni Lydia, tahimik akong pumasok sa loob ng ward. Though I was cautious, Lydia still sensed my arrival. Natigil siya sa pagkain at napalingon sa akin. I saw how her eyes flickered with anger. She brought the untensils down on her plate like she just lost her appetite when she saw me.
Mukhang napansin ni nanay ang pagbabago ng ekspresyon ni Lydia kaya napalingon na rin siya sa gawi ko. Agad na ngumiti at tumayo si nanay upang salubungin ang aking pagdating.
"Nandito ka na pala," puna niya pagkatapos kong magmano.
"Sandali lang po ako, nay," sabi ko. "Kakausapin ko lang po saglit si Lydia. May gagawin pa po ako sa bahay."
"Oh, sige't doon lang ako sa labas para mapag-isa kayong magkapatid," sabi niya sa akin at lumabas na ng silid matapos magpaalam kay Lydia.
Nang makaalis si nanay ay saka ko lamang tiningnan nang maigi ang kalagayan ni Lydia. Mayroon pa ring benda ang kanyang kaliwang paa na namamaga dahil sa pilay. The wound on her forehead was also dressed and protected with gauze. Seeing her in that state made me feel guiltier, but the snobbish look on her face and the way she crossed her arms made me think otherwise. She didn't look like she was wounded. Nakukuha niya pa ring magtaray at magsungit sa akin.
"Dinalhan kita ng paborito mong prutas," nakangiti kong bungad sa kanya at inilapag ito sa lamesa sa gilid ng kanyang kama bago umupo sa upuan. "Gusto mo bang ipagbalat kita?"
Nagtaas siya ng kilay. Hindi niya ako sinagot at pinagpatuloy niya na lang ang pagkain na tila ba walang kumakausap sa kanya.
"Uhm... Ang sabi ng doktor base sa narinig ko kahapon, makakalabas ka na raw kapag nawala na ang pamamaga ng paa mo," sabi ko kahit na baka nasabi na sa kanya 'yon nina nanay at tatay. "Mamaya gagawin ko ang reflection paper mo sa UTS kung hindi mo pa nagagawa. Ako na rin ang magpapasa. Saka ipapapirma ko rin ang medical certificate at excuse letter mo sa mga propesor natin at pati na rin sa dean."
Like she had enough of me talking, she languidly turned to me. "Puwede bang tumigil ka nang umarte na parang may pakialam ka sa akin?" mataray niyang sabi sa akin. "Hindi ko alam kung bakit ka pa nandito. Siguro ay pigil na pigil kang tumawa ngayon at kunwaring nagbabait-baitan para hindi magalit sa'yo sina nanay at tatay. Halata namang gusto mo ang nangyari sa akin. Kaya puwede ba? Tigilan mo na ang pag-arte!"
Reminding myself that I was the reason why she's currently hospitalized, I swallowed my anger and calmly talked to her.
"Ayoko mang ibato sa'yo ang nangyari sa'yo dahil inaamin kong ako ang tumulak sa'yo, pero alam kong alam mo kung ano ang nangayri bago 'yon," paalala ko sa kanya. "I don't mind if you hurt me emotionally or even physically. Pero kapag si Freah na, hindi ako magdadalawang-isip na ipagtanggol ang kapatid natin."
She turned away from me. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at tila parang pinipigilan ang sarili na sumabog.
"I came here to apologize..." I told her my true intentions. "Gusto kong humingi ng tawad sa'yo."
I looked straight at her even when she wasn't giving me any attention.
"I know you hate me since we were kids. Iniisip mong nakikihati ako kina nanay at tatay. Iniisip mong inaagawan kita―"
"Dahil iyon naman talaga ang totoo!"
Hindi na siya nakatiis. Nilingon niya ako ulit. Namumula na ang kanyang mga mata na puno ng nagbabadyang mga luha.
Smiling bitterly, I nodded my head. "Maybe you're right..." I said quietly. "Gusto kong makuha ang atensyon nina nanay at tatay. I wanted them to be proud of me that's why I did everything to gain their love and attention. Pero, Lydia, ginawa ko 'yon dahil ayokong magsisi silang inampon nila ako..."
Mabilis kong pinunasan ang luhang bumagsak sa aking pisngi. Pilit pa rin akong ngumiti bago pinagpatuloy ang pagsasalita.
"Ang totoo niyan, ako ang naiinggit sa'yo..." pag-amin ko. "Mayroon kang mabait at mapagmahal na magulang. Kahit simple lang ang pamilya na mayroon ka, masaya pa rin kayo. Nagagawa mo ang mga bagay na gusto mo..."
I bit my lip to stop myself from telling more of my insecurities as a kid who was deprived of freedom. It wasn't the right time yet.
"Are you mocking me?" natatawa niyang tanong sa akin sa gitna ng inis at galit. "Ikaw pa talaga ang naiinggit sa akin gayong ikaw na nga ang anak na ipinagmamalaki nina nanay at tatay... Ikaw rin ang babaeng gusto ni Mikael kahit na ang tagal-tagal ko na siyang gusto..."
When she mentioned Mikael, I suddenly remembered one of the most important things that I planned to tell her today, aside from apologizing.
"Tungkol kay Mikael..." Saglit akong natigil at napangiti nang maisip na sigurado ako at walang pagdadalawang-isip. "I will reject him once and for all."
Her lips parted and looked at me with disbelief.
I wouldn't lie that I was infatuated with Mikael because he's my type of guy. But I never saw myself being committed to him. I didn't even consider starting a relationship with him.
Hinarap ko ulit ng maayos si Lydia para sabihin na ang lahat ng nais kong sabihin.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ko gagawin 'yon para sa'yo," I assured her with a smile. "I realized that I was only infatuated with him because he met all the standards I wanted for a guy. But to be honest, it doesn't matter. Even when you set your standards and tried to stick with it, sometimes you'll just find yourself walking away from it because you found something unexpected..."
Natigil ako at napaawang ang aking labi nang maisip ko si Alastair.
To be unconsciously thinking of him right at this moment, I knew for sure that I was damned...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top