Chapter 10
#ChainedtothePastWP
Chapter 10
Numbers
The church bells simultaneously sang with the choir as the mass ended. Holding Freah's hand, we went out of the church. Lydia was ahead of us with her nose sticking on her phone, and our parents were just right behind us.
Pagkalabas ay agad kong nakita si Karmela kasama ang nanay niya. Bumibili sila ng sampagita nang mapalingon siya sa akin. She said something to her mother before she ran towards us.
"Ate, si Ate Karmela, oh!" Tinuro ni Freah si Karmela na papalapit sa amin.
Nang makalapit si Karmela ay agad siyang nagmano kina nanay at tatay.
"Kaawaan ka ng Diyos," sabi ni tatay sa kanya.
Nang bumalik siya sa harap namin ay hinalikan niya ang pisngi ng aking kapatid. Hindi rin nagtagal ay nakalapit sa amin si Aling Betty, ang kanyang ina. Nagmano rin ako sa kanya bilang pag-galang.
"Marissa, nagpaalam sa akin itong si Karmela kagabi na sa inyo raw muna siya ngayong Linggo at sabay silang gagawa ng assignment ni Lia," bungad ni Aling Betty at mukhang kinukumpirma kung totoo ang paalam ng anak. "Mayroon daw kasi siyang hindi maintindihan at tuturuan daw siya ni Lia."
"Oo. Nasabi nga rin sa akin ni Lia ang tungkol diyan kagabi," sabi naman ni Nanay. "Si Vito na ang mag-uuwi sa kanila sa bahay kasama si Freah dahil sa eatery ang diretso ko ngayon."
"Eh, kung magsabay na kaya tayo dahil parehas naman tayo ng daan," suwestyon ni Aling Betty kay nanay. "Pupunta rin ako sa puwesto ko sa palengke para magtinda."
"Ganoon na lang nga," pagsang-ayon ni nanay.
Mabilis na nagpaalam si nanay sa amin. Si Aling Betty naman ay may ibinilin kay tatay tungkol kay Karmela.
"Huwag kang mag-alala, Betty. Kung gagabihin man sila sa pagtapos ng takdang-aralin, ihahatid ko na si Karmela sa inyo."
"Salamat naman kung ganoon." Bumuntong hininga si Aling Betty at saka hinarap ang anak. "Oh siya't mauuna na kami. Maging mabuti kang bata habang nasa kanila ka, Karmelita."
"Opo, Ma!" Humalik si Karmela sa kanyang ina.
Karmela told me that ever since her sister moved to work in a different province, her mother became overprotective of her. Nasa Maynila kasi nagt-trabaho ang kanyang ama kaya ang nanay niya lang ang nag-aalaga sa kanya. She didn't want her going anywhere without asking for permission. Madalas ay hindi pa siya pinapayagan. Pero dahil may tiwala sa akin si Aling Betty, kapag kaming dalawa ang lalabas ni Karmela, hindi nagiging mahirap ang pagpapaalam at lagi siyang pinapayagan.
Nang umalis sina nanay at Aling Betty, lumapit sa amin si Lydia pagkatapos makipag-usap sa cellphone. Dumiretso siya kay tatay. Panigurado akong magpapaalam na naman siya.
Naramdaman ko ang bahagyang pagsiko sa akin ni Karmela dahil sa presensya ni Lydia. Binalingan ko na lamang siya at binigyan ng tingin na magpapatahimik sa kanya.
"Tay, nasabi ko na sa'yo 'to kahapon," panimula niya. "Nandoon na ang mga kaibigan ko sa plaza. Puwede na ba akong mauna?"
Sinulyapan naman kami ni tatay. "Bakit itong kapatid mo at si Karmela ay gagawa ng assignment sa bahay?" tanong ni tatay. "Ikaw? Wala ka bang assignment? Eh, parehas lang naman kayong dalawa ng mga klase."
I could sense Lydia stretching her patience when she was compared to us right away. Lumapit sa akin si Karmela para bumulong.
"May lumalabas ng usok sa ilong niya..."
Kinagat ko ang aking labi at umiling na lamang sa biro ni Karmela. Wala na atang makakapagpawala ng iritasyon niya kay Lydia.
"Nagawa ko na ang assignments ko kahapon dahil may alis nga kami ngayon, Tay," paliwanag niya. "Nagpaalam na po ako sa inyo kahapon ah. Pinayagan ninyo na po ako!"
Napabuntong hininga si tatay at mukhang wala nang magagawa. Kahit na lagi niyang napagsasabihan si Lydia, alam kong mahal na mahal niya ito.
"Oh sige. Basta siguraduhin mong nasa bahay ka na bago mag-alas-sais, Lydia."
Malawak ang ngiti ni Lydia nang payagan siya ni tatay. Humalik siya sa pisngi nito bilang paalam bago nagmadali ng lakad papunta sa plaza.
"Totoo naman kayang nagawa niya na ang assignment eh, ang hirap kaya no'n!" bulong ulit ni Karmela sa akin habang papunta kami sa parking kung saan nakaparada ang oner.
Hindi na lang ako sumagot dahil hindi ko naman alam. Problema na ni Lydia kung uunahin niya ang gala at ang mga kaibigan kaysa sa kanyang pag-aaral.
Nang makauwi sa bahay ay agad dumiretso si tatay sa kusina para maghanda ng tanghalian. Si Freah ay sumama sa amin ni Karmela sa aking kuwarto. Nangako naman siyang hindi manggugulo sa amin at tahimik lang na maglalaro habang kami'y gumagawa ng assignment.
Pero syempre ay hindi namin inumpisahan kaagad ang paggawa ng assignment. Aside from making me teach her Mathematics and helping her with our assignment, she wanted me to narrate what happened last Friday with Alastair. At ngayong mas inuna niyang malaman ang tungkol doon, I had a feeling that she went here mainly for the gossip.
Para lang matapos kami agad, kinuwento ko na sa kanya ang mga nangyari noong Biyernes sa eatery. I told her how he told me to leave him alone and do my own thing. I told her how embarrassed I was because of it. Hindi ko nga alam kung paano ko haharapin si Alastair bukas. Not that I always come face-to-face with him, but just in case...
"Grabe! Iba rin 'yang si Alas, no?" Hindi ko alam kong iritado ba si Karmela kay Alastair o namamangha dahil sa likas na kasungitan nito. "Biruin mo, ikaw na nga ang lumapit, binigyan mo pa siya ng libreng leche flan at inalok mo pa ng softdrinks, pero pinaalis ka pa niya."
I exhaled and opened my book on the right page. "Hayaan na lang natin siya, Karla. Hindi ko na ulit susubukang kausapin siya," sabi ko. "Kung ayaw niyang makipagkaibigan kahit kanino, ayos lang. Huwag na natin siyang pag-usapan pa."
And because I already dismissed our talk about Alastair, we focused on our assignment instead. Sa totoo lang ay hindi naman mahirap turuan si Karmela. Ang katwiran niya lagi, ang mga teacher ang nagpapahirap ng lahat kaya hindi niya naiintindihan dahil kapag ako naman ang nagtuturo sa kanya, wala siyang nagiging problema.
We finished answering all the problems first on our own before we compared our answers with each other. When we were already sure with everything, that's the time we wrote our answers on the book with a clean and precised solution.
Tuloy-tuloy ang aming pagsagot at natigil lamang nang kailangang kumain ng tanghalian, ngunit kahit na ganoon ay maaga pa rin kaming natapos. Hindi pa dumidilim ay umuwi na si Karmela sa kanila pagkatapos kumain ng meryenda.
I spent the rest of the day, doing advance reading for our lessons this coming week. Lumabas lang ako sa kuwarto nang nagdeklara si Freah na nagugutom na siya. Si Tatay ay nanonood ng balita sa TV kaya ako na ang naghain ng aming hapunan.
"Tay, kain na po tayo," pag-aya ko kay tatay nang matapos ako sa paghahain ng pagkain sa hapag.
Pagkatayong-pagkatayo ni tatay ay bumukas ang pintuan dahil sa pagdating ni Lydia. I glanced at the wall clock and saw that she was almost quarter an hour late. Paniguradong papagalitan na naman siya ni tatay.
Agad dumiretso si Lydia kay tatay para magmano at humingi ng tawad. "Tay, pasensya na kung late ako nakauwi."
"Ano pa nga bang bago?" walang pakialam na sabi ni tatay at saka naglakad papuntang hapagkainan. "Kailan ka ba sumunod sa amin?"
Lydia looked slightly stunned because our father didn't gave her some scoldings. He just calmly spoke to her which made the atmosphere more tensed. Kapag kalmado si tatay habang galit ay mas lalong nakakatakot. Mas gusto ko pa ata siyang nakikitang inilalabas ang galit niya.
Nang mapatingin sa akin si Lydia ay agad akong nag-iwas ng tingin. Umupo na ako sa tabi ni Freah at sinabayan siya sa pagkain gaya ni tatay.
We spent the whole dinner eating in silence. No one dared to speak, especially in front of our father who's currently in a bad disposition. Ang tanging nadidinig lang ay ang tunog ng electric fan, ang TV sa sala, at ang pagtama ng mga kubyertos sa plato. The atmosphere was enough to make me feel suffocated.
Si Tatay ang unang natapos kumain sa aming lahat. Pagkatapos niyang ilagay sa lababo ang kanyang pinagkain at patayin ang TV ay walang imik siyang pumasok sa loob ng kuwarto nilang dalawa ni Nanay.
Lik a cue, as soon as our father's gone, Freah and I turned to look at Lydia. Her eyes were expressing the guilt she was feeling.
Nang mapansin niya ang tingin naming dalawa ni Freah sa kanya, matalim niya kaming tinapunan ng tingin. "Ano?" mataray niyang sabi. "Bakit ninyo ako tinitingnan ng ganyan?"
Freah leaned onto me, terrified because of Lydia's tone and attitude.
I sighed and put the utensils down in a very calm manner before I raised my head to speak. "Sana kasi ay hindi mo sinuway si Tatay," sabi ko sa kanya at agad napaawang ang kanyang labi. "Pinayagan ka niyang lumabas dahil nangako kang uuwi ka sa oras na pinagkasunduan ninyo. Pero ano'ng ginawa mo?"
She stared at me in disbelief and laughed without any humor. "So, ako na naman ang may kasalanan?"
Napakunot ang aking noo. "Ano ba'ng sa tingin mo? Na kami pang dalawa ni Freah ang may kasalanan gayong ikaw ang may ginawang mali?"
Padarag siyang tumayo sa kanyang kinauupuan. Napayakap sa akin si Freah dahil sa gulat habang ako'y nanatiling nakatingin nang diretso kay Lydia. Ang kanyang mga mata'y punong-puno ng galit habang dinuduro ako ng kanyang daliri.
"Wala kang karapatang pagsabihan ako!" mariin niyang sabi sa akin. "Sino ka ba, ha? Isang hamak na ampon ka lang naman na pilit ipinagsisiksikan ang sarili niya sa pamilya at buhay ko!"
Mabilis na umalis si Lydia at pagabagsak na sinarado ang pituan ng kanyang kuwarto pagkatapos magpakawala ng galit sa akin.
Clenching my fist, I took a deep breath to calm myself. I wasn't mad because she belittled me by being an adopted child of her parents, but I was mad because she wouldn't own her mistakes. Kitang-kita na kanina na siya ang may kasalanan kung bakit galit si tatay. Hindi ko na talaga maintindihan kung paano tumatakbo ang utak niya.
I couldn't help but get mad everytime she's being unreasonable. And so, the next morning, I went to school earlier than I used to. Nananatili pa rin ang galit ko kay Lydia. I didn't want to be in front of her while eating breakfast. Baka mamaya ay may masabi pa akong hindi maganda. Ayaw ko nang makialam pa.
"Ito po."
Inabot ko sa tricycle driver ang aking buong singkuwenta bilang bayad pamasahe. Habang hinihintay ang aking sukli, naagaw ng pagdating ng isang itim na malaking sasakyan ang aking atensyon. It parked on the small parking lot beside the main gate. Mayroong mga sasakyan ang ibang propesor dito sa amin pero hindi ganyang kalaki. Ang nakitaan ko pa lang ng ganyang sasakyan ay sina Mayor at Vice Mayor.
"Hija, ito na ang sukli mo."
"Ah!" Kinuha ko ang aking sukli at saka ngumiti. "Maraming salamat po."
Sa sobrang kuryosidad, pagkatapos kong kuhanin ang aking sukli, binalik ko ang aking tingin sa sasakyan. I was stunned to see Alastair coming out from the driver's seat. Walang gana niyang sinuot ang isang strap ng kanyang backpack sa kanyang balikat. After he closed the door, he pressed something and the car produced a beep sound and the lights flickered.
May hinala na akong anak mayaman si Alastair, pero ngayong nakita kong sakay niya ang ganitong klaseng sasakyan, napatunayan ko ang hinalang iyon. He must came from a rich family in Ibayo.
Sa barangay dati, madami akong nadidinig na pangalan ng mga mayayamang pamilya sa Ibayo, pero hindi ko matandaan kung nadinig ko na ba ang apilyidong Vertigo. O kaya ay hindi ko lang masyadong nabigyan ng atensyon ang pag-uusap ng mga kumare ni Nanay kaya hindi ko na rin talaga alam.
Habang nasa gitna nang pag-iisip, napasinghap ako nang makita kong diretsong nakatingin sa akin si Alastair. One of his hands was inside his pocket and he was standing beside his car while looking at me with a calculating expression.
"Can you just ignore me and continue whatever you need to do?"
His words last Friday echoed inside my head as a reminder. Determined not to cause him any disturbances, I pulled away my gaze and looked at the other direction.
Dali-dali akong naglakad papasok sa loob ng campus. Hindi na ako lumingon pa ulit sa kanya. Sinigurado kong diretso lamang ang aking tingin. Pakiramdam ko ay madadapa pa ako sa sobrang bilis ng aking paglalakad para lamang makalayo ako agad sa kanya.
But why was I even running away? Once we're both inside the room, we'd be closer than earlier because he was seated just right behind me.
Kaso ay hindi ko lang alam na kahit alam kong ganoon ay nagmamadali pa rin ako. Walang pag-aalangan akong umupo sa aking silya nang makarating sa silid. Wala pa si Karmela kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng aming notes.
Even though I was trying so hard to focus on my notes, I was still wary of my surroundings. And when I felt him getting closer, it alerted all my senses. He walked past behind me to sit down and his scent enveloped my nose everytime.
Napapikit ako at saka iniyuko lalo ang aking ulo habang patuloy na nakatingin sa aking notes kahit na hindi naman ako nagbabasa. It felt like he was staring at me from behind that it made me conscious. Pakiramdam ko ay pagpapawisan ako nang malamig kapag nagpatuloy pa 'to. Isang maling desisyon ata ang pumasok ng maaga ngayon.
Anxiously, I tapped my feet to entertain myself and keep me sane from this madness. When I couldn't take the pressure, I was about to stand up and leave the room until Karmela arrives, but she came just right in time. I looked at her like she was some sorth of divine figure while walking to our seats. She's a lifesaver!
"Oh, ang aga mo ata ngayon?" bungad niya sa akin pakaupo sa aking tabi.
Kahit papaano ay natahimik ang paghuhuramentado ng aking puso dahil sa kanyang pagdating.
Pagkatapos nang araw na 'yon ay hindi na ako nangahas pang pumasok nang maaga. Sinigurado kong tuwing pagpasok ko ay nandoon na si Karmela sa silid.
I did my best to avoid Alastair at all cost. When I helped at the eatery and he was there to eat his dinner, I didn't bother him and just served other customers. Kahit nga sumulyap sa kanya ay hindi ko ginawa. I just did what he told me to do―to ignore him and continue whatever I need to do.
However, it felt like fate threw away all those efforts to avoid and ignore him. I was too stiff while sitting in front of him. I was well aware that he was confidently staring at me right now, but I just couldn't allow myself to look up.
Kung bakit ba naman kasi kami ang nabunot ng aming propesor bilang partner para sa final requirement na Marketing Research.
Palihim kong tiningnan sina Karmela at Mikael. They were already talking comfortably with each other as they discussed about their topic for the research. Samantalang ako, ni hindi ko siya magawang matingnan. Paano ko pa kaya siya kakausapin?
What if I ask our professor to exchange partners with Peng? He might be okay with that...
"Uhm..." I cleared my throat and gathered courage before I spoke without looking at him. "Gusto mo bang sabihin ko kay Sir Diaz na makikipagpalit ako ng partner?"
Dahil sa katahimikan niya na mukhang walang balak sagutin ang aking tanong, bahagya akong nag-angat ng tingin at agad ding nag-iwas nang makita ko siyang nakatitig lang sa akin.
"Bakit ka makikipagpalit?" simpleng tanong niya matapos ang ilang segundo ng katahimikan.
"Uh... Kasi baka... Baka ayaw mong kapareha ako sa research na 'to kaya―"
"Talaga bang gawain mo ang pangunahan ang isang tao?"
I snapped and looked straight at him. Trying to defend myself from his accusation, I opened my mouth but no words came out.
Come to think of it, he's right, anyway...
Pinapangunahan ko naman talaga siya. Iyong pagbigay ko ng leche flan sa kanya gayong hindi ko naman siya tinanong kung gusto niya. At ngayon ito namang pagpapalit ng partner dahil iniisip kong hindi niya ako gustong makapareha.
Watching him stood up, carrying his bag, I panicked and stood up too. Handang-handa na akong pigilan siyang umalis.
"S-Saan ka pupunta?" nauutal kong agap na tanong sa kanya at napahawak pa ako sa kanyang braso bilang pagpigil.
When I caught his eyes staring on my hand, holding his arm, I immediately let go and took a step back to distance myself away from him. Daig ko pa ang napaso sa apoy sa ginawa kong reaksyon.
"The professor said we can go out already after deciding on our topic," he nonchalantly said. "Aalis na ako."
"Ha? Pero wala pa naman tayong napagdedesisyunang topic..."
His eyes borely dropped on me. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hablutin ang aking notebook at ballpen na nakalapag sa aking lamesa. He scribbled something on it before he gave it back.
Agad kong binasa ang sinulat niya roon.
09057833421
The numbers looked so familiar and just then, I realized that it was the same numbers I saw on his index card the first day. He's giving me his number?
"Let's just meet tomorrow. May importante akong kailangang gawin ngayon kaya aalis na ako," sabi niya at agad na tumalikod, handa nang umalis.
"Ah anong oras tayo magkikita bukas at saan?" natataranta kong tanong.
Gaano bang kaimportante ang gagawin niya at bakit madaling-madali siya?
"You decide. Just text me the details."
Without looking back, he continued walking out of our room until he was out of sight. I didn't know if I was relieved or stressed out that he was already gone, but knowing that we'd meet tomorrow, I thought I'd fall more on the stressed side rather than being relieved.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top