24

Darwin Pov

 

Di ako makapag concentrate sa binabasa kung documents na dinala ni Joy sa akin kanina pagdating ko dahil naiisip ko yung lalaking lumapit ki Che kanina!

Yun din ang inabutan kung kausap ni Che kahapon na nakapag pa-init ng ulo ko! Mukhang interesado ito kay Che!

Hay naku Darwin kung ganyan ka lumilipad ang utak wala ka matatapos! Si Sherwin iyon! Nasa office ko din ito at nagbabasa ng mga dokumento! I’m planning to make a branch of our mall sa Makati kaya  ito dami kelangan na ayusin!

Alam mo Darwin kung ako sayo ayusin mo yang sarili mo! Tanungin mo kung anu si Che sayo! Sex slave o owner ng puso mo! sabi nito habang panay buklat nung mga papel na nasa harapan niya!

Si Che owner ng puso ko! Sherwin naman eh! Ako si Darwin, never akong nainlove sa mga babaeng kinakama ko!

Di sa lahat ng pagkakataon pare! Ikaw din! Baka marealized mo yan kung kelan wala na siya sayo!

Di ko na ito pinansin! Lately inspired ito masyado! May new gf ito si Winnie! At kung sa term pa ni Che bumagsak ang puso nito ng sobra-sobra ki Winnie kaya ayan masyadong mag-isip!

Tinuon ko nalang ang pansin ko sa binabasa ko! Masyadong imposible ang sinabi nito para pagtuunan ng pansin!

Che poV

 

Lunch time na at ito na naman ako! Ayaw ko ng naamoy ko at wala akong gana kumain!

Hirap ng matagal ng di pumapasok sa skul nakaka stressed masyado!

Di ka ba kakain? Si Brent yun! As usual share kami sa isang table! Siya lang bumili ng pagkain dahil wala ako gana kumain pero ang dami parin niyang binili! Mukhang 10 buwaya ata laman ng tiyan nito!

Wala ako gana kumain eh! Tipid kung sagot at nagbuklat nalang ako nung buks na dala ko!

Aba di pwede yan! sabi nito sabay sara nung libro ko!

Pwede ba Brent wag ka makulit! Inis na sabi ko sabay tayo at umalis ako doon!

Kaasar! Napakulit! Sinabi ng ayaw ko eh!

Brent POV

 

Nagulat ako sa naging reaksyon ni Che nung sinabihan ko itong di pwede na di siya kakain!

Nagalit ito tapos umalis! mukhang mainit ang ulo!

Nawalan din tuloy ako ng gana kumain!

Basted ba pare? Si Andy yun highschool buddy ko! Medicine ang course nito kaya nagkahiwalay kami!

Panu mababasted eh di naman niya alam na pinopormahan ko siya! Sagot ko dito at inabot ko sa kanya yung isang coke in can na binili ko!

Bakit di mo sabihin? Si Andy ulit!

Di na pwede may boyfriend na siya!

Yun lang! Di pa nga lagapak ka na! ngumiti ito at itinaas ang latang hawak!

Nkipag cheers nalang ako sa kanya! Yun na  nga eh! Di pa nga wala na agad! Pero okey lang! I can wait! I can wait until magkahiwalay sila! di pa sila kasal eh! Makukuha ko pa siya!

Che pov

 

Nag decide ako na umuwi muna sa bahay namin!

Ilang araw ng mainit ang uo ng Darwin lalo na pag sinusundo ako nito! Tumatabi ito sa akin pag gabi pero pag oras na tulog na tulog na ako! Pag nakakatulog ako wala siya pero pag naalimpungatan ako nakikita kung nasa tabi ko siya at nakayakap sa akin! Ewan di ko maintindihan si Darwin! Kala mo may regla araw-araw! Kaya naisipan ko munang umuwi sa amin!

Yung bahay namin medyo maayos na! Napagawa ni mama iyon dahil sa ibinibigay na pera sa kanila ni Darwin! Bukod kasi sa allowance ko sa school binigyan din nito sila mama ng pera!

Minsan napapaisip ako! Di kaya nagsasawa na si Darwin sa akin kaya pinapakita niya sa akin ang ganung ugali!?

Hoy ate bakit di ka pumapasok ha?

Nagulat ako ng biglang may tumapik sa likod ko! napalingon ako! Si Athena pala iyon! Tsaka ko lang napansin nasa tapat na pala ako ng gate ng bahay namin!

Di ko nalang sinagot si Athena at pumasok nalang ako ng bahay namin! Nasa sala palang ako at amoy na amoy ko na yung ginigisa ni mama na bawang at sibuya s kaya dali-dali ako tumakbo sa labas at sumuka!

Ate okey ka lang? tanung ni Athena habang panay ang hagod ng likod ko!

Anu nangyayari dito? Boses ni mama iyon!

Ewan ko kay ate! Pagpasok kanina biglang lumabas at ayan nagsusuka! Kwento ni Athena!

Ikuha mo ng tubig ang ate mo sa loob! Utos ni mama sa kapatid ko at sya ang pumalit sa paghagod sa likod ko!

Ng makalma na yung tiyan ko agad akong pinasok ni mama sa kwarto at pinahiga sa papag!

Bukas ka na umuwi ha! Malambing na wika nito!

Tumango nalang ako at pumikit! Umiikot na naman ang paningin ko!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2015