23
5 pm natapos ang klase ko at diretso ako sa gate para hintayin sila Darwin! Nagtext na din ako na tapos na ang klase ko!
Feeling ko katulad na din ako ng mga studyante dito na mayayaman! Biruin mong naghihintay din ako ng sundo like them!
Che! Lingon ako agad! Sabi ko na si Brent yun! Siya lang naman itong palasigaw eh!
Hatid na kita! Sabi nito ng makalapit na sa akin.
Ha? Bakit? Taka kung tanung! Maka sabing hatid kala mo naman alam ang bahay ko!
Wala lang! Di ba pwede?
Hindi eh! May magsusundo sa akin! diretsa kung sabi sa kanya!
Medyo umiba hitsura nito!
Sino? Boyfriend mo? mahina niyang tanung!
Oo!
Ayun tuluyang umiba ang aura nito! Adik! May gusto ba ito sa akin? Malamang wala! Disappointed lang siya!
Ah! Okey! Sige una na ako sayo! Paalam nito at di na ako hinintay na sumagot at umalis na! Tapos biglang dumating yung sasakyan ni Darwin! Pasok na agad ako sa loob!
Yung hitsura ni Darwin na kala mo may kaaway,yun yung inabutan kong hitsura niya pagdating pagpasok ko sa kotse!
Sino yun?
Alin yung lalaki? Klasmyt ko!
Tumango lang ito at tumingin sa labas ng bintana! Di ko nalang din pinansin baka pagod lang! Pagod din naman ako eh!
Pagdating namin sa condo wala parin kaming imikan ni Darwin!
Iba parin kasi ang dating ng mukha nito kaya di ko na muna pinansin!
Paka bihis ko magluluto sana ako kaso narinig ko itong nag oorder na ng pagkain sa phone kaya bumalik nalang ako ulit sa kwarto para gawin yung mga assignment namin! Ang dami kasi nun eh kaya kelangan ko na umpisahan para matapos ko na!
7:15 ng matapos ko lahat! Grabe ang dami at ang hirap pa! Buti nalang complete ako ng books di na ako nahirapan pa mag research sa phone ko!
Lumabas ako akala ko andon si Darwin sa sala kasi lumabas ito paka bihis eh! Pero wala ito doon! Nagtaka tuloy ako kung saan ito pumunta! Di man lang nagpaalam sa akin!
Tinignan ko sa isang kwarto andon ito at natutulog! Prob nun! Pwede naman siya matulog doon sa kwarto namin! Doon naman siya palaging natutulog eh!
Pinabayaan ko nalang malamang pagod at ayaw pa istorbo! Pumunta ako sa kusina! May nakatakip na naman sa table at may note!
Nauna na ako kumain! Kumain ka nalang pag nagutom ka! Darwin
Napakunot ako ng noo! Anu na naman drama ni Darwin!
Napaismid nalang ako at inalis ko yung food cover at nagsimulang kumain!
Mukhang may regal ito iba may topak! Bahala nga siya!
Darwin Pov
Naalimpungantan ako na parang may naririnig na nagsusuka! Kala ko nung una nananaginip lang ako pero nung maringi ng clear yun tsaka ko lang naisipna totoo pala yung naririnig ko!
Dali-dali akong tumayo lumabas ng kwarto! Diretso sa kusina at inabutan ko si Che doon na nagsusuka sa lababo! Agad ko itong nilapitan!
Anu nangyari sayo? Taka kung tanung?
Di naman kasi nito pwedeng sabihin na super busog siya kasi halos di nito nagalaw yung pagkain sa lamesa!
Di ko ito makasagot basta panay lang ang suka! Hinimas ko naman yung likod.
Nung matapos na siya pinangko ko ito papunta ng kwarto dahil parang hinang-hina ito at ang putla niya!
Ayos ka lang? tanung ko dito kahit sa tingin ko hindi ito okey!
Ayos lang ako! Stressed lang siguro ako! Tagal din di ako nakatungtung sa school kaya medyo na pressured ako kanina at na stressed! Sagot nito habang nakapikit!
Di nalang ako umimik! Kinumutan ko nalang ito at niyakap! Ang putla niya kasi eh! Para bond paper ang kulay nito! naawa tuloy ako!
Maaga ulit ako nagising kinabukasan! Sinulyapan ko muna si Chen a himbing na natutulog sa tabi ko! Bumalik na ang dating kulay ng mukha nito! I kissed her forehead bago tuluyang lumabas!
Magluluto ako ng almusal nito! Di naman ito nakakain kagabi!
Ininit ko yung pagkain na inorder ko kahapon tapos nag saing at nag brew ng coffee! Adik ako sa kape at timpla ni Che ang lagi kung hinahanap pero this time ako muna magtitimpla for her!
Bigla akong nakarinig na may nahulog kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto!
Kita ko si Che dahan-dahan tumatayo mula sa kama! Nahulog yung Alarm clock at lampshade na nakapatong sa side table! Nilapitan ko ito.
Wag kana tumayo! Dadalhan naang kita ng almusal dito! sabi ko at isinandal ko siya doon sa headboard!
Wag na doon nalang sa kusina! Kaya ko naman pumunta doon eh!
Di ka nga makatayo! Dito ka nalang kumain! Magpahinga ka! Kung di mo kaya pumasok tatawag ako doon at ipapaalam kita! Sabi ko at tinalikuran ko na ito! pag di ko ginawa yun magpoprotesta pa ito!
Darwin ayaw ko ng kape! Gatas gusto ko! mahinang sabi nito nung malapit na ako sa pinto ng kwarto!
I just give her an okey sign before I go out the room!
Masigla nitong kinain yung dinala kung pagkain! Gutom ito palibahasa di nakapag dinner kagabi! Doon narin ako kumain di naman kasi ito pumayag na siya lang kumain doon!
Pakatapos namin kumain ako na nagligpit ng pinakainan at pinauna ko na itong maligo! Papasok daw kasi siya eh!
Makulit lang! Sinabihan kung magpahinga muna siya, di pumayag kaya hinayaan ko nalang! Mukhang okey naman na eh!
Katulad kahapon hinatid ko ito sa school niya! Tapos sinabihan na susunduin!
Okey na kami nung naghiwalay kami kaso bigla akong naiinis nung nakita ko yung singkit na lalaki na lumapit sa kanya!
Anu Darwin ihihinto ko? tanung ni manong Anton!
Ho? Bakit po? Taka kung tanung!
Di mo ba lalapitan sila Che? Mukhang papatay ka ng tao dyan sa mukha mo eh!
Napamaang ako! Di nga?
Anu? Tanung ulit ni manong!
Wag na po! Diretso na tayo! sagot ko ata bahagya ko pa pinilig ang ulo ko!
Naiinis lang ako na may lumalapit ki che yun lang yun! Di naman ako papatay ng dahil lang don! Exxage lang si manong!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top