🔗8🔗
Henry asungot
6:35 PM
woy, ano na naman yong nasa priv mo?
wala
ngina mo, anong wala?
boyfriend ng best friend mo?
hoy hindi kita pinalaki para maging kabit ha
at sa best friend mo pa
abnormal
hindi ko gagawin yon ‘no
tsaka, excuse me, hindi ikaw ang nagpalaki sa akin
so, ano nga kwento?
ito na
alam kong hindi mo ako tatantanan kapag hindi ko nasabi sayo
ayan, mabuti at nagkakaintindihan tayo
bilis na, spill
kalalaking tao, chismoso
hindi mo na maaalis sa tao ang pagiging chismoso't-chismosa
oo na lang
so, ito na nga
yong boyfriend ni iyang, siya yong nabunggo ko kanina nung palabas ako ng cr
syempre kilala mo naman ako kapag singit na maputi na matangkad, type ko na agad di ba
oo, malandi ka eh
(😠)
wag na nga!
bwisit ka
hindi na HAHAHAHAHAHA
tuloy mo na
tas yon, alam mo yong parang na-love at first sight ako
as in, parang may lumitaw na liwanag sa gilid niya then may nakapalibot sa kaniyang mga flowers then heart
malala na yang pagka-delulu mo, alipot
beh, hindi mo ako masisisi kung ganito naf-feel ko
oo nga
pero ito seryoso ha
may girlfriend na siya, at yon ay ang best friend mo
ayaw mo naman siguro masira friendship niyo dahil lang doon, di ba?
yes
kaya hangga't maaga pa at hindi pa malalim yang nararamdaman mo sa kaniya, tigilan mo na
susubukan ko
anong susubukan?
gawin mo!
oo na!
shuta ka
Seen
—
Twitter
🌸🔒
@alssnwndrlnd
mukhang mahirap pero susubukan ko
6:45 PM • 06 July 2*
💬 0 🔄 0 ♡ 0
Only people in @alssnwndrlnd's Circle can see this post. Learn more
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top