🔗60🔗

gc

11:23 PM

You created this group.

You added Henry Bugayong and Mateo Trinidad to the group.


hi

I know na hindi pa tayo ganoon ka-close pero pwede niyo ba akong tulungan kay Ali?


Henry:

yow

sure, saan ba?


Mateo:

sure, no prob


I'm going to ask her to be my girlfriend


Henry:

what's the plan?

game kami


let's meet. sabihin ko lahat ng naiisip kong plano

send ko na lang bukas yong location


Henry:

sige sige


Mateo:

kaiyak, dalaga na talaga si alipot


Henry:

tarantado ka talaga

ilugar mo nga yang pagiging ma-drama mo

wala tayo sa gc natin

pasensya ka na rito sa ugok na ‘to, liam ha?


it's fine

so, paano, bukas na lang?


Henry:

yep


Thank you


Mateo:

wala yon, basta ipangako mo na hinding-hindi mo sasaktan si Alisson


wala naman akong balak saktan siya


Mateo:

mabuti kung ganoon


Henry:

sige, bukas na lang


okay, thank you ulit
Seen


——


Dalawang asungot sa buhay ko

7:04 AM


Henry:

alipot, what time out mo?


ngayon

nag aayos pa ako, why?


Henry:

nasa labas na ako

kasama ko si Mat


ha? bakit?

saan si liam?


Henry:

nagsabi ba siya sayo na susunduin ka niya ngayon?


no…


Henry:

yon naman pala eh

halika na

may pupuntahan tayo


saan naman?


Henry:

basta

bilis na


oo na, ito na

palabas na ako
Seen


——

Alisson’s Pov

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ng mga ugok na ‘to pero sumama pa rin ako. Napagod na rin akong magtanong dahil puro ‘basta’ ang sagot nila.

“Matulog ka muna, alipot. Medyo malayo-layo pupuntahan natin,” mayamayang sambit ni Mateo.

“Hep! Huwag ka na magtanong, matulog ka na lang,” sabad nii Henry.

Inirapan ko muna siya bago ko ipikit ang mga mata ko. Bahala kayo riyan.

Nagising ako nang maramdaman kong nakatigil na ang sasakyan. Putek! Iniwan ako ng mga ugok!

Nakakainis na sila ha. Alam naman nilang pagod ako galing trabaho tapos ganito gagawin nila sa akin?

“Gising ka na pala, tara na roon. May naghihintay sa ‘yo,” hinihingal na sabi ni Mateo. Sinamaan ko siya ng tingin saka inirapan.

“Lah? Ginawa ko sa ‘yo?”

“Wala! Bwisit ka!” sigaw ko sa kaniya.

“Sungit amputek. May regla ka ba ngayon?” Kamot sa ulong tanong niya.

“Shut up.” Mabilis naman niyang itinikom ang bibig niya.

Saka ko lang napansin na nasa tapat pala kami ng isang hindi pamilyar na bahay. Kanino naman ‘to?

“Tara sa likod,” sabi ni Mateo bago ako lampasan. Wala na akong nagawa kun’di ang sundan siya.

Nang makarating kami sa likod ng bahay, nakita ko roon sina Liam at Henry. Umawang ang labi ko nang makita ang ayos ng likod-bahay.

“Ano ‘to? Anong meron bakit may ganito?” tanong ko kay Liam.

Nakangiti naman siyang lumapit sa akin.

“Nagustuhan mo ba?”

“O-Oo. Teka nga, ano munang meron at may ganito?” tanong ko.

Nataranta naman ako nang bigla siyang lumuhod saka may inilabas na maliit na kahon.

“Because… I want to ask you if you can be my girlfriend and also be my wife?”

Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Panaginip ba ‘to? Kasi kung oo, huwag niyo na akong gisingin.

“Yes, Liam,” sagot ko kasabay ang pagtulo ng luha ko.

Tumayo siya saka isinuot sa akin ang singsing. Matapos ay mahigpit niya akong niyakap.

“Thank you so much, Alisson. Thank you and I love you,”

“Mahal din kita, Liam.”Nagulat ako nang bigla niyang halikan ang labi ko

Omg, first kiss ko! Eme.

“Nga pala, kaninong bahay ‘to? Mamaya kasuhan tayo ng may-ari ha,” tanong ko nang maghiwalay kami.

“Paanong kakasuhan eh bahay natin ‘to?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Bahay? Natin? Ha? Paano? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

“Surprise?”

“Alam din ng mga ugok na ‘to?” turo ko sa dalawang busy sa paglamon.

“Hala! Wala kaming alam d'yan ah? Ang alam lang namin—” Hindi na natuloy ni Henry ang sasabihin niya nang magsalita si Liam.

“Alam nila. Sa kanila ako nagsabi at nagpatulong,”

“Gago, nanlaglag.” Sinamaan ko ng tingin si Henry. “Ay, sorry.”

“Let's go.” Hila nito sa akin.

“Saan? At saka paano sila?” tanong ko.

“Kaya na nila sarili nila, malalaki na sila.”

Wala na akong nagawa nang tuluyan niya akong hilahin paalis.


——


TWITTER


ali
@liamdmgz

I love you, my girlfriend and soon-to-be wife @itz_alisson

💬 100        🔄 0        ♡ 1,213





end.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top