epilogue

Tangina. Hindi to aabot.

Aabot ka, Breanne.

Hindi eh..

AABOT KA KUNG SI JIMIN NGA NAABOT YUNG TUKTOK NG REF IKAW PA KAYA!

Hanggang sa makarating sila sa NAIA 3, halos masira na yung pintuan ng kotse ni Miko nung biglang bukas ni Breanne, pero pinigilan siya agad nito at hinawakan ang kamay niya.

"Breanne.."

"Masaya na ako kung makikita kitang masaya. Kunin mo siya pabalik, ha?" Ngumiti si Miko, at nginitian naman siya pabalik ng babaeng nasa harapan niya ngayon.

Agad siyang humarurot papasok ng airport.

"Miss, ticket po?"

"A-Ay hindi, may ano..may..may.."

"Maymay diba yun yung nanalo sa PBB?" Sabi ni kuya guard.

"HA HA HA HA. Kuya papasukin mo ko please." Pagmamakaawa ni Breanne na parang natatae na ewan at tingin ng tingin sa relos.

2:27.

"Ma'am, hindi po pwede--"

"KUYA NAMAN EH! AALIS NA YUNG TAONG MAHAL KO, PWEDE BA! HINDI KA BA NAGBABASA NG WATTPAD O NANONOOD MAN LANG NG KDRAMA? PIPIGILAN KO SIYA! SIGE NA KUYA!"

"Ma'am, sorry p--"

"NAKIKITA MO TO, HAH?!" Inayos ni Breanne ang buhok niya at pinakita yung noo niya. "Papasukin mo ko dahil ako ang airport! Kung hindi dahil sa'kin wala kang trabaho! Papalayasin kita!"

Nagkamot naman ng ulo si kuya guard. "Sige na nga, Ma'am. Wag mo lang ipakita yang noo mo, nakakasilaw po eh."

"Aba--SALAMAT NA LANG!"

Agad siyang tumakbo paloob. Hanap dito. Hanap doon.

2:59.

"Flight LA615, is ready for departure."

"TANGINA WAG MUNA!" Sigaw ni Breanne na parang loka loka, dahil umiiyak na rin siya at tumatakbo kakahanap.

2:30.

"It's Tender Juicy hotdogs anniversary today, dear travelers! We are giving free hotdog sandwiches to everyone while waiting in line--"

"SHUT UP!" Sigaw ni Breanne habang umiiyak, naalala niya kasi si Namjoon dahil sa Tender Juicy. Hindi naman sa nakita na niya yung hotdog niya o ano, pero yun kasi ang una niyang ginamit na chain message para makausap si Namjoon.

Patuloy pa rin siyang umiiyak. Wala na ba talaga?

Umaasa siyang may biglang yayakap sa kanya sa likod, kagaya ng mga nangyayari sa Wattpad. Nag-antay siya habang nakapikit ang mga mata niya.

Pero wala.

"T-Tangina." Ang tangi niyang nasabi habang napaupo na lang siya sa sahig ng airport habang nakatingin sa TV na nakalagay, 'FlightLA615 - DEPARTURED'.

At sa puntong iyon, sumuko na siya. Kasi ano pang dahilan para umasa?

Ang buhay naman malayong malayo sa kung anong nangyayari sa Wattpad. Walang prince charming na poprotektahan ka sa mga bully mo. Walang fake contract na kunwari girlfriend ka ng pinakagwapong lalaki sa school niyo tapos maiinlove siya sa'yo. Wala kang gwapong bestfriend na mamahalin mo at mamahalin ka pabalik. Wala. Kasi hindi ito Wattpad.

Kaya umuwi si Breanne ng luhaan, walang naiuwing Namjoon, walang naiuwing ngiti, kundi puso lang niyang nabasag at pagod na sa kakatakbo, kakahabol, at kakaasa.

"B-Beh? Wala na?" Sabi ni Seokjin, na nasa pinto ng dorm ni Breanne, kasama pa yung buong tropa.

Ngumiti lang si Breanne at umiling, bago hinang hinang umiyak sa mga braso ni Jin.

Sobrang lungkot ni Jin sa nakikita niya ngayon, pati na rin yung buong tropa, nagtime-out muna sa kalokohan nila.

"Di bale Breanne, malay mo..ano..di siya para sa'yo?" Sabi ni Jungkook na nagaalangan kasi baka masaktan niya lang si Breanne ng mas lalo. Tahimik lang naman yung babaeng humahagulgol.

"Wag ka na umiyak. Next week na graduation natin oh. Tahan na." Pagpapaalala ni Jimin.

"Asa ka namang gagraduate ka. Math pa nga lang iniiyakan mo na eh." Sabi ni Yoongi na sinusubukang pangitiin si Breanne. Nakatanggap na lang siya ng batok mula kay Jimin.

"Bakit ba ang hilig mong mambara? Inidoro ka? Gusto mo taihan kita?"

"Sige ba, basta upuan mo lang ako." Medyo napatawa na lang si Breanne sa kabobohan nilang dalawa.

"O, Breanne! Nadala mo ba yung likod ni Namjoon? ARAY!" Sinipa ni Hoseok si Taehyung na may dala dala pang ice cream.

"H-Hindi eh. Pero okay lang. Baka ano..ayaw lang talaga kaming pagtagpuin ni destiny."

"PUTA SINO SI DESTINY?! SIYA BA DAHILAN HAH?! SASAPAKIN KO YON! PINAIYAK KA! HUMANDA KA DESTINY!" Nagulat silang lahat ng galit na galit na binato ni Taehyung yung ice cream niya at nagtaas pa ng sleeves. Naghahamon ang gago.

"De biro lang. Breanne, pinapatawa lang kita. Ngiti ka na, uututan kita pag di ka ngumiti." Nagrectangle smile naman si Taehyung at tumawa na lang si Breanne.

"Basta beh, wag ka na sad hah? Baka kasi para sa'kin talaga si Namjoonie. Joke lang."Ang harot mo Jin.

Simula ng araw na iyon, sinubukan ni Breanne na kalimutan si Namjoon. Inunfriend niya sa Facebook, inunfollow sa Twitter at Instagram, dinelete yung number niya, pati mga pictures, lalong lalo na yung convo nila sa Messenger pati na rin sa text.

Pero syempre, sinong tanga ang gustong magmove-on pero nireread muna lahat ng convo nila? Syempre si Breanne.

Pagkapress niya ng 'delete' button. Sinubukan niyang hindi humagulgol. Isang step na ito para sa inaasam asam niyang makamove-on.

Paglipas ng mga taon, eto na si Breanne.

Nakagraduate ng college, Cum Laude ang lola niyo. Isa na siyang ganap na vlogger at traveller ng buong mundo. Sikat na rin siya, mga bes. 200k na nga ang subscribers sa YouTube. Hayip, diba?

Pero hindi pa rin siya nagbabago, siya pa rin si Breanne na makulit, at maingay na gaga ng tropa.

At kung tatanungin niyo ako, kung nakamove-on na siya?

Syempre naman.

Syempre, hinde.

Ilang beses niya ng inikot ang buong LA para lang hanapin si Kim Namjoon.

Pero wala.

"Baka naman ibang planeta na siya pumunta. May Los Angeles rin siguro dun." Sabi ni Taehyung.

Madalas niyang dinadala ang tropa kasama sa mga gala niya sa ibang bansa. Ngayon, nandito sila sa LA. Hinahanap pa rin si Namjoon.

"Gago ka ba, Taehyung? Professor ka ba talaga?" Sabi ni Jimin.

Oo, Professor na 'yang si Taehyung. Madami ngang nagkacrush diyan e.

"Gusto ko nang sumuko." Tahimik na sinabi ni Breanne na ikinagulat nila.

Sa loob ng anim na taon niyang paghahanap, ngayon niya lang sinabi ang mga salitang 'yan.

"Bakit? Hindi mo na mahal?" Tanong ni Hoseok habang kumakain ng french fries. Uy, mesherep.

"Hindi. Pagod na ako. Ayoko na e. Sa simula't sapul pa lang, ako na yung naghahabol. Sa puntong kinausap ko siya gamit ng pagsend ng chain message kasi gustong gusto ko siya kaya naghanap ako ng paraan para makausap ko yun. Sa simula pa lang ako na yung mukhang desperada. Hanggang ngayon ba naman?" Sabi niya. Natahimik yung mga kasama niya. Anong panlaban nila dun?

"Hanggang ngayon ba ako pa rin yung magmumukhang aso kakahabol? Ako na lang ba palagi yung nagpapakandahirap para mabuhay tong relasyon namin? Hindi ko nga rin alam kung may girlfriend na yun eh. Malay mo, may iba na siya. Malay mo lumayo talaga siya kasi ayaw niya na akong makita."

"Don't give up, Breanne. Kung mahal mo--"

"Tangina! May magagawa ba yung pagmamahal ko sa kanya?! Yung pagmamahal ko sa kanya yung dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon! Kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakamove-on! Kung bakit nagmumukha pa rin akong tanga kahit ilang taon na yung nagdaan!"

Natahimik na lang sila.

Kasi tama naman si Breanne, sa isip nila. Oras na ba para sumuko?

"S-Sorry." Humingi ng pasensya si Breanne kasi bigla siyang nagalit. Niyakap na lang siya ni Jin.

"Uy, kamukha ni Namjoon. Amazing." Sabi ni Taehyung habang nakaturo sa kakapasok pa lang na lalake.

"Oo nga! Papicture tayo. Tas sabihin natin kamukha niya yung kaibigan natin." Parang gago ring sabi ni Hoseok.

"T-Teka...Breanne..si Namjoon ba yun?" Ang tanging nasabi ni Jin habang nakatulala sa lalaking nakasalamin at nakasuot ng mahabang coat, nasa counter at nag-oorder.

"Shut up ka na lang, Jin. Huwag mo akong paasahin."

"BREANNE SI NAMJOON NGA!" Sigaw ni Yoongi. First time niyang naexcite ng ganito.

Masama bang umasa ulit? Ang sabi ni Breanne sa isip niya at tinignan ang lalaking tinutukoy nila.

"Oh man, holy shit." Hulaan niyo sino nagsabi nun.

Akala ko ba ang buhay hindi parang Wattpad? Bakit nandito siya ngayon sa harapan ko?

Sa isang iglap lang, lumabas si Namjoon habang may hawak na kape at maliit na brown paper bag.

Lumabas..lumayo..

"SHIT BREANNE HABULIN MO MAGMUKHA KA NG ASO WALA NA AKONG PAKE! BREAJOON WILL RISE MGA PUTA!" Sabi ni Jin, at tumakbo si Breanne papalabas.

"N-NAMJOON!"

Biglang lumingon pabalik si Namjoon at nagulat sa nakita niya.

"Breanne?" Feeling ata ni Breanne bigla siyang lumutang sa ere ng marinig niya yung pangalan niya mula sa bibig ng taong mahal niya, anim na taon ang nakalipas.

Lumapit si Breanne sa kanya. "Namjoon, s-sorry alam kong mukha na akong desperada pero pwede ba ano..tayo na lang ulit..k-kasi..kasi ano.."

"Kasi mahal pa rin kita."

Alam ni Breanne na mukha na siguro siyang hipokrita sa harap ni Namjoon dahil kanina pa siya humahagulgol, nararamdaman niya na yung uhog niya.

Nginitan lang siya ni Namjoon.

"TANGINA HUWAG M-MO AKONG NGITIAN."

Umalis si Namjoon sa harapan niya at naglakad palayo.

Is that a no?

Napayuko si Breanne at naiyukom niya ang kanyang mga kamao.

Dapat pala hindi ako umasa. Sino ka ba, Breanne? Feeler ka. Tanga. Desperada. Anong akala mo, lahat ng ending, happy? Sinabi ko na sa'yo diba? Ang buhay..ang buhay hindi..hindi parang..parang..Watt--

Namjoon: Anniversary ng Tender Juicy ngayon. Nandito ako upang ipaalala sa'yo na mahal pa rin kita at gusto kong magsimula tayo ulit. Ipasa mo to kay Kim Namjoon kung hindi ay magagalit siya sa'yo, wag kang umiyak, ang panget mo.

Ang buhay hindi parang Wattpad.

PARA KASI SIYANG KDRAMA, MGA BES.

Tumakbo si Breanne kay Namjoon at niyakap ito.

"T-Tayo na?"

"OO! OO TALAGA! HAYOP KA BAKIT MO AKO SINEND-AN NG CHAIN MESSAGE HAH? TINAKOT MO KO!"

"Eh sa doon tayo nagumpisa eh. Dun ulit tayo magsisimula."

Sa pagliwanag ng araw sa kanilang dalawa, mapapangiti ka na lang. Kasi nasubaybayan mo kung paano sila nagmahalan kahit sobrang gulo, kahit minsan hindi mo na sila maintindihan, nasubaybayan mo kung paano sila nagsimula, sa pagsend ni Breanne kay Namjoon ng chain message.

END

next: author's note :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top