27

"BREAAAAAAANNE!"

"ANAK NG! ANO!?" Napatayo si Breanne sa pagkakahiga niya ng tawagin siya ng dormmate niyang si Jeonghan. Sininagan ng araw ang kanyang bagong gising na mukha, at nagkamot ng ulo.

"BREANNE! HALIKA SABI EH!"

"TANGINA MONG BADING KA NATUTULOG AKO EH!"

"MAY GWAPO DITO SA BABA!"

Agad nag-ayos si Breanne ng mukha kahit hindi niya na talaga maayos yon. Lumabas siya at nagulat siya sa nakita niya..

Si Miko.

NILALANDI NI JEONGHAN.

(wow multimedia)

"Ah. So anong favorite mong number sa electric fa--ARAAAAAAAAY!"

Kinurot ni Breanne si Jeonghan sa tenga at nginitian si Miko.

"Dun ka nga! Bisita ko to, diba?"

"Hati tayo, teh."

"Lul. Dun ka na!"

Nagkamot naman ng batok si Miko at ngumiti. "Ang cute ng dormmate mo."

"Mas cute ako."

"Alam ko."

Umubo naman si Breanne at umupo sa sofa,

"B-Bakit ka pala andito?"

"Date tayo."

"HAH?! NGAYON NA?! TEKA MALILIGO PA AKO!"

"HAHAHA! Sige lang. Mag-aantay ako." Umupo si Miko sa kabilang sofa at ngitian si Breanne. Agad namang tumayo si Breanne at nagmadaling naligo.

"BREANNE---AAAAAAAY MAY POGI!" Rinig ni Breanne na sigaw ni Keri. Kadarating lang ata.

Nagbihis siya ng sobrang bilis feeling niya napunit na yung suot niya. Saka nagsuklay.

"HOY KERI BOYFRIEND KO YAN!" Sigaw nito. Biglang tumahimik yung buong dorm.

"Eto? Boyfriend mo? Anong gayuma ginamit mo? Penge ako!" Sabi ni Jeonghan habang kumakain ng KitKat. Habang si Miko naman, namumula.

"Sus. Para namang aagawin ko sa'yo. SA'YO NA YAN! Ipalunok ko pa sa'yo eh." Irap ni Keri.

"T-Tara na?" Ngumiti si Breanne at saka sila umalis.

"LUL MASUKA KA SANA!" Pinakyuhan ni Breanne si Jeonghan at saka sila umalis. Sumakay sila sa kotse ni Miko.

"San tayo pupunta?"

"Basta."

Hayop to, baka idala ako neto sa dagat tas itapon ako.

"Mahilig ka ba sa pasta?"

"Ah..p-pwede na. Spaghetti lang alam ko eh."

Bigla namang tumawa ng malakas si Miko, kitang kita yung buong gilagid niya. Shet, ang liwanag talaga ng buhay.

"Well, dun kita idadala."

"Sa spaghetti?" Parang tangang sabi ni Breanne. Bobo ata. Pagpasensyahan niyo na.

"Sa isang restaurant ng mga pasta. HAHA!"

"Aaaaah." Sabi na lang ni Breanne.

Pagkadating nila doon, agad silang naghanap ng table.

Bigla silang binigyan ng menu ng waiter at halos dumugo ang ilong ni Breanne sa mga nakasulat na pangalan..na mas mahal pa ata sa buhay niya.

"E-Eto na lang. Mukhang matino. Saka pinakamura, 300 pesos amputa. Kung nasa Jollibee tayo, ilang JolliSavers na yun diba." Sabi ni Breanne, kaya natawa na lang si Miko.

Habang nag-oorder si Miko at sinasabi sa waiter, nakatingin lang si Breanne sa isang couple sa kabilang table.

"Mingyu, ang sarap nito."

"Anuba, Wonwoo, mas masarap ka."

"Gusto mong istapler ko leeg mo?"

"Breanne?" Bumalik sa katinuan si Breanne at tumingin kay Miko.
"Okay ka lang?"

"Huh? Ah..oo." Pero hindi. Sa katunayan, kanina niya pa iniisip si Namjoon. Sa totoo lang. Naguiguilty na siya kasi hindi naman niya mahal si Miko, pero wala na siyang magagawa.

Dumating yung order nila. Napaso pa nga si Breanne, tanga kase.

"Dahan dahan lang." Muntik naman siyang mabilaukan sa sinabi ni Miko. Anuba, Breanne, dumi ng utak. Brainwash din pag may time. You know. Para malinis.

Habang kumakain, nakatulala lang si Breanne sa kawalan. Hawak hawak ang tinidor, at ang mata'y nakatingin sa labas.

Sino bang iniisip mo, Breanne? May date ka ngayon! Huwag mo munang isipin si..si..

"Breanne?"

"Ay Namjoon!"

Isang minuto. Dalawang minuto. Tatlong minuto ang lumipas na purong katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Hanggang sa ngumiti na lamang ng mapait si Miko. Oo bes, mapait. Natikman ko. Eng sherep.

"Namjoon pa rin ba hanggang ngayon?"

Walang nagawa ang kausap ni Miko kundi manahimik, kase totoo naman e.

"Breanne. Namjoon pa rin ba?"

"O-Oo."

Ibinibaba ni Miko ang hawak niyang tinidor, bago huminga ng malalim, halata ang kalungkutan sa kanyang mukha. "2:30 PM, Flight to Los Angeles. 2:00 PM pa lang. May oras ka pa."

"H-Ha? Ano yon? Sino aalis? Ano? Pupunta tayo LA? AYOKO NGA! NANDITO PAMILYA K--"

"Namjoon will go to Los Angeles. May oras ka pa para pigilan siya."

Hindi alam ni Breanne, kung anong rason ni Miko para sabihin yon. Bakit? Akala ko ba ayaw niya kaming magkatuluyan ni Namjoon? Akala ko ba..

"P-Para saan pa? Tss. Hindi naman niya ako mahal--"

"Are you blind? He loves you! Yung pustahan na yon, it was all my fault. Hindi ka pinaglaruan, Breanne." Hinawakan ni Miko ang kamay ni Breanne at ngumiti.

"And I'm sorry for that. I'm sorry. For ruining you both."

"Get him back, Breanne."

Sapat na yon para magpasalamat si Breanne kay Miko at yakapin siya ng mahigpit.

"NAIA 3. Tara, hatid na kita."

"S-Sige. Salamat, Miko."

"Don't thank me, ako naman yung rason bakit to nangyayari."

Lumabas sila ng restaurant at nagmadaling sumakay. Chinat rin ni Breanne yung mga kaibigan niya. In-add naman siya pabalik ni Jungkook sa gc nila nung nakaraan.

pretty breanne: Tangina. I'll get Namjoon back.

teteng malupet: HAH?! KUKUNIN MO YUNG LIKOD NI NAMJOON?! GOODLUCK EHE SANA MAKUHA MO

jin da dyosa: uy seryoso?

j-akol: goodluck,,,, ano gagawin mo sa likod ni namjoon,,,, gagawin mo bang gayuma

pakyoongi: mga bobo, kukunin niya si namjoon pabalik

daddy jimin: baket breanne san ba siya pupunta hehe

jin da dyosa: sa puso ko wala ng iba

golden maknae: ano meron

pretty breanne: guys pupunta siyang la! HINDI PWEDE!

golden maknae: luh noona diba may boyfriend ka na

jin da dyosa: onga...agawin ko yun e..ehihi

daddy jimin: la....LA MAN

j-akol: tangina mo jimin wag mo na ibalik ang nakaraan

pakyoongi: dirty water pa gago

j-akol: TANGINA MO SABI MO NGA DUN "I'M RAPPER" ULOL

pakyoongi: oo tas sabi ni jimin "i'm singer" ahehe

jin da dyosa: KALOKA NAMOMROBLEMA SI BREANNE DITO NAGTTHROWBACK THURSDAY KAYO DIYAN

pretty breanne: basta mahirap iexplain papunta na ako sa naia 3 kasama si miko

golden maknae: GOODLUCK NOONA

teteng malupet: goodluck....sana makuha mo siya pabalik basta lagi mo lang tatandaan breanne....na....

teteng malupet: ang gwapo ko

Yoongi removed Taehyung from the conversation.

pakyoongi: goodluck

daddy jimin: FIGHTING

jin da dyosa: bruha ka naiiyak ako GO BREANNEEEEEEE

Napangiti sa tuwa si Breanne sa mga suportado niyang kaibigan. Kaya lang nawala yung ngiti niya nung marealize niyang 2:15 na.

"Shit." Napamura si Miko dahil traffic. Naghanap naman siya ng ibang daanan.

2:15.

15 minutes left.

Kaya ko ba to?

****

Up next: Epilogue.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top