23
Breanne's POV
Pagod na pagod na ako mag-aral. Kaya nag-break muna ako at pumunta sa Starbucks (para kunwari rich kid ako) para makapagpahinga ng saglit.
Pagkatapos kong mag-order, inilabas ko yung laptop ko at tinapos yung essay na kailangan kong gawin (saka para magmukha akong blogger).
"Miss Breanne?" Kinuha ko naman yung kape ko at muntik ko ng maibato pabalik dun sa babae ng makita kong sinulat niya na 'Bry Ann'.
NAPAKASIMPLE NA NGA NG PANGALAN KO, DI PA MASPELL NG MAAYOS. ANAK NG ULING.
Sa inis ko, nakakunot ang noo kong bumalik sa table ko, mas lalo naman akong nagulat ng may isang lalakeng nakaupo doon sa kabilang upuan ng lamesa.
Bulag ba tong si kuya, nandyan yung mga gamit ko oh. Ay teka. Paano kung magnanakaw yan. Tapang naman sa Starbucks pa napiling mangsnatch.
"Excuse me, nakaupo--" Bigla naman siyang tumayo at naglakad palayo, hindi ko pa nakikita ang mukha.
"HOY!" Napanganga ako ng literal nung tumingin siya sa akin.
Teka, hindi ba si--
"Hi, Breanne." Kinindatan niya ako at naglakad siya palayo.
T-tangina? Anong trip non?
"MIKO!" Bigla siyang napatigil. Pinagtitinginan nga siya ng mga babae, may isa pang nagpipicture.
Lumingon siya sa akin, ng nakangiti, yung parang nagpapacute. Yung eye smile niya..
Bigla siyang lumapit sa akin. "Hmm? Yes, noona?" Tumawa siya ng mahina.
Maka-noona naman 'to. Dalawang buwan lang naman tanda ko sa kanya.
"A-Ah..anong ginagawa mo dito?"
"Hm? What do you mean? Bawal ba? Ikaw ba may-ari nito?" Painosente niyang tanong.
"Gago, wag mo kong tina-trash talk. Baka gusto mong makatikim?"
"Makatikim ng ano?" Kinindatan niya ako at bigla siyang sumipsip doon sa hawak kong kape. Umupo siya sa kabilang upuan ng lamesa.
"ANAK KA NG--" Napatigil ako sa pagsigaw nung tumingin yung mga customers sa akin. Feeling ko tuloy nasa The Voice ako.
Nag-peace sign ako. "Hehe, sorry. Nadala ng emosyon."
Padabog akong umupo. Kung titignan mo lang itsura ngayon, maiinis ka na lang talaga.
"Bakit ka nakangisi?"
"Hmm? Masama ba?" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Huminga ako ng malalim at uminom sa kape ko.
Bigla siyang napaubo ng malakas. "Indirect kiss. Pfft."
Hindi ko siya narinig kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Pinagsasabi netong gagong 'to.
"Bakit ka ba nandito? Seryoso kasi." Nagfocus naman ako sa ginagawa kong essay. Bigla naman siyang nag-pout.
"Mukha kang bisugo."
"Gwapong bisugo ba kamo?" Nginitian niya na naman ako.
"Ano bang trip mo, ha?"
Tuwing nakikita ko kasi siya naalala ko lang yung katarantaduhan nilang dalawa ng kapatid niya. Gago, pagpustahan niyo pa ako. Kunwari di ko alam, mga depunggol.
"Wala lang. Date tayo."
Aba? Dahil ba panalo na si Namjoon, siya naman ngayon? Magkano pusta? Magkano?
Napangisi naman ako.
Gusto niyo pala ng laro. Sige. Makikipaglaro ako sa inyo.
"Date? Sige."
Namjoon's POV
Yesterday 10:04 PM
Breanne cleared your nickname.
Breanne cleared her nickname.
6:09 PM
Namjoon: Breanne.
Namjoon: Alam kong may problema ka. Please tell me. Please talk to me again.
Namjoon: Breanne, please. It's been a fucking week.
Namjoon: I miss you so much. Hindi mo naman ako pinapansin sa school. What the heck is your problem?
Seen 6:09 PM
Namjoon: Breanne!
Breanne: O?
Namjoon: Bakit ba hindi mo ako pinapansin?
Breanne: mamaya mo na ako i-chat may ka-date ako
Namjoon: Date? The fuck, Breanne. Not funny.
Seen 6:10 PM
Namjoon: You're still trying to make me jealous?
Seen 6:11 PM
Namjoon: Breanne.
Seen 6:11 PM
Namjoon: Breanne! Where the fuck are you!?
Namjoon: Hey!
Breanne: none of your business
Namjoon: What?
Breanne: namo sinearch ko pa sa google ano english ng "wala kang pakielam" tapos iwha-what mo ko, wawatwatin kita diyan
Namjoon: Can we talk?
Breanne: malmang we can talk di tayo pipe, shunga
Breanne: pipe hahahahahah diba tagalog yon ng vagi--
Namjoon: Breanne, ano bang problema, please tell me.
Breanne: problema?? HAHAHAHAHAH nukaba wala tayong problema : - - - )
Namjoon: Ano ba kasi yon! Para maayos natin tong relasyon na to.
Breanne: relasyon?? HAHAHAHQHAHAHHAHQ
Breanne: naging tayo ba? :-)
Breanne: andito na date ko bye
Namjoon: What the fuck Breanne.
You can no longer send messages to this person. Learn More.
Namjoon: BLINOCK MO BA AKO
You can no longer send messages to this person. Learn More.
Breanne's POV
"Noona."
"Hayop, 'wag mo akong tawaging Noona. Nakakasuka." Pinatay ko ang phone ko at nilagay sa bag. Nagiisip na ako ng pwedeng ilagay sa huli ng essay ko.
"Eh Noona. Tapusin mo na 'yan, magdadate pa tayo."
Pagkatapos ko magtype, nagbuntong hininga ako at niligpit lahat ng gamit.
"Oh, anuna?"
"Nood tayo sine."
"Pfft. Ge."
"May tanong pala ako." Lumabas kami ng Starbucks at naglakad papuntang sinehan.
"Kayo pa ba ni Namjoon?" Ng pagkasabi niya nun, napatigil ako sa kakalakad.
Oo sana, kung di ko lang nalaman na pinagpustahan niyo ako.
"Ha? Walang kami."
"Good." Bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya, bakas sa mukha ko ang pagtataka.
"Kase, Breanne. Gusto kita. And I want to be your boyfriend."
Namjoon's POV
Palakad lakad ako sa kwarto ko habang nag-aantay na sagutin niya ang tawag ko.
"PICK UP THE DAMN PHONE!" Sa inis, I threw my phone, buti napunta sa kama ko.
I groaned. Ano ba kasing problema? I..I can't understand why? Bigla siyang naging ganon?
I left my apartment. Pumunta ako sa bahay ng magulang ko, where Miko lives.
"Miko?" Bungad ko sa kanila pagtapak ko sa bahay.
"He left. Why? Is there something wrong?" My mom said. Umiling lang ako at ngumiti ng pilit.
Suddenly, nakarinig ako ng tao sa baba. Sinilip ko sa bintana, muntik na akong mapamura sa nakita ko.
Miko with Breanne, he was holding the waist of my girl. My girl.
How I wish that I wouldn't have to witness that.
Mas lalo akong nagulat sa sunod na nangyari. I was too shocked, so I left the house, using the other exit. Para hindi nila ako makita. I heard my mom calling me but I didn't budge. I was too broken.
Miko, my younger brother, kissed Breanne, the girl that I loved the most.
;;
Congratulations BTS for winning 'Artist of the Year' Award! I'm so proud of you, guys. Love you! (My nose is regla)
tysm for 16k you beautiful humans (and for 800 followers)
hmu;
twitter: alwaysjimins
personal twitter: kerishannen
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top