17

seventeen ;---) sAy ThE nAMe seveNTEEEEeeEN

****

"Bangon na diyan! Uy! Breanne!" Nakaramdam naman ako ng pagpalo sa ulo ko ng unan.

"PUTONG INIRE! ANO BANG PROBLEMA MO?!" Tumayo ako at handa nang manlaban ng tao nang marealize kong si Jimin pala yun.

"Kailan ka pa nakapasok sa kwarto ko? Porket maliit ka sansan ka na lang pumapasok."

Uy papasok saan ;--)

"Bebelabs mo asa baba, kakarating lang namin dito."

"Bebelabs?" Sabi ko.

Namjoon?

"S-Si Namjoon?"

"Malamang sino pa ba? Wag ka ngang shunga."

Inirapan niya ako at lumabas ng kwarto ko. Bitter lang siya at wala siyang lovelife. Magkakaroon rin yan, magdasal na lang siya.

Naghilamos ako at nagsuklay tapos bumaba.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko sa kanya. Hindi ko pa rin talaga alam kung seryoso ba siya sa akin o hindi.

Pagkatapos niya akong i-"lmao" sa chat, sineen ko siya. Tangina ano ba ibig sabihin ng "lmao" sinearch ko pa sa Google. Langkwenta.

"Why? Masama ba?"

Hindi ko muna siya pinansin at naglibot sa apartment namin. Oo, hindi muna ako sa bahay nakatira dahil mas malapit ang apartment na to sa school. Ok lang naman, mura lang upa. Tatlo kaming nakatira dito.

"JEONGHAN! ANONG ULAM!"

Nahalata naman ni Namjoon na iba ang kinikilos ko.

Gago ka, di naman sa lahat ng pagkakataon eh, patay na patay ako sa'yo. Sometimes lang, hehe.

Saka gutom ako ngayon, pagkain gusto ko.

"SECRET BAT KO SASABIHIN"

"HAYUP KA JEONGHAN!" Sabi ko naman at kumuha ng itlog sa ref. I love eggs kaya.

"HOY KERI WALA KA NA NAMANG NILUTO?"

(subukan niyong umangal dahil kabilang sa mga characters ang napakagandang otor nito, sisikuin ko kayo, char)

"MAGLUTO KA MAG-ISA MO!"

Sa inis, napasigaw na lang ako.

;------))))))

"Breanne, bat di ka nagrereply sakin?" Biglang sabi ni Namjoon.

"Wala akong load."

"Breanne, messenger yun, wag shunga."

Tumigil naman ako sa kakalakad at inirapan siya.

"Walang wifi."

"Ano yun?" Tinuro niya yung pldt box na kulay black kung saan galing yung wifi.

"WiFi."

"Oh."

"Nakalimutan ko password ng wifi."

"Pu--"

Bago pa siya makasagot, umalis na ako sa harapan niya.

Yan! Bagay yan sa'yo. May LMAO ka pang nalalaman.

Nagprito ako ng itlog saka kumain.

"Bakit ka nakatingin?" Sabi ko sa kanya at inirapan.

"Asan si Jimin?" Sabi ko dahil nawala na lang bigla yung bubwit na kasama niya na kanina lang nasa likod niya.

"I don't know."

Para siyang sira ulo na pinapanood akong kumain ng itlog.

Yak, baboy ha.

"Breanne, may problema ba tayo?"

Napatigil ako sa pagnguya at tinignan siya.

"Wara wamam shigurow."

"I don't understand you."

Uminom ako ng tubig at nagsalita.

"Hindi lang kita kinakausap, hindi ka na nakaintindi ng tagalog? Sabi ko wala tayong problema."

Nagpatuloy ako sa pagkain. Umupo naman siya sa isa pang upuan.

"Seryoso ako sa'yo."

"Oo alam ko, hindi naman mukhang nag-jojoke ka lang." Sabi ko at kumain ulit.

"Seryoso nga kasi."

"Ok."

"Breanne."

Nilapag ko yung utensils ko at tinignan siya.

"Oo nga! Alam ko! Paulit ulit, tangina."

"Bakit ba nagiging ganyan ka na?"

Nag-roll eyes lang ako at kumain ulit.

"Kinausap ka ni Miko?"

Puta. Napaubo naman ako at uminom ulit ng tubig.

"I knew it." Sabi niya at tumingin sa malayo.

Hala patay ka Miko, gago ka kasi.
"Breanne, wag ka magpaniwala sa mga sinasabi nun. Sa'kin ka maniwala, please?" Hinawakan niya naman yung kamay ko.

Oo na lang.

Ngumiti ako ng islayt at kumain ulit.

"Sige, aalis na ako. Miko would come back to our house and my fist already miss his face."

"Ha?"

"Nothing. JIMIN! ASAN KA NA! UWI NA TAYO!"

My fist already miss his face?

Buti pa yung face, na-mimiss. Charot.

"JIMIN!"

Bigla namang may bumaba galing taas, si Jimin na namumula yung tenga.

"Anyare sa'yo?" Sabi ko.

Hala, pawis na pawis.

"San ka galing?"

"CR, hyung. Bakit?"

Buti na lang tapos na ako kumain.

"ANONG GINAWA MO DON?! IKAW HA." Sabi ko.

Kasi pawis na pawis siya, tapos namumula, tapos omg.

"Tumae ako, Breanne. Pakibuhusan na lang ha!" Umalis na silang dalawa.

"PUTONG INIRE! SINONG UMEBAK DITO NA DI MAN LANG BINUHUSAN? INAMO JEONGHAN, IKAW BA? HOY BREANNE! MGA ANAK KAYO NG PONCIO PILATO, TANGINA--"

Binatuhan ko na lang ng tsinelas si Keri. Ang ingay neto.

Humiga ako sa kama at tumulala sa kisame.

Pano nga kasi kung totoo?

Paano kung hindi talaga siya seryoso? Paano kung tama yung Miko na yun?

Paano kung pinaglalaruan lang din pala ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top