CHAPTER 12
"YOU can open your eyes now, Miss Corpuz," narinig niyang wika ng doktor. "Alam kong kanina ka pa gising at narinig mo ang usapan namin. Don't worry, hindi ko sasabihin kay King na alam mo na ang lahat."
Gusto pa sanang magpanggap ni Mikaela na tulog ngunit alam niyang hindi siya papaniwalaan ng lalaking nagsasalita.
Isang malalim na buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan bago siya tuluyang nagmulat ng mata.
Wala na si King sa kwarto. Lumabas ito panandalian dahil inutusan ito ng doktor na tawagan na ang kanyang mga kamag-anak para ipaalam ang nangyari sa kanya.
"T-totoo ba talaga ang lahat ng iyon, Doc?" Halos pabulong niyang tanong.
Nagising siya kanina dahil sa narinig niyang may nag-uusap malapit sa kanya. Balak na sana niyang imulat ang kanyang mga mata pero pinigilan niya ang sarili lalo na't ang mga sumunod na narinig niya ay ang pagbanggit sa pangalan niya at kanyang kapatid.
Alam niyang masama ang makinig sa usapan ng may usapan pero hindi niya napigilan ang sarili na makinig lalo na't ang pinag-uusapan ay ang kwento sa likod ng nangyari sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Lemon...
Nakita niyang ngumisi sa kanya ang doktor at humalukipkip sa kanyang harapan. "What do you think, Miss Corpuz?"
Nag-iwas siya ng tingin. Alam niya sa kanyang sarili na naniniwala siya sa mga narinig niya. Pero hindi niya maiwasan na makaramdam ng takot. At ang takot na nararamdaman niya ay hindi niya mapangalanan kung saan nagmumula.
"Let me tell you this, Miss Corpuz..."
Muli niya itong binalingan ng tingin at nakita niyang nabura na ang ngisi sa labi nito at seryoso na itong nakatingin sa kanya.
"Mahal ka ng kaibigan ko. At kahit na hindi kami madalas magkita, alam ko, sa paraan ng pagtingin niya sa'yo kanina, alam ko na mahal ka niya..."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa sinabing iyon ng doktor. Mayamaya'y nagtubig ang kanyang mga mata.
"D-doc kasi..." Humikbi siya. Ngayon na nagsi-sink in na sa kanyang utak ang lahat, nakakaramdam siya ng matinding guilt.
Masyado siyang nagpadala sa tindi ng emosyon niya. Hindi niya pinagkatiwalaan ang pagmamahal sa kanya ni King. Masyado siyang nagpadala sa sakit na isiping hindi naman talaga siya minahal ni King. Masyado siyang nagpakalunod sa isiping naghihiganti lang ito sa kanya.
Naramdaman niya na lumapit sa kanya ang doktor at mahinang tinapik ang kanyang balikat. Tiningnan niya itong muli at nakitang nakangiti na ito sa kanya.
"Mas mabuti kung mag-uusap kayong dalawa. Sort things out. Walang problema ang hindi nareresolba sa maayos na usapan."
"Miks!"
Nagulat silang pareho ni Doc Miguel nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Nagmamadaling pumasok doon ang humahangos pa na si Harmony at mabilis na lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa mga kamay at tila ineeksamin kung nasugatan ba siya o ano.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa namin hinahanap! Hindi ka namin makontak! Mabuti na lang at nasa malapit lang ako nang tumawag si King at sabihing nandito ka! Ano bang nangyari sa'yo? At bakit ka umiiyak? Pinaiyak ka ba nitong doktor mo?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Harmony. Tumingin ito kay Doc Miguel at nakita niyang mabilis na kumunot ang noo nito.
"Anong ginagawa mo rito?" Naniningkit ang mga matang tanong nito sa doktor. Kulang na lang ay tirisin nito ang doktor sa paraan nang pagkakatingin nito roon.
"Harmony..." Tawag niya sa kaibigan. Naguguluhan siya kung bakit gan'on na lang ang reaksyon nito nang makita ang doktor.
Tumikhim ang lalaki. Kapagkuwa'y nakangising tiningnan si Harmony.
"Trouble is here. Labas na muna ako Miss Corpuz. Baka magkaroon ng gyera rito kapag nanatili pa ako rito," ani Doc Miguel at nakangising tumingin kay Harmony. Nagulat pa siya nang bigla nitong yakapin si Harmony at may binulong dito.
Mabilis na kumalas si Harmony sa lalaki at sasapakin sana ngunit mabilis itong nakaiwas at tinungo ang pintuan. Tumatawang tiningnan siya ng doktor bago tuluyang umalis.
"I'll check on you later, Miss Corpuz. Kapag wala na ang dragon," anito at kinindatan siya.
"Gago!"
Hindi alam ni Mikaela kung ano ang dapat na maging reaksyon sa nakita. Sa huli ay napailing na lang siya. Nakakagulat na mukhang magkakilala si Harmony at si Doc Miguel. Napapaisip tuloy siya kung paano nagkakilala ang dalawa.
"Sweet niyo. Boyfriend mo, Harms?" Ngingiti-ngiting tanong niya sa kaibigan.
"Boyfriend my ass!" Gigil na sabi nito at inikutan siya ng mata. "Makakaganti rin ako sa gunggong na 'yun!"
Natawa na lang siya sa sinabi ng kaibigan.
Somehow, nagpapasalamat siya na kahit saglit ay nawala sa isip niya ang pinoproblema dahil sa eksena ng mga ito.
"Teka nga, Miks! Bago magkalimutan, ano bang nangyari sa'yo? May masakit ba sa'yo? Naku! Maiihaw ko talaga ng buhay si King kapag nalaman kong may masama siyang ginawa sa'yo!"
Ang masayang ngiti niya kanina ay mabilis na napalis. Bumalik ang lungkot at guilt na nararamdaman niya kanina.
"Harmony..."
Ayaw na sana niyang umiyak pero makulit ang kanyang mga luha. Muli iyong tumulo. Naramdaman niyang niyakap siya ni Harmony ng mahigpit.
"Tell me what happened, Miks. Makikinig ako..."
"HANGGANG kailan mo balak iwasan si King?"
Hindi umimik si Mikaela sa tanong na iyon ni Harmony at bagkus ay tumingin sa labas ng glasswall ng naturang coffeeshop na iyon. Tahimik niyang sinimsim ang kapeng in-order niya.
Halos mag-iisang buwan na rin niyang iniiwasan si King. Panay ang tawag nito sa kanya ngunit hindi niya sinasagot iyon. Ilang beses na rin siya nitong pinuntahan sa kanilang bahay ngunit hindi niya ito hinarap.
Nakapag-usap na sila ni King noong nasa ospital pa siya. Sinabi nito sa kanya ang totoo. Pati na rin sa kanyang pamilya na mabilis umuwi ng Capogian Grande nang malaman ang nangyari sa kanya. Sinabi nito ang lahat-lahat. Humingi rin ito ng tawad sa paglilihim ng katotohanan. Sa huli ay napatawad rin ito ng pamilya niya. Humingi rin ng tawad ang pamilya niya rito at nagpasalamat na rin dahil alam nilang ginawa lang ni King ang bagay na iyon para sa ikabubuti ng lahat.
Ngunit kahit nagkapatawaran na ay hindi pa rin niya magawang lumapit kay King. Nahihiya kasi siya rito. At isa pa, kahit na nagkapatawaran na ay may isang bagay na nananatiling malabo sa kanya. Kahit ilang beses ng sinabi sa kanya nila Harmony, ng kaibigan nitong doktor, ni Christine, ni Fritz at kahit ng pamilya niya na mahal talaga siya ni King ay hindi niya magawang panghawakan iyon. Masyadong malaki ang takot na meron siya na kumakain sa buong pagkatao niya.
"Alam mo, sisterrette, pinapatagal mo lang. Wala namang basehan 'yang kinatatakutan mo, eh! Siguradong-sigurado ako na mahal ka ni King. Itaga mo pa sa bato! Hindi ka naman n'on susuyuin at hahabulin kung hindi ka mahal. 'Tsaka, ilang beses ba niya na kailangan sabihin na mahal ka niya? Million times ba? Gazillion times? Tigil-tigilan mo na'yang pagda-drama mo at puntahan mo na siya," ani Harmony at umiling-iling. "Sige ka. Kapag nagsawa 'yon kakasuyo sa'yo, goodbye kamahalan ka forever."
Nilingon ni Mikaela si Harmony at kapagkuwa'y bumuntong hininga ng malalim. Gustong-gusto niyang sundin ang payo nito. Pero kahit anong pilit niya sa sarili ay hindi niya magawa.
"Natatakot kasi ako, Harms..." Paanas niyang sabi sa kaibigan. "Paano kung... paano kung hindi niya talaga ako mahal? Paano kung... paano kung ang mahal niya talaga ay si ate? Na si ate ang nakikita niya sa akin at hindi ako? Paano kung... kaya niya lang ako sinusuyo ngayon kasi alam niyang ang puso ni ate ang tumitibok dito sa dibdib ko? Natatakot ako, Harms ..."
"Ang sarap mong batukan, alam mo 'yon?" Umiikot ang mga matang wika ni Harmony at lumipat ng kinauupuan. Tumabi ito sa kanya at mataman siyang tiningnan. "You need to conquer your fears, Miks. Whatever he will say, you need to accept it. Whether it will make you the happiest person in the world or it will leave you like a shattered glass.
"Find your courage and take the risks. Afterall, loving is not all about being happy and sweet. It will always be laced with sadness and pain." Hinawakan nito ang kanyang kamay at ngumiti sa kanya. "At isa pa, sa totoo lang? Hindi naman ang takot na baka hindi ka niya mahal ang pumipigil sa'yo, eh. It's your insecurities, Miks. You're insecure! You doubt yourself too much that you think he can't love you just the way you are. Sa tingin mo kasi, hindi mo kayang higitan ang ate mo sa puso niya. C'mon, Miks. You are better than that. Be confident! What's not to love about you? You are a lovable person and I'm pretty sure King has seen it. He loves you not because he saw your sister in you. He loves you simply because he loves you."
Nanubig ang mga mata ni Mikaela sa sinabing iyon ni Harmony. She was left speechless. Harmony can really knock some sense on her. Sapul siya sa lahat ng binitiwan nitong salita. At ayaw man niyang aminin ay tama ito. Hindi nga ang takot na baka hindi siya nito mahal ang pumipigil sa kanya. It's her insecurities. She's skeptical. Nagdududa siya sa sarili kung kaya niya nga bang higitan ang ate niya sa puso ni King.
Alam niyang wala namang kompetisyon sa pagitan niya at ni Lemon. Ang relasyon ng kapatid niya at ni King ay nakaraan na. At ang relasyon niya at ni King ay nasa kasalukuyan. Pero kahit ganoon ay hindi niya mapigilan ang kanyang isip na maliitin ang sarili. Palaging nagsusumiksik sa utak niya kung gaano minahal ni King ang ate niya at hindi niya alam kung mahihigitan niya iyon.
"Just a piece of advice, Miks..." Naramdaman niyang pinisil ni Harmony ang kanyang kamay. "Throw away all your insecurities and start running for that one thing you value the most."
Kumawala ang luha sa mga mata niya. Tama si Harmony. Kailangan niyang itapon lahat ng insekyuridad niya sa katawan at bumangon. Wala siyang mapapala kung patuloy siyang magpapakain sa takot at insecurity niya. Kailangan niyang kumilos. Ipaglaban ang gusto niya. Ano man ang maging resulta ng mga gagawin niyang aksyon, it will still be worth it. Whether it will fucking make or break her.
PABALIK-BALIK na naglalakad si Mikaela sa tapat ng bahay ng mga Romualdez. Kanina niya pa gustong pindutin ang doorbell ngunit hindi niya magawa. Kinakabahan siya. Kahit na sigurado siya sa sarili niya kung ano ang sadya niya roon ay hindi niya pa rin maiwasan ang kabahan.
Ilang araw na rin ang lumipas nang huling beses na nagtangkang tumawag sa kanya si King. Natatakot siya sa isipin na baka sumuko na ito sa kanya. Na baka tuluyan nang naubos ang pasensya nito sa kanya kaya hahayaan na siya nito.
Masyado ka kasing pabebe. 'Yan tuloy napala mo! Napailing siya sa bulong ng intrimitida niyang konsensya.
Oo na. Tanggap na niyang may mali siya. Pero kinailangan niya kasing mag-ipon ng sapat na lakas ng loob bago tuluyang bumalik sa Capogian Grande at harapin si King. She doesn't want to come back with still doubts on herself. Kailangan niya munang buuin ang sarili at siguruhin na hindi na siya kakainin ng kanyang insecurities. Ayaw niyang humarap kay King na meron pa ring takot.
Naramdaman ni Mikaela na may kung anong bumasa sa kanyang mukha. Pag-angat niya ng tingin sa kalangitan ay nakita niyang umaambon. Malungkot siyang ngumiti. Wala pa man din siyang dalang payong.
Bukas na lang kaya ako mang-istorbo? Baka tulog na rin siya kasi pasado alas dose na ng gabi, aniya sa sarili at tumingin muli sa bahay nila King.
Alas onse na ng gabi nang makarating siya sa Capogian Grande. At pagkarating na pagkarating niya sa Grande Heights ay tinungo niya agad ang bahay ni King.
Lulugo-lugong nag-umpisa na siyang maglakad palayo sa bahay nila King. Siguro, bukas na lang siya magpapakita rito.
Tuluyang lumakas ang ulan. Pero hindi siya nagtangkang tumakbo o magmabilis man lang ng paglalakad. Ninamnam niya ang ulang bumabasa sa kanya. At gusto niyang sariwain ang unang beses niyang nakita si King.
It was one rainy evening when she saw him. Katulad ng ginagawa niya ngayon, walang pakialam si King sa ulan na bumabasa rito. He was so consumed with his own thoughts that even rain couldn't get through him.
Napatigil ang pagdaloy ng kanyang alaala nang mapansin niyang hindi na siya nababasa ng ulan. Napaangat tuloy siya ng tingin at nakita niya ang isang itim na payong na nakasuklob sa kanya.
Kumunot ang noo niya dahil doon at dali-daling lumingon upang tingnan kung sino ang nagpapayong sa kanya.
Napasinghap siya nang mabistahan kung sino ito.
"I was wondering if you want to share umbrella? Basang-basa ka na kasi ng ulan," anito at ngumiti sa kanya.
Mabilis na tumulo ang luha ni Mikaela at walang ano-ano'y niyakap ang lalaki.
Oh, how she missed this man!
"Hey! What's with the tears?" Ani King nang angatin nito ang kanyang tingin at punasan ang kanyang mga luha.
Umiling siya. "I just...I just missed you..."
Muling ngumiti sa kanya si King at pinunasan muli ang kumawalang luha sa kanyang mga mata.
"I missed you too," anito at pinatakan siya ng isang halik sa labi.
Napapikit siya dahil doon. With just one kiss, pakiramdam niya lahat ng sakit na naramdaman niya nitong mga nakaraang linggo ay tuluyan ng naglaho.
Nagmulat siya ng mga mata at sinalubong ang tingin ni King sa kanya. He's tenderly looking at her at kita niya sa mga mata nito kung gaano rin siya nito na-miss.
"I'm sorry, King..." Aniya at may guilt sa mga matang tiningnan ito. "I'm sorry if I left you hanging."
"Don't be. I understand." Hinawakan ni King ang isa niyang kamay at hinalikan nito iyon. "May kasalanan din ako. I should have told you sooner but I kept it on myself. I was just scared on how you'll react on it." Huminga ito ng malalim. "I was just scared that you'll walk away from me when you learned the truth." Inilapat nito ang kamay niya sa tapat ng dibdib nito. "I'm sorry if I wasn't able to assure you how much I love you. But please believe me that I love you just because. No more explanation needed."
Muling niyakap ni Mikaela si King. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo dahil sa mga sinabi nito.
"I'm sorry for doubting you," naiiyak na sabi niya. "I'm sorry kung naisip ko na baka hindi mo naman talaga ako mahal. Na baka hindi talaga ako ang 'nakikita' mo. I was so consumed with my own insecurities that I thought I can never win your heart."
Naramdaman niyang umiling si King at hinaplos ang kanyang buhok. "It's okay, Mikmik. May pagkukulang din ako. I should have done otherwise if I only knew you'll feel that way. I'm really sorry. I love you."
Ang mga salitang iyon ni King ay sapat na kay Mikaela para makaramdam ng assurance sa pagmamahal nito sa kanya. Tama si Harmony. Hindi niya dapat pinagdudahan ang pagmamahal nito sa kanya. Sinaktan at pinahirapan niya lang ang sarili niya.
Dahil masyado siyang nagpakain sa takot at insekyuridad, hinayaan niya ang sarili niyang balutin siya niyon at mabulag sa kung ano talaga ang totoo.
Naramdaman niyang niyakap siya ng mahigpit ni King. "Anuman ang naging relasyon namin ng kapatid mo ay nakaraan na iyon. Totoong minahal ko siya ng sobra. But you came along. You proved to me that I can love more than what I had felt for her." Hinalikan siya sa sentido nito. "I was so broken and lost n'ong iniwan ako ni Lemon. But without your knowing, you helped me forget that I was once a shattered man. You made it easy for me to move on. Sa loob ng dalawang taon, nabuhay ako ng puno ng galit at sakit ang puso ko. Pero n'ong dumating ka, you made me feel like I'd never really gone through that miserable life. You made me come out of the cage I confined myself for the longest time. You made me believe in love again."
Pakiramdam ni Mikaela ay tunaw na tunaw na ang puso niya sa mga sinabi sa kanya ni King. Masyado siyang naging pessimistic sa pagmamahal nito sa kanya pero heto ito ngayon sa kanyang harapan, inilalahad kung paanong tinulungan niya ito na makapag-move on at matutong umibig muli.
"I love you," aniya rito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at nginitian. "I love you to the moon and back."
Tumawa si King sa kanya. Isang halik muli ang ginawad nito sa kanya. "I love you too, Mikmik. To infinity and beyond."
"Buzz light year, ikaw ba 'yan?" Aniya at tumawa na rin.
Natatawang umiling sa kanya si King. Kapagkuwa't inakbayan siya nito. "Let's go. I'll bring you home."
Nakangiting tumango siya rito.
"Papaano mo pala nalaman na nandito na ako?" Tanong niya.
"Tinawagan ako ni Harmony. She asked me kung nagkita na raw tayo. Out of reach daw kasi ang phone mo."
Mabilis na dinukot ni Mikaela ang kanyang cellphone sa bulsa. Doon niya lang napansin na hindi niya naalis sa airplane mode ang cellphone niya. Kaya pala hindi siya ma-contact ni Harmony. Paniguradong napraning na naman 'yon sa pag-aalala sa kanya.
"May confession ako," mayamaya'y wika niya at hinawakan ang kamay ni King na nakaakbay sa kanya.
Kunot noong tiningnan siya nito. "Ano?"
Napangiwi siya sa naisip at kapagkuwa'y lumabi. "Ang totoo niyan ay pinagdudahan ko ang sarili ko n'ong malaman kong ex mo si ate. You know the fact that her heart is currently beating inside my chest, right? Crazy as it may sound pero may kakaibang ideyang pumasok sa isip ko. What if I wasn't really in love with you? What if the love my sister felt for you is what I really felt?" Aniya at bumuntong hininga.
Kumunot ang noo niya nang mapansing hindi umimik si King sa sinabi niya. Kaya naman nilingon niya ito. Nakita niya ang unti-unting pagyugyog ng balikat nito at pagpipigil ng tawa.
"Hoy!" Tinampal niya tuloy ang balikat nito. "Napapano ka?"
Tuluyang bumunghalit ng tawa si King. Para tuloy siyang tanga na pinapanood ito. Hindi niya alam kung napapano ang lalaki at bigla na lang ito tumawa ng malakas.
Nang makalma sa pagtawa si King ay bigla nitong kinurot ang kanang pisngi niya.
"Aray! Masakit, ah!" Aniya at inangilan ito. Inalis niya ang kamay nito sa pisngi niya at iningusan ito.
Natatawang umiling ito. "You're so cute."
Sinimangutan niya ito. "Ganoon ba talaga nakakatawa 'yung sinabi ko? Sorry naman. Nabaliw lang." Humalukipkip siya.
Isang kurot sa pisngi ang muli niyang natanggap.
"Alam kong alam mo na ito but let me tell you..." Inabot muli ni King ang kanyang kanang kamay at hinawakan iyon ng mahigpit. Nginitian siya nito. "No matter how many hearts will be replaced in your chest, or to whom it may came from, that doesn't affect whoever you will love. Scientifically, it's the hypothalamus that produces the love. But in general, it's you. It's your whole being. When you fall in love, all your body parts unite. And when they did, they will be screaming at you telling that you already have fallen." Dinampian siyang muli ng halik nito sa labi. "And in your case, your whole being screamed that you already fallen for me."
Natatawang tinampal muli ni Mikaela si King sa braso. Binelatan niya ito.
"Conceited," nakangising sabi niya at nag-umpisang tumakbo palayo rito. Malakas pa rin ang ulan pero hindi niya inalintana iyon.
"Mahal mo naman!" Tumatawang sagot nito at hinabol siya.
Huminto siya sa pagtakbo at hinarap itong muli. Sinensyasan niyang huminto si King sa paglapit sa kanya. Sinukat niya ang distansya sa pagitan nila. They are four steps away to each other. Napangiti siya.
"I..." Humakbang siya ng isa. King stood still and looked at her with amusement in his eyes. "...love..." Pangalawang hakbang. "you..." Pangatlo.
In her fourth step, she was already closed to him. Ngumiti siya rito at bumulong, "...kamahalan."
As she said her last word, King immediately claimed her lips. She couldn't' help but to smile.
Happy memory entry number fifty three: Sweet kiss in the rain.
-WAKAS-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top