CHAPTER 09
"ANONG plano mo na ngayon? Patapos na ang bakasyon natin. We need to go back to Manila in no time," ani Harmony kay Mikaela habang nasa verandah sila ng kanilang hotel room at nagpapaantok.
Malulungkot ang mga matang tiningnan niya ang kaibigan. "I don't know, Harms."
Malapit nang matapos ang dalawang buwang bakasyon nila ni Harmony. At sa susunod na linggo ay kakailanganin na nilang bumalik ng Maynila para harapin ang kanya-kanyang trabaho.
Nalulungkot siya sa isiping hindi na niya madalas makikita si King. Kung maaari lang siyang manatili roon ay gagawin niya pero may mga naiwan siyang commitment sa Manila na kailangan niyang gawin.
Inakbayan siya ni Harmony at nginitian. "Why don't you tell him what you really feel for him?"
Malungkot na napailing siya. "Easier said than done."
"Sisterette, listen." Umalis sa pagkakaakbay sa kanya si Harmony at pinaharap siya nito. Seryoso ang mga mata nitong tiningnan siya. "There's no harm in trying, okay? If you'll get rejected, it's fine. At least nasabi mo sa kanya kung ano ang nararamdaman mo sa kanya." Hinawakan nito ang kanyang balikat at ngumiti. "But I highly doubt it kung mare-reject ka nga. Kasi kung hindi mo napapansin, both of you feels the same. He's in love with you. Trust me."
Hindi siya umimik bagkus ay malungkot na ngumiti kay Harmony. Ilang beses na niyang narinig iyon dito. Kahit si Christine ay iyon din ang palaging sinasabi sa kanya. Pero ayaw niyang umasa. Dahil baka masaktan lang siya lalo kapag naniwala siya sa isang bagay na hindi naman totoo.
What do you think, ate? Should I tell him what I feel? Aniya sa sarili at kinapa ang kanyang puso.
Akala niya kahapon ay may chance na baka may nararamdaman din ito sa kanya. Pero mukhang umasa siya sa wala. Matapos ang eksena nila sa dagat ay hindi naman na ulit nagtanong si King na ikinadismaya at ikinalungkot niya talaga ng husto.
That's it, Miks! Accept the fact that it's a one-sided love. And forever it will be. Huwag ka ng umasa sa isang bagay na hindi naman mangyayari.
Napatigil sa pag-iisip si Mikaela nang marinig nila ang pagbukas ng pinto. Marahil ay bumalik na si Christine. Hindi nila ito mahagilap kanina dahil iyon pala'y dumating si Fritz at mukhang may seryosong pinag-usapan ang mga ito.
"Miks!" Halos mapatalon sila ni Harmony sa gulat dahil sa malakas na pagtawag nito sa kanya. Paglingon niya rito ay nag-alala siya nang makitang umiiyak ito.
"Napano ka?" Tanong niya rito at mabilis na nilapitan ito.
"S-si kuya...S-si kuya King..." Sambit nito at humagulgol ng iyak.
Tila may malakas na sumipa sa kanyang puso nang marinig niya ang pagbanggit ni Christine sa pangalan ng pinsan nito. Biglang napuno ang kanyang puso ng takot at pag-aalala.
"A-anong nangyari sa kanya? N-napano siya? Nasaan siya, T-tin?" Pilit niyang pinakakatatagan ang sarili. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Ano man ang mangyari ay kailangan niyang lakasan ang kanyang loob.
"S-si k-kuya..." Muling humikbi si Christine, "n-nasa...s-sand bar..."
Hindi na niya pinatapos magsalita sa Christine at mabilis siyang tumakbo palabas ng kwarto. Mabilis ang tahip ng kanyang dibdib. Maraming naglalarong negatibong ideya sa kanyang utak na pilit niyang inaalis pero hindi niya magawa. Sunod-sunod na pumatak ang kanyang luha. Parang hindi niya ata kakayanin kung may mangyayaring masama kay King.
Oh, dear Lord! Huwag Niyo pong hayaan na may mangyaring masama sa kanya...pakiusap po...
Nang makarating siya malapit sa sand bar ay bumagal ang kanyang pagtakbo. Kahit nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng kanyang luha ay napamata siya sa nakita.
Hindi na ganoon kahaba ang sandbar 'di tulad ng sa umaga. Palibhasa kasi ay hightide kaya nailaliman na ang nasa unang bahagi nito ng tubig dagat.
Sa dulong bahagi kung saan nagtatagpo ang buhangin at tubig-dagat ay isang naka-set up na gazebo ang naroroon na napapalibutan ng mabining liwanag. Ang daan patungo naman doon ay may nakahilerang mga kandila na nagsisilbing liwanag sa daan.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo roon. Pinalis niya ang kanyang luha sa mga mata at manghang tinitigan ang gazebong naroon.
Hindi pa rin nawawala ang takot na nararamdaman na meron siya pero bahagya iyong natabunan nang pagkamangha dahil sa nakikita.
Nang makarating siya sa gazebo ay nagulat siya nang mas lalo pa iyong lumiwanag. Mayamaya'y isang tugtog ang pumailanlang sa paligid.
"What makes an angel fall in love? What makes a good man turn and run? How do you know if she's the one? I've made all the perfect turn of lies. And I've sugarcoated my disguise. But I can't cover this up with sweet goodbyes, no. There are only beautiful excuses in my eyes..."
Lumingon siya at nagulat siya nang makita si King na nakangiting tumutugtog ng gitara at kumakanta.
Nasapo niya ang kanyang bibig nang may ma-realize. Naloko siya ni Christine! At...at kasalukuyan siyang hinaharana ni King!
King sang his heart out with his beautiful voice. And she can see the depth of his soul as she met his gaze.
Pakiramdam niya ay natutunaw ang puso niya sa sobrang kaligayahan. Kanina lang ay malungkot siya sa isiping kahit kailan ay hindi masusuklian ang pagmamahal niya rito ngunit ngayon, napatunayan niyang totoo nga ang sinasabi ng kanyang mga kaibigan.
Hindi ito mag-aabala na gawin ang mga ito kung wala itong nararamdaman sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilang mapaluha muli. Hindi dahil sa takot o kaba. Kundi sa kaligayahan. Isipin niya pa lang na pareho sila nito ng nararamdaman ay pakiramdam niya ay lumulubo ang kanyang puso at lumulutang siya sa kawalan.
"Alam kong nagulat ka sa ginawa kong ito. And I'm sorry for making you cry just to make this happen." Napahawak ng batok si King at nangingiming ngumiti ito sa kanya. Kapagkuwa'y huminga ito ng malalim. May pagsuyo sa mga matang tinitigan siya nitong muli. "You came to my life without even knocking. You just entered without my consent. One day, I woke up and was surprised to realize that you're already wandering inside the cage where I kept myself for a long, long time.
"You've broken the rule I made that no one can easily enters my life again. You're like a bandit dressed in a princess' gown. You've taken something that I have buried in the depths of the sea because it was once shattered." Inabot ni King ang kanyang mga kamay at matapos ay hinawakan iyon ng mahigpit. "I came here not to get it. But to let you know that I'm happy you've stolen it from me." Binitiwan nito ang isa niyang kamay at pinunasan ang luhang patuloy sa pag-agos sa kanyang mga mata. "Thank you for having a brave heart to hold something that's broken. That even if it may hurt you, you still chose to hold it with courage.
"Christine told me, that you're in love with me..."
Napatigil siya sa pagluha at nanlalaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito.
"Thank goodness she said that to me because I've almost gone mad when you told me about L yesterday..."
Hindi niya napigilan ang matawa sa kasunod na sinabing iyon ni King. Marahil ay idinaldal na rin ni Christine dito ang kinwento niya na ang tinutukoy niyang L kahapon kay King ay si Lord.
"I thought I'm having an unrequited love but then, I was wrong..." Ngumisi sa kanya si King at matapos ay lumapit pa sa kanya ng kaunti.
They were only inches away and just one wrong move; they'll be kissing each other's lips.
"I love you, Mikaela. And I will court you everyday to show you how much I love you."
Muling bumuhos ang kanyang mga luha. Ah! Sa wakas! Narinig niya rin ang mga salitang iyon dito. Ang mga salitang matagal na niyang inaasam na marinig mula sa labi nito.
Mabilis niyang niyakap ng mahigpit si King. Hindi na siya magpapakipot pa. Hindi naman na niya kasing maitatangging mahal niya ito dahil alam na nito ang bagay na iyon dahil sa kadaldalan ng pinsan nito.
"I love you too, King," bulong niya sa tenga nito.
Kumalas sa pagkakayakap sa kanya si King. Malapad ang ngiti nitong hinawakan nito ang kanyang pisngi at unti-unting inilapit ang mukha nito sa kanyang mukha.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at hindi naglipat ang ilang sandali ay naglapat ang kanilang mga labi.
She's never been kissed before but hell, she knows that it's the sweetest kiss she'll ever have.
Happy memory entry number thirty two: Sweet kiss.
"CAN'T you just stay here, Mikmik?"
Naramdaman niyang ipinatong ni King ang mukha nito sa kanyang balikat kaya naman napangiti siya.
Marahan niyang hinaplos ang ulo nito at matapos ay pinagpatuloy ang pagpipinta kahit yakap-yakap siya nito mula sa likod. "As much as I want to stay here, I can't, kamahalan. May mga commitments kasi ako na kailangang tapusin sa Manila. Don't worry, babalik agad ako once matapos ko ang mga iyon, okay?"
"But I will terribly miss you," anito at bumuntong hininga.
Pakiramdam ni Mikaela ay natunaw na naman ang puso niya sa sinabi nito. Kung tutuusin, hindi ito ang unang beses na pinag-usapan nila ang bagay na iyon. At hindi rin ito ang unang beses na sinabi nitong mami-miss siya nito ng sobra kapag umalis siya. Pero kahit ganoon, pareho pa rin ang dulot niyon sa kanyang pakiramdam. Nakakatunaw at the same time, nakakasaya ng puso.
"I'll miss you too," aniya at inilapag ang brush na hawak niya. Kumalas siya sa pagkakayakap nito at humarap dito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at kinurot. "You know we can still talk to each other even if I'm away, right? Kaya huwag ka ng malungkot."
"Pero gusto kong palaging nasa lang tabi kita," sansala nito.
Natawa siya sa lambing nito. "Dear kamahalan, katulad ng paulit-ulit kong sinasabi, there are things that I still need to settle. At kahit gusto kong pagbigyan ka, hindi talaga pwede. Kaya 'wag nang makulit, okay? Mabilis lang dadaan ang araw. Magugulat ka na lang isang araw, nakabalik na ako rito at kasama mo na ulit ako."
"What if I'll just stay in Manila? Para palagi kitang kasama? What do you think?" Anito na tila ayaw sumuko. Hinawakan pa siya nito sa kamay at may pag-asa sa mga matang tiningnan siya nito.
Naiiling na natawa na lang siya muli. "May I remind you Mr. Kiko Antonio Romualdez that you're running a company here and you have tons of responsibilities. Though your proposal is tempting, I will decline your offer."
Hindi umimik si King sa sinabi niya pero mayamaya'y narinig niya muli ang malakas na buntong hininga nito. Tumalikod na muli siya rito upang ipagpatuloy ang pagpipinta. Naramdaman niyang niyakap siya nitong muli at ipinatong ang baba nito sa kanyang balikat. "Fine. I'll just wait for you here. Or if I really can't stop myself from wanting to see you, I'll just go there to visit you."
"Better." Nakangiting sabi niya at muling hinaplos ang ulo nito.
"WHEN do you intend to tell her the truth, King?"
Napabuntong hininga na lang si King sa tanong na iyon ni Fritz at muling nilagok ang inuming alkohol.
Ilang beses na niyang kinukumbinse ang sarili na kausapin si Mikaela at sabihin ang totoo ngunit pinanghihinaan siya ng loob.
Siguro natatakot siya. Natatakot siya sa isipin na baka dumistansya sa kanya si Mikaela kapag nalaman nito ang tungkol sa bagay na iyon.
Alam niyang nakalipas na iyon. At hindi dapat noon maapektuhan kung ano man ang meron sila ni Mikaela ngayon. Pero alam niya...na kapag nalaman nito ang tungkol sa bagay na iyon ay may magbabago...
"I don't know, Fritz...I don't know..."
Nakita niya sa kanyang peripherals ang pag-iling ng kaibigan. "Tell her the soonest, King. She deserves to know it."
"I know," aniya at muling nagsalin ng alak.
Naramdaman niya ang mahinang pagtapik ni Fritz sa kanyang balikat kaya naman nilingon niya ito.
"C'mon, King! Ang importante rito ay mahal na mahal mo siya at gan'on din siya sa'yo. That's already in the past. Hindi kayo dapat maapektuhan n'on. And I thinks it's high time for you to tell the whole world what's really the truth."
Alam ni King iyon. Pero hindi niya lang talaga maiwasan ang makaramdam ng takot sa maaaring kahihinatnan n'on.
Of course, you have to explain your side, King. Trust, Mikaela. She'll understand.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top