CHAPTER 08
MASAYANG nagkakasiyahan ang mga residente ng Grande Heights sa park kung saan nagaganap ang masayang pagtitipon. May mga palarong inorganisa hindi lang sa mga bata kundi para sa mga matatanda. May mga nag-perform din. Marami ring mga nakahandang pagkain na pinagtulungang lutuin ng mga residenteng taga-roon.
"This is fun!" Hinihingal ngunit tumatawang wika ni Christine matapos makipaglaro sa ilang mga batang naroon. Naupo ito sa kanyang tabi at ininom ang tubig sa basong nakalapag sa mesa.
"Yeah! Ang tagal na n'ong huli akong um-attend at nakisaya sa isang pistahan," aniya at malapad ang ngiting pinagmasdan ang paligid.
Noong bata pa siya, may mga ilang pagkakataon na naisama siya ng kanyang lolo't lola sa kanilang probinsya sa Ilocos Norte upang dumalo sa kapistahan at para makapagbakasyon na rin. Tanda niya pa kung gaano kasaya ang makadalo sa pista. Hinding-hindi niya malilimutan iyon.
"Ako rin!" Ani Christine at nakangiting sumandal sa kinauupuan. "Alam mo naman sa Manila, hindi kasing lively ang fiesta katulad sa probinsya."
"True!" Sang-ayon niya at kinain ang stick-o na kinuha niya sa buffet kanina.
"'Nga pala, napakaganda ng mural na ginawa mo! Puring-puri ng mga residente rito 'yung ipininta mo at parang may narinig pa akong gustong magpagawa sa'yo," tila kinikilig na wika ni Christine sa kanya at hinawakan siya sa braso at iginalaw-galaw iyon. "So proud of you, my friend!"
Binalot ng matinding katuwaan ang puso niya sa narinig na sinabing iyon ni Christine. Nagpasalamat siya rito. Ibang klaseng kasiyahan talaga ang nararamdaman niya sa tuwing nalalaman niyang nagugustuhan ng mga tao ang obra niya.
Natatawang sinaway niya si Christine nang mapansing hindi pa rin ito tumitigil sa pagyugyog sa kanyang braso. "Para ka talagang bata kung kumilos! 'Yung totoo, ilang taon ka na ba? Five years old?" Panunukso niya rito.
Lumabi si Christine at binitawan siya. "Ito naman! Pagbigyan mo na 'ko! Dito lang ako may freedom. Kapag nasa Manila na ako, kailangan kong bumalik sa pagiging si Christine, the prim and proper. Dito ko lang nailalabas ang kakulitan ko sa katawan."
Nangingiting napailing na lang siya. Naiintindihan niya naman ito. Alam niyang mahirap maging public figure. Lahat ng mata ay nakaantabay sa'yo at isang pagkakamali lang ay mag-uugat ng hindi magandang isyu.
"Alright, baby girl. Do as you please," aniya at natatawang tinapik-tapik ang balikat nito.
Tumawa si Christine dahil doon at matapos ay tumayo muli. "Hanapin ko muna si Harmony. Nalunod na 'ata sa banyo. Tagal bumalik."
"Sure," sagot niya at tumango. Matapos ay ngumisi. "Baka kailangan mo ng salbabida pang-sagip?"
"No need. Marunong akong lumangoy. Kayang-kaya ko siyang sagipin kahit gaano pa kalalim ang tubig sa toilet bowl," sagot nito at humalakhak.
Tumawa na lang siya sa sinabing iyon ni Christine. Matapos ay umalis na ito at tinungo ang restroom.
Inikot niya ang paningin sa paligid nang mapag-isa. Pinagmasdan niya ang nagkakasiyahang mga residente. Naisip niyang sana ay naroon din ang kanyang pamilya. Paniguradong mas masaya ang kapistahan na iyon kung kasama niya ang mga ito.
"Naaan na ang mga kaibigan mo?"
Napaangat siya ng tingin sa nagsalita. Nakita niya si King sa kanyang gilid at mukhang kararating lang.
"Nagpunta silang restroom," aniya at umusog ng kaunti. "Upo ka."
Naupo sa kanyang tabi si King at matapos ay tumingin din sa mga residente. Nakangiti ito kaya naman hindi na naman niya napigilan ang sarili na tinitigan ito.
So, nagtataka ka pa ba Mikaela kung bakit ka na-inlove sa kanya? Ngiti pa lang, pamatay na, anang isang bahagi ng isip niya. Lihim siyang napabuntong hininga.
Pilit niyang iniwasan na mahulog kay King. Pero wala. Kahit anong iwas niya ay tila nakahanda na talaga 'ata ang puso niya para mahulog dito. Nahulog siya rito sa isang kisap lang ng mata.
Ito ang kauna-unang beses na nahulog at na-inlove siya sa isang tao. At noong na-realize niyang inlove na nga talaga siya kay King ay hindi niya malaman kung ano ang dapat gawin. Noong una, naisip niyang umiwas na lang dito at bumalik na sa Maynila. Hindi niya kasi alam kung paano ito haharapin nang hindi nito napapansin na mahal na niya ito. It always takes her a lot of effort para itago ang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ito.
Isa pa, sa tingin niya ay hindi pa ito nakaka-move on sa ex nito. Wala man itong sabihin sa kanya tungkol sa nakaraan nito ay may pakiramdam siyang nasasaktan pa rin ito dahil doon.
Naisip niya na pareho sila ng kinabagsakan ni Harmony. They both have unrequited love.
Noon, sa tuwing nagda-drama si Harmony kapag naaalala nito ang lalaking mahal ay palagi niyang sinasabi na maghanap na lang ito ng iba dahil hindi naman nito kayang suklian ang pagmamahal nito. At ngayon ay napagtanto niya kung gaano kahirap gawin ang payo niya rito lalo na kung mahal na mahal mo na ang isang tao.
Just enjoy it, Mikaela. Afterall, hindi naman por que mahal mo ang isang tao ay kailangan ka rin niyang mahalin. Love, above all, is being selfless.
"You know staring is rude, right?"
Mabilis na nag-init ang pisngi ni Mikaela nang marinig ang sinabing iyon ni King. Hindi niya napansin na matagal na pala siyang nakatitig dito kaya nahuli siya nito.
"Sorry," nahihiyang wika niya at napahawak sa kanyang kaliwang tenga. "It's just that...I really like watching you while smiling. It's contagious. At alam kong nasabi ko na ito sa'yo noon pero sana mas madalas ka pang ngumiti. It suits you really well."
Amused na tiningnan siya ni King. "Really?"
Nahihiya man ay kinapalan niya ang mukha niya at tumango. "Mas lalo kang gumagwapo kapag nakangiti."
Isang malapad na ngiti ang kumawala sa labi ni King at matapos ay may pagsuyo sa mga matang tinitigan siya. "Thank you, Mikaela."
"'Sus! Maliit na bagay." Tumatawang iwinasiwas niya ang kanyang kamay. Kapagkuwa'y natigilan siya at napahawak siya sa kanyang baba. "On the second thought, hindi pala iyon maliit na bagay. You should really be grateful. Minsan lang maka-appreciate ng kagwapuhan ang diyosang tulad ko kaya dapat lang na magpasalamat ka sa pagpuri ko sa'yo, taga-lupa."
Humalakhak si King sa tinuran niya. Puno iyon ng buhay kaya naman hindi na naman niya napigilan ang sarili na titigan ito.
So, yeah. No more backing out, Mikaela. Just enjoy the ride. Embrace the rule of love. That when you love someone, you forget all the 'what if's'. All you need to think is the 'what is'. Do things what your heart desires. Even if it hurts. Even if you know that there'll be no happy ending for the both of you. Even if loving that person will leave you broken.
Tumigil sa pagtawa si King at matapos ay nilingon siya. Nakangiti pa rin ito at tila ba aliw na aliw pa rin. "I don't know what you do to me to make me laugh so hard. Kung tutuusin, you're not a comedienne. Hindi naman ganoon nakakatawa ang mga banat mong jokes sa akin. But there's something in you that makes me want to smile always," anito at ginagap ang kanyang kamay. May pagsuyo sa mga matang tinitigan siya nito. "Thank you, Mikaela...Thank you for bringing back my smile that I thought I have lost for ages."
Pakiramdam ni Mikaela ay tumalon ang kanyang puso at binalot iyon ng matinding kasiyahan sa tinurang iyon ni King. His words made her feel like she did something great kahit alam niyang wala naman talaga siyang ginawang napakalaki para rito.
Nakakataba ng puso na isiping siya ang dahilan kung bakit muli itong ngumingiti at tumatawa ngayon. At isang malaking karangalan sa kanya na marinig na siya ang dahilan kung bakit bumalik ang ngiting akala nito'y matagal ng nawala rito.
"My pleasure, kamahalan," aniya at ngumiti rito.
It was all she can say. Marami pa siyang gustong sabihin ngunit iyon lang ang lumabas sa kanyang bibig. Pero alam niyang sa likod ng mga salitang iyon ay kuha naman ng lalaki kung ano pa ang nais niyang iparating tulad nang masaya siyang malaman na napapangiti niya ito.
"Anyways, I have a gift for you," ani King at tumayo. Pinatayo rin siya nito at sinabing kukunin daw nila ang regalo nito sa kanya sa kotse nito.
"Para saan ang gift?" Curious na tanong niya nang makarating sila sa kotse nito.
"It's a token of appreciation for a job well done with the mural," nakangiting sagot nito sa kanya at matapos ay kinuha sa kotse nito ang isang parihabang kahon na nakabalot sa isang glossy na pambalot. "Here. I hope you'll like it."
Napangiti siya. Hindi niya naisip na mag-aabala pa ang lalaki na bilhan siya ng regalo para sa ginawa niya. She's been well compensated sa ginawa niyang mural and yet, naisip pa rin nitong bigyan siya ng regalo.
Hindi niya akalain na matitibag niya ng ganoon kabilis ang mataas na pader sa pagitan nilang dalawa. Kasi kung aalalahanin niya, hindi gusto ni King ang presensya niya. Parang iwas na iwas ito sa kanya noong una. Pero sa mga nakalipas na araw ay unti-unting naglaho iyon. She was able to reach him. And so did him, even if he wasn't aware of that.
"Hindi ka na sana nag-abala pa," wika niya at nakangiting binuksan ang regalo.
Ang regalo nito ay naglalaman ng sketchpad at mga lapis. Napangiti siya ng malapad at may pagsuyo sa mga matang tiningnan si King. "Maraming salamat dito, King. I really appreciate it."
"Simple lang ang regalong iyan pero masaya akong malaman na nagustuhan mo," ani King at nakangiting nagkibit-balikat. "I hope whenever you draw something on that paper, it will always be happy memories."
Ngumiti siya ng malapad dito. "I will. I promise na puro happy memories lang ang iguguhit ko rito. Nothing more. Nothing less," aniya at inabot ang kamay nito. "Salamat talaga."
"Glad to hear that," sagot ni King at gumanti ng hawak sa kamay niya. "And you're welcome."
"I think meron na akong maiguguhit sa unang pahina ng sketchpad nito," sabi niya at bumitaw na sa pagkakahawak sa kamay ni King.
"What is it?" Nakakunot noong tanong ni King sa kanya.
Hindi siya sumagot bagkus ay nginitian niya lang ito. Yakap-yakap ang regalo nito'y tinalikuran niya na ito at masayang bumalik sa nagkakasiyahang mga tao.
Narinig niya pa ang pagtawag sa kanya ni King at pagtanong nito kung ano ang iguguhit niya ngunit tumawa lang siya.
Happy memory entry number one: You held my hand while smiling at me.
"SHEMS! Ang ganda rito!" Kumikinang ang mga matang wika ni Harmony habang inililibot ang tingin sa malawak na dalampasigan ng Bajo del Sol.
Namamanghang napatango na lamang si Mikaela sa tinurang iyon ni Harmony. Kulang ang salitang maganda para ilarawan ang lugar na iyon. Pakiramdam niya ay nasa paraiso siya. Hindi niya akalain na mayroong ganoong kagandang lugar sa Capogian Grande.
Puti at pinong-pino ang buhangin sa baybayin. May sand bar pa na humuhugis letrang C sa bandang dulo ng beach. Mangasul-ngasul ang dagat at kita niya ang magagandang korales na nasa bungad lamang. Hindi na tuloy siya makapaghintay na lumangoy.
"Mabuti na lang pala at sinama tayo ni Kuya King dito! If I should have known earlier na ganito kaganda ang beach ng CG, matagal ko na kayong inaya rito!" Wika naman ni Christine at panay kuha ng mga larawan habang naglalakad.
Kadarating lang nila sa Bajo Del Sol kani-kanina lang. Mayroong business meeting si King sa lugar na iyon at inaya sila nito sumama para naman daw mas lalo nilang ma-enjoy ang pagbabakasyon nila sa CG. At hinding-hindi siya nagsisisi na sumama siya. The place is indeed a heaven for pete's sake!
Hinubad niya ang suot na sandalyas at inapak ang mga paa sa buhanginan. Idinipa niya ang kanyang mga kamay at sinamyo ang preskong hangin. Nakangiting pumikit siya.
Ah! This is life!
Naramdaman niyang may sumundot sa kilikili niya kaya naman mabilis siyang dumilat at ibinaba ang mga kamay. Sumalubong sa kanyang tingin ang nakangising si King.
"Let's go back to the hotel, Mikaela. Mag-breakfast muna tayo," anito sa kanya. Kinuha nito sa kanyang kamay ang sandalyas at yumuko ito. Maingat na isinuot nito muli iyon sa kanyang mga paa. Hindi niya tuloy naiwasan na muling kiligin sa inakto nito.
Oo na, King! Hulog na ako. Huwag mo na akong pahulugin pa lalo dahil hindi na ako makakaahon!
Nang maisuot nito ang kanyang sandalyas sa kanyang mga paa ay nakangiting hinawakan nito ang kanyang kamay at iginiya pabalik sa hotel. Napamaang na lang tuloy siya rito habang sumusunod sa paglalakad.
Nakita niya pa ang mapanuksong ngiti nila Christine at Harmony nang madaanan nila ito.
Ah! This is what really life is! Nangingiting wika niya na lang sa sarili habang tinitingnan ang magkahugpong na mga kamay nila ni King.
"Kaloka. Si Mikaela lang ang aayain mag-breakfast? Paano naman kami ni Harmony, kuya King? 'Di uso sa amin ang magutom?" Tumatawang sigaw ni Christine kay King nang makalayo sila.
Tumatawang nilingon ni King sila Christine at sinenyasan. "Follow me!"
"TAPOS na ang meeting mo?" Tanong ni Mikaela kay King nang makita itong umupo sa katabing sun lounger na inuupuan niya. Naka-board shorts na ito at hakab sa katawan nito ang suot na puting sando. Hindi niya tuloy naiwasan ang mapalunok nang mapatitig sa katawan nito.
Pagnasaan mo pa, Mikaela. Push mo 'yan, 'te!
Tumango sa kanya si King. "I've closed the deal with Bracks. In no time, we'll start expanding his resort."
Napapapalakpak siya sa narinig. "Congratulations, King! Sabi na, eh! Mako-close mo ang deal!"
Natutuwa siyang malaman na naisara nito ang deal kay Bracks, ang may-ari ng hotel kung saan sila tutuloy sa loob ng dalawang gabi. Bukod kasi sa realty business ay may construction firm ang pamilya ni King. Kinuha ni Bracks ang kompanya nila King para maghandle sa pagko-construct ng new buildings and villas sa resort nito.
"Thank you, Mikaela," anito at nakangiting humarap sa kanya. "Bakit ka nga pala nandito? Bakit hindi ka sumama kina Harmony mag-snorkeling?"
Nakangiting umiling siya rito. "Masakit pa kasi sa balat ang init ng araw. Isa pa, nage-enjoy akong basahin ang book na ito," aniya at pinakita ang librong binabasa niya kanina pa.
Kanina pa siya inaaya nila Christine na mag-snorkeling at diving ngunit tumanggi siya. Nakontento naman na kasi siya sa paglangoy kanina at kahit papaano'y nakita niya ang ilan sa yamang-dagat ng Bajo Del Sol.
"C'mon, Mikaela. You're not here just to read a book!"
Napatili siya nang maramdamang binuhat siya ni King at dali-daling tumakbo patungong dagat. Napakapit tuloy siya nang husto sa balikat nito dahil sa ginawa nito.
"King!"
Naramdaman niya muli ang katamtamang lamig ng tubig ng ibagsak siya ni King sa dagat. Narinig niya rin ang malakas na halakhak nito matapos siyang umahon.
Hindi pa man din siya nakadamit pang-ligo. Mabuti na lamang at nakasando siya at cotton shorts kaya hindi siya mahihirapan lumangoy.
"Bwisit ka!" Aniya at tumatawang sinabuyan ito ng tubig.
Humahalakhak pa rin na umiwas ito at kapagkuwa'y lumubog ito at lumangoy palayo sa kanya. Sinubukan niya itong habulin pero hindi naglipat ang sandali ay nagulat na lang siya nang maramdamang may pumulupot sa kanyang bewang na naging dahilan upang mapatili muli siya. Panandalian siyang nilubog nito sa tubig at sabay rin silang umahon.
"'Yung totoo, balak mo ba akong lunurin?" Tumatawang sabi niya kay King at sinabuyan muli ito ng tubig.
"Lunurin sa pagmamahal? Oo. Para 'paniguradong wala ka nang kawala," anito at tumatawang kinindatan siya.
Saglit siyang hindi nakaimik sa narinig. Pakiramdam niya ay napuno ng hangin ang kanyang puso. Seryoso ba ito sa sinabi nito? O baka isa na naman ito sa mga nakakalokong biro nito at wala naman talagang malisya?
Just settle for the last, Miks. It's better that way. Para hindi ganoon kasakit kung sakaling biro lang talaga.
"Loko!" Aniya at pilit ang tawang sinabuyan ito muli ng tubig. "Lunod na ako sa pagmamahal ni L kaya 'di mo na ako malulunod pa!"
Nakita niya na unti-unting nabura ang ngiti sa labi ni King at kumunot ang noo nito. Seryosong tiningnan siya nito. "Who's L?"
Napakunot na rin ang noo niya. Hindi niya mawari kung bakit ganoon na lang ang reaksyon at tanong nito sa sinabi niya. Hindi kaya nagseselos ito?
Kilig ka naman? 'Ge, push! Pagselosin mo nang malaman natin kung ano talaga ang totoo! Anang isang bahagi ng kanyang isip.
Balak na sana niyang sabihin ang totoo rito pero habang tinitingnan ang seryoso nitong mukha at matinding pagkakunot ng noo nito ay lihim na napangisi siya. Maybe there's a chance, right? Who knows, baka hindi naman pala unrequited ang love na meron siya para rito.
Assume pa more! Kapag nasaktan ka talaga, goodluck na lang, Mikaela.
"Si L? Secret!" Aniya at tumatawang lumangoy palayo rito.
Narinig niya ang malakas na pagtawag ni King sa kanya ngunit hindi na niya ito nilingon at tinungo na ang dalampasigan.
Let's risk it. If it's not really what I think it is, then, it's His sign telling me to stop and forget my feelings for him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top