No.8. "The girl who lost everything"

"The girl who lost everything"

(I allowed my bestfriend to have one night stand with my girlfriend (the girlfriend pov)


Simula nang mawala ang parents ko ay si tito Arman na ang nakakasama ko sa bahay. Mabait naman siya..nung una lang. Nagtagal ay nagbabago siya. Lasing palagi, umaalis ng bahay at umuuwi lang ay....para bastusin ako.

Takot na takot ako palagi. Bigla na lang niyang bubuksan ang kwarto ko at hahawak-hawakan ako. Sobrang sakit paniwalaan na ang sarili kong tiyuhin na dapat siyang nagtatanggol sakin ay siya pa mismong nambabastos.

"T-Tama na! H-Hayop ka! Hayop!" paulit-ulit na sigaw ko sa kanya nang bigla na naman niya akong hablutin papasok sa kwarto ko at bastusin.

"Hindi ako magpapakahirap magpalaki sayo kung hindi kita papakinabangan! Kaya ikaw Serrah! Umayos ka!!"

Wala akong magawa. Anong laban ko? Isa lang akong mahinang babae laban sa isang matipuno at adik na lalaki.

Kinabukasan nun ay bumisita sa bahay ang boyfriend ko, si Jace. Hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya. Nahihiya ako. Pakiramdam ko pinagtataksilan ko siya.

Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya lang ang meron ako ngayon. Ayokong mawala siya sakin.

Pumasok ako sa school. May pasa, kahit nanligo, pakiramdam ko ang dumi-dumi ko pa rin. Alam kung napapansin ni Jace ang pagbabago ko. At paulit-ulit na lang akong humihingi ng tawad sa kanya kahit sa isip ko lang nasasabi.

N-Natatakot akong baka kasuklaman niya ako kapag nalaman niya ang nangyayari sakin.

"Okay ka lang?" tanong niya isang beses na bumisita ulit siya sa bahay.

"O-Oo naman" hindi ko na mapigilan na mapayakap sa kanya. Gusto ng tumulo ng mga luha ko pero pinigilan ko. Ayokong isipin niya na may problema ako. Dahil takot akong malaman niya ang lahat kapag nagkataon. "I love you, Jace."

"I love you more, Serrah."

Parang tinusok ang puso ko nang marinig iyon sa kanya.

Nang umalis siya ay bigla na naman akong sinabunutan ni tito arman. At gaya ng dati, wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak.

Paulit-ulit niya akong ginahasa. Hanggang dumating ang isang araw. Pagkatapos niya akong bastusin, habang hawak ang cellphone ko ay naisipan kong gumamit ng social media.

Kumuha ako ng papel at lumuluhang sumulat.

my tito arman gomez

Iyan palang ang nasusulat ko nang mawalan ng tinta ang ballpen. Kaya kaagad kong kinuha ang pentelpen ko sa bag at nagsulat.

RAPE ME EVERYDAY

Sinadya kong lakihan para malaman nila kung gaano kahayop ang lalaking yun!

Kinuhan ko ng litrato ang sarili habang hawak ang papel at ipinost agad iyon sa social media. Umaasa akong may tutulong sakin.

"Hoy ikaw!" pumasok si tito sa kwarto ko kaya kaagad kong tinago ang papel. "Pagmay nag tanong sakin wala kang sasabihin ha. Hinahanap ako ng mga pulis. Mag lalaylo muna ako sa Cebu bahala kana sa buhay mo!"

Mahina akong natawa nang makita siyang aligagang umalis. Pero unti-unti iyong napalitan ng paghikbi.

Lalabas na sana ako ng kwarto nang biglang may humarang sakin. Si leo, bestfriend ni Jace. Hinanap ko si Jace sa likod pero wala siya.

"A-Ano ginagawa- '" bigla niya na lang akong itinulak hanggang mapahiga na ako sa kama. "L-Leo, anong gagawin mo?" Bigla na lang niya kong hinalikan sa leeg. "W-Wag...kaibigan mo si Jace! L-Leo ano ba?! Bitawan moko!"

"Report this to him if you want. As if he care. He allowed me to fvck you. And he also said that 'Wala na siyang pakialam sayo'."

"H-Hindi ako naniniwala sayo! Mahal ako ni Jace! Hindi siya papayag-' "

"But he did. Tss, can you please stop acting like you're an angel. Hindi ka anghel! Hindi ka birhen! Isa kang porn star!"

Natigilan na lang ako sa pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Parang hinayaan ko na lang siya sa pagahasa sakin. Wala akong laban. Wala akong magagawa.

Umalis na siya nang makuha ang kagustuhan niya. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang yakap ang sarili.

"B-Bakit Jace? B-Bakit ayos lang sayo na galawin ako ng kaibigan mo? A-Akala ko mahal moko.."

Ilang araw akong hindi lumabas ng bahay nun, hindi ako pumapasok sa school. Parang wala na akong pakialam sa buhay ko.

Binuksan ko ang social media ko at tinignan ang ipinost ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming negative comments. Siguro ay isa na dito si Jace.

Paulit-ulit ko siyang tinawagan. Pero hindi niya sinasagot.

"J-Jace sagutin mo please...kaylangan kita ngayon. K-kaylangan kita." Umiiyak at paulit-ulit kong idinial ang number niya. Nahagip ng paningin ko ang bote ng zonrox. Dinala ko ito sa kwarto ko at naupo sa sahig.

"Pagod na pagod nako. Nanghihina at gusto ng sumuko. P-Pero isang sagot mo lang sa tawag ko. Kahit mahirap, sisikapin kong lumaban. P-Pero paghindi. Paalam na lang."

Binuksan ko ang zonrox at ibinaba sa sahig. Hinawakan ko ang cellphone ko at muling idinial ang number niya.

Umaasa akong sasagutin niya. Pero sa huli...hindi parin.

Napahagalpak ako ng tawa habang nakatingin sa zonrox pero nagtagal ay napalitan iyon ng paghikbi.

"Mahal na mahal kita, Jace. Patawarin moko sa lahat. P-Paalam." derederetso kong nilaghok ang laman ng isang boteng zonrox. Ramdam ko ang pagsakit ng mga sikmura ko. At unti-unting pagbagsak ko sa sahig.

"I lost my parents, I lost my virginity, I lost him. I lost my everything. And no ones left." Unti-unti nang lumabo ang paningin ko kasabay ng pagbula ng bibig ko.

This is the last time to feel the pain. Goodbye world. I'm tired. I need to rest...forever.
 
                        

                       ~The End~

                    

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top