No.4. "Paubaya"
"PAUBAYA"
Paano kung ang taong pinakamamahal mo ay may mahal na palang iba?...and worse, paano kung malaman mo na ang kapatid mo at ang taong pinakamamahal mo ay nagmamahalan na pala?
Ipaglalaban mo pa ba ang nararamdaman mo? o...magpapaubaya ka nalang?
»»»»««««
Habang gumagawa ng project sa may garden namin ay bigla na lang sumulpot sa tabi ko si Gael. Boyfriend ko. He's wearing his beautiful smile while staring at me.
Palagi siyang bumibisita dito sa bahay namin kapag walang pasok. Kaya halos palagi na rin kaming magkasama. Even my sister, kaclose na rin niya.
"Hi, Krisha." bati ni Gael sa kapatid ko na kauupo lang sa harap namin na may dala ring mga homeworks. "You want cake?" nakangiting tanong niya pa sa kapatid ko.
Ngumiti ako sa kapatid ko nang sumulyap siya sakin na parang naiilang. Hindi na naman lingid sa kaalaman ko na may pagka-sweet talaga itong si Gael and he's close with my sister. Kaya nakakapagtaka na mukhang nailang ata itong si Krisha sa kanya.
Days past. Napapansin kong parang may kakaiba sa kapatid ko.
"Krish, may problema ba?" I can't help but to asked.
"W-Wala naman...Ate." she smiled. But not her usual smile. I know something is bothering her.
Hindi ko alam kung ano ang problema niya. Pero kapag nalaman ko na nasasaktan siya o may nananakit sa kanya. Hindi ako makakapayag. She's my one and only sister and my bestfriend. Hindi ako makakapayag na may manakit sa kanya.
One night, I heard her sobbing on the comport room. And I felt guilty dahil ako ang Ate niya pero hindi ko alam kung ano ang problema niya. Hindi siya lumabas ng kwarto niya simula kagabi hanggang ngayong tanghali na.
"Krizzle" napalingon ako sa may pintuan nang marinig si Gael. Lumapit siya sakin bago nilingon ang paligid ng bahay. "W-Where's, Krisha?" naiilang na tanong niya.
"On her room. Kagabi pa siyang hindi lumalabas-' "
"What?!" bigla na lang siyang nagmadaling umakyat ng hagdan patungo sa room ng kapatid ko.
I suddenly stock on my position while staring at him walking upstair. I know that he's close to my sister, but...
Inalog ko na lang ang ulo ko at sumunod sa kanya.
"Krisha! Please come out. Please, krish." paulit-ulit niyang kinatok ang pintuan gaya ng ginawa ko kanina. Pero nagawa niyang palabasin ang kapatid ko....na hindi ko nagawa.
I stock again on my position and at same time shock dahil sa ginawa ni Gael. Hinila niya ang braso ni Krisha at niyakap ito ng mahigpit.
"You make me worried." he held Krisha's chin. "Don't do that again, huh?" niyakap niya ulit ito.
My heart pinched with no apparent reason. Wala nga bang rason?...is that his normal treat to my sister?...o-or I just using to be blind?
Ako 'yong girlfriend niya, pero ang kapatid ko ang hanap niya.
Gabi na pero hindi na umalis si Gael. Nanatili siya sa tabi naming magkapatid....I-I mean..sa tabi ng kapatid ko.
I saw him walking downstairs papunta sa garden namin. I followed him and stand beside him. He looked at me and slightly smiled.
"W-What's with you and my sister?" I directly asked. His smile immediately faded. "Don't be hesitate to say what's going on between you....t-tatanggapin ko kung ano ang sasabihin mo."
"I-I'm sorry....I'm sorry, Krizzle. It's not my intention to hurt you." nakatungo siya ngunit kita ko ang pagtulo ng mga luha niya. And that's hurting me. "I...I accidentally fell in love with your sister. W-We already fell in love with each other. I'm sorry, Krizzle..sorry."
My tears falls like a waterfalls, it's unstoppable. "Why do I need to ask this? If I already knew everything?" we looked at each other directly. "Kapag kasama mo ko, ang kapatid ko ang hanap mo. Ang mga yakap mo, iba na 'yung dating sakin." mas lalong bumilis ang pag-agos ng mga luha ko. "I almost forgot that we're living in this world where nothing is permanent, everything is just for temporary. That even love, is not an exception."
"Patawarin mo'ko, Krizzle." hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya. "S-Saktan mo 'ko. S-Sampalin mo'ko, sapakin mo'ko...g-gawin mo ang gusto mong gawin sakin....w-wag ka lang magagalit kay Krisha."
Lumuluha akong umiling sa kanya. "H-Hindi ako galit...hindi ko kayang masaktan ang kapatid ko."
Bigla niya 'kong niyakap ng mahigpit. "I-I'm sorry...a-ayokong masaktan ka...p-pero ang hirap eh, sumuko na 'yung nararamdaman ko."
"N-Naiintindihan ko."
"A-Ate" naghiwalay lang kami sa yakap ng makita sa harap namin si Krisha. "H-Hindi ko sinasadya...s-sorry."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya. "Okay lang" I smiled kahit sobrang sakit. "Mahal mo siya...m-mahal ka niya...anong laban ko?"
It's hard to give up your feelings, for the sake na sumaya ang iba. Kaylangan mong i let go ang nararamdaman mo para sa iba.
"Take care of my sister, G-Gael. I know..she's happy being with you." I smiled to Gael. "Pinapalaya na kita."
Naglakad nakong papalayo.
I am happy for the both of them. Even it's hurt. It's hard to be in between na gusto mong ipaglaban ang nararamdaman mo..pero gusto mo ring I let go na lang para sa kasiyahan ng mga mahal mo.
Hindi pagmamahal ang pagiging makasarili. Kung iba na ang mahal ng taong mahal mo, then let go of him. 'Yun ang tunay na pagmamahal. Kung san siya masaya, dapat doon ka.
Sa pagmamahal, kaylangan nating matutong magpatawad. Magparaya. At magpaubaya.
~The End~
Written by ; Cessias WP
Wattpad UN; cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top