CHAPTER 9

HINDI maiwasang magulat ni Maeve nang may biglang sumulpot sa kanyang harapan habang seryosong nagtatrabaho siya. Napaangat siya nang tingin ng maamoy ang pamilyar na amoy ng kung sino.

"What are you doing here, Gene?" Tumaas pa ang kilay ni Maeve nang makita ang hawak nitong isang tangkay ng rosas. "Bridjette is not here."

Gene Phillip Alentajan, he's the Chief Executive Officer. Pinsan ito ni Trane na kakauwi lang two months ago galing America. He can also speak and understand tagalog. Nasa Marketing Department ang opisina nito. Si Trane ang naglagay dito doon at hindi nila alam kung anong dahilan samantalang may isang kwarto naman doon malapit sa opisina ni Trane na hindi naman ginagamit. Doon sana ang opisina ni Gene ngunit bigla-bigla nagbago ang desisyon ng boss niya.

Gene was very close to Bridjette, one of the employee here. Schoolmate ang dalawa. Doon din nag-aral sa America si Bridjette kaya sila nagkakilala. Naging ka-close lang naman ni Maeve si Gene dahil pinakilala ito ni Bridjette sa kanya. Maeve know that Bridjette has a crush on him pero nagtataka siya kung bakit tinutulungan nito si Gene na makipaglapit sa kanya.

"I know. Pero hindi naman siya ang pinunta ko dito." Ngumiti ito sa kanya kaya nginiwian niya. Nang ibigay nito ang isang tangkay ng bulaklak sa kanya ay natigilan siya.

Umamin si Gene sa kanya na gusto siya nito ngunit sinabi niyang hindi pa siya ready sa mga gano'n. At may iba na siyang nagugustuhan. But he still pursuing her. Sinabi nitong kaya nitong maghintay sa kanya kahit gaano pa katagal.

"What's this? Gene, I told you-"

"Did you eat already? Can we eat lunch together?" pagputol nito sa sasabihin niya.

Bumuntonghininga si Maeve. Bago pa siya makapagsalita ay may nauna nang magsalita sa kanya.

"She won't come with you. May pupuntahan kami," Trane voice echoed on their ears. Sabay silang napalingon ni Gene doon.

"Cousin..."

Tiningnan ito ni Trane at sinamaan ng tingin. "Bumalik ka nga doon sa lungga mo! Stop hitting my property." Nang balingan naman siya nito ay napaayos siya ng upo. "I want my coffee. Faster!"

Mabilis namang napatayo si Maeve at sinunod ang sinabi nito. Hindi na rin siya nakapagpaalam kay Gene ngunit narinig niya ang sinabi nito. Mapailing na lamang siya sa kakulitan ng binata.

"I will come to you later, Maeve. Let's eat together, okay?" Lilingunin na niya ulit ito nang marinig ang galit na sigaw ni Trane.

"Maeve, faster!" Tarantang binilisan niya ang kanyang pagkilos. Halos murahin na niya ang Trane sa isip niya. Ano bang problema nito? Ayos naman sila kanina patungo sa opisina.

Pagkatapos magtimpla ay dinala niya iyon sa binata. Hindi na siya kumatok pa. Derederetso siyang pumasok sa loob at nakita niya itong may katawagan sa cellphone. Maeve saw how a smile plastered on his lips. Kumunot ang noo niya. Sino ang kausap nito para ngumiti ito ng ganoon?

Nilapag niya kape sa harap nito kaya napaangat ito ng tingin sa kanya. Bago pa nito siya mapigilan ay masiring na tinalikuran ito ni Maeve saka lumabas ng opisina nito. Hindi maipinta ang kanyang mukha habang nagtatrabaho siya. Buong oras ng kanyang trabaho ay iniisip niya ang dahilan ng pagngiting iyon ng binata.

Nakakainis! Sino ba kasi iyon? How dare she! Pero ano bang karapatan kong magalit dito? Sino ba naman ako, tsk!

"Maeve!" It's Gene again.

Sumimangot siya. Nang muling bumukas ang pinto ng opisina ni Trane ay mabilis siyang tumayo at hinila na si Gene patungo sa cafeteria ng kompanya. Marami-raming empleyado na ang naroon. Lunch na kasi kaya gano'n.

"Are you okay? Hindi yata maipinta ang mukha mo." At kasalanan iyon ng pinsan mo! Halos isinghal na ni Maeven iyon dito.

"Don't mind me. Let's order na, nagugutom na ako." Nang maglalakad na siya patungo sa counter ng hilahin siya nito patungo sa isang upuan at pinaupo. Nagtatakang tiningala niya ito.

"Sit here. I am the one who will buy our lunch." Kinindatan pa siya nito bago umalis sa harap niya.

Nagkibitbalikat na lamang siya. Kinuha ni Maeve ang cellphone niya para sana tawagan si Kayah. Ngunit bago pa niya ito matawagan ay tumunog na ang cellphone niya. Nalabi siya ng makita ang pangalan ng boss niya doon. She ignore it. Umirap siya at nilagay ang cellphone sa gilid niya at tinaob iyon.

"Are you not going to answer it?" tanong ng kung sino.

"No, let him. Nakakainis siya!"

"Why is that?" tanong pa nito.

"Dahil sa naiinis ako..." Hindi niya naituloy ang sasabihin nang may umupo sa gilid niya. Isang malamig at walang emosiyong mga mata ang sumalubong sa kanya. Nakipagtitigan siya dito hanggang sa manlaki ang kanyang mata nang mapagtanto kung sino ito.

"Trane..." Bakit ito nandito?

"Why are you here? I told you we're going somewhere. And why the hell you're not answering your phone? I'm calling you," sunod-sunod nitong tanong habang matalim ang tingin sa kanya.

Umiwas siya ng tingin ngunit nang maalala ang ngiti nito habang may katawagan ay napasimangot si Maeve. Inirapan niya bigla ang binata.

"I won't come with you. I'm so hungry so I'll eat."

"With my cousin? No!"

Inis naman niya itong tiningnan. Nang makita si Gene na papabalik ay mabilis niyang hinila patayo si Trane at tinulak ito papalayo. May mga empleyado na rin kasing nakatingin sa kanila. Nakita niya ang pagbulungan ng mga ito ngunit hindi niya pinansin.

"Go, boss! Gene is here." Bumalik siya sa kanyang upuan pagkatapos itong itulak palayo.

Ngunit nakita ni Maeve ang pagsunod ng tingin ni Gene sa kanyang likuran. Kunot ang noong bumaling ito sa kanya, may pagtataka ang mukha nito. Nagkibitbalikat lamang siya. Ayaw niyang sabihing galing ito dito. Pakiramdam niya ay siya ang laman ng chismis mamaya. Nakasalanan talaga iyon ng binata. How dare he? Pagkatapos nitong makipagngitian sa iba ay narito ito para guluhin siya?

"Is that Trane?" wika ni Gene bago nilapag ang pagkain sa harap niya.

Nagpanggap naman siyang nagtatakang lumingon. "Where? Imposible naman yata. You know my boss never go here."

Right. Trane never been go there in their company cafeteria. Lagi itong nasa labas kumakain. Minsan ay nagpapabili ito nang pagkain sa kanya. Simula nang magtrabaho si Maeve sa kompanya nito, she never seen Trane go in the cafeteria. Ngayon pa lang talaga at inaamin niyang nagulat din siya. Nagtataka at napapatanong kung bakit at anong dahilan nito.

"Baka namamalik-mata lang ako."

Nakangiwing nagkibitbalikat si Maeve. Habang kumakain ay hindi niya maiwasang isipin si Trane. Alam niyang galit ito, nakikita niya iyon sa mukha nito kanina. Bumuntonghininga siya at biglang nawala ng gana. Kaya nang matapos silang kumain ni Gene ay bumalik agad siya.

"Maeve, saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Sir. Mag-ingat ka, mukhang galit na galit ang dragon." Lumapit ang isang katrabaho niya sa kanya.

Tumango si Maeve dito bago tinungo ang opisina si Trane. Ilang beses siyang kumatok bago niya narinig ang boses nito. Pagpasok pa lang ay ramdam na ni Maeve ang masamang mangyayari. Nakita niya ang salubong nitong kilay at matatalim na tingin. Halos maputol na ang ballpen nitong hawak habang nakatingin sa kanya.

"Boss-"

"Shut up!" Galit na agad ito. Hindi na nakapagsalita si Maeve ng tumayo ito at mabilis na tinawid ang pagitan nilang dalawa.

Ibubuka pa lamang niya ang bibig nang hilahin siya nito palabas ng opisina nito. Napatingin ang mga empleyado sa amin, nakikita niya ang kaba sa mga mukha nila ngunit may nakikita rin siyang nagbubulong-bulungan at mukhang iilan sa kanila ay nakita ang nangyari sa cafeteria. Napangiwi na lamang si Maeve nang maramdaman ang lalong paghigpit ng pagkakahawak ni Trane sa kanya.

He's really mad. But Maeve asked herself many times why? Anong ginawa niya para magalit ito? Hindi ibig sabihin na pumayag siyang maging Ina ni Trank ay gaganyan na ito. Siya ang kaninang galit ngunit bumaliktad na iyon ngayon.

"Saan ba tayo pupunta?" Maeve asked confusedly.

But he didn't answer her. Trane pulled her towards the parking lot. His expression was still the same. Salubong ang kilay at matatalim ang tingin sa bawat madadapuan ng paningin nito. Suplado.

"Get inside," mariin nitong wika but Maeve stay stilled. Hindi man lang siya gumalaw sa kanyang puwesto. Hindi kasi talaga niya ito naiintindihan.

"Trane, pwede ba..."

"I said get inside, Maeve!" malamig at galit nitong sigaw.

Kahit anong sigaw nito sa kanya ay hindi man lang nakaramdam si Maeve ng takot. Hinarap niya si Trane at kinunutan ng noo. Nagtataka siya sa kinikilos nito. Anong kinagagalit nito?

"Ano bang problema mo, boss? Bigla-bigla ka na lang manghihila pagkatapos ay magagalit ka diyan."

Malamig lamang siya nitong tiningnan bago hinawakan sa braso. Binuksan ang pinto ng kotse saka siya sapilitang pinapasok sa loob. Nakasimangot na sinundan ni Maeve ito ng masamang tingin hanggang sa makapasok ito sa driver seat.

"Jerk," mahinang bulong niya at inirapan ito.

"I heard that."

Tiningnan niya ulit ito ng masama. "Mabuti naman. Sinadya ko talagang iparinig sa'yo iyon."

Bago pa siya nitong tingnan ay umiwas na ng tingin si Maeve. Tinalikuran niya ito at binusog na lamang ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana. Hindi pamilyar kay Maeve ang daan na tinatahak nito. Hindi naman kasi siya masyadong lumalabas. Sa katunayan ay hindi pa talaga niya nalilibot ang buong Manila.

Gusto niyang magtanong dito ngunit pinigilan niya ang sarili. Nang tumigil ang kotse nito ay sinilip niya ang labas. Nasa harap sila ng isang restaurant na masyadong pamilyar sa kanya. Parang nakita na kasi niya ito ngunit hindi niya alam kung saan. Until she remembered the time na pinakita ni Kayah ang tablet nito para tumingin ng mga restaurant na pwede nilang kainan. She saw this restaurant there. It also famous in Manila.

Maeve tried to open the door but her forehead furrowed when she can't open it. It's locked. She immediately looked at Trane who's now looking at her inclemency. His eyebrows rose up while he's frowning. Kumuyom ang kamay ni Maeve dahil naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Bago pa makapagsalita si Maeve ay lumabas na ito at dumeretso sa pwesto kung nasaan siya. Pinagbuksan siya nito ng pinto na kinangiwi naman niya. Hindi talaga siya sanay na ginagawa iyon ng binata sa kanya.

"What are we gonna do here?"

"Taking a shower. What people do in the restaurant? Tsk! Let's go!" he sarcastically said. Muli siyang hinila nito papasok sa loob.

Pagpasok pa lamang nila sa loob ay nakaagaw na agad sila ng pansin. Some girls was looking at Trane while drooling. Their eyes twinkle in so much amusement and admiration. Bumuntonghininga si Maeve. Nang tingnan niya si Trane ay nakatiim bagang na ito at matalim ang tingin sa kung saan-saan. Nagulat na lang siya nang hilahin siya nito palapit sa katawan nito at pinulupot ang braso sa kanyang baywang.

"Damn! I want to punch their faces right now. How dare them to look at you!" biglang bulalas nito na kinagulat niya. Sino ba ang tinutukoy nito?

Hindi na lamang nagsalita pa si Maeve. Nagpatiunod lang siya rito patungo sa pinakadulo kung saan malayo sa mga mata ng customers. Pinaupo siya nito bago nagtawag ng waiter. Nakatanga lang naman siya.

"You drag me here to eat? Hindi ka pa kumakain? I buy your lunch, did I? You didn't eat it? Nasaan na?" sunod-sunod na tanong ni Maeve nang makaalis ang waiter.

Trane look at her ngunit iniwasan niya iyon. Nakakainis. Bakit ba kasi hindi man lang niya ito matingnan ng matagal. Maeve frustratedly sighed. Siguro kapag nagtagal ay masasanay din siyang tingnan ito.

"I give it to the employee. You eat with my cousin, and that should be me! Sinabi ko na sa'yong may pupuntahan tayo hindi ba? " mariin namang wika nito bago siya matamang tinitigan.

"Eh sa nagugutom na ako!" Irap niya. Talaga ba self? Nagselos ka lang kaya ka pumayag sa lunch na iyon.

"Then you should tell me. I can stop my work for-"

Tinaas ni Maeve ang kamay sa harap nito upang pigilan ito sa pagsasalita. "Shut up!"

Lalong kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "What's with you today? Let's go home."

"Kumain kana nga diyan at makabalik na tayo sa opisina. I have so many work." Pagkatapos sabihin iyon ay natahimik din ito. Nang tingnan ni Maeve ay nakita niyang lalong dumilim pa ang mukha nito na para bang may iniisip itong hindi nito nagustuhan.

"We're not going to go back there. After this let's go home."

Nang akmang sasagot si Maeve nang dumating ang mga pagkain inorder nito. Kahit busog ay pinilit ni Maeve na kumain ulit dahil sa klase ng titig na ibinibigay nito sa kanya. Seryoso ito nang sabihing hindi na sila babalik sa opina pagkatapos nilang kumain dahil nang matapos ay muli siyang hinila ng binata patungo sa kotse at pinaharurot ito patungo sa Bachelor Village.

"Mommy!"

Si Maeve ang agad na sinalubong ni Trank pagkapasok pa lang nilang dalawa sa bahay. Mahigpit ang yakap ni Trank sa kanya na ginantihan naman niya ng mahigpit ding yakap. Nakatingin lang naman si Trane sa kanya na hinayaan niya. Naiinis pa rin siya dito.

"Let's go to your playroom, baby." Siniringan ni Maeve ang binata bago inalalayan si Trank patungo sa playroom nito. Maeve heard the low growl from Trane. Hindi kasi ito nakahalik sa anak. He deserve.

"Iyang Daddy mo nakakainis. May ibang babae pa ba iyon maliban sa tunay mong Mommy?" Habang naglalaro silang dalawa ay hindi pa rin maalis ni Maeve ang nakita niyang ngiti ni Trane kanina.

Umiling lang si Trank sa kanya bago nagpatuloy sa paglalaro. Ngumuso siya. Gigil niyang binitawan ang hawak na robot at nahiga sa sahig. Malinis naman iyon kaya walang problema. Nagulat pa siyang nang biglang tumabi si Trank sa kanya at nahiga sa kanyang braso. Humarap ito sa kanya at niyakap siya.

"Sleep, Mommy." Nang humikab ito ay doon lang din nakaramdam ng antok si Maeve hanggang sa sabay na nakatulog ang dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top