CHAPTER 7

KANINA pa namumula ang mukha ni Maeve dahil sa dalawang taong kanina pa nakatitig sa kanya. Mula ng dumating sila ng binata ay wala ng ibang ginawa ang mag-ama kundi ang titigan siya. Bawat galaw niya ay nakasunod ang mga mata ng mga ito. Hindi niya alam kung anong trip ng dalawa. Bumuntonghininga siya at pilit na iniignora ang ginagawang pagtitig nila.

“Ayaw niyo bang kumain?” mahinahon at may pagpapasensiyang tanong niya sa mga ito.

Parehong nakahawak sa kutsara ang dalawa, sabay na nilalaro ang kanilang pagkain habang nakatitig sa kanya. She firmly close her eyes when the two shake their heads in unison. Ang mukha nila ay pareho ang emosiyon, may pagkamangha ang mga iyon. Mag-ama ngang talaga.

“Then, hayaan niyo akong makakain. At tigilan niyo ang kakatitig sa akin dahil naiilang ako,” pag-aamin niya.

Sabay na nagbaba ng tingin ang dalawa. Maya-maya ay bumaba si Trank sa upuan nito at lumipat sa kanya kaya binuhat niya ito at iniupo sa upuang nasa tabi niya.

“Bakit anak? Gusto mo bang subuan kita?” Ang binata ang nagsabing tawagin si Trank na ganoon kaya umoo na lang siya.

Pagdating niya kanina ay dinala siya ni Trank sa kwarto nito at doon sila nag-usap. Kahit papaano ay naging close na din naman silang dalawa. Kung kanina ay naiilang pa siyang tawagin itong ‘Anak' ngayon ay nasanay na siya, nawala ang pagkailang na naramdaman niya ng makilala pa ito.

Ngunit nagtataka lamang siya dahil sa kanya lang talaga nagsasalita si Trank, when Trane tried to talk to him ay bumalik siya sa pagiging tahimik, he just even used his board when he talk to his father.

Tumango si Trank at ngumuso sa kanya. Ngumiti siya at sinimulan itong subuan. Nang balingan naman niya ang binata ay nakasimangot naman ito habang padabog na sumasandok ng pagkain sa plato nito. Salubong pa ang mga kilay nito animo'y galit sa pagkaing nasa harap nito. Parang malaki talaga ang galit niya sa pagkain kung saan-saan na kasi tumatalsik ang laman no'n dahil sa klase ng pagsandok niya.

“Okay ka lang, Trane?” she asked confusedly at iniwas ang paningin upang hindi magtagpo ang mga mata nila ng binata.

Bakit ba kasi ang ganda ng mga mata niya?’

Tumingala ito sa kanya bago sumulyap sa anak nito. “Of course I'm okay. Do I look like I'm not?”

Nagtataka man ay tumango na lamang siya. “Okay.”

“What?” Ngunit nagulat siya sa bigla nitong pagtaas ng boses.

Ibinaba niya ang kutsara at hinarap ito. “Ano bang problema mo, boss?”

“What did you just said?”

“I said ano bang problema mo, boss?” she answered.

Sinamaan siya nito ng tingin that make her confused more. “Tsk! It's Trane for you, babe.” Nang tumingin ito sa plato niya at napataas ng bahagya ang kilay niya “You won't feed me too? Really?” 

Nagulat si Maeve sa isinaad nito. Nanlalaki ang matang pinasadahan niya ito ng tingin. Magsasalita na sana siya ng may humatak sa damit niya kaya niyuko niya si Trank na ngayo'y nakatingala sa kanya.

“Bakit?” Napalabi siya ng ngumuso ito at umiling sa kanya, parang sinasabi nitong huwag na lamang pansinin ang ama nito. Nginitian niya ito ng bahagya.

Tahimik na binalingan niya ang binata bago ito sinagot. “Why would I feed you? Are you a baby?” Mataray na tiningnan niya ang kamay nitong nakapatong sa mesa at nakahawak sa kutsara't tinidor. “You have your own hands, why don't you use that to feed yourself?”

“But Trank have his hand too, then why are you feeding him?”

“Because he's a baby and I want to feed him.”

“So you don't want to feed me?” hindi makapaniwalang tanong nito.

Ngumuso siya upang pigilan ang ngiting gustong mamutawi sa kanyang labi. May ganito palang side ang binata? Gusto niyang matawa ng malakas ng kumunot ang noo nito ngunit baka magalit lamang ito sa kanya. May topak pa naman minsan ito.

“If you're a baby then I'll feed you, but you're not,” she ruggedly said.

Natatawang napailing siya ng pabagsak nitong binitawan ang utensils na hawak saka sila tinitigan. Pinagpatuloy niya ang pagpapakain kay Trank habang nakatingin ito sa kanila, wala namang problema doon. Maganang kumakain si Trank, nakadalawang plato na nga ito ng kanin.

“Son, you haven't done yet? I'm so hungry.” Nagilan si Trank sa akmang pagsubo ng magsalita na naman ang ama nito.

Kahit siya ay napalingon dito. Nakangusong nakalumbaba ito sa kanila. Mukhang inggit na inggit pa. Naninibago talaga siya. Sa opisina ay ibang-ibang Trane ang nakikita niya. Nagtataka tuloy siya  kung ano o sino ba talaga ang tunay na Trane Hieven Vegafria. Iyong Trane na lagi niyang nakakasalamuha sa opisina, iyong masungit at laging may dalaw o itong Trane na kaharap niya ngayon?

Hindi na lamang nila pinansin ito. Pagkatapos kumain ni Trank ay iniwan nila agad ang binata doon. Narinig pa nilang dumadabog ito na halos mabasag na ang mga plato roon. Mabuti na lang at dumating si Manang at pinagalitan ito.

Si Manang Sopia pala ay ang dating nag-aalaga sa binata at nang lumaki si Trane ay sinamahan pa din nito ang alaga nito hanggang sa dumating nga si Trank sa buhay nila.

“Mommy, dito po kayo matutulog ‘di ba?” Trank asked and hug her.

Nasa living room sila at nanonood ng favorite cartoon nito. She don't know the title of it dahil wala naman siyang interes sa mga ito. Trank said it a while ago but she didn't remember it now.

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ni Trank. Nasaan na ba kasi si Trane? Kanina pa ito wala, mukhang nagtatampo talaga iyon. Mula kasi nang dumating sila kanina ay sa kanya na nakadikit si Trank. Hindi ito tumatagal sa tabi ng ama at laging nakayakap sa kanya. Mukhang naghahanap talaga ang bata ng presensiya at pag-aalalaga mula sa Ina.

“Anak, kasi ano eh... May ano kasi ako... I mean hindi ako pwede—”

“Yes son, Mommy will sleep here and if she will agree she can live with us too.” Nagilan siya sa pagsasalita ng may pumutol sa kanya.

Halos lumuwa ang mata niya ng marinig ang sinabi ng binata. Nilingon niya si Trane na nasa likuran nilang dalawa ni Trank, nakadungaw pa sa kanila.

“Trane Hieven!” Pinandilatan niya ito ng mata. Wala sa usapan nila ang manatili siya dito. Malamlam na tiningnan niya si Trank. “Mag-uusap muna kami ng Daddy mo, anak.”

Tumango naman ito at binitawan siya. Tumayo si Maeve at hinila si Trane patungo sa kusina. Mabuti na lang at walang kasambahay doon. Hinarap niya si Trane.

“Boss, wala sa usapan natin ‘to. Bakit mo sinabi iyon kay Trank? Pinapaasa mo ang bata sa ginagawa mo.”

"I'm not," he sighed.

"Trane, naman eh."

Ang manatili sa bahay nito ay isang malaking mali. Lalo lang lalala ang nararamdaman niya para dito kapag hinayaan niya ‘yon.

Sapat nang pumayag siyang maging Ina pansamantala ni Trank ngunit ang manirahan... ang manatili dito ay hindi siya makakapayag.

Mataman siyang tiningnan nito bago hinawakan ang kanyang baywang at hinila palapit sa katawan nito. Nanlaki ang kanyang mga mata. Akmang aangal ng magsalita ang kaharap.

"You agreed to be his mother." Alam niya iyon.

"O-Oo nga p-pero —” Halos hindi na niya masabi ang mga dapat na sasabihin dahil sa sobrang lapit ng katawan nito sa kanya.

“You're his mother now, Maeve.”

Sinamaan niya ito ng tingin. “Oo at alam ko ang bagay na iyan, Trane.”

“Then you should know the answer to your question. Matalino ang anak ko Maeve at sa nakikita kong closeness ninyong dalawa ay sigurado akong hindi iyon papayag na mawala ka sa paningin niya."

Her heart beat rapidly, she stared at his eyes and slowly heave a relaxed sigh. Kahit siya ay nararamdaman na niya iyon. Halos ayaw na ngang humiwalay si Trank sa kanya ngayon.

"Pero hindi pwede, Trane." Sabay iling. Bahagya niyang tinulak ito papalayo.

"Why you can't?"

"Paano kung malaman ng empleyado mo ito?" she asked.

Maeve got confused when he chuckled, lifting his hand and remove the strands on her hair from her face. "Is that your problem hmm? Babe, they will not know about this. Wala pa ngang nakakaalam ng tungkol kay Trank, I can manipulate everything so don't worry so much."

"Fine, pero gusto kong may sarili akong kwarto dito!" she exclaimed. Maeve saw him shaking his head with a sly smile on his lips. She rolled her eyes. "Deal or no deal?"

"Okay, deal. There's have an extra room beside the master bedroom, you can use that."

“Master bedroom? Is that your room?”

He nodded. “Yes."

Napatingala siya dito ngunit agad naman na napaiwas ng masalubong ang magkaibang kulay ng mata nito.

"Wala bang mas malayo sa'yo?" malakas ang boses na tanong niya.

Kinunutan siya ng noo ni Trane. "What?" Galit agad?

“Wala naman hehe.” She scratched her head.

Sa tingin naman niya ay mapipigilan niya ang kanyang sarili. Kung hindi siya nito aakitin ay wala silang problema doon. Baka kasi bigla niya itong gapangin sa kwarto nito. Napailing siya sa naisip. Bakit nagiging ganoon ang mga naiisip niya? She's not a manyak!

"Pupunta nga pala akong kompanya ngayon.” Napayuko siya bigla.

Bigla niyang naalala. Kahit na pumayag siyang maging ina ni Trank, boss pa din niya ang binatang nasa harap niya. Hindi siya maaaring lumagpas pa sa pagiging sekretarya nito. Panandalian lang ang pagiging Ina niya sa bata dahil kapag bumalik na ang tunay na Ina nito ay hindi na niya kailangang gawin ito.

"Didn't it hurt anymore? You're still not okay, babe. Magpahinga kana muna sa taas."

Namula siya nang maintindihan ang sinabi nito. Kaya imbis na magsalita pa ay tumango na lamang siya. Itinawag nito ang isang kasambahay upang ituro sa kanya ang kwarto niya dito.

“Paano si Trank? Baka hanapin ako,” aniya.

Napailing ito at napanguso. “Inaagaw mo na sa 'kin ang anak ko! Tsk! I'll tell him that you're resting. But don't be shock later if you will see him beside you.”

Natatawang tumango siya saka sumama sa kasambahay nito. Habang naglalakad ay kinausap niya ang babae. Naalala niyang ito ang kausap niya sa cellphone kanina nang umalis si Trank para ipakita sa kanya ang laruan nito.

“What's your name?” she asked.

Tumingin ito sa kanya at nginitian siya. “Beatrice po, Bea for short hehe.”

“Matagal kana ba dito nagtatrabaho?” Nang tumango ito ay tumahimik na siya. Gusto sana niyang kausapin pa ito ngunit naroon na sila sa kwartong tutuluyan niya pansamantala.

Tinanguan niya ito bago magpasalamat. Nang makapasok si Maeve sa kwarto ay kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan ang kaibigan. Baka nag-aalala na ang mga ito sa kanya dahil sa biglaang pagkawala niya kagabi. Sana lang ay ligtas silang nakauwi. Si Helena ang unang tinawagan ni Maeve. Nakadalawang ring pa lamang ay sinagot na nito ang tawag.

“Helena, okay lang ba kayo? Ligtas ba kayong nakauwi? Nasaan kayo ngayon?” agad na bungad niya.

“What the hell, Maeve‽ You're disturbing our sleep. Ugh, yes we're okay and safe. Nasa bahay kami malamang.” Mukhang bagong gising pa ito.

Napakamot siya ng batok. “I'm sorry if I left you last night, nalasing ako kagabi at hinatid na ako ni —”

“We already know, Maeve. Tinext na kami ni Ven kagabi kaya bye na. Istorbo ka— Hon, let's sleep.” Nangunot ang noo ni Maeve. Tama ba ang kanyang narinig? Boses ng isang lalaki? May kasamang lalaki si Helena?

Bago pa siya makapagsalita ay pinatayan na siya nito ng tawag. Nagtatakang tinitigan niya ang kanyang cellphone. Sino ang lalaking iyon? May hindi ba sinasabi si Helena sa kanila? Nagsimula siyang mag-type at pinadala iyon kay Helena. She's asking her who is that guy but Helena wasn't answering.  Tatanungin na lamang niya ito kapag nagkita sila. And Kayah, she just text her baka kasi natutulog pa ito.

Dala ang pagtatakang iyon ay nahiga si Maeve sa sobrang lambot na kama. Makirot pa ang pang-ibabang bahagi ng katawan niya pero makakaya pa rin naman niyang maglakad. Mabuti na lang at binabad niya ito kanina sa maligamgam na tubig.

Ilang oras din siyang nakatulog. Nang magising siya ay alas tres na ng hapon. Gumalaw si Maeve ngunit nagulat siya ng may nasagi siya sa magkabilang gilid niya. May mabigat na bagay pang nakadagan sa katawan niya kaya bahagya niyang binangon ang ulo upang tingnan ito.

Nangunot ang noo niya ng makita ang dalawang pares ng paa na nakadagan sa kanyang hita at dalawang pares din ng braso sa kanyang baywang. Bumaling siya sa kaliwa't kana niya. Napaawang na lamang ang labi niya ng makita kung sino ang mga ito.

Ang mag-amang Vegafria.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top