CHAPTER 3
LOVING someone who doesn't love you back is like hugging a cactus. The tighter you hold on, the more it hurts. Ang tagal na din pero kumakapit pa din siya sa salitang 'Baka may pag-asa pa' kahit na alam niyang sobrang imposible. Sa sobrang higpit nang kapit niya hindi niya inaakala na masasaktan siya ng sobra. Bakit kasi hinigpitan pa niya ang pagkakahawak, sa huli ay siya pa rin itong nasaktan.
Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Maeve habang nakatingin sa labas ng bintana. Napapansin niya ang pasulyap-sulyap ng kanyang kaibigan sa kanya ngunit walang may nagtangkang magtanong man lang. They never asks her until she tell them. Nirerespeto nila ang pananahimik niya at iyon ang pinapasalamat niya sa mga ito.
“Tell me how to get over with someone who was never yours? How to get over to someone who does not see your value? How to get over with someone who can't love you back?” She suddenly asked her friends, still looking outside the window. Kahit yata siya ay nagulat din sa sariling tanong.
Napalingon si Kayah sa kanya at ang pagsulyap ni Helena mula sa rearview mirror. Napapansin ng dalawa ang pagiging seryoso niya.
“Why did you asked that suddenly? Are you giving up now?” seryosong tanong ni Helena sa kanya na siyang kinatigil niya.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at inalala ang araw kung saan sobra siyang nasaktan sa lalaking kasalukuyang minamahal. She's inlove with someone who was inlove with someone else. Mas masakit pa ito sa nangyari sa nakaraan niya. She look at Helena in the rearview mirror who was looking at her sadly.
“Loving him is like living inside a storm. In the end, I can only come out broken, twisted and shattered,” maluha-luhang ani niya at muling umiwas ng tingin.
“Bakit hindi ka kasi umamin sa kanya? What if he's inlove with you too? Bakit mo pa tinatago kung pwede mo naman aminin sa kanya?” biglang sumingit si Kayah.
Umiling siya at pilit na tumawa. “Mas pipiliin kong mahalin siya sa tahimik na paraan, because in silence I feel no rejection. And we knew that he's deeply inlove with someone else.”
“Then what is your plan now?” Helena asked.
Napatungo siya habang pinipigilang tumulo ang muli ang mga luha. “Move on I guess. That's the only choice I have.” Bumuntonghininga siya pagkatapos. “And just focus to my work?”
Hindi na sumagot pa ang mga ito dahil kahit anong sabihin nila ay may masabi din siya. Desidido talaga siyang mag-move on na sa lalaking minamahal kahit na alam niyang imposible iyon dahil sa palagi din niya itong nakakasama sa iisang kompanya. Ngunit para huwag masaktan ng sobra ay mas mabuting iyon nga gawin niya, ang mag-move on at kalimutan ang nararamdaman para sa binata.
“Kung ano man ang desisyon mo ay susuportahan ka namin. Kung gusto mo mag-move on then we'll support you. But you know it's hard right? Because he's the only man you feel inlove with in just fucking five years.” Natigilan siya sa sinabi ni Kayah.
Alam niya... alam niyang mahihirapan siya doon dahil sa palagi niya itong nakikita pero alam niyang makakaya niya. Minahal niya ito ng palihim sa limang taon ngunit nasisiguro niyang makakalimutan niya rin ito. Magpopokus nalang siya sa kanyang trabaho o hindi kaya ay hihingi muna siya ng 1 week vacation para maghilom at ayusin ang sarili.
Love is so complicated. At mahirap magmahal ng taong may minamahal ding iba. Hindi naman kasi niya mapigilan ang sarili. Kusa lang niya iyong naramdaman. Iyong bang isang araw pagmulat niya ng mga mata ay minamahal na niya ito.
“I need to do it. It's hard yes but I can do it.”
Tumango ang dalawa pero hindi niya inaasahan ang sunod na sinabi ni Helena. Iyon ang tumatak sa kanya hanggang sa makarating sila sa bar na pupuntahan nila.
“It's hard to wait around for something you know might never happen; but its harder to give up when you know its everything you want,” Helena look at her in rearview mirror after saying it.
Alam na nga niya ang gusto niya kaya nga siya sumusuko ngayon ‘di ba. Dahil alam niyang sa huli iyong gusto niya ang dahilan ng paghihirap niya. Ayaw na niyang hintayin pa ang araw na masasaktan siya ng sobra. Ayaw niyang mangyari ulit ang nangyari sa nakaraan niya. Iyong ibinigay na niya ang buong pagkatao niya pero nagawa pa din siyang saktan at lokohin ng taong pinagkakatiwalaan niya.
Kakayanin niyang isuko ang mga bagay na mahalaga sa kanya kasabay ng nararamdaman niya huwag lang siyang mawasak muli. Hindi niya deserve ang masaktan, hindi niya deserve ang lokohin at paiyakin ng paulit-ulit. Hindi niya deserve lahat na sakit na ito.
HINDI maiwasan ni Maeve na mapanguso sa sandaling iyon nang malamang sa bar nila i-c-celebrate ang birthday ni Kayah. Unang beses nilang mag-celebrate sa ganoong lugar. When one of them have a birthday or special day they prepared to celebrate it to hotels, beach or outside the country. She expected that they will go to M'Hotelia, kung saan ang paborito nilang beach hotel sa Laguna.
Bumuntonghininga si Maeve bago bumaba ng sasakyan. Niyuko niya ang bestida na suot at pilit iyong binababa.
Isang sexy party gauze dress ang suot niya all white iyon at long sleeves ngunit see through. Backless ang likod at kita ang pusod at mga hita niya dahil sa iksi no'n. Naka three inches heels sandals din siya. Nakalugay ang mahaba at tuwid niyang buhok. Dahil hindi naman siya mahilig sa kolorete ay naglagay lang siya ng polbo at lipstick na hiniram lang niya kay Helena.
Napakamot siya ng pisngi at niyuko ang damit. Nagsisisi na siya ngayon kung bakit hinayaan niyang si Helena ang pumili ng damit niya. Sobrang iksi at masyadong revealing iyon. Nang makita ang damit na ibinigay ni Helena kanina ay halos itapon niya iyon sa labas ng bintana. Ngunit pinagalitan lang siya ng dalawa.
Bakit ba ang iksi nito? Anong klaseng damit ba ito? Damit pa bang matatawag ‘to?
Saka anong laban niya sa dalawang iyan kung bawat pagtanggi niya ay pagkokonsensiya ng mga ito ang natatanggap niya? Kesyo nakalimutan niya ang kaarawan ni Kayah at mas pinapahalagahan pa raw niya ang kanyang trabaho. Wala na siyang ibang choice kundi ang isuot ang dress kahit labag sa kanyang kalooban. Ngayon lamang siya nagsusuot ng gano'n kaiksi at revealing na damit. Hindi siya komportable roon pero hindi naman pwede na naka-office attire siya papasok sa bar.
“What are you doing? Stop pulling your dress, mamaya ay masira iyan. I personally design it for you, so you probably know that it's very special . Mabuti na nga lang at itinago iyan ni Helena dahil alam ko namang itatambak mo lang iyan doon sa closet mo,” masungit na singhal ni Kayah sa kanya ng makita ang ginawa niya.
“Hindi ako komportable dito. Magpapalit na lang kaya muna ako? I saw a near boutique in that area, I can buy a new comportable dress.” Nginuso pa niya ang kung nasaan banda ang sinasabi niyang boutique.
Sabay na tumaas ang kilay ng dalawa na siyang kinasimangot niya. Parang alam na niya ang kasunod nito. Humakbang siya paatras at bahagya itinaas ang dalawang kamay patungo sa kanyang tainga.
“No!” sabay nilang sigaw.
Hindi talaga pwede magsama ang dalawang ito dahil paniguradong sira ang eardrums niya. Napangiwi siya ng makita ang masamang tingin nila.
“What? Stop shouting at me, I'm not deaf!”
Muli ay sabay na umirap ang dalawa sa kanya bago siya hinila papasok ng bar. Pagpasok pa lamang ay agad na niyang nalanghap ang sari-saring amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Sobrang ingay ng musika at malaya niyang nakikita ang mga taong nagsasayaw sa dance floor na animo'y wala na sa kanilang mga sarili. May nakita pa nga siyang naghahalikan sa kung saan-saan kaya umiwas agad siya ng tingin.
This is not a motel for goodness sake! Gusto niya iyong isigaw sa mga nadadaanan nilang nag-m-make out sa mga gilid.
“Hi Miss!” Hi yourself.
“Are you free tonight?" Of course. That's why we're here.
“They're pretty, dude.” I know that.
“Miss, let's dance.” Mag-isa ka!
“Ang s-sexy niyo, miss.” Inggit ka? Matagal na kaming sexy.
Napalabi si Maeve. Bawat naririnig niya ay binabara niya sa kanyang isip. Naiinis na muling ibinaba ni Maeve ang suot na dress. Paniguradong masisilipan siya sa damit na iyon.
“Uwi na lang kaya tayo? I really don't like here. Sa M'Hotelia na lang natin i-celebrate ang birthday mo, Kayah.” She feel nervous while roaming her eyes around.
Hindi siya pinansin ng dalawang kaibigan patuloy lang sila sa paghila sa kanya patungo sa isang mesa. Napapansin niya ang mga tingin ng mga naroon sa kanila lalo na sa kanya. Pagkaupo ay agad na kinuha ni Helena ang cellphone at nagpipindot doon. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid hanggang sa matuon ito sa lalaking nakaupo sa may hindi kalayuan sa kanilang puwesto.
Nakatingin ito sa kanila—o baka sa kanya lang. Napapalibutan ng mga tattoos ang braso at leeg nito. May napansin din siyang kumikinang sa ilong nito, isang hikaw. Nandiri siya ng bigla na lamang itong kumindat sa kanya. May itsura sana ito ngunit mukha itong adik. Umiwas siya at tumingin kay Kayah.
“May hinihintay pa ba kayo? Pupunta ba ang ibang empleyado mo, Kayah? Your admin and staff, Helena?” Napapansin niya kasing parehong nagpipindot ang dalawa ng kanilang cellphone.
Sabay silang tumango. “Oo, parating na sila.”
“Akala ko ba tayo lang?” kunot ang noong tanong niya. “Mga babae, right?”
Nagkatinginan ang dalawa kaya agad niyang nahulaan na hindi babae ang inihintay nila. Sumandal siya sa sopa at mariing ipinikit ang mata. Sino ba ang mga ito para paghintayin sila doon? Alam ba nilang nagugutom na siya? Kanina pa siya hindi kumakain. Hindi iminulat ni Maeve ang mga mata ng may maramdamang presensiya sa kanilang harapan. They're here?
“Hello, miss! Wala ba kayong kasama? You can join us.” May nagsalitang lalaki at nararamdaman niya ang titig nito sa kanya.
Who is this shit?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top