CHAPTER 2
HINDI maiwasan ni Maeve na mangiwi. Nakakunot kasi ang noo ni Trane at salubong pa ang mga kilay nito. Nakasimangot at masama na naman ang tingin sa kanya. Pinasadahan ito ng tingin ni Maeve. Lihim siyang napangiti ng makita ang perpekto nitong mukha kahit hindi iyon maipinta.
Paanong gwapo pa rin ito sa kabila ng lahat nang pinapakita niyang emosiyon?
Trane have a perfect thick eyebrows, a cute and big eyes. Everytime he would look at her, she feel like she's drowning at his orbs. Mapilantik din ang pilikmata nito at itim na itim. Ang ilong ay sobrang tangos. Everytime someone would see, they would always pinpoint his eyelashes or his nose, either of the two. Lastly, his pouty red lips na laging pantay kung hindi naman ay nakataas.
Hindi ba ito marunong tumawa o ngumiti man lang? Simula nang magtrabaho siya dito ay hindi pa niya ito nakitang ngumiti kahit ngiti ay pinagdadamot pa nito. Umiling-iling siya saka bumaling sa kanyang kausap.
"I talk to you later, Kayah. The monster is here. Masama na naman ang tingin sa 'kin kahit na wala naman akong ginagawa." Pagkatapos ay pinatay niya ang tawag nang hindi hinihintay ang sagot nito.
Hinintay niyang lumapit sa kanya ang boss niya bago siya tumayo at yumuko rito. Nang umayos siya ng tayo ay itinuon niya lamang ang paningin sa monitor ng kanyang computer.
"What is my schedule today?" malamig at tiim ang bagang na tanong nito.
Tahimik niyang kinuha ang tablet niya na nasa gilid lang ng computer saka tiningnan ang schedule nito.
"You have a meeting with Mr. Riguel Cruz in two-thirty pm and meeting with Mrs. Sheira Buenafe together with Mr. Dylei Ruil in three-twenty pm. Mga four pm ay may photoshoot po kayo sa ClaverCar." dere-deretso niya iyong sinabi. Hiningal pa ng bahagya.
"That's it?"
Ngumuso siya at binasa ang nilagpasan niya kanina, akala niya makakalusot. "Lunch date with Miss Lourine this twelve pm."
Bumuntonghininga siya at iniangat ang paningin upang tingnan sana ito ngunit agad na napaiwas dahil sa pagtagpo ng mga paningin nila. Sa pagkakataong iyon ay nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. Ganyan lagi ang ekpresiyon ng mukha nito. Nakakasawa na ngang tingnan araw-araw. Nakakaumay. Parang gusto na lang niyang magpalit ng boss. Kaso huwag na lang pala, malaki kasi itong magbigay ng sahod.
"Cancel it all, may pupuntahan ako mamaya." Napatingin siya uli dito, nagtataka. Kumunot ang noo niya.
Saan ang punta nito? "Boss? Pero po importanteng meeting po lahat ito. Iyong lunch date mo lang ang hindi," binulong niya ang huling salita saka umirap.
Unti-unting nagsalubong ang kilay ni Trane. Sumama na naman ang mukha nito kaya itinikom na lamang niyang ang kanyang bibig. Mahirap na at baka kinabukasan ay wala na siyang trabaho.
"Then, reschedule it. If they didn't agreed to it then put them to blacklist, I don't need them anyway. Just do it now!" Saka ito tumalikod sa kanya at galit na bumalik sa opisina ito. Pabagsak pa nitong sinara ang pinto na siyang kinagulat ng mga empleyado doon kahit na siya ay nagulat din.
Problema ba no'n? Masyado itong bipolar!
Napapailing na sinunod niya ang utos nito. Habang ginagawa iyon ay sinasabayan niya iyon ng buntonghininga. Muling tumunog ang kanyang cellphone kaya agad niya iyong sinagot without looking at the caller again.
"Oh, bakit na naman?"
"Tsk!" Tiningnan niya ang tumawag dahil sa sagot nito.
"Why did you called again, Helena? Akala ko ba ay mamaya pa tayo aalis? Excited, huh?"
"I just want to ask you something. Where's Ven?"
Nagsalubong ang kanyang kilay kasabay nito ay ang paglakas ng pintig ng puso niya. Sinapo niya ang dibdib. Panira talaga, pangalan lang naman ang isinambit ngunit lumalakas na ang tibok ng puso niya. Tsk! Dapat niya talagang pigilan ang nararamdaman kapag may sumasambit lang sa pangalan ng masungit na lalaking iyon. Hindi na tama itong nararamdaman niya.
"Nasa opisina niya malamang." Umirap pa siya at kinuha ang isang folder, sinimulang basahin.
"Lumabas ba ng office niya?"
May alam ba ito kung bakit gano'n na lamang kasama ang tingin sa kanya ng binata? Umarko ang kilay niya. "Oo, nang tumawag ka ay kakapasok niya lamang no'n sa opisina niya galing dito. Why did you asked?"
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Helena. "What did he said?"
"Cancel or reschedule his meeting today dahil may pupuntahan siya mamaya. Iyan lang ba ang itatanong mo? Talagang tumawag ka at inistorbo ako para lamang diyan sa tanong mo?" she asked frustratingly.
"Oh yes, sige na at ibababa ko na ito," natatawa nitong sagot.
Dahil kilala na niya ang kaibigan ay agad niyang nalaman ang ibig sabihin ng tawang iyon. May ginawa na naman itong hindi nagustuhan ng pinsan nito. Lagi kasi nitong inaasar ang binata kung kaya't siya minsan ang napagbalingan ng inis nito.
"Ano ang nangyari doon? Ang sama-sama ng tingin niya sa 'kin paglabas niya ng opisina niya. Did you pissed him off again? Dinamay mo na naman ako! Helena, ang sabi ko ay tigilan mo na ang pang-aasar sa kanya. Kapag ako nawalan ng trabaho ikaw ang magbabayad ng apartment ko buwan-buwan," inis na singhal niya.
"Iyon nga ang gusto ko para sa akin ka na din magtrabaho. Mas malaki ang offer ko sa'yo kaysa sa kanya but in the end you still choose to work with him," she frustratedly said.
"Helena, we already talk about it. Saka Ikaw ang nagrekomenda ng traba-"
"Yeah, yeah whatever. I hang it now, ihahanda ko pa ang isusuot mo mamaya."
Napailing siya ng patayan siya nito ng tawag. Kahit kailan baliw ang babaeng iyon. Hindi niya alam kung ano na naman ang sinabi nito sa pinsan para magkaganoon iyon sa kanya. Umiling siya saka inabala ang sarili sa kanyang trabaho.
Nang sumapit ang alas singko ay inayos na niya ang kanyang mga gamit. Kanina pa umuwi ang ibang empleyado, pero may iilan pa naman na nag-oover time. Tumayo siya bitbit ang kanyang bag at nagtungo sa opisina ng boss niya.
"Boss, uuwi na ako," paalam niya ng silipin niya ito.
Umangat ang tingin nito sa kanya at inaasahan na niya ang ekspresyon ng mukha nito. Nakikita niya ang inis sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung para saan iyon. She didn't do anything bad. Nagpaalam lang naman siya.
"Tsk! Wait for me."
Nagulat siya sa sinabi nito kasabay ng muling pagtibok ng kanyang puso. Anong wait for me? Sasabay ito sa kanya? No way!
Mabilis ang bawat kilos nito. Hanggang sa nakita na lamang niya ang sariling hatak-hatak na nito patungo sa elevator. Mabuti na lamang at busy ang ilan pang empleyado kaya hindi nila nakita ang ginawang paghatak sa kanya nito.
"Boss, ang kamay ko po." Nakayuko na namang sambit niya kasabay ng paghila niya sa sariling kamay.
"Shut up! It's not working hour now, so call me with my name." Galit na naman ito.
Natigilan siya. Umiling at pilit pa ring inaagaw ang kamay na hawak nito. "P-Pero kasi, boss..."
"Trane. Call me with that name. Madali lang namang sambitin 'yan."
Trane? Ever since I want to call you with your name but I can't because you're my boss and I am just your secretary. Mataas ang antas mo sa 'kin, saka unfair naman sa iba iyon. She thought then pouted her lips.
"I prepared calling you 'Boss' thought."
Nakagat niya ang labi ng marahas itong lumingon sa kanya. At hindi niya inaasahan ang susunod nitong gagawin. Trane pushed her to the wall and pinned her. Nilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya at nilapit ang mukha sa mukha niya. Naamoy niya ang pabango nito. Bigla siyang kinabahan. Halos pigilan na niya ang kanyang hininga dahil sa lapit ng mukha nito.
"Boss, huh? After kissing you yesterday?" Lalo nitong inilapit ang mukha sa kanya kaya mabilis niyang inilagay ang dalawang kamay sa malapad nitong dibdib upang pigilan ang paglapit nito. Alam niyang namumula ang kanyang mukha sa oras na iyon. "You're blushing, babe."
Parang gusto na niyang lamunin na lang siyang bigla nang kinatatayuan niya ng maalala ang paghalik nito sa kanya kahapon. Ngunit akala niya ay lasing ito. Sinundo niya ito sa bar dahil siya ang tinawagan ng bartender doon. Siya kasi ang una sa recent call nito. Nang alalayan niya ito papasok sa kotse ay hindi sinasadyang natumba ito paloob at nadala siya. Nagtagpo ang mga labi nila na tumagal din ng ilang segundo. Pangalawang beses na nangyari iyon sa kanila, ang unang halik nila ay isang buwan ang nakakalipas at lasing din ito.
Yumuko siya ngunit muli lang iyong itinaas ng binata. Doon siya tumingin sa bukol nito sa leeg na tumataas-baba dahil sa ginagawa nitong paglunok.
"What are you talking-" he cut her off.
"What if I kissed you right now? Would you call my name? Brilliant idea right?" nakangisi nitong saad na siyang nagbigay sa kanya ng matinding kaba.
Itinulak niya ito ngunit para lamang siyang nagtutulak ng pader. Impossible niyang maitulak. Ni hindi man lang nga ito gumalaw sa puwesto nito. Masyadong malakas ang binata. Lalo itong napangisi sa ginawa niya.
"Don't you dare ..."
Hindi na niya naituloy iyon dahil lalong lumapit ang mukha ng binata sa kanya. Hanggang sa mag-isang dangkal na lamang ito. Muntikan na sanang magdaop ang mga labi nila nang tumunog ang elevator, naitulak niya agad si Trane bago pa ito bumukas. May isang babae roon at parang nagtataka sa kanila, may katandaan na ito.
Sa pagkakatanda niya ay may anak itong nagtatrabaho dito kung kaya lagi nitong pinupuntahan iyon dito. Nakayukong lumabas siya ng elevator at iniwan roon si Trane. Narinig pa niya ang pagmura nito bago siyang tuluyang makalabas. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang hanggang sa makita niya sina Kayah at Helena sa labas na naghihintay sa kanya.
"Let's go na," tarantang saad niya saka pumasok sa kotse ni Helena.
"What happened to her?" She heard Kayah ask Helena that make her leered.
Because of that rugged billionaire who always make her heart beat fast. Naiinis siya. Dapat na talaga niyang tigilan ito. He's off limit, ayaw niyang maging dahilan pa siya ng pagkasira ng dalawang magkasintahan.
Kung sana ay wala itong sabit, baka araw-araw pa niya itong lalandiin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top