CHAPTER 11

NAGMULAT ng mga mata si Maeve nang maramdaman niya ang pagtigil ng sinasakyan nila. Dahan-dahan siyang tumingin sa labas ng bintana ngunit agad na natigilan dahil pamilyar sa kanya ang mansiyong nasa harap nila . Nanlalaki ang mga matang nilingon niya si Trane bago binalik ang tingin sa labas. Matagal-tagal din siyang hindi nakakabalik sa lugar na ito dahil na din sa pagiging busy niya sa trabaho.

Years had past but there's no changes. Kung ano ang nakita niya noon iyon din ang nakikita niya ngayon. Kahit nasa labas pa lamang sila ng malaki at mataas na gate ay nakikita niya mula roon ang mga makukulay na bulaklak.

Dahil sa pagkatulala ay hindi niya maiwasang mapatalon sa kinauupuan dahil sa gulat ng hawakan ni Trane ang kamay niya. Nilingon niya itong muli.

"They're looking at you. Matagal ka na nilang gustong makita. I just don't have time to tell it to you because you always avoiding me. What's wrong with you? Tsk!" Umiling na binitawan niya ang kamay ko bago muling nag-drive para ipasok ang sasakyan sa loob.

"How I can't avoid you? Daig mo lagi ang dragon kung magbuga ng apoy." Napapalabing bumaba siya ng kotse nang ihinto nito iyon. Nagtungo siya sa back seat upang kunin si Trank na natutulog.

"As if you're afraid of me. You can't look directly at my eyes yes but you're not afraid of me when I'm mad. Ikaw lang ang tanging taong dadaanan lang ako at i-snobin kapag nagagalit." Hinawakan nito ang baywang niya para pigilan siya sa pagkuha kay Trank. Maingat siyang nilagay nito sa gilid upang malaya itong makayuko at mabuhat ang anak.

"Hindi ba pwedeng nasanay lang? Araw-araw ka ba namang may dalaw, eh. Daig mo pa ang babaeng nireregla kung mag iba-iba ng mood."

Tinitigan siya nito ng masama kaya napangiwi siya. May mali ba sa sinabi niya? Nagsasabi lang naman siya ng totoo. Nang umirap siya sa binata ay narinig niyang tumawa ito. Pigil naman ang ngiting tumalikod siya. At least napatawa niya din ito.

Kinuha ni Maeve ang mga bag nila ni Trank. Bakit kailangan pang nagdala ni Trank? Paniguradong marami naman itong damit dito. Napabuntonghininga si Maeve ng maalalang hindi pala nagsabi ang binata kung saan sila pupunta. Trank and Maeve didn't expect that Trane will take them here. Akala kasi nila sa beach or kahit saan man iyan.

"Mom?" Trane called when he opened the front door.

Nilibot ni Maeve ang paningin sa buong paligid. Napangiti siya nang makitang wala man lang nagbago kahit sa loob. Mula sa kulay at desinyo ay ganoon pa rin. Parang hindi man lamang ito nagalaw sa puwesto nito.

"Oh my gosh, my grandson is here!" Isang tili ang narinig nila kasabay nang mabilis na mga yapak.

Sabay silang napatingin sa kusina nang doon marinig ang mga yapak. Nang makita si Mrs. Vegafria ay napalunok si Maeve. Noon nagtungo siya dito bilang sekretarya ni Trane, ngayon ay bilang pansamantalang Mommy ni Trank. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan. Alam niyang mabait ang ginang ngunit hindi niya alam kung ano ang ugali nito kapag may kinalaman sa pinakamamahal nitong anak.

Hindi na si Maeve magugulat kung ayaw nitong tanggapin ang pagiging Ina ni Trank. She's a mother. She wants the best for her beloved son. Sino lang naman kasi siya? Magkaiba ang katayuan nila sa buhay. Alam niyang si Siena ang mas gusto nito sa anak nito. Parehong kilala ang pamilya nila at nasisiguro niyang iisipin ng mga itong peperahan niya lamang ang anak nito.

That's she read at novel books. Ang mga mayayaman, kapag nagkakagusto ang mga anak nila sa hindi kapantay ng mga ito sa katayuan sa buhay ay sasabihing piniperahan lamang ng mga mahihirap ang kanilang anak. Pipilitin ng mga itong maghiwalay ang dalawa upang makuha ang ninanais.

“Lola Ma!” Trank shouted that make Trane Mom stilled at her position.

Nanlalaki ang mga mata nito kasabay ng pag-awang ng kaniyang labi. Hindi makapaniwalang nakatingin ang mga ito sa bata. Trank hugged his grandmother while he's smiling widely. Kahit si Trane ramdam niyang natigilan din. Hindi dahil doon kundi dahil mukhang sa kanilang lang talaga ayaw magsalita ni Trank.

“Don't think too much, Trane. Kakausapin ka din niya.”  Hinawakan niya ang binata sa likuran nang makita ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa anak.

Nakita niyang nasasaktan talaga ito. Hindi niya alam kung ano ang pumipigil kay Trank na kausapin ang ama nito. Everytime she open up it to Trank lagi nitong nililihis ang kwento. Ramdam niyang natatampo ito sa ama sa hindi malamang kadahilanan. Mukhang iyon ang kailangan niyang ayusin bago pa dumating ang tunay nitong Ina.

“Masama ba akong ama? Why he didn't talk to me? I did everything for him. Even though her Mom left us, I did everything to make him feel complete. Saan ba ako nagkulang? Bakit kailangan ako pa ayaw niyang kausapin?” mahina at nasasaktan nitong wika bago siya tiningnan.

Hindi alam ni Maeve ang kanyang gagawin nang makita ang pagbabadyang pagtulo ng luha ng binata. Aaminin niyang sa kabila ng awa at pag-alala niya dito ay hindi niya maiwasang mabigla dahil sa nakikita niyang hitsura nito.

The cold and emotionless Trane Hieven Vegafria was  crying? That's new and shocking.

“Don't say that. You are a great Dad, Trane. Huwag kang panghinaan ng loob. Nag-aadjust pa lang siguro si Trank.” Ngumiti siya at pinunasan ang luha nitong muntik ng tumulo. “Don't cry. Hindi bagay—”

“Maeve Viorica?” Natigilan siya sa pagsasalita dahil sa mahinhin na boses na kanyang narinig. Napaangat siya ng tingin at natuon iyon sa ginang. Bahagya siyang napalayo kay Trane dahil nakatingin ang mga ito sa kanila.

“My Mommy!” Trank chuckles that make her smile. Napatingin dito ang mag-asawa.

“What?” Tumingin ang ginang kay Trane. “Can you explain this? How come? Trane Hieven Vegafria? ”

Ito na nga ba ang sinasabi niya. Hindi niya maiwasang mapayuko. Bakit kasi hindi sinabi ni Trane na dito sila pupunta, eh ‘di sana hindi na siya sumama. Pinaglaruan niya ang kanyang kamay dahil sa kabang naramdaman. Hinanda na rin niya ang sarili sa galit nito. Paniguradong paaalisin siya ng mga ito.

“M-Mommy...” Naramdaman ni Maeve ang paghakbang ni Trane sa Ina nito.

“What did you do? Paano...Paano mo siyang napapayag? Tinulungan ka ba ng apo ko? I told you Trane, ikaw ang dapat na kumausap sa kanya at hindi ang apo ko!” Nanlalaki ang matang napaangat siyang muli ng tingin. Nakita niyang hinahampas ng ginang si Trane.

Ngunit hindi iyon ang kinagulat niya. Ano ang ibig sabihin nito na dapat si Trane lang ang dapat kumausap sa kanya? Mukhang napansin din nila ang naging reaksiyon niya kung kaya sabay ang mga itong ngumiti maliban kay Trane na wala man lang reaksiyon ang mukha. Nakatingin lamang ito sa kanya ng seryoso hanggang sa lumapit ito at hinawakan ang kamay niya.

“She's tired, Mom. Mamaya mo na siya kausapin. Let's go.” Bago pa siya makaalma ay hinila na siya ni Trane paalis.

“Mommy!” sigaw ni Trank.

“Later, son. Mommy is tired.” Patuloy pa rin si Trane sa paghila sa kanya paakyat.

“Hindi naman, ah. Paladesisyon ka!” Kinurot niya sa tagiliran ang binata nang makapasok sila sa loob ng isang kwarto.

Hinila siya ni Trane patungo sa kama. Nang makaupo si Maeve doon ay tiningala niya ito hanggang sa dahan-dahan niyang nilibot ang paningin sa buong kwarto.

“Kaninong kwarto 'to?” she asked.

“Mine. You like it?” Pabagsak itong nahiga sa tabi niya pagkatapos ay tinakpan nito ang mga mata gamit ang braso nito.

Trane room was a combination of black and white. Iyon ang paborito niyang kulay kung kaya hindi maalis sa kanya ang pagkamangha habang tinitingnan ang bawat sulok ng kwarto nito. Malawak din ito ngunit hindi kasing lawak ng kwarto sa bahay nito. He has a mini library at mini counter na puno ng mga mahahaling inumin.

Ngunit hindi maiwasan ni Maeve na mapatili ng biglang may humawak sa kanyang kamay at hinila siya pabagsak sa kama.  Bumagsak ang katawan niya sa ibabaw ni Trane. She suddenly feel that her heart beat loudly. Pakiramdam tuloy niya ay nararamdaman ng binata dahil sa lakas no'n. Napasimangot siya ng makitang nakatitig na ito sa kanya. Tulad ng lagi niyang ginagawa ay iniwas niya ang paningin dito ngunit hinawakan ni Trane ang mukha niya para mapigilan ang akmang pag-iwas.

“Sleep, baby.” Dahan-dahan siya nitong hiniga sa kama at lalong siniksik sa katawan nito.

Walang nagawa si Maeve kundi ang ihilig ang mukha sa dibdib nito at niyakap din ito sa baywang. She feel his heartbeat. Tulad niya ay malakas din iyon. She slowly close her eyes as a smile plastered in her lips.

Nagising lamang si Maeve nang maramdaman ang gutom. Nang magising ay wala na si Trane sa tabi niya. She's hugging a pillow now. Tumayo siya at lumabas ng kwarto.

Aaminin niyang namimiss din niya ang lugar na ito. Ilang ulit na siyang pabalik-balik dito noon. Minsan ay nagtatagal ng tatlo o apat na araw dahil sa kagustuhan ng Mommy ni Trane. Tumigil lang siguro siya noong panahong gusto niyang iwasan ang binata dahil sa pagsidhi ng kanyang nararamdaman.

“Maeve Viorica, hija!” Pagbaba ay agad siyang nakita ng Mommy ni Trane. Nasa salas ang mga ito at nilalaro ang anak.

Hindi niya maiwasang mapangiwi. She really like calling her by her full name.  Naiiling na naglakad siya patungo sa mga ito. Gabi na rin pala. Nang makaupo ay lumipat si Trank sa kanya, umupo ito sa mga hita niya at mahigpit siyang niyakap.

Wala yata si Trane. Palihim niyang nilibot ang paningin ngunit hindi niya makita ang binata. Kumunot ang noo niya. Saan ito pumunta?

“Looking for me, baby? I'm just here. Inaayos ko ang dinner natin.”

Napatalon siya sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Trane sa tabi niya pagkatapos siyang hagkan sa pisngi. Nanlalaki ang matang tiningnan niya ang Ina nito. Napabuntonghininga siya ng makitang kinakausap nito ang isang kasambahay at hindi nakatingin sa kanila. Siniko naman agad niya ang binata na kina-aray nito ng bahagya. Maarte. Ang hina lang no'n.

“Hanggang kailan kayo dito, Trane? Can you stay until next week? Matagal-tagal ding hindi nakakapunta si Maeve dito.” Lumapit ang Mommy ni Trane sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. Lumamlam ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Matagal na kitang hinihintay na bumalik dito, hija. Kung hindi pa dahil kay Trank ay siguradong hindi kana talaga babalik dito.”

Napaiwang ang labi niya. Bakit siya hinihintay nitong bumalik? Nagtataka ang mukhang tiningnan lamang niya ang Ginang. Mukhang nagtaka din ito that make her confused.

“Trane Hieven, she still didn't know?” asik nito bigla sa anak.

“No.” Umiwas ng tingin si Trane nang makitang nakatingin siya.

“Nevermind. Let's go eat.” Tumayo ang mag-asawa at kinuha si Trank.

“Mrs. Vegafria—”

“Its Mommy for you now, Maeve Viorica.” Tinaasan siya ng kilay nito at naglakad na papalayo kasama si Trank.

“I'm confused, Trane. What did she mean a while ago? I don't understand.”

Akala niya ay sasagutin na siya nito ngunit ngumisi lang ito sa kanya at pinulupot ang braso sa baywang niya saka siya hinila palapit sa katawan nito. Hindi sinasadyang napahawak siya sa dibdib ng binata. Bahagya niyang nilayo ang ulo nang lumapit ang mukha nito sa kanya. Humigpit ang kamit ni Trane sa baywang niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang lalong lumapit ang mukha nito at naramdaman ang hininga nito sa bandang tainga niya.

“Later, baby. I'm going to tell you, hmm?” Nanlaki ang mga mata ni Maeve ng maramdaman ang labi ng binata sa ilalim ng tainga niya.

Hinila na siya ni Trane pagkatapos no'n. Hanggang sa pag-upo ay nakatulala pa rin si Maeve. Pasulyap-sulyap siyang tumitingin dito na nahuhuli naman nito saka siya ngingisihan. Pinagsilbihan siya ni Trane na kinangiti lamang ng Ina nito.

She is not mad? Hindi ba siya pagsasalitaan nito ng masama? Kisyo mahirap lang siya at mayaman si Trane. Na hindi sila bagay na dalawa? Did Trane explain them everything? Na pansamantala lamang siyang maging Mommy ni Trank hanggang sa bumalik na ang tunay nitong Mommy?

“Eat, baby.” Pinagsalin pa siya ni Trane ng tubig.

“Lola Ma, I want to eat beside Mommy,” mahinang bulong ni Trank.

Nagtatakang napatingin si Maeve sa gilid niya ng makita roon si Trank na hinihila ang kanyang damit. Nang tingnan ay ngumiti ito at pilit nilalapit ang upuan sa kanya. Umupo ito doon at ngumanga sa kanya. He pointed her food then his mouth. Agad naman niyang nakuha ang gusto nitong mangyari. Maeve feed him the reason why they heard Trane growl. Sinamaan naman niya ito ng tingin. Nag-uumipisa na naman ito.

“Kumain kana nga diyan.” Patuloy niyang sinusubuan si Trank at inirapan lang si Trane na mariin ang titig sa kanilang dalawa.

Selos lang siya eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top