CHAPTER 10

PAGPASOK ni Trane sa loob ng playroom nang anak ay agad itong natigilan dahil sa nakita. Isang ngiti ang namutawi sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang dalawa. Kung ito ang lagi niyang makikita ay gugustuhin na lamang niyang manatili dito kasama ang mga ito. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ulit kasaya ang anak niya.

Nakahiga si Trank sa braso ni Maeve habang nakatagilid naman ang babae at yakap ang anak niya. Mukhang komportable ang anak niya sa puwesto nito. I shook my head and walked towards their direction. I slightly bow my head and kneel down my knees. I kissed my son's forehead and look at Maeve. Natigilan pa ako nang makita ang marahan niyang paggalaw hanggang sa unti-unting pagmulat ng kanyang mga mata. As she opened her eyes ay muling nagtagpo ang kanilang mga mata. Nagulat pa ito ng makita siyang nakatitig dito.

"Did I woke you up? I'm sorry..." malambing niyang wika dito.

Humupa na ang inis na naramdaman niya nang makita ito kasama ang anak niya. Mapailing siya nang maalala ang ginawa nitong pagsama sa pinsan niya. Muling tumalim ang tingin niya ngunit nang balingan niya ang dalaga ay nakataas na ang kilay nito.

Hindi ba't siya dapat ang nagagalit? Paano kung nalaman ng anak niya ang pagsama nito sa ibang lalaki? He doesn't want to see his son being hurt again. He would do everything to make him happy. Kung kinakailangan niyang itago o patigilin ang dalaga sa pagtatrabaho para hindi makitang magkasama sila ng pinsan niya ay gagawin niya.

"Why are you here? Why are you looking at-" Trane shook his head to keep her silent. He glance at his son before looking at her again.

"Thank you!" Hindi niya maiwasang pasalamatan ang dalaga. Hindi siya sanay magsabi no'n ngunit masyado siyang nalulugod sa nakikitang saya sa mukha ng kanyang anak. "Can I asked a favor again? Alam kong sobra-sobra na pero para ito sa anak ko."

Nakita niyang natigilan ito bago tumingin sa anak niya. Nang tumango ito ay napangiti siya. Sa tingin niya ay unti-unti ng nakukuha ng anak niya ang loob nito. Pakiramdam niya si Trank din ang magiging kahinaan nito kapag lalo pang nagkagaanan ng loob ang dalawa.

"Can we transfer him to his room? Baka mangalay siya." Hinaplos nito ang buhok ng kanyang anak na lalo sumiksik pa rito.

Tumango siya at dahan-dahang kinuha ang anak niya. Sabay silang nagtungo sa kwarto ni Trank. Trane slowly put his son to his bed, sinigurado nilang maayos ito bago lumabas at nagtungo sa kwarto nila. They're both silent. Naghihintay na may magsalita sa kanila.

Tinungo ni Maeve ang kama at doon umupo. Kinakabahan siya. Naupo din si Trane sa kanyang tabi kung kaya napapakislop siyang napalayo ng bahagya dito. Napansin iyon ng binata kaya tinaasan siya nito ng kilay na naging dahilan para mapalunok siya.

"Come closer."

Napaangat siya ng tingin dito. Anong sinasabi nito? "Huh?"

"Come closer. Here." Tinapik nito ang espasiyo sa tabi nito.

Nakangusong umusog si Maeve roon. Mukhang nainip na ito kung kaya hinawakan siya nito sa magkabilang hita at hinila siya patungo sa tabi nito. Paharap tuloy siyang nakaupo ngayon dito. Nang magtama ang kanilang mga mata ay napasinghap si Maeve. Agad siyang umiwas na kinainis ng lalaking kanyang kaharap.

"Okay na 'to. A-Anong favor ba ang sinasabi mo kanina?" she asked.

"Are you mad at me? Or you doesn't want to talk to me?"

Mabilis na napalingon si Maeve dito. Nang magtama muli ang kanilang paningin ay doon niya nakita ang mataman at malambing na titig nito. Akmang iiwas siyang muli ng tingin nang hawakan nito ang magkabilang niyang pisngi upang panatilihin ang paningin dito. Napanguso siya ngunit agad na napalunok nang makita ang pagbaba ng paningin nito sa kanyang labi.

"B-Bakit ba kasi," nagkandautal pa siya.

"Bakit parang nagmamadali kang matapos ang pag -uusap natin? Tsk! Nasaan na ang masungit na Maeve kanina?" Kumunot ang noo ni Maeve. Bakit ba masyado na itong naging madaldal.

"Sabihin mo na lang kasi ang pabor na sinasabi mo."

Matagal siyang tinitigan ni Trane bago tumango sa kanya. "I don't know if you will agree with this. But I'm really won't allowed my son to be hurt again. Alam nating napamahal na agad siya sa'yo."

Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "Deretsohin mo na nga ako."

"I want you to resign then be with my son here. Alam kong mahirap itong pabor na gusto ko ngunit habang naroon ka sa kompanya ay patuloy ring tutungo roon ang pinsan ko. And baby, I know my son very well alam kong simula nang pumayag kang maging Mommy niya ay hindi imposible na may kinausap siyang ibang emplado para manmanan ang bawat kilos nating dalawa. May posibilidad na malalaman niya ang pagsama mo sa pinsan ko. Baby, I don't want my son to be hurt again. Unti-unti na siyang bumabalik sa normal."

Resigning in my job? Hindi pwede. Kailangan kong magbayad sa condo ko. Kung titigil ako ay baka mapalayas ako doon. Paano na ako kapag natapos bumalik na ang tunay na Mommy ni Trank? Wala na akong tutulugan kung gano'n.

"Pero kasi..."

"Dito ka na tumira sa bahay kung pinoproblema mo ang condo mo."

"Then what if Trank biological mother will be back here? Saan ako titira? At saka ang pinsan mo ang ipaiwas mo!" Pagkatapos niya iyong sinabi ay nakita ni Maeve ang pagkunot ng noo nito. Napalunok siya nang tumalim ang tingin nito sa kanya.

"You're thinking nonsense, babe. You're not allowed to leave my house. I don't care if she back. Just don't leave me and my son." Napasinghap siya nang bigla na lamang siyang hinila nito patungo sa katawan nito. "So you will resign tomorrow and stay here. Maaga akong uuwi bukas dahil may pupuntahan tayo." Hinila siya nito pahiga, kaya tuloy napahiga siya sa dibdib nito. Ang isang braso nito ay nasa ilalim ng kanyang ulo habang ang isa ay dumantay sa baywang niya.

"Saan tayo pupunta?" Tumingala siya rito ngunit natigilan nang hagkan nito ang kanyang noo.

Labis ang gulat na naramdaman ni Maeve sa oras na iyon. Ramdam niya ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Sa lakas no'n ay pakiramdam niya naririnig ng binata ang pintig nito. Sinubukan niyang lumayo ng bahagya ngunit lalo lamang siyang hinapit ni Trane sa katawan nito.

"Tomorrow. For now let's sleep."

Muli nitong hinagkan ang kanyang noo. Nanatili siya sa bisig ni Trane hanggang sa makatulog silang pareho. Nakalimutan na tuloy niya ang nangyari sa opisina dahil dito. Pati ang inis na naramdaman niya ay nawala na sa isip niya.

Kinaumagahan ay nagising siyang wala na si Trane sa tabi niya. Ngunit may nakita siyang notes sa table na malapit sa kama nito. Bahagya siyang bumangon at kinuha iyon.

Good morning, babe! Hindi na kita ginising ang himbing ng tulog mo. You really like sleeping at my arms, huh. I'm just finish my meeting then I'll go home. Just ready your clothes and our son. See you later.”

'Our son.' Napangiti siya.

Kahit walang pangalan ay alam ni Maeve kung kanino iyon nanggaling. Sa lakas ng tibok ng kanyang puso ay masasabi niya agad na kay Trane iyon nanggaling. Malaki ang ngiting bumaba siya ng kama ngunit kasabay no'n ay ang pagkatok ng kung sino sa pinto. She didn't move on her place. Hinintay niyang magsalita ang nasa labas no'n.

"Mommy? Mommy, are you there? Open up!" Ang boses ni Trank ang agad niyang narinig kung kaya mabilis niya iyong binuksan.

"Trank anak." Ang aga naman yata nitong magising.

"Daddy, told me you gonna resign to your job... is that true? Are you going to stay here with me? Dito ka lang po, Mommy?" cute na cute nitong wika na bahagya niyang kinatawa.

"Opo, dito lang si Mommy." Lumapit si Maeve dito at ginulo ang buhok nitong magulo na. "At ang sabi pa ng Daddy mo ay aalis tayo pagdating niya. So go and take a bath with Yaya."

Namilog ang mga mata nito at bahagya pang pumalakpak. Nagulat tuloy siya. Para kasi itong hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.

"Daddy said that, Mommy?"

Nagtatakang tumango si Maeve. Umawang ang labi niya ng tumalon-talon ito at mabilis na lumabas ng kwarto. Narinig pa niya ang malakas nitong pagsigaw. Trane is right, unti-unti na ngang bumabalik sa dati si Trank. Nagiging madaldal na rin ito paminsan-minsan ngunit kapag ang ama nito ang kaharap ay para itong naputulan ng dila na ayaw magsalita kahit anong gawin ng ama.

Dahil sa emosiyong at ekpresiyong ipinakita ng bata ay doon napagtanto ni Maeve na baka hindi pinapayagan ni Trane na lumabas silang mag-ama kung kaya ganoon na lamang ang nakita niyang saya dito ng sabihin niya iyon.

Kakausapin niya si Trane mamaya pagdating nito. Siguro ay iniisip pa rin nito ang kaligtasan ng anak nito. Bumuntonghininga si Maeve at dumeretso sa banyo. Nagtagal din siya ng kalahating oras doon. Kanina pa nga kumakatok si Trank.

"Mommy, my bag is ready." Habang nagsusuklay siya ay bumukas ang pinto at pumasok si Trank.

Minadali na lamang niya ang pag-aayos. Dalawang pares ng damit lamang ang dinala niya dahil wala naman sinabi ang binata. Kung kulang ay bibili na lamang siya sa pupuntahan nila. Backpack din ang dinala. Bumaba silang dalawa ni Trank sa salas at doon hinintay ang binata.

"Daddy took so long." Tumango si Maeve dito. Nang tumunog ang tablet nito ay agad-agad na kinuha nito iyon. Huli na nang itago nito nang buksan nito ang messenger.

Nagsalubong ang kilay ni Maeve at kinuha ang tablet ni Trank. Ayaw pa nitong bitawan sana ngunit pilit niya iyong kinukuha dito.

"Mommy..."

It was a picture of Trane with other girl. Tama nga si Trane ng sabihin niyang may empleyadong kasabwat ang anak nito. Ngunit hindi niya gusto ang nakikita niya ngayon. Mahigpit niyang hinawakan ang tablet na halos durugin na niya iyon. Kumirot ang puso niya habang nakatingin sa mukha nitong nakangiti. She can't remember that Trane smile at her like that.

'Bakit ka nagagalit diyan? Baka nakalimutan mo kung ano lang kayo.'

Natigilan siya. Napahugot siya ng malalim na hininga. Ilang minuto ay bumalik niya ang tablet nito at marahang ngumiti. Kahit ramdam niya pa rin ang kirot ay nagawa niyang magpanggap na hindi apektado sa kanyang nakita.

"Mommy, I think its just my dad employee." Gusto niyang umiling kay Trank. Kilala niya ang mga empleyado ni Trane, and she never saw that girl as one of the employees.

"Oo nga, anak." Iyon na lamang ang sinabi niya at pilit na ngumiti. "Hayaan mo na, anak. Come here, sleep ka muna kay Mommy habang naghihintay tayo sa Daddy mo." Inalalayan niya itong makaupo sa tabi niya at marahan na hiniga ang ulo sa kanyang hita.

They stay there for hour until Trane arrived. Nakasunod ang tingin niya dito hanggang sa makapasok ito sa loob at hinanap siya sa isa sa mga maid. Tinuro sila ng isa sa maid kaya dumeretso si Trane kung nasaan sila.

"Sorry medyo natagal ako. Ready na ba mga gamit niyo? Let's go." Tahimik na tumango siya at niyuko si Trank. Hinaplos niya ang pisngi nito.

"Trank anak, aalis na tayo." Nagulat sila ng mabilis itong bumangon at dumeretso sa maliit nitong backpack.

"I'm ready, Mommy!" He shouted and run towards her. Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila palabas ng bahay.

"Trank, my bag!" Sinubukan niyang pigilan ito upang kunin ang bag niya ngunit huli na, binuksan nito ang pinto ng kotse saka siya tinulak papasok sa front seat. Tumakbo ito patungo sa likuran.

Bumuntonghininga na lamang si Maeve. Mukhang excited na talaga ito. Nang sulyapan ni Maeve ang bahay ay nakita niya si Trane na papalabas habang hawak ang kanyang bag. Kumunot ang noo niya at binuksan ang pinto. Masungit niyang kinuha bigla ang bag dito na alam niyang kinagulat nito. Tinaasan pa niya ito ng kilay bago tinalikuran.

"Your so masungit, Mommy." Bumungisngis si Trank habang nakatingin sa ama nito. "Daddy look shock, look at him." Pero imbis na tingnan itong muli ay siniringan niya lang ito.

Pumasok si Trane sa kotse na may pagtataka sa mukha. Nilingon pa nito ang anak na may magpagtatanong. But Trank smirk and shrugged his shoulder. Bumungisngis itong naglaro sa tablet nito. Pasulyap-sulyap si Trane sa kanya habang nagmamaneho ito kaya tinaasan niya ito ng kilay.

"What?" asik niya. Simula nang may nangyari sa kanila ng binata ay pakiramdam niya may nagbago sa pakikitungo niya sa binata. Hindi na siya naiilang pa dito.

"What did I do, babe? Why you're so masungit?"

Umingos siya. "Magmaneho ka na nga lang diyan."

"Babe?"

"Wala akong naririnig. Trank, music please." Walang pagdadalawang-isip naman na in-on ni Trank ang music sa tablet nito. Nakasimangot tuloy na nagmaneho ito.

Narinig pa niya itong bumulong-bulong ngunit hindi niya pinansin.

Ayan babae pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top