Kabanata 6
Kabanata 6
Caught
Celestia Rogue
I PASSED OUT last night, out of restlessness. Naramdaman ko lang ang sobrang pagod nang matapos naming kunin ang main core.
Nang magising ako ay nasa kwarto ko na ako at nakasuot pa saakin ang cloak na suot ni Drashit kahapon.
"Did he take me home?"
I asked myself.
Pero naalala ko ang sinabi niyang huwag kong sasabihing tinulungan niya kami. He told me we'll get into trouble and someone might attack us if they discover our village.
Alam ko naman iyon, ang kaso lang ay nasa labas ngayon lahat ng cores at mana crystals na nakalap namin. Natatanaw ko kasi iyon mula sa bintana na ikinakunot ng noo ko.
Ang main core naman na ginamit upang maisara ang leak ay nasa bed side table ko.
"Why didn't he get the things he can make money with? kaming dalawa ang nagsara ng leak, kaya dapat lang na may parte siya."
I sighed.
"Madami naman na siyang pera, di niya kinuha eh, edi samin na."
Kibit balikat ko saka tinanggal ang cloak at napatitig doon. The fabric is really nice, magkano kaya kung ibebenta ko ito?
"Good morning ma."
Ngiting bati ko nang makalabas ako ng kwarto.
"Celestia! Ikaw talagang bata ka! bakit ka pumasok doon ng mag isa?"
Bungad ni mama na nagpangiti lang saakin.
"Ganda namang bungad iyan ma."
Tawa ko, tinignan niya lamang ako ng masama.
"Hindi ako nagpunta doon ng mag isa ma."
Sabi ko.
I think I should tell her, hindi naman siya nagkukwento sa mga kapit bahay namin tungkol sa mga ginagawa ko.
"Ha? Eh sinong kasama mo? mag isa ka lang daw na nakita sa tapat nung nakasaradong leak kaninang madaling araw."
Kunot noong sabi ni mama. So iniwan lang pala ako doon sa gubat ni Drashit. But he did gave me his cloak that has a strong defence magic base on what I saw while we were fighting together.
"Ahh ehh diba po may bago akong cloak na nakasuot saakin?"
Sambit ko, tumango doon si mama.
"Cloak iyon? akala ko kumot."
Sabi niya, napasimangot lang ako.
"Cloak iyon ma, mayroon kasi akong natulungang guardian kagabi na may hinuhuling importanteng tao dito saatin. Tapos ayun nagpresinta po siyang isara iyong leak bilang bayad."
Napakamot ulong pagsisinungaling ko. I would just tell her that it's some random guardian and not Drashit.
"Sigurado ka?"
Naniningkit ang matang tanong ni mama.
"Opo, paano ako makakabili ng ganoong cloak diba? si mama talaga."
Iling iling na sabi ko saka nagmamadaling nagpunta ng kusina para hindi na niya ako tanungin pa.
Napangiti ako nang matikman ang masarap na niluto ni mama. She told me that my grandmother from earth taught her how to cook. I wish we were living in that world, siguro ay buhay pa ngayon si papa kung siya ang nakapasok sa mundong iyon at hindi si mama ang napunta rito.
Siguro ay nag aaral ako ngayon at hindi ibinubuwis ang buhay ko. Siguro ay masaya at tahimik ang buhay namin kung naroroon lamang kami.
But right now, I feel relieved.
We just had to continue living away from the nobles and guardians and we will be fine. The villagers doesn't need to worry about the leak anymore and we could just hunt for food in the mountains.
"Pagkatapos mong kumain ay magpunta ka daw kila chief, pinatatawag ka kasi roon."
Ngiti ni mama na kagagaling lamang sa labas.
"Mabuti nalang at wala na ang leak, hindi mo na kailangang ibuwis ang buhay mo para protektahan itong village."
Sambit niya, nakagat ko ang labi ko't napangiti. Well I guess I couldn't do it without Drashit's help.
That will be our last interaction so I wouldn't be able to thank him anyway. Imposible namang bumalik iyon dito, he just helped me close the leak for food. It doesn't mean we had to be friendly with each other or see each other again.
I shouldn't invovle myself to him, that's for sure.
On my way to the Village chief's house, most of my neighbors are thanking me. Even the chief were so delighted when I came.
"Eleven years."
Naiyak pa itong yumakap saakin, ngumiti akong tinapik tapik ang likod niya. Namatay ang pamilya ni chief nang magbukas ang leak na iyon, maraming namatay saamin dahil doon kaya naman ay ganun nalang ang galak ng lahat nang maisarado ang leak.
"Salamat, maraming salamat Celestia. Hindi lang sa ngayon, ngunit sa loob ng maraming taon na nagsakripisyo ka at nagsikap na protektahan itong village."
Hagulgol niya, katulad ko ay para bang nawala ang napakabigat na bagay na dumadagan saamin. Nang kumalma si chief ay saktong dumating doon ang ilan sa mga kasamahan ko. We had our meeting on how we will live, now that the leak is gone.
"Itago mo na ang kikitain sa mga nakuha mo sa loob ng leak Celestia, malaki laki din iyong pandagdag sa ipon mo para tuluyang maipagamot ang mama mo."
Ngiti ni chief na agad sinang ayunan ng lahat. The temple told me that they need 10 gold coins as a payment and I only had 7 gold coins, I've been saving up for the past few years.
Tatlo nalang at tuluyan ko ng maipagagamot si mama.
"Sigurado kayo?"
Kunot noong tanong kong ikinangiti nila.
"Oo naman Celestia, saka malaki na ang ipon namin na ginagamit lang naman kapag kailangan. May mga prutas naman at mga hayop na mahuhuli sa gubat at bundok kaya hindi tayo nagugutom."
Sambit ni Sylvia.
My mother's sickness is due to her being a human, masyadong sensitive ang katawan niya sa mana at dahil punong puno nito ang Mytheia ay hindi kakayanin ng isang full blooded human ang tumira dito ng napakatagal na panahon at unti unting manghihina.
But the temple has a method since a human gets transported here every one hundred years, most of them dies after ten years of living here without a special treatment from the temple which costs a lot.
My mom has been living here for twenty years and I think it's because of the fruit she ate from the forbidden forest.
Thankfully because of that I still have time to save money for her to live. The fruit only had a small effect on her and most of it went to me. Kaya naman ngayon ay patuloy parin siyang nanghihina kagaya ng mga taong napupunta rito.
"Salamat."
Ngiti ko.
"Anong salamat? eh sayo naman talaga iyan, ikaw ang nagsara ng leak kaya dapat lang na sayo mapupunta ang pera."
Sambit nila.
"Ganito nalang, bibili ako ng mga binhi na pupwede nating itanim para kainin, tutal ay wala na ang mga halimaw na sisira sa mga pananim. Pwede na din tayong mag alaga ng mga manok saka natin paramihin."
I suggested, pupwede kong mabili ang mga iyon sa tatlong pilak na meian coin. Sa pagkakalkula ko kasi kanina ay aabot sa isang ginto at ilang daang pilak na meian ang halaga ng mga nakuha namin ni Drashit mula sa leak.
Sapat na iyon upang makadagdag sa ipon ko at makatulong dito sa village. Nang saganon ay kahit wala na ang leak ay walang magugutom saamin.
Kung idadagdag pa ang isang gintong meian na ibinigay saakin ni Ice guardian kagabi ay may siyam na gintong meian na ako, isa nalang at mapapagamot ko na si nanay!
Malapad akong napangiti doon.
MATAPOS ANG PAGPUPULONG namin ay dumiretso ako sa Capital upang ibenta ang mga nakuha sa leak.
I wonder how is that Ice burg doing? I don't really care but I kinda feel guilty that I'm taking all these stuffs when the two of us are the one who fought in there.
Pero hindi naman niya kasi kinuha at hindi ko na kasalanan iyon.
"Kung ganon ay nagawa mong isara ang leak ng mag isa? Aren't you a commoner?"
Takang tanong ni Mrs. Leonhart na ikinamulagat ng mga mata ko.
"You know that I am a commoner?"
Gulat kong tanong na ikinatawa niya.
"Well yes, I do, I found out because you had the same color of eyes and hair as that guardian Claude and also your last name is Rogue. I remembered that Claude had a commoner wife and his daughter is also powerless. But I still admire how you're able to fight despite of that."
She chuckled.
"You also know my father?"
Napakurap na tanong ko.
"Yes, I just figured out when you told me about your surname. He saved our tribe years ago when you were still a baby. Malaki ang utang na loob namin sakaniya, hindi ko akalaing dito lumipat ang pamilya niya."
Ngiti niya saka iniabot saakin ang bayad. 1 gold and 500 silver meian coin.
"So how did you close the leak? alam mo bang delikadong pumasok doon kung wala kang mana?"
Kunot noong tanong niya.
"May kasama ako, may tumulong saaking mage."
Ngiti kong ikinakurap niya.
"Really?"
Kunot noobg tanong ni Mrs Leonhart na ikinatango ko.
"Yep, napakiusapan ko siyang tumulong saamin."
Pagsisinungaling kong nagpabuntong hininga sakaniya.
"That's nice, hindi ko akalaing mayroon pa palang ganoon dito. But atleast nabawasan na ang poproblemahin mo."
Ngiti niyang nagpatango saakin.
"Paano ka na kikita niyan? You can still sell the poisons you make."
She asked, umiling ako sakaniya.
"I don't want to sell something that might harm others. Wala naman akong pakielam kung magpatayan sila, ayoko lang bumalik saamin iyon."
Sabi ko.
What if someone had a grudge on one of the people I care about and use that poison? hindi ko gustong mangyari iyon.
"Just like your father."
She chuckled.
"I still know someone who buys herbs and if you want, you can be my assistant, 50 silver a month."
Sambit niyang nagpatigil saakin.
"You mean it?"
Gulat na tanong kong nagpatango sakaniya.
"Yes! Maliit lang ito kumpara sa ginawa ng ama mo sa tribe namin. I want to help you and this is the least that I can do."
She said, nakagat ko ang labing napayakap sakaniya.
"Thank you Mrs Leonhart!I promise to do my best in this job."
Masayang sabi kong nagpahagikhik kay Mrs. Leonhart.
"I know."
She said then winked at me, napangiti ako doon. Atleast I won't have any problem finding a job. I can also collect herbs into that place and sell it for our daily needs while my salary will be put into our savings.
One more gold and I will be able to have enough money for my mother's treatment. Should I sell Drashit's cloak? I think it will cost a lot.
He gave it to me though, I don't want to sell it as a thanks for him helping me closing the leak so I should keep it. Saka pwede naming magamit iyon ni mama kung may mangyari man. The cloak has a strong defence mana, that will be helpful on unexpected situations, specially that, the 2nd ranked storm guardian is currently still targetting me.
Can't she just move on?
It's weird though, I'm just a commoner and yet she still couldn't find me. Alam kong maganda iyon, pero hindi ko maintindihan kung paano.
It's as if someone is purposely hiding my information from her.
Is it, Mrs Leonhart?
"Probably."
Bulong ko saka napatango tango.
Mrs Leonhart has lots of connections and had a grudge towards Ayesha. We're also quiet close, so I guess she's the one who's protecting me from that stormy bitch.
May mga inasikaso pa kaming mga detalye bago ako tuluyang ihire. Nakapasa naman ako sa mga tests kaya naman ay pupwede na akong mag umpisa bukas.
LUMABAS AKO ng Hall para maghanap ng crops na bibilhin para sa village. I am just walking into the district when I felt like someone has been following me since I came into this place.
Nangunot ang noo ko roon at akmang tatakas nang bigla nalamang akong hilain palipad ng isang pwersa patungo sa isang eskinita.
Wind magic?
Sinubukan kong kumalas ngunit hindi ko magawa. Nang makalapag ako ay mayroong metal na pumulupot sa mga paa ko.
Maya maya pa ay mga kalalakihang sumulpot saaking harapan.
"Remove her mask."
Ngisi ng lalaki. Nagpumiglas ako ngunit wala akong laban sa mga kapangyarihan nila.
Tinanggal nila ang maskara ko na nagpakuyom lang sa kamay ko.
"Like what you see?"
Ngisi ko nang makitang mapatulala sila.
"I-It's her! the one that storm guardian is searching for!"
Anunsiyo ng isa, mukang malaking pabuya ang ipinataw sa ulo ko ng babaeng iyon. Just what did I do to her? siya nga iyong nanakit saamin tapos ako pa yung kailangang magtago?
Fake tears started flowing from my eyes as I look at them pitifully.
"Why is the storm guardian looking for me? what did I do? I just wanted to live peacefully and yet she wanted me to die even if I didn't do anything towards her."
Pagdadrama ko habang nagpapaawang nakatingin sakanila.
"It's not like she will gain something from killing me, I am just a mere low tier. I'm not as strong as she is, so why is she doing this?"
Pagpapatuloy kong nagpaatras sa mga ito. Mukang epektibo naman dahil naramdaman kong medyo lumuwag ang metal na nakapulupot sa kamay at paa ko.
Once I'm released, I will run as fast as I can and then use my abnormal senses to dodge their attacks.
"W-We can't, yayaman kami kung isusuko ka namin sakaniya."
Tila ba nagdadalawang isip na sabi nito habang titig na titig sa muka ko. I'd rather argue with Ice burg, deal with his cold stares and his annoying mouth than let this barbarics stare at me like they are undressing me.
Disgusting.
"I see.."
lungkot lungkutang sabi ko habang puno ng luha na nakatingin sakanila. This is always effective when I got kidnapped by slave traders before.
It's Magic, power, money and appearance that all matters here.
"Kap, kailangan ba talaga----"
"Oo! kailangan ko ng pera ngayon! natin! nag iisip ka ba?!"
Pagputol nito sa kasamahan habang pinipigilang tumingin saakin. Nakaramdam ako ng paparating, halos hindi ko ito maramdaman dahil sa sobrang ingatng mga hakbang pero alam kong paparating siya.
I feel like this one is a dangerous theian.
Maya maya pa ay may pumulupot na mga bato sa leeg ng mga kalalakihang gusto akong tangayin.
"S-Sino ka?!"
Hirap na tanong nila, dahil narin sa higpit ng pagkakasakal sakanila ay nawala ang mga metal na nakagapos saakin.
Napangisi ako doon at akmang tatakbo nang makasalubong ko ang lalaking nakamaskara.
His hair is brown and his eyes is green. He's wearing a mask that covershis whole face.
My guards were all up as I put on my mask.
"Celestia!"
A familiar voice called me when I was about to run, si Seah iyon na napayakap saakin.
"Seah?"
Kunot noong sabi ko.
"T-Tara umalis na tayo dito!"
Tarantang sabi niya na saka hihilain sana ako palayo ngunit nahawakan ng lalaking may maskara ang kamay niya.
"I saved your friend, now let's go home."
Sabi niya, napatingin ako sa mga lalaki kanina at nakitang wala na silang malay.
"Kuya naman eh, ngayon lang talaga to! pramis!"
Nguso ni Seah.
This guy is her brother? she has a brother?
"You already said that dozens of times."
The man frowned, napasulyap saakin si Seah saka mabilis na nagtatakbo.
"You brat! I'll take you home!"
Asar na sabi ng lalaki saka tumakbo na rin para sundan siya. Naiwan lamang ako ditong kunot noo at nakatulala.
Did she have any problems in her home? I should ask Seah next time we meet each other.
"These scumbags."
I hissed when I saw the unconscious men and kicked them hard. Ngumisi pa akong kinuha ang panulat sa bag at saka ginuhitan ang mga muka nila.
"Better."
I grinned.
Natigilan lamang ako nang mapansin ang isang mamahaling kwintas sa lapag. This belongs to Seah, importante daw sakaniya ito.
"Geez..."
Napahawak ako sa batok saka kinuha iyon at inilagay sa bag at tumakbo na paalis sa lugar.
"I really should be extra careful from now on."
Kung hindi dumating sila Seah ay baka tinusta na ako ni Ayesha.
"I will just bring the necklace back to her next time."
Bulong ko sa hangin. Wala naman kasi akong communicator para sabihin sakaniyang nasaakin iyon.
Napabuntong hininga akong nagmadali ng bumili ng crops nang makauwi na dahil baka kung ano pang mangyari saakin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top