Kabanata 41
Kabanata 41
Under the Moonlight
Celestia Rogue
Nanlaki ang mga mata ko nang tumingin sa communicator at nakita ang missed calls ng isang di pamilyar na numero.
Kabibigay ko palang ng contact info ko kay Draco an hour ago at lahat ng missed calls ay isang minuto matapos kong ibigay ang contact details ng isa sa tatlong communicator ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at napakagat labi nang makita nais nitong makipag voice call saakin.
Mariin akong napapikit, para akong kakapusin ng hininga dahil lang tumatawag siya.
Balak ko sanang ireject nang bigla kong napindot ang answer button.
"Celestia."
Agad na saad ng baritonong boses nito na nagpakagat labi saakin.
"Uhh... y-yes who's this?"
I said on a soft voice, rinig na rinig ko ang pagtambol ng puso dahil lamang sa pagtawag niya saakin.
"Damn, I missed your voice."
He said after puffing a breath then let out a deep sexy chuckle. Napahawak ako sa garter ng panty ko doon, baka malaglag nang dahil sa boses palamang niya.
"D-Draco?"
I stammered, napatampal ako saaking noo at parang kiti kiting nagpagulong gulong sa kama at impit na napatili at sinigurong hindi niya maririnig.
"Yes baby."
He again said, sapat na para mabilis na kumabog ang dibdib ko, parang nanuyo ang lalamunan ko doon. Bakit ang landi niya? hindi ko alam na may gantong side pala si ice burg!
"Dang."
I frowned.
"The number you have dialed is unattended, either busy killing random fuckers or out of coverage area, please don't t-try again later."
I said nervously before he could answer then ended the call.
"O-Okay calm down, tangina kailan pa ako ganito?"
I frowned then stood up and run my fingers through my platinum pink hair and stared at my reflection in the body size mirror infront of my bed here in the dormitory.
"Eh sino bang marupok na nagbigay ng contact info ko sakaniya?"
I frowned.
Napahawak nalamang ako sa dibdib na kanina ko pa pinakakalma. Baka bigla kong maabsorb ang lahat ng mana ng mga theians dito dahil sa nagleleak kong kapangyarihan.
Ano nalang ang sasabihin ko kila Allen? kinilig kasi ako, putcha.
I heaved a deep breath and bit my lips.
Muli ay nagbeep ang communicator ko, it's the communicator I use as Lucius Xavier.
"The princess?"
I mumbled as I opened her mail.
From: Natalia
'Can we talk later before your match? it's really important.'
She said, napakamot ulo ako roong mukang may ideya na sa gusto niyang sabihin saakin.
To: Natalia
'Sure.'
I replied then just sighed.
May malakas na barrier na nakapalibot sa buong kwarto ko sa dorm kapag ganitong ayokong paistorbo at magpapasok ng kung sino o kapag tinatamad akong magpalit ng anyo bilang si Lucius.
Napatingin ako sa kabuuan sa salamin. Hindi gaya dati na puro ako pasa at peklat ay wala kang makikitang ni kagat ng lamok saaking balat.
Did I turn into a goddess or something when I woke up from the dead?
I laughed softly on that silly thought then transformed into Lucius as I put on my uniform for the match. Madami naman akong uniform, kaya okay lang na madumihan ito mamaya.
Should I send Draco a mail? Nilingon ko ang communicator na nagriring nanaman.
To: Drashit
Chill, love..
I chuckled then sent it to him as I shutdown the communicator and left my room.
But the moment I stepped outside, I blinked seeing Eithan about to knock.
"U-Uhm..."
He cleared his throat then looked at me intently, kumibot ang kilay ko roon.
I erased his memory of him meeting Celestia, tapos kay Lucius naman sya ngayon nagkakaganto?
"Malapit na ang match mo diba? sabay na tayo sa stadium."
He smiled, nangisi lamang akong umakbay sakaniya na nagpatigil dito.
"Tara!"
Masiglang sabi ko saka pabirong kinaladkad sya palabas ng dorm habang nakaakbay padin.
Nang makarating kami sa stadium ay bumungad saamin ang maraming taong nagsisigawan dahil sa marahas na laban sa entablado.
"Who's that?"
I asked Eithan.
"It's the first ranked student of the school."
He answered while we wetching him, violently almost killing the enemy even though he already gave up.
"Ryu Higgins, that bastard Sirius older brother. Nagkasagupa sila ni Aziel nitong nakaraan noong nagtangka siyang sugurin ka matapos ng ginawa mo kay Sirius at mukang nanganganib ang posisyon niya sa first rank."
Eithan shrugged, making my forehead creased.
"Bakit hindi ko alam to?"
Kunot noong tanong ko.
"He lost to Aziel terribly, then he said that you shouldn't waste your time on that looser so we didn't inform you."
He shrugged, my mouth formed an 'o' and just nodded my head on him while watching the fight.
Nakita ko pang kumaway mula sa pwesto namin yung tatlo na kinawayan rin namin pabalik at naupo sa malapit na bakanteng upuan dahil wala ng pwesto sa banda nila.
Si Drashit naman ay nandidiro din upang manood ng match, pero busy sakaniyang communicator.
"Aziel!"
Pagtawag ko nang matanaw ito saka kumaway. Lumingon naman siya sa gawi namin saka lumapit para maupo sa tabi ko.
"Ikaw ba ang lalaban sa next match?"
Tanong nitong nagpatango saakin.
"Yup, second round."
I shrugged while looking at him.
'Huy may past kayo ni yelo?'
Narinig ko saaking isipan. I silently frowned, realizing it is Aragon, talking to me through telepathy.
Nadagdagan nanaman ang magugulo.
'Sino namang nagchismiss sayo niyan?'
I hissed.
'Iisa lang naman ang epal na tandang na kilala mo.'
Natatawang saad nito na nagpairap lang saaking isipan.
'Ano nanamang problema mo saakin?'
Leonard hissed.
'Hoy wag niyong umpisahan, ang iingay niyo.'
Si Allen nanaman na umawat na bago pa kami magkarambolang tatlo.
'Anyways Aragon, didn't you die hundred years ago?'
I asked.
'yeah, why?'
He asked on a bored tone.
'Then how are you a thousand years old?'
I asked.
'I was transmigrated to Aragon's dead body after fighting and killing a strong dragon hunter. They killed each other and when I woke up after Lucian killed me, I am already in Aragon's body without any memory of Hugo.'
He explained, napatango tango ako roon.
'Ay pwede pala iyon?'
Sambit ko.
'Kasasabi nga lang diba?'
Epal nanaman ni Leonard, wala ako sa mood makipagsagutan sa panget na tandang na ito, ngayon.
'But I saw one of my brothers actually escape. Hindi lang ako sigurado kung sino sa natitirang dalawa pa naming mga kapatid na hindi pa natin nahahanap.'
Saad niyang nagpakunot saaking noo.
'He must be waiting for the right chance instead of fighting alone.'
Allen said making me mentally nod my head on them.
'How about Kiara? do you have any idea where the goddess of enlightenment is? since you've been living for a hundred years already.'
Tanong sakaniya Leonard. The goddess of enlightenment is Lucian and Selene's daughter. Twin sister of the late god of wisdom, who ran away after Lucian betrayed the heavens.
'I think I did, 50 years ago and since I lost my memories, I don't have any idea that she is Kiara. Ngayon ko lang napagtantong siya iyon.'
My mouth formed an 'o' with what Aragon said.
'Really? where did you meet Lucian's daughter?"
Allen asked.
"I encountered tons of high class Dragon hunters who wanted to kill me for trophy, when a woman warned me so I could prepare myself. She also taught me how to blend with theians when I still do not know how. Matapos ng tagpong iyon ay hindi na kami muli pang nagkita, pero sigurado akong si Kiara iyon, ngayong nakakaalala na ako.'
Aragon stated.
'She also told me that she will be back and help us against her father in the right time when the hope of Aisha and Percival comes.'
That made me stop.
'Alam niya ang tungkol saakin noon pa man?'
Tanong ko kay Aragon.
'Yes. At malaking tulong saatin oras na matunton natin si Kiara.'
He said, napatango tango ako roon.
'Then she must be around Zaveri since most of us are here, including Celestia.'
Allen uttered making my forehead creased.
'Malay natin ay nasa tabi tabi lang at ayaw magpakita. Mainit din ang mata ni Lucian sakaniya at satingin ko ay matagal na siyang pinaghahanap nito kaya hindi talaga siya lalantad ng ganoon nalang.'
Sambit naman ni Leonard.
"Lucius! Eithan! Aziel!"
Masiglang bati saakin nung tatlong papalapit sa pwesto namin ngayon nang matapos ang laban at nagsialisan ang ilang nakaupo malapit saamin dahil may kalahating minuto pa para sa susunod na laban.
"Di na kita sasabihan ng good luck, sigurado namang panalo ka uli."
Ngisi ni Noah saka nakipag fist bump saakin.
"Good luck to your opponent."
Fiona said while looking at me, kinindatan ko naman ito saka tumayo na para maghanda sa susunod na match.
'Satingin niyo? kung kayo si Kiara ay saan kayo magtatago dito sa Zaveri?'
Leonard asked through telepathy.
'A place where Lucian will never find her.'
Aragon said then chuckled.
'I wonder how her life has been, since she ran away.'
Allen uttered then sighed, nailing nalamang ako roon.
'She's probably living her best life, as long as that piece of shit of a brother is out of her sight.'
Leonard hissed.
'Pupunta na ako sa assigned area ko.'
Paalam ko sa mga ito saka ngumiti sakanila.
'Sige go, layas, sayo pusta ko kaya galingan mo.'
Ngisi ni Fiona na nagpatawa saakin.
"Basta may parte ako."
Tawa ko saka nakipag apir pa sakaniya at naglakad na patungo sa area ko bago pa magsimula ang laban.
Pero habang naglalakad sa hallway ay may mga nakasalubong ako. It's Ryu higgins with the other top ranked students.
"So this is Lucius Xavier, muka namang lampa, sadya mahina lamang ang kapatid ko para magpatalo sa kagaya mo.."
Malamig na saad niya nang makasalubong ako pero hindi ko sila pinansin at nilampasan ang mga ito.
"You embecile! huwag kang tatalikod kapag kinakausap ka ni Ryu!"
Sambit ng isa sa mga muntanga niyang alila na akmang patatamaan ako ng mga patalim kinontrol niya gamit ang kanyang utak. Ngunit nagawa kong patigilan ang mga iyon sa pagharang aking mga kamay at buong pwersang ibinalik sakanila na nagawang agapan ni Ryu gamit ang kaniyang barrier.
"Not bad, but not as good as me."
He hissed.
"You won't be able to defeat me anyways, kaya kung mahal mo pa ang buhay mo ay ngayon palang ay umatras ka na."
Sambit niyang nagpangisi saakin. Damn, the attitude problem and the narcissism is running in their blood.
"See you at the championship then."
I grinned, naikuyom niya ang kaniyang kamao.
"What's happening here?"
Mariing saad ng isang boses.
"Your highness."
Agad silang nagbigay galang sa bagong dating.
"Leave us, I need to talk to my friend."
Masungit nitong saad, nakita ko pang sinamaan ako ng tingin ng mga ito bago umalis na nagpakibit balikat lamang saakin.
"So you already figured out, Seah."
I smiled at her, lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukang tumulo ang mga luha. Bumuo ako ng malakas at matibay na barrier sa paligid namin.
"That butterfly birthmark and that...that recipee, your eyes, your personality... alam kong imposible pero paano? anong ibig sabihin nito?"
Naiiyak niyang saad saka hinawakan ako sa balikat. Napangiti ako roong nagpalit sa tunay kong anyo, sakaniyang harapan.
"Oh my god!"
He gasped as she hugged me tight.
"Y-Your alive...a-akala ko hindi na kita makikita pa...ang sakit Celestia, sobrang sakit noong nawala ka at wala akong nagawa!"
Humihikbing saad niya habang nakayakap saakin, ako naman ay napabuntong hininga lamang na inalo siya.
"How? how did this happen, Celestia? kasi naguguluhan ako... pero ang saya saya ko Celestia! hindi ko akalaing darating pa ang araw na ito."
She asked, confused and happy at the same time.
"I can't tell you the exact details, but I survived in that leak and got out."
I smiled.
"T-That leak? ikaw ba ang nagsara ng sealed leak?"
Tanong niyang ikinabuntong hininga kong nagpasinghap sakaniya.
"How? naguguluhan ako."
Tanong niyang ikinailingko.
"I can't tell you for your safety, Nataliah."
Ngumiti akong pinahid ang luha niya't muling nagpalit anyo bilang si Lucius.
"I understand, ang importante saakin ay buhay ka."
Naiiyak niyang sambit na nagpangiti saakin.
"Kaya pala, kaya pala ganoon nalang kagaan ang pakiramdam ko kay Lucius."
Lumuluhang saad niya.
"Namiss kita ng sobra, at ni minsan sa limang taon ay hindi kita nalimutan. Ikaw padin ang matalik kong kaibigan."
Garalgal ang boses na saad niya, para tuloy may humaplos sa puso ko roon.
"Salamat, Nataliah."
Niyakap ko na siya.
"Pero sangayon ay kailangan kong lagyan ng barier ang isipan mo, dahil walang pupwedeng makaalam ng tungkol saakin."
Sambit ko.
"Gaya ni Draco?"
Ngiti niyang tanong, natigilan ako roon.
"H-He knows that I am alive."
Ngumuso ako roon.
"He's that fool that will go against the world without second thought for you, nasaksihan ko kung paano siya magdusa noong nawala ka. Ni hindi ko agad nalamang may namamagitan pala sainyo."
Ngiti niya saakin.
"W-wala."
Nag iwas ng tinging sabi kong mahinang nagpatawa sakaniya.
"Masayang masaya akong buhay ka, Celestia."
Ngiti niya saakin.
AFTER THAT ENCOUNTER, I prepared for my match and of course I won. Suportado ako ni Natalia at ng mga kaibigan kong nagpangiti nalamang saakin. Matapos iyon ay nag aya si Nataliah na magcelebrate.
Hating gabi na nang magdesisyon akong umuwi muna sa bahay dahil nakakamiss ding matulog sa kwarto ko roon.
Masayang masaya ako ngayon at magaan ang pakiramdam dahil kay Natalia. Hindi naman siya nangulit pa, pero panay ang palihim na tukso niya saakin kay Drashit.
"Gising pa pala kayo pa."
Ngisi ko nang maabutan ko ito sa living room at umiinom ng beer. Kumuha ako sa mga boteng naroroon at nakiinom na din.
"Nagpapaantok lang."
Sambit nito saka binangga ang bote sa hawak kong alak saka namin sabay na tinungga iyon.
"Si mama? tulog na?"
Tanong kong nagpatango sakaniya.
"Oo, napagod eh."
Ngisi nitong nagpangiwi lamang saakin.
"TMI."
I frowned making papa laugh.
"Pinanood ko ang laban mo ngayon."
Ngiti ni papa, pinapalabas kasi sa national tv ang laban dahil isang sikat na paaralan ang pinapasukan ko.
"Galing ko noh?"
Ngisi ko saka inilapag na ang bote ng alak sa mesa.
"Kanino ka pa ba magmamana?"
Proud pang sabi ni papa na nagpatawa saakin saka naiiling na dumiretso nalamang ng kwarto ko para makapagpahinga na.
I opened my communicator and gasped when I saw bunch of missed calls from Draco. Napakamot ulo ako roon at nahiga sa malapad kong kama.
To: Draco
Don't think too much about me, Good night.
I mailed then chuckled, but then froze when he started calling me again! nakagat ko ang labi roon saka sinagot ang tawag.
"H-Hello?"
I asked with my heart beating so fast with just the thought of talking to him as Celestia.
"I miss you."
Bungad niya na nagpakagat labi saakin.
"You should sleep now, tawag ka ng tawag."
Natatawang sabi kong nagpabuntong hininga rito.
"Because I want to hear your voice."
He said hoarsely, making my heart pound faster.
"I didn't know you have this side, Drashit. Ang landi mo pala."
Natatawa kong saad.
"Sayo lang, Celestia, ikaw lang naman ang nilalandi ko."
Sagot niyang nagpamulagat saaking mga matang muntik pang mahulog sa kama kakagulong ko.
"S-Stop it..."
I frowned making him laugh and damn it, why does it sounds so sexy and soothing?
"I still can't believe it, I feel like I'm dreaming and heck if this is a dream, please don't ever wake me up."
He sighed.
"This is not a dream, Drashit."
I said softly.
"I also miss that annoying endearment."
He chuckled deeply. Para akong lalagnatin habang kausap siya, napatitig nalamang ako sa maliwanag na buwan at madilim na kalangitang puno ng mga bituin. Mula sa bintana ng kwarto ko at napayakap saaking unan.
"I wish I could see you right now."
Namaos niyang sabi na nagpangiti lang saakin ng matamis.
"Go to sleep."
I said trying to calm myself down.
"Good night Draco."
I whispered under my breath.
"Good night, Celestia."
Sagot niya.
"I love you."
He added making my heart pound as I ended the call. I made sure that I blocked those three annoying gods in my mind, as I thought about Draco.
Tumayo na muna ako para maghilamos at saka magpalit ng kumportableng pantulog.
I wore a thin white, below the knee, spaghetti strapped, night dress. Kumportable ito at malambot sa balat kahit pa manipis ang tela.
Nahalungkat ko lang sa mga damit ni mama noong nakaraang nagsawa nako sa mga damit ko. Mukang bago, kaya isinuot ko.
Hindi na ako nag abala pang magsuot ng brassiere at tanging puting underwear lang din ang suot sa ilalim.
Kitang kita ang hubog ng balingkinitan kong katawan at ang makinis kong balat. Napangiti nalang akong ipinikit ang aking mga mata.
I wonder if Draco is already asleep?
I sighed and hugged my pillow. Sinubukan kong matulog ngunit dumaan na ang ilang oras ay hindi parin ako dinadalaw ng antok.
I frowned and sat on my bed. Napatingin ako sa wallclock at napangiwi nang makitang ala una na ng madaling araw.
Siguro ay magpapahangin muna ako sa labas.
I sighed as I stood up and teleported outside. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin dahil sa nipis ng suot ko na hindi naman umepekto saakin.
Napangiti nalamang akong nakayapak na naglakad lakad. Puno ng tala ang kalangitan at napakaliwanag ng buong buwan.
Nang makarating sa kagubatan sa paanan ng bundok ay muli akong nagteleport upang mabilis na makarating sa malawak na lawa.
Hindi naman ako nabigo dahil sa kagahan at linaw ng tubig na nagmistulang salaming nagpapakita ng repleksiyon ng buwan.
Sa gilid naman ng lawa ay naroroon ang malawak na moon flower field kung saan nagbibigay ng ilaw ang mga bulaklak tuwing nasisinagan ng buwan may mga nakakalat ding mga alitaptap sa paligid.
Ang malaki at matandang puno naman sa gilid ng lawa ay nagmistulang nagliliwanag dahil sa mga natutulog na mga maliwanag na ibon, senyales na ligtas na tirahan ang lugar.
Nakagat ko ang labing napangiti saka unti unting lumusong sa malamig na tubig ng lawa.
Para bang tinatawag ako nito.
Napangiti ako saka sumisid at lumangoy sa malalim na lawa ng walang iniisip na ano man o sino man kundi ang masarap na pakiramdam na dulot ng tubig sa lawa.
Napaka tahimik at payapa ng lugar na nagbibigay ng saya saakin.
Ilang minuto din akong nasa ilalim bago nagpasyang iahon ang sarili. Napahilamos ako ng kamay saaking muka patungo saaking basa at mahabang buhok na napatingala.
Napakaganda ng mga nagkikislapang mga tala at nakakamangha ang liwanag ng buwang tumatama saakin na lalo pang nagpatingkad saaking kabuuan.
Nakakapit ang damit ko saaking kahubdan at ang lamig ng simoy ng hangin na yumayakap saakin ay hindi ko inalintana.
Dahan dahan ding nagsisituluan ang tubig mula saaking buhok at katawan gawa ng pagbababad ko sa lawa.
Napangiti ako ng matamis saka nagsimulang kumanta dahil masyadong tahimik ang paligid habang nakatitig sa maliwag na buwan saka napapikit at humigop ng enerhiya sa paligid na nagbibigay lalo ng lakas saakin.
Umiilaw ang buhok ko at ang pares ng mga matang lalong tumingkad sa ilalim ng buwan habang humihigop ako ng enerhiya.
Ngunit sa pagmulat ng mga mata ko ay bahagya akong natigilan.
Tila ba naestatwa ako saaking kinaroroonan nang makita ko ang nagbabaga at puno ng intensidad niyang asul na mga matang titig na titig saakin habang dahan dahang lumusong sa lawa at tila ba di makapaniwala sa nasasaksihan.
"Draco..."
I whispered his name as the cold breeze swayed his silver hair. Nasisinagan kami ng liwanag ng buwan kaya kitang kita ko kung paano magdilim ang kaniyang ekpresyon habang taimtim na nakatitig saakin.
Malamlam at seyoso ang kaniyang mapupungay na mga matang hindi maialis ang tingin na lalo pang nagpabilis sa tibok ng puso ko. Unti unti ay tila ba bumabagal ang paligid, ngunit hindi ko alintana iyon, na nasa lalaking nasa harapan ko lamang ang atensyon.
Ang tanging nilalang na ganito kalakas ang epekto saakin. Ang lalaking pilit na gumugulo sa sistema ko, noon hanggang ngayon.
Natigilan ako nang mapansing tumigil ang oras habang naglalakad siya papalapit saakin.
Did he stop the time? or this is just how I view the world as our eyes meet?
"You're making me insane."
He said with a deep baritone voice as we both couldn't take our eyes off each other.
"W-What are you doing here?"
Tanong ko habang tila ba tinakasan ng lakas at nanginginig ang tuhod na nakatitig sakaniya. Nakakabighani ang anyo niya habang hindi rin maputol ang tingin ng paghangang iginagawad ko sakaniya.
Tila ba lalagnatin ako nang mahigpit niya akong yakapin at malambing na ikinulong sakaniyang bisig, na nagdulot ng bolta boltaheng kuryenteng nagsidaloy sa aking kabuuan.
Pigil ang hininga kong pilit na pinapakalma ang sarili.
"I want to see you... I've been praying to see you, Celestia."
Draco whispered on my ears while I am feeling his warmth. Why does my name sounds so good when he's the one saying it? Ngumiti ito nang sawakas ay humarap saakin.
He's still staring at me intently as he caressed my face and looked straight into my eyes. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing saaking muka at tila ba puno ng paghanga't nabibighaning nakatitig saakin.
"Beautiful... My beautiful goddess...."
He whispered with his eyes full of love and admiration, making my heart beat wildly. I saw his face getting closer while still looking at me, as if he's afraid to look away or I'll vanish.
Napapikit ako roon at napahawak sakaniyang matipunong balikat, kasabay ng masuyong pagtatagpo ng aming mga labi at pagsasalo sa isang mainit na halik sapat na upang hindi ko na maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na kanina lang ay bumabalot saamin.
"I love you, Draco..."
I mumbled the moment our lips parted. Tila ba nangislap ang mga mata niya roong titig na titig saakin na napakagat labing niyakap ako muli.
"You're the most and only beautiful thing that ever happened to me, it almost felt like I was born for you, my love."
He chuckled then gently kissed my temples. Napapikit ako roon habang mabilis padin ang pagtambol ng aking puso.
"I love you..."
He said genuinely. I let tears start falling from my eyes as I buried my face on his chest and smiled happily.
I wish this moment never ends.
***
A/n: Nasa climax na kasi tayo ng story so sinisipag ako magsulat whahahah, pero sana lang magtuloy tuloy. (●'◡'●)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top