Kabanata 39

Kabanata 39
Competition

Celestia Rogue

Napabuntong hininga ako habang nakatulala lamang sa kisame ng kwarto ko dito sa dormitoryo ng unibersidad. Mubuti nalang at walang laser na lumalabas sa mata ko, kung hindi ay kanina pa tunaw itong kisame.

I wonder how's Drashit doing? Is he okay now? Probably since I healed him right?

'Damn I want to taste those lips again.'

I whispered secretly, so those two annoying gods won't hear, tiyak na eepal nanaman ang dalawa, lalong lalo na yung panget na kalbong tandang. Napadila nalamang ako saaking labi at pumikit.

Those pair of silver eyes and his smile, I couldn't take it off my mind. Hindi ko alam kung bakit, pero may ibang epekto saakin ang mga mata niya sa mga oras na iyon na patuloy na gumugulo sa sistema ko.

"Shet wag kang marupok Celestia, di ka pa tapos sa misyon mo, remember?"

Bulong na reklamo ko saka naitakip sa muka ang unan. Para akong bulateng inasinan na pabaling baling ngayon sa higaan.

I sighed then again stared at my ceiling.

I wonder where did he get that power from? napakadelikado ng kapangyarihang iyon at kung walang sapat na lakas si Draco ay matagal ng siyang patay at matagal ng kinokontrol ng dilim ang katawan niya.

How long has he been enduring that curse? tiyak na nakamamatay sa sakit ang dulot nito sakaniya. Hindi ko akalaing mayroon siyang ganoong klaseng kapangyarihan na nagawa niyang tiisin.

'Celestia, umalis na rito si Draco, halos nagkampo iyon dito, nung isang araw pa, hinahanap si Shadow guardian.'

Allen reported through telepathy.

'Yeah, kaya ko nga inalis ang mga clones ko sa villages para makasigurado, siguruhin niyong hindi niya matutunton ang bahay namin.'

Sagot ko.

'Hoy babaeng pinaglihi sa sama ng loob ng sangka-hayupan, anong nangyari?'

Tanong ni Leonard na nagpangiwi saakin.

'Wala pang nangyayari saamin, ito naman nagmamadali, don't worry ninong ka hihi'

Pabiro at malanding sabi ko.

'Wala akong pake kahit buong araw pa kayong mag iyu----'

'Ang ibig niyang sabihin ay bakit ka hinahanap ni Draco? at parang masyado ata siyang desperadong matunton si Shadow guardian? may kasalanan ka ba? may utang?'

Pagputol ni Allen sa sasabihin ni panget na si Leonard saka tinanong ako.

'Miss niya na daw kasi ako, ganyan talaga kapag mala diyosa ang kagandahan, madaming naghahabol, problemado na nga ako ehh bakit kasi ang lakas ng alindog ko?'

Pabiro ko pang saad.

'Pigilan mo ako Cormac, makakapatay ako ng babaeng makapal pa sa libag ng singit ni Lucian ang muka.'

Iritang epal ng panget na si Leonard.

'Ay why? nakita mo na?'

Sagot ko pa.

'Hindi mo na makikita pa ang bukas kapag hindi ka manahik diyan at sagutin ng maayos ang tanong namin.'

He hissed.

'Seryoso na, ano nga kasing atraso mo at mainit ang mata sayo?'

Hindi lang mata actually hihi, charot! bakit lumalandi ata ako? nahawa na ba ako sa dalawang maharot na senior citizen sa bahay?

'He found out about my identity, he already know that I am alive.'

I said calmly, natahimik ang dalawa roon.

'He wouldn't know if you won't let him!'

Iritang saad ni Leonard na nagpairap saakin.

'Yes I did let him, marupok ako eh bakit ba?'

I frowned.

'Pero hindi ibig sabihin noon ay iiinvolve ko siya sa gulo natin, hirap na nga ako sa paghahanda sa heavenly bardagulan with Lucian, featuring the looser gods tapos haharot pa ako? bobo, mag isip ka nga!'

Dagdag ko pa.

'Wala akong sinasabi! advance ka?! Dami mong say! At ako bobo? bobo ka pa!'

He hissed, nangiwi ako doon.

'Oo alam ko na kasing sasabihin mo iyon, matalino kasi ako, tanga!'

Pagpatol ko pa kay mukang biniyak na bilat na tandang.

'Abat---'

'Oh tama na nga iyan, magkapikunan pa kayo.'

Pag awat saamin ni Allen na ikinairap ko lamang.

'Leonard panget.'

Ayaw paawat na saad ko.

'Kita mo na! Siya ang nauuna! ang sama talaga ugal----'

Hindi ko na siya pinatapos saka pinatay na ang telepathy para hindi ko na sila madinig.

Hahaba lang kasi ang sagutan namin nung epal na tandang.

It is still sports festival, madaming stalls ngayon at may mga competetion sa iba't ibang unibersidad.

May attendance daw pero sinabihan kong ilista nalamang ang pangalan ko doon dahil tinatamad akong magpunta pa ng classroom.

I also registered my name in a competetion since it is required for every student to play in even one sport.

I chose combat since I am interested in the said price.

Napakibit balikat nalang akong binuksan ang communicator at sinagot ang tawag ni Fiona.

"Lucius!"

Nangiwi ako nang marinig ang sunod sunod nilang sigaw at napatakip saaking tenga.

"Yeah?"

I said on a bored tone.

"Tara gala tayo! madaming stalls ngayon!"

Masiglang saad ni Fiona na nagpairap saakin habang akap akap ang malaking unan ko.

"Nakakatamad."

I frowned.

"Lagi ka namang tinatamad! halika na dito dali! nandito na kaming lahat. Pati si Aziel nahila na namin, ikaw nalang ang kulang."

Sambit nito na nagpailing lang saakin.

"Mamaya nalang, gusto ko pang tumunganga."

I frowned.

"Kaloka! yung ibang contestants nagsasanay, ikaw sitting pretty ka dyan? kung ayaw mong masanay ay sumama ka nalang saamin, dali!"

Masiglang saad niya na nagpangiwi saakin saka ipinarinig sakanila ang hilik ko at agad na pinatay ang tawag, maging ang communicator ko.

Matapos iyon ay nagdesisyon akong tumayo na dahil baka istorbuhin ako ng mga iyon dito sa kwarto.

But the moment I opened my door, bumungad saakin ang muka ng taong hobby na atang puyatin ako kakaisip sakaniya.

"P-Prof!"

Gulat kong saad kasabay ng mabilis na pagtahip ng aking puso habang pinapasadahan siya ng tingin.

He looks restless.

His hair is messy, malamlam at pagod ang kaniyang mga mata, at mukang hindi na nagawang mag ahit man lang dahil sa papatubong balbas na nakikita ko ngayon.

Suot din niya ang reading glasses na hindi na ata natanggal at dumiretso na dito. 

Kahit ang damit niyang madalas na plantsado at malinis tignan ay gusot at bukas pa ang ilang butones sa harapan na nagpalunok saakin. Oh my, yung pandesal sumisilip! kainin ko na daw habang mainit init pa.

Shet bat parang uminit ata dito sa kwarto ko? kadalasan naman kapag nakakita ako ng ganitong ayos sa lalaki ay dugyot tignan, bakit pag siya ang init? tangina ang unfair ha. 

He looks like a statue, sculpted carefully for a long time that made it look perfect. Noong nagpaulan ata ng kagwapuhan at kakisigan ang mga diyos ng mytheia ay nasa labas siya't sinalo iyon lahat, hindi siya nagtira!

"Can we talk?"

He asked seriously while looking at me with those pair of mesmerizing, intense blue eyes. Shet baka biglang makahalata itong babae talaga ako sa kaharutan ko ngayon, kaya pilit kong itinago ang pagnanasa----este atraksyon na nararamdaman habang nakatitig sakaniya ngayon.

"Sure, get in."

Sagot ko din saka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Muli kong binuksan ang communicator at nagmessage sa mga kaibigan ko na may urgent na nangyari at kailangan kong umalis kaya huwag na nila akong hanapin dahil babalik din ako agad para samahan sila.

Baka kasi papunta na ang mga iyon rito't bigla nalang pumasok ng nandito si prof.

"So... what kind of miracle did the gods perform that the ice guardian personally came here to talk to me?"

Ngisi ko saka binuksan ang fridge at hinagisan siya ng beer. 

"No liquour allowed in the dorms."

He hissed then opened the can and frustratedly drinks it.

"Ininuman mo na, kaya kasabwat na kita."

Kibit balikat kong saad saka lumagok din sa alak dahilan upang gumuhit ang pait at init nito saaking lalamunan na wala nalang saakin. Hindi naman ako malalasing ay gusto ko ang init na dulot niyon saaking sikmura.

"That light power you said that you borrowed from someone..."

He stated, pagdating palang niya sa kwarto ko ay alam kong iyon ang pakay niya saakin.

"It's Shadow guardian isn't it?"

Seryoso niyang tanong saka nagset up ng malakas sa barrier sa paligid ng kwarto ko upang walang makarinig o makagambala saaming usapan.

"I also heard from someone that you have a sister named Celestia, that sister of yours is actually shadow guardian behind her mask right?"

Muli niyang tanong na nagpakurap saakin.

How the fuck did he know that?! I just lied to Eithan which I already erased from his memory, tapos nakarating padin sakaniya? Aba nakakabilib din ang mga chismosa sa campus! ang bibilis!

"How did you know all of this?"

Kunot noong tanong ko sakaniya, maswerte ako at hindi niya nahulaan o nagkaroon man lang ideyang nagpapanggap lamang ako bilang si Lucius at ako talaga si Celestia. Tangina bakit ba ang hirap lusutan ng lalaking ito?!

"So I'm right?"

Madilim ang ekspresyong tanong niya.

"No, you're left."

I frowned, sinamaan niya ako ng tingin na nagpangisi lamang saakin.

"Muka namang alam mong tama ka, bat nagtatanong ka pa?"

I hissed.

"Just to confirm."

He said with a serious expression, ako naman ay pangisi ngisi lang pero sa loob loob ko ay para na akong matatae na ewan sa kaba.

I hope he won't notice.

"How did she had a brother when she is a miracle child and her parents are not able to have another child?"

He asked, I just shook my head on him.

"I-I'm not her real brother, kapatid lang ang turing namin sa isa't isa dahil siya ang tumulong saakin para makabangon muli."

Pagsisinungaling ko habang nanatili ang nakakatunaw niyang titig saakin. 

"Lastly..."

He uttered while looking at me, nakagat ko ang labi roon.

"Where is she?"

Kunot noong tanong niya.

"Somewhere far from you."

Ngiwing sagot kong nagpakunot ng kaniyang noo.

"Look, I don't know where she is, ginagawa namin ang kanya kanyang mga misyon at hindi ko pa siya nakokontak mula noong pumasok ako rito sa unibersidad."

Palusot ko saka sinalubong ang kaniyang mga mata, nakita ko kung paano manlumo ang muka niya doon. Mukang napaniwala ko naman siya dahil hinayaan kong marinig niya ang iniisip na gawa gawa ko lamang upang hindi ako mabuko.

"I see."

Naikuyom nito ang mga kamao saka nanlambot ang ekspresyon na siyang nagpasikip saaking dibdib. 

I'm sorry Draco, but I can't involve you with me life yet.

"Please... please once you finds out where she is or when she contacted you....please tell me, I mean no harm, I-I just want to talk to her again."

He sighed then stood up, mariin akong napapikit doon.

"O-Okay?"

I responded, tumayo nadin ako at halos murahin ang sarili nang bigla ko siyang hawakan sa braso upang pigilan siya sa pag alis. Nakaramdam ako ng bolta boltaheg kuryente nang magdikit ang mga balat na lalong nagpakaba saakin.

"You look stressed, sama ka muna saakin prof! kita mo oh muka ka ng Zombie!"

Natatawa at pilit na pinisiglang saad ko, parang gusto ko nalang lamunin ako ng lupa ngayon! ano bang katangahan ito Celestia! diba lie low muna kay Draco?!

"I'm busy."

Kunot noong saad nito na nginisian ko lamang saka umiling na walang pasabing hinila na siya palabas ng dorm.

Rupok mo tangina! Tapos kapag nabuko, tatago!

Sinabihan ko pa namang bobo si Leonard kanina na alam ko namang totoo pero ito kasi ang dahil non.

Nailing nalamang ako habang hila hili si prof Drashit. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante na inggit lang naman dahil ako lang ang may lakas ng loob na gumawa neto kay prof.

Paano ba naman ay titig palang niya ay titiklop na ang nakakaharap.

Wala naman kaming pakielam sa tingin ng mga estudyante. Isipin nalang nilang bida bida ako't sip sip, or whatsover.

Niyaya ko si Drashit sa food stalls na nagkalat ngayon sa campus.

"Food trip nalang tayo, pampawala ng stress!"

Masigla kong sabi saka pabirong siniko siko pa siya dahilan upang iritable siyang tumingin saakin.

"Nandito tayo kasi gusto mong magpalibre, tama?"

Blangko ang mukang saad niya dahilan upang madrama akong suminghap sakaniya.

"Grabe naman! ganyan na ba kababa ang tingin mo sa paborito mong estudyante prof? nakakahurt."

Pagdadrama ko habang pinupunasan ang mga non existent na luha.

Drashit gave me a deadpan look, I just grinned at him.

"Libre mo naman ang favorite mong student, prof, barya lang naman sayo ehh, sige na, alam ko namang ako ang happy pill mo, pero syempre may kapalit iyon."

Pagbibiro ko pang ikinangiwi nito.

"Baka stress pill."

He hissed as he let me take him to the first stall.

"Benteng piraso nga."

Sambit ko sabay turo sa pagkaing binibenta nito, nangiwi doon si Draco na naglabas ng isang silver para bayaran ang kinakain ko na ngayong iniabot ng tindera.

"Yeeii! the best ka talaga prof! Don't yah worry ikaw din ang favorite ko!"

Masiglang saad ko saka kumindat sakaniya na ikinairap lang nito at nagpatawa saakin.

"You're the worst student I have."

he hissed making me laugh.

"I will have a combat match later, I'll give you Celestia's contact number if you watch it."

I winked, sinabi kong ayoko munang makita eto, pero di ibig sabihin na bawal ang text mate.

'Pasaway! Kita mo na Cormac?! eto ba yung hindi haharot at hindi marupok?! Magsorry ka sa mga matatandang bahay, nahiya karupukan mo!'

Epal ni Leonard, nalimutan kong binuksan ko ng muli ang pagkakakonekta ng mga isipan namin.

'Grabe mas strict pa kay papa! wag ka ngang umepal.'

I hissed.

'I told you he can't be trusted!'

Muli ay isinarado ko nalamang ang koneksyon namin.

"R-Really?!"

Tila ba nagliwanag ang kaniyang muka roon, gusto kong kiligin pero baka mahalata niya pa ako.

"You said you haven't contacted her yet since you transfered here?"

Dagdag niya.

"Oo nga, pero di ibig sabihin ay wala akong contact info niya."

I shrugged.

"What time is your match?"

Desidido niyang tanong na nagpangiti saakin.

'Cute'

I chuckled.

I SPENT AN HOUR dragging Draco in every stalls and even watched a match for mages before I decided to finally stop pestering him.

"I'll go to my squad now, may match ako mamaya, panoorin mo ako ha."

Ngisi ko saka kumindat sakaniya't nakuha pang magflying kiss saka tumalikod na at iniwan na siya roon ng may malapad na ngiti sa labi.

Sapat na saaking makasama siya kahit sa sandiling oras lamang.

"Lucius!"

Pagtawag saakin nila Fiona nang makita akong papasok sa stadium bago ang match. Nakapamulsa lamang akong naglakad sa loob at ngumisi.

"Bakit ang tagal mo?! Akala namin ay hindi ka na dadalo! malapit ng tawagin ang pangalan mo!"

Nagpapanic na saad ni Fiona habang hawak hawak nila ang banner.

"Waiting is boring, kumain lang ako sa mga stalls."

I shrugged.

"Lagi naman."

Naiiling na saad ni Eithan na nagpangisi saakin. Samantalang si Misha at Noah at naglalandian sa gilid.

Napasimangot nalang ako nang makita ang pagkalaki laking banner kung saang nakita ko ang muka ko sa may low quality edit ng mga ulap at kalapati na may malaking font na nakasulat ay 'Fly free Lucius Xavier Strella'

"The heck?"

Ngiwi ko na ikinahagalpak ng tawa nila pwera kay Eithan na as usual ay tahimik lang habang nakatitig saakin.

"G-Good luck."

Nahihiyang saad pa niya na nagpangiti saakin saka sinuntok siya sa braso.

"Sabihin mo yan sa makakalaban ko."

Ngisi ko sabay mapaglarong kumindat sakanila na nagpangiwi sa mga itong ikinatawa ko lamang.

"Yabang!"

Kantyaw ni Noah samantalang si Fiona ay ngumisi sakaniya.

"I will."

She chuckled making me grin then winked at her, Fiona then playfully kicked my leg, malakas iyon at kung ordinaryong theian lamang ako ay kanina pa nabali ang binti ko.

"Fiona!"

Saway ni Misha na nagpangisi lamang dito.

"Break a leg or I will really break your leg, litteraly."

She cheered, natawa ako doon.

"Di mo na kailangang sabihin."

I hissed then did a fist bump with them. Napalingon naman ako sa gawi ng kararating na ai Aziel na tinanguan lamang ako saka naupo katabi yung naglalandiang magjowa na si Noah at Misha.

We waited while watching the current match. I even saw Draco entered that caught the attention of many, nangisi ako doon.

"Ayown, namiss mo naman ako agad prof."

Pang aasar kong ikinangiwi nito.

"I am watching your match not just for that favor but also to might as well enjoy it, make sure not to waste my time."

Saad niya na nagpatawa saakin.

"You're too stiff, you need to loosen up a bit. I'm here to kill---I mean to have fun."

I winked at him, nailing nalamang siyang naupo na sa tabi ko dahilan upang mapagitnaan nila ako ni Aziel.

"You're close with Prof?"

Pabulong na tanong ni Eitan na nasa likod ko nakaupo.

"Technically, since were sitting next to each other."

Pilosopong sagot ko na ikinasimangot lamang nito.

Madugo ang sports na sinalihan ko. The first one to give up, looses kaya mas marahas ay mas mataas ang tsansa mong manalo.

It is the favorite sports of theians, kung hindi lamang dahil sa premyo ay hindi ako sasali dito.

Nang ilahad nila ang winner ay tumayo na ako upang magtungo sa likod at maghanda, maroon kaming kalahating minuto para paghandaan ang laban at kami na ang susunod.

Napahikab lamang ako nang makitang inaayos muna ng mga mage ang nasirang stage..

I was walking in the room assigned to me then grinned the moment I touched the door knob and felt three presence inside.

"What? here to cheer for me?"

I chuckled as I entered the room and saw the two looser gods and their newly awakened brother.

"Hindi pwede ang favoritism, judge ka pa naman."

Sambit ko sa dragon ng apoy na nasaaking harapan habang ito ay nasa kaniyang anyong mortal.

"Napadaan lang, I'm just here to say good luck Lucius----No, Celestia."

Ngisi nito habang nakatingin saaking direksyon ang tila ba nag aalab niyang mga mata.

"Say that to my opponent, Professor Aragon."

I chuckled making his grin wider.

"Or do you prefer me calling you Hugo? You overslept and missed most of the fun, fire god."

I smirked.

"We can still have more fun together, with me added on the crew. May mga tulog mantika pa akong mga kapatid na kailangang hanapin at hambalusin para magising."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top