Kabanata 31

Kabanata 31
Encounter

Celestia Rogue

"Mama..."

Naiiyak kong sambit nang makita ko siya.

"Celestia..."

Sambit nito habang naluluhang nakatingin saakin at tumakbo para mahigpit akong yakapin..

"Celestia anak ko."

Hagulgol nitong lalong nagpaiyak saakin.

"Naaalala mo na ako ma! magaling ka na!"

Masayang masayang saad ko habang yakap yakap ito. Tumingin ako sa gawi ni papa na nakangiti saamin at nginitiaan ito.

"H-Hindi ko maintindihan, para akong nananaginip, hindi ko akalaing makikita ko pa kayo."

Sambit niya saka tinignan ang kabuuan namin.

"Hindi ito panaginip ma, nandito na po kami, nakauwi na kami ma."

Turan kong lalong nagpaiyak sakaniya.

"Oo, kayo ng papa mo... H-hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. N-Noong nawala kayo, gumuho ang mundo ko..."

Lumuluhang sambit niya.

"Were home, Marissa."

My father said smiling then hugged the two of us.

"P-Pero paano? Paano naging posible ito?"

Tanong ni mama saamin.

"Ang sabi ng papa mo ay natagpuan mo daw siya sa dulo ng mundong iyon. Pero paano?"

Muli nitong tanong na nagpangiti lamang saakin.

"I-I just... I somewhat found a way. Ang importante po ay nakauwi na kami ma."

Ngiti ko sakaniya. Ayokong iinvolve si mama sa gulong ito, ang gusto ko lamang ay maging masaya siya.

"Okay lang pa, iyak na din kayo."

Ngisi ko nang mapansin si papa na nagpipigil habang nakayakap padin kay mama.

"N-No...I-I just couldn't believe it... Naaalala mo na ako Marissa."

Halos maiyak sa sobrang sayang sambit ni papa na nagpangiti saakin habang pinanonood ang ga magulang ko. It's as if I went back to time when everything is still normal and we were all living happily as a family.

'This time...I will protect this...'

I said to myself while watching them.

I decided to spend my whole day with them. But for some reason, I feel like I forgot something. Hindi ko rin maintindihan kung papaanong napunta saakin ang isa sa mga cores, gayong hindi ko pa ito hinahanap sa Imperial library,

Pakiramdam ko ay may importanteng bagay akong nalimutan na hindi dapat.

"Ang bango naman niyan."

Ngiti ni papa nang maabutan kami ni mama na nagluluto saka niyakap si mama sa likuran.

"Ang bango naman."

Bulong ni papa kay mama na hindi nakatakas sa pandinig ko. Natatawang pinalo pa ni mama si papa sa braso dahil doon. Bahagya akong napangiwi habang pinanonood ang matatandang naglalampungan sa tabi ko.

Hindi ako informed na required palang makipaglandian habang nagluluto.

"Corny ng mga senior citizen na to."

Ngiwi ko na tinawanan lang ni mama, si papa naman ay binelatan ako na nagpairap lamang saakin.

"Oy bawal akong magkaroon ng kapatid ha, wag kalimutang mag rain coat."

Biro ko dahilan upang panlakihan ako ng mata ni mama na ikinangisi ko lamang.

Buong araw ay umay na umay ako sa kalandian ng mga magulang ko. Pakiramdam ko nga ay kakagatin na ako ng langgam dahil kanina pa sila hindi mapaghiwalay.

Nailing nalang akong napangiti saka tumayo na para magtungo sa dulo ng Zaveri.

I didn't put my mask on today and just wore a cloak. Binago ko din ang kulay ng buhok sa dating kulay nito bago ako namatay sa lugar na iyon. Ipinusod ko ito saka nagteleport patungo sa bilihan ng mga espesyal na ingredients sa iba't ibang parte ng Mytheia na ibinebenta sa dulo ng Zaveri.

I want to cook my mother's favorite dish that she used to cook a lot in the human realm. I want to remake it so I had to find the ingredients. Ang huli naming kain nito ay noong anim na taong gulang palamang ako nang mag uwi si papa ng ganoong mga ingredients.

I teleported near the world market's branch here in Zaveri. Malaki at malawak ito at madaming theians ang dumadayo.

I was wearing my cloak and started looking around and buying the ingredients.

Inilalagay ko ang mga iyon saaking storage pouch.

"Have you heard? they say that the Shaddow Guardian and Guardian Draco are a thing."

I heard, natigilan ako doon.

'Really? bat di ata kami informed?'

Saad ko saaking isipan.

"Really? pero paano na si Guardian Ayesha?"

Tanong ng isa.

"I heard that Shadow Guardian defeated her easily. Satingin ko ay si Guardian Draco ang dahilan ng labang iyon."

Patuloy na chismisan nila.

'Actually, nakaharang siya sa daan kaya binalibag ko.'

Nailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad, ngunit natigilan nang may mabangga ako.

'Damn..why didn't I feel this person's presence?'

I thought.

Kasabay ng pagbaba ng aking cloack ay ang pagtingala ko sakaniya.

It's a man with black hair and eyes. Nagkasalubong pa ang mga mata naming nagpatigil saakin.

He looks like he saw a ghost.

"Celestia..."

He whispered.

Muntik pang manlaki ang mata ko roon ngunit agad kong ikinalma ang sarili.

"That's not my name."

Sambit ko habang nakatingin sa gawi ng binatang tulala padin kasabay ng pagtulo ng luha mula sakaniyang mga mata.

"Celestia... h-how."

Sinubukan niyang hawakan ang muka ko ngunit para bang napapaso akong umiwas sakaniya.

"I'm sorry but I'm not Celestia."

I said casually.

Natigilan siya doon at mariing napapikit.

"I see..."

He sighed harshly, kita ko ang disapointment, lungkot at sakit na rumihistro sakaniyang itim na mga mata nang mapagtantong imposible ang kaniyang naiiisip.

Does he know that I am already dead?---well the Celestia they know.

"I'm sorry."

Malamig na sambit niya.

Agad akong nag iwas ng tingin at iniwan siya doong tulala. Siniguro ko ding hindi niya ako masusundan.

"Aziel...."

I whispered his name under my breath.

What is he doing here?

Memories from the past came rushing down from my mind. I know it's him, hindi ko lang akalaing makikilala niya pa din ako matapos ng ilang taong hindi namin pagkikita.

He looks hurt and affected upon seeing my face.

Kung ganoon ay bakit hindi niya tinupad ang pangakong hahanapin niya ako?

Did something happened?

HINDI NA NAWALA sa isipan ko ang tagpong iyon simula kahapon hanggang pagpasok ko ngayon sa university.

"You okay?"

Noah asked, tipid lamang akong ngumiti at tumango habang kumakain kaming apat ng ice cream. Napatingin ako sa gawi ni Fiona at Eitan na mukang balik na sa normal at tila ba walang nangyari noong nakaraan sa dungeon na iyon.

"How are you two?"

I asked them.

"Were fine now Lucius."

Fiona answered then smiled at me. Napangisi ako sa likod ng aking isipan.

"Ano ba kasi talagang nangyari? I heard Glenn is still unconscious. Si Armani naman ay tuluyan ng nawala sakaniyang sarili."

Kunot noong tanong ni Misha na nagpailing lang saamin.

"It's confidential, sinabihan kami ng council na huwag ipagsabi sa kahit kanino dahil baka magdulot ng panic."

Paliwanag kong nagpatango tango kay Noah at Misha, samantalang si Eitan at Fiona naman ay nanatiling tahimik.

"I had a dream since that incident."

Mahinang sambit ni Fiona at napatingala sa kalangitan.

"Dream?"

Misha asked, Fiona nodded her head.

"No, don't mind me."

Ngiti niya saka umiling nalamang. Nanatili lamang ang tingin ko kay Fiona at nailing.

It was another hectic day. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko padin mahanap sa eskwelahang ito ang core, gayong nararamdaman kong ito ay nasa paligid lamang. 

Napanguso ako doon habang nakatingin sa labas ng bintana at hindi pinakikinggan ang lesson ni Drashit.

'He seems distracted...'

I thought then looked at him, nagkasalubong pa ang mga mata naming ikinakunot ng kaniyang noo habang patuloy sa pagdidiscuss.

Napangiti ako roon.

Dalawang oras din ang itinagal ng klase niya. Hindi man pansin ng iba, ngunit para bang wala siya sa sarili niya ngayon.

"I wonder what's bothering him?"

I mumbled.

"Dismiss."

He announced coldly.

Para bang nakahinga doon ng maluwag ang buong klase. Mas nakakaintimidate daw kasi siya ngayon.

But all I can see is, he looks hurt inside...

"Okay ka lang prof?"

Tanong ko habang nag aayos ng gamit, sinadya ko talagang magpahuli.

Saglit pa siyang napatingin sa gawi ko bago nag iwas ng tingin.

"Yeah, you should go now to your next class, Mr Strella."

He said with blank expression, nanatili lamang akong napatingin sakaniya na ikinakunot ng noo nito.

"You look bothered though."

I said making him stop from writing then looked at me. So I handed him a gold coin.

"What is this for?"

Kunot noong tanong niya nang ilapag ko iyon sakaniyang mesa.

"Money makes me happy, so I'm giving this to you."

I shrugged.

"I have plenty of this already."

He hissed making me smile.

"I know."

I chuckled then left, I glanced at him after just saw him staring at it making me smile then finally left the room.

Naalala kong nakailang kotong din ako sakaniya noon.

The memory made me smile. 

If I didn't die back then, will I be as free as I am now?

This is Mytheia, unless you're in the higher ranks with your power, you will never feel free. I wish time will come that this world will have equal rights for everyone.

But I guess that won't happen in the near future. But I could start making that possible for now. 

I heard Zacharia already has an equal rights for commoners. Some kingdoms are also like that, so I think it's not impossible.

'Should I just eat everyone's power? para fair?'

I thought.

'Earlier you sound like a rightful hero, now you're just a psycho glutton.'

Komento ng panget na tandang na nagpairap lamang saakin.

Ngunit natigilan ako nang makita ang gawi ng prinsesa na nasa tagong parte ngayon malapit sa kinaroroonan ko. Abala siya sa pagbabasa sa ilalim ng puno kung saan wala masyadong tao.

Mabilis akong nakakilos at agad na hinarang ang mapanganib na kapangyarihang akmang tatama sakaniyang ikinagulat niya.

"W-What...."

She said shocked. 

Napunit ang parte ng uniform ko na ginamit ko pang harang sa palapit na atake sa prinsesa.

"Nataliah!"

Alalang sabi ng nakadisguise ng arch duke, palapit saamin.

"It's a professional assasin."

Sambit ko saka pinatamaan ang akmang tatakas na assasin ng kapangyarihang gamit ko bilang si Lucius. Malakas ito at satingin ko ay halos kasing lebel ng kapangyarihan ng mga myembro ng first ranked guardian group. 

Well ofcourse, not the same level as Drashit. That's why I easily made him fall unconscious from wherever he is.

"Are you okay, your highness?"

I asked.

Nakita ko ang pagkatulala nito sa balikat ko, kung saan wala namang galos.

"A-Ah yes... thank you."

Kunot noong sambit niya.

Agad siyang dinaluhan ng Arch duke.

"You're highness! okay ka lang? may masakit ba saiyo? I should take you to the royal doctor right awa----"

"I'm okay, walang masakit."

Ngiti niyang nagpahinga ng maluwag sa binata.

"The assasin is unconscious, I'll take him right away to the palace and make him confess, your highness."

Mariing sambit ng arch duke. 

He has dark expression on his face, but his eyes looks frightened and worried. He's trying to stop himself from hugging the princess really tight, since I am here and his disguise can't be blown right noe, for the safety of the princess.

Napangiti ako sa likod ng aking isipan.

I'm glad that my friend found someone who will love and protect her.

"Thank you..."

"Lucius."

I told them the name I am using, they both smiled at me.

"Thank you, Lucius. You should also go to the doctor to check if everything's fine."

The archduke said making me shook my head.

"I'm okay, you should take the princess back to the palace and make sure she'll be safe. I will call the knights to check if there is any more assasins around."

I said with a serious expression.

"That birthmark..."

The princess mumbled, napatingin ako doon at natigilan nang makitang sa parte kung saan naroroon ang marka ko napunit ang aking uniform. Good thing, they didn't see how fast I regenerated when I protected the princess.

"Yes your highness?"

I asked politely.

Magaan ang loob ko sakaniya dahil siya din ang kaibigan kong si Seah.

"Nothing...I just thought that a friend of mine, has the same."

She sighed. 

Inalalayan siya ng arch duke na seryoso lamang ang muka ngayon.

AFTER THE ASSASINATION attempt to the princess, all the classes were cancelled for the day. Naging usap usapan din iyon sa mga estudyante hanggang sa makarating kami ng dorm. Nakiusap din ako sa prinsesa at arch duke na huwag ng ipaalam na ako ang nagligtas sa prinsesa.

I don't want any more attention here. Matapos ng mahabang pangungumbinsi sa dalawa ay napapayag ko din ang mga itong isekreto ang ginawa ko.

"Yo."

I greeted my friends Noah and Eitan who are in my room again, napatingin ang dalawa sa balikat ko.

"Anong nangyari diyan?"

Tanong ni Noah na nakahiga ngayon sa kama ko. Sa gilid niya ay si Eitan na tumutugtog ng gitara.

"Natamaan kaninang nagpapractice ako."

Kibit balikat ko saka kumuha ng kaswal na damit at saka nagbihis sa banyo ng kwarto ko. 

"Is that what you're going to give Misha? Mukang pinaghahandaan mo talaga ahh."

I asked Noah when I saw him browsing on a magazine, malapit na kasi ang kaarawan nito.

"Y-Yeah."

Utal na sambit nito na nagpangisi saakin at nailing lang.

"Where are you going?"

Eitan asked while staring at me intently. 

"Just gonna bother someone since classes are over."

I shrugged then went outside.

Napangisi akong dala ang mixture ng ingredients na nasa baso at may dala ding kutsara. Nagtungo ako sa opisina nito saka kumatok at binuksan ang pintuan.

I am hiding my presence when I got inside as I watched him play a sad piece on a piano. I have no idea, he plays instruments.

He seems bothered and sad as he play the piece, it makes my heart flutter.

"Ang lungkot naman niyan."

Komento kong nagpatigil sakaniya sa pagtugtog saka kunot noong tumingin sa gawi ko. Mukang nabigla itong hindi naramdaman ang aking presensya nang pumasok ako.

"What are you doing here Mr Strella?"

Kunot noong tanong niya.

"I broke my ice maker, can you make some shaved ice for me prof?"

I asked casually, sinamaan ako nito ng tingin.

"Why would I?"

He asked with a blank face.

"Because I am an excellent student and probably your favorite."

I shrugged.

"Excellent at what? skipping class? and since when you were my favorite?"

He hissed.

"Ako lang naman ang kilala mo sa klase, so I concluded that I am your favorite."

Ngiti kong ikinangiwi nito.

"Come on prof, sisiw lang naman sayo ito, bigyan pa kita ng halo halo, masarap to prof."

Taas baba ang kilay na sambit ko dahilan upang pukulan ako nito ng masamang tingin. Drashit is just cold but he isn't actually short tempered. Hindi siya magagalit para lang sa ganito, hindi tulad ng inaakala ng karamihan kaya ilag sila sakaniya.

He's not entittled like other powerful theians, so he's not easily mad or offended. 

"May I remind you that I am your professor?"

Kunot noong sambit niya na nagpailing saakin.

"What? it's not like I am disrespecting you, I am just asking a simple favor."

Kibit balikat ko.

"Give me that."

He hissed.

Napangiti ako doon at saka iniabot sakaniya ang dalawang baso. Isa saakin at isa sakaniya.

"Wow, your ice can also look like normal looking ice?"

I commented.

Kadalasan kasi ay kulay itim ang yelong inilalabas niya. Sayang naman at gusto ko pa sanang kulay itim ang halo-halo ko dahil mas astig tignan.

"Yeah."

He said with a bland tone.

Nilagyan din niya ng yelo ang isa pang baso para kainin.

"How will you eat this?"

He asked.

Nilagyan ko muna ng ube ang mga iyon.

"Just mix the ice with the ingredients."

I instructed him then showed him how, ginaya niya iyon na pasimpleng nagpangiti saakin.

' He's surprisingly cute.'

"Is it good? my mother taught me that."

I smiled.

"It's not bad."

He commented making e smile.

"Hey, you should take your money back, I don't need it."

He hissed while we were eating.

"I know, I'm just trying to cheer you up, kailangan ding sumipsip minsan, alam mo na."

Biro ko sabay kindat na nagpangiwi sa huli saka ibinato saakin ang ibinigay ko kanina na bahagyang nagpatawa saakin at sinalo iyon.

"Ayaw mo edi don't."

I shrugged then gladly took my money.

'Yay!'

Nailing nalang si prof Drashit doon.

"I know someone who cheers up with money."

He mumbled making me stop.

"Who?"

I asked, umiling lamang ito.

"Well that theian must be important for the ice guardian to remember."

I said, not ketting him noting how fast my heart is pounding right now.

If the past Celestia didn't die back then, I wonder if we will still be friends, five years later? I bet I wouldn't realize my feelings back then unless I die.

"Come on tell me, is it a friend?"

I asked, sinamaan niya ako ng tingin.

"Are we close?"

He hissed, napanguso lang ako doon.

"So?"

I said stubbornly, sinamaan niya ako ng tingin.

"No, I don't think were friends back then, I have no intention to make her my friend."

He hissed making me still. 

Nakaramdam ako ng sakit nang marinig ang mga salitang iyon saka mapait na napangiti.

"But she's probably my wife now if she's still here...."

Mapaitna ang ngiting sambit niya dahilan upang halos maestatwa ako sa kinauupuan. Ilang sandali akong natulala doon, saka gulat na ibinaling ang tingin sakaniya

"W-Wife?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top