Kabanata 16

Kabanata 16
Gold Coins

Celestia Rogue

WHEN I OPENED MY EYES, I am in a very familiar purple room. The room has a small bow and arrow hanging on the wall. The toys that my father gave me, a doll house and pictures of our family together. There is a study table with a lamp, a book shelf filled with books that my mother used to read me.

The bed is also kind of huge, the sheets are really soft and warm unlike my bed in my room in that village.

"What village? Aren't our house alone? we don't have any neighbors."

Saad ko, hindi ko alam kung bakit maliit ang boses ko.

"Wait? isn't this my actual voice? My voice has always been small though, why am I thinking about weird stuff?"

I said confused then looked at the full length mirror. My small hands took the brush and blushed my hair. My cheeks looks chubby--isn't it always chubby?

"That's right! I'm seven!"

I giggled to my self.

"Why do I feel like I had a long dream?"

I mumbled.

A long bad dream I couldn't remember...

I pouted then stood up from the bed. Inaantok pa akong lumabas at malapad na napangiti nang makita si mama na nagluluto sa kusina at si papa na yumakap sakaniya.

"Good morning Mama! Papa!"

Masayang bati ko, nginitian ako mama at si papa naman ay masayang binuhat ako.

"Good morning prinsesa ko!"

Masayang sabi nito na nagpahagikhik saakin.

"Papa!"

Natatawang sabi ko nang nagsimula siyang kilitiin ako.

"Oh tama na iyan at mag almusal na kayo."

Saway ni mama saka naghain ng pagkain sa lamesa.

"Wow ang sarap naman nito!"

Masayang sabi ni papa, natawa doon si mama at pabirong kinindatan siya. Mama is smiling happily like she used to. She's smiling brightly and her silver eyes were shimmering while looking at us.

Just like how she did before---But didn't she always smiles like that?

Nailing ako roon.

"Kamusta po yung mission niyo kahapon papa? madami po kayong natalong monsters?"

Masayang tanong ko na nagpangisi sakaniya. His Violet eyes glowed as he smiled in a creepy way.

"Yes! It's a massac---"

"Claude!"

Saway ni mama na nagpanguso kay papa, natawa ako sa itsura niyang takot kay mama.

"Makikipag laro po ako ngayon kay Aziel ha."

Paalam ko pagkatapos naming kumain.

"Basta huwag lalayo ha."

Hagikhik ni mama. Napangiti ako doon saka humalik sa pisngi nila saka nagtatakbo palabas ng bahay.

I am so happy to play with him again and watch him train. But why?

We played yesterday so why do I miss him?

Nagtatakbo ako sa gubat at tuwang tuwang pinagmamasdan ang paligid.

"Why do I feel like it's been a really long time since I went here?"

I pouted.

"Aziel!!!"

Masayang pagtawag ko sa pangalan niya ngunit natigilan ako nang makitang may kasama siya.

Aziel is sitting on the ground while a silver haired boy on his age stood up and is looking at him blankly with those cold blue eyes.

"Aziel? sino siya?"

Takang tanong ko. Tumingin saakin ang tila ba pamilyar na batang lalaki at itinuro ang direksiyon kung saan ako nanggaling.

Ganoon din si Aziel na ikinapagtaka ko.

But then I realized that things started to get a bit smaller. I looked at my hands and gasped when it seems bigger.

"What is this..."

I mumbled with a different voice.

"Papa!"

Malakas kong sigaw nang matauhan saka mabilis na nagtatakbo pabalik ng bahay.

"Papa!"

Sigaw ko nang makita siyang paalis.

"You look like your mother."

He smiled at me.

Naluha ako roon mahigpit siyang niyakap.

"Papa! Don't leave, please don't leave us."

I begged.

He smiled at me.

"I will love you no matter what path you will take, always remember that."

He mumbled as he gently kissed my forehead. Napapikit ako doon habang yakap yakap padin siya.

Ngunit sa pagmulat ng mga mata ko ay wala na si papa. Bagkus ay nasa tapat nanaman ako ng isang napakalaking puno sa gitna ng isang kakaibang gubat.

Naginit ang balikat ko kung saan naroroon ang birth mark. Napahawak ako doon at natigilan nang makakita ng isang pamilyar na nakakasilaw na liwanag.

"W-What..."

I mumbled the moment I saw a huge flaming phoenix, flying towards my direction.

But the moment the phoenix landed, it suddenly transformed into a little girl with glowing orange hair and eyes that sparks like flame.

"S-Sino ka?"

Napaatras kong tanong.

Nagkasalubong ang mga mata naming nagpangiti sakaniya saka humawak saaking kamay.

"I am the messenger."

She said.

"Messenger what?"

I asked confused.

"Malapit na."

She mumbled while looking at me directly.

"The fate that no one, not even the gods will be able to stop...."

She smiled at me.

"What fate? Ano bang sinasabi mo? sino ka ba! sino ba kayo!"

Tuloy tuloy kong tanong, ngunit hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig saakin. Nagulat nalamang ako't napasigaw nang bigla nalamang gumuho ang lupa at unti unti akong lumubog.

Napatingala ako at nakita sa ibabaw ang isang napakapamilyar na muka.

"Draco!!"

Pagtawag ko sakaniya habang hindi ako makaalis sa ilalim ng lupa. Draco's face were filled with regrets, anger and grief as he cried while looking at me.

He looks like he is in deep anguish while kneeling and shouting as if he has lost his mind.

Gusto kong sumigaw ngunit tila ba walang boses na lumalabas saakin habang patuloy akong kinakain ng lupa.

"The fate..."

The child's voice echoed in my head.

"The fate that no one, not even the gods will be able to stop...."

The voices continued to whisper and it's making me insane!

"Stop! Stop!"

I shouted in my mind while the voices just kept getting louder and louder. My birthmark hurts a lot and my heart feels like it's about to burst.

At pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa silid ko na ako.

"What the---"

Napahawak ako saaking balikat kung saan naroroon ang birthmark ko.

"What is this..."

I whispered when I saw it glowing. Paglingon sa salamin ay umiilaw din ang kulay lila kong mga mata at iba na ang kulay ng aking buhok na umiilaw din.

Tinignan ko iyon at napagtantong totoo nga.

"What's happening..."

Taka kong saad.

Ngunit napaatras ako nang makitang ngumiti saakin ang repleksyon ko sa salamin saka gumapang palabas.

"Who are you?!"

Sigaw ko saka agad na kinuha ang dagger ko at itinutok iyon sakaniya. Ngunit patuloy siya sa paglapit saakin kahit pa nasugatan na siya nang dumaplis ang dagger ko sakaniyang muka.

"No...impossible.."

I mumbled when her wound closed on it's own.

"Sino ka!"

Sigaw ko na ikinangiti lamang lalo nito. Her violet eyes stared at me as if she is looking right through my soul.

"You need to die so I can live Celestia...."

She whispered making my eyes widened.

"Kailangan mong mawala upang maisakatuparan ko ang kapalaran natin."

Muli niyang bulong saakin na nagpatayo sa mga balahibo ko.

Mariin akong napapikit nang makitang aatakihin na ako nito at sa muling pagmulat ng aking mga mata ay nasa silid padin ako at nakahiga saaking kama.

Nangunot ang ko't napaupo sa ka saka lumingon sa salamin.

"I look normal---Wait, Ialways look like this, what am I saying?"

I frowned.

I felt like I had a long exhausting dream but couldn't remember anything but those words..

"The fate that no one, not even the gods will be able to stop...."

I mumbled the only thing that I could remember.

BUONG UMAGA AY Hindi nawala ang pakiramdam na iyon saakin. Pinipilit kong alalahanin ang panaginip na iyon, pero sumasakit lang ang ulo ko kakaisip. Kaya syempre ay napagdesisyunan kong huwag nalang mag isip.

I sighed as I look at the cloak that Drashit gave me after we closed the leak. I really need to hurry and complete the 15 golds. Baka itaas pa nila kapag nagtagal ako. Bukod doon ay lumalala ang kondisyon ni mama kaya naman kailangan ko na siyang maipagamot.

Drashit gave me this cloak so I can decide now what to do with this. I guess I can atleast sell into few gold coins and then me and my mother can go back to the temple tommorrow.

"Where did you get this Celestia?"

Kunot noong tanong saakin ni Mrs Leonhart nang ipinakita ko sakaniya ang cloak.

"Napulot ko lang po yan doon sa gubat matagal na, hindi naman na binalikan ng may ari."

Palusot ko na mukang nakakumbinsi naman sakaniya dahil mukang nakahinga siya ng maluwag. She probably knew that Drashit is the owner and relieved that I didn't steal it to someone dangerous because I really need money.

"Okay, I will do an appraisal first."

Ngiti niya kasabay ng pag ilaw ng mata habang hawak niya ang cloak.

"Wow..."

She mumbled then looked at me.

"How is it?"

I asked.

"I'll prepare the money right away."

Masayang sabi niya saka binuksan ang vault. Ilang minuto din siyang nagtagal doon bago bumalik dala ang isang pouch na puno ng pera.

"500 gold coins."

She said, nanlaki ang mata ko roon.

"W-What?"

Muli kong tanong.

"It's worth 500 gold coin considering the quality of the cloak."

Sabi niya, napakurap ako doon.

"R-Really?"

Gulat kong sabi na nagpatango sakaniya.

"Yes, come on take it."

She smiled, nakagat ko ang labing tinanggap iyon habang tulala padin.

Ngayon lang ako nakahawak ng ganito kadaming pera!

"Huwag niyo pong ibebenta itong cloak ha, babalikan ko po ito."

Seryosong sabi ko kay Mrs Leonhart.

Baka kasi gamitin pa ito ni Drashit laban saakin. 500 gold coin is too much! dalawang gold coin lang naman ang kailangan ko.

Pag iipunan ko ang idadagdag ko sa ipon namin saka ko bibilhin uli yung cloak.

"Baka po kasi biglang balikan ng may ari, gantan pala kamahal. Pag iipunan ko nalang po yung ibabawas ko."

Kagat labing dagdag ko.

"Okay I understand, itatago ko ito para sayo."

Hagikhik niya sabay kindat saakin at itinago na ang cloak ni Ice burg. Napangiti akong itinago ang pouch sa bag ko. Ang bigat non dahil sa dami ng karga.

"Gamitin niyo na ang carriage ko sa pag uwi mo. Tapos pumunta na kayo sa templo bukas para naman ay maipagamot mo na agad ang mama mo."

Sambit niyang nagpatango saakin.

"Sige po, Salamat po."

Ngumiti ako sakaniya saka yumakap.

"Salamat po sa lahat ng naitulong niyo saakin."

Sabi ko, niyakap naman niya ako pabalik.

"Wala iyon ano ka ba, napalapit na din naman ako saiyo."

Hinarap ako ni Mrs Leonhart.

"Hiling ko lang na sana ay gumaling na ang mama mo sa kung ano mang karamdaman niya."

Dagdag niya.

"Sana nga po ehh."

Napabuntong hininga ako roon saka tumingin sa gawi niya.

"At sana din pagka galing ng mama mo ay huwag ka ng masyadong subsob sa trabaho. Sulitin mo na ang bawat oras na magkasama kayo."

Ngiti niya saakin, napatango din ako doon.

"Iyon nga po ang plano ko, baka hampasin na ako ni mama eh."

tawa ko.

WE CHATTED for a little bit more, before I decided to go home. Pagkauwing pakauwi ko ay ibinalita ko kay mama na maipagagamot ko na siya.

Nang gabing iyon ay magkatabi kaming natulog habang masayang nagkukwentuhan.

Kinaumagahan ay maaga kaming nagising at sumakay sa isang carriage patungong templo.

"Hindi ba magagalit ang nagbigay sayo ng cloak anak? bakit mo ba kasi binenta?"

Tanong ni mama habang nasa sasakyan kami.

"Eh ma parang sinangla ko lang naman, babalikan ko po iyon pagka nakapag ipon po ako sa binawas ko doon sa pera."

Sabi ko.

"Wag na kayong mag alala sa ibang bagay ma, ang isipin niyo nalang po ay gagaling na kayo at mas matagal niyo na akong makakasama diba?"

Hagikhik ko saka ibinukod ang pamasahe namin pauwi at ibinulsa.

"Sige na."

Ngiti ni mama.

"Nadala mo ba yung pera?"

Tanong niyang nagpatango saakin.

"Syempre naman po----"

Natigilan ako doon.

"Bakit?"

Tanong ni mama.

"Nadala ko lahat!"

Gulat na sambit ko, nangunot ang noo ni mama.

"Akala ko ba ay bente lang ang dinala mo?"

Tanong ni mama.

"Oo nga po, hiniwalay ko pa nga oh."

Sabi ko sabay pakita sakaniya ng nakahiwalay na pouch.

"Baka naman ay hindi mo natanggal yung isang pouch, nagmamadali rin tayo kanina eh."

Sabi ni mama.

"Siguro nga po."

Nguso ko saka napakamot ulo nalang.

"Ingatan mo nalang ha, baka madukutan pa tayo."

Sabi ni mama na nagpatango saakin.

"Mararamdaman ko naman ma."

Sagot kong ikinangiti niya.

Natulog muna kami ni mama pagkatapos non.

Ilang oras din ata kaming napaidlip nang maymaramdaman akong mga paparating. Normal naman iyon dahil daanan ito kaya naman ay tumingin nalamang ako sa labas ng bintana.

Mula rito ay matatanaw na ang templo.

"Malapit na tayo ma."

Pag gising ko sakaniya, nagmulat ito ng mata at tinanaw ang templo. Sinuot din niya ang kaniyang cloak at maskara.

Hindi nga kasi nila pwedeng malamang mag ina kami lalo na't tao si mama.

Magsasalita sana ito nang bigla nalamang tumigil ang karwahe. Bahagya akong kinabahan doon.

Naramdaman ko kasing may humarang sa sinasakyan namin. Itinaas ko ang maskara at napahawak sa aking dagger saka humarang kay mama.

The door of the carriage were suddenly broken by a force. Tumalsik pa iyon sa malayo na nagpasigaw kay mama.

"Celestia baka mapano ka."

Nag aalalang sabi ni mama saka napahawak saakin.

"Labas!"

The bandits shouted, I glared at them.

"Were just commoners, wala kaming maibibigay sainyo."

Malamig na sambit ko.

"Don't waste your time lying, I can see insode your belongings and you seem to have some valuable stuff in there."

Ngisi ng isa, mariin akong napapikit doon at itinutok sakanila ang dagger ko.

Ngunit bigla nalamang iyong lumipat patungo sa isa sakanila, kasama na din ang communicator ring na ibinigay saakin ni Draco.

Binalingan ko sila ng masamang tingin habang nakaharang kay mama at mahigpit na yakap ang bag.

Hindi nila pwedeng makuha ito.

Sinubukan nilang hablutin iyon ngunit mabilis akong nakaiwas saka agad na hinawakan ang kamay ni mama at nagtatakbo sa kabilang bahagi ng karwahe.

"Sa kaliwa!"

Sigaw ko saka kami nakaiwas sa pag atake habang hinahabol kami ng mga ito.

Habang tumatakbo ay kinuha ko ang pana at pinatamaan ang mga ito. May isa akong natamaan, ngunit karamihan ay nasira lang dahil sa kapangyarihan ng isa sakanila.

Some of them are psychics.

Mabilis nila kaming naabutan, kaya wala akong choice kundi labanan sila.

"Mama takbo!"

Sigaw ko saka buong pwersang sinuntok ang lalaking akmang lalapitan ako na ikinatumba nito.

"Shit!"

Mura niya.

Pinatamaan ako ng iba ngunit agad akong nakakaiwas dahil sa abilidad ko.

"Celestia! Tara na!"

Sigaw ni mama na ikinailing ko.

"Susunod po ako!"

Sigaw ko.

Bagama't nagdadalawang isip ay tumakbo ito.

"Hahanap ako ng tulong!"

Narinig kong sabi niya.

Ngunit gamit ang kapangyarihan ng isa sa mga bandido ay nagawa nilang hablutin ang bag. Ngunit nanatili akong nakahawak doon at hindi iyon binibitawan.

But then I heard a shout.

Sa likod ko ay naroroon si mama bihag ng mga bandido.

"Bibitawan mo yan o papatayin namin to?"

Ngisi ng isa habang nakatutok ang kaniyang espada sa leeg ni mama.

Wala akong magawa sa mga oras na iyon.

I felt worried, scared and helpless.

I have no choice but to let go of the bag and run towards my mother's direction.

"Madali ka naman palang kausap."

Ngisi nito saka marahas na binitawan si mama. Agad ko siyang nasalo saka kami napaupo sa batohan.

"Ang dami nito ahh, san mo to ninakaw?"

Malapad ang ngising sabi niya, binalingan ko lamang sila ng masamang tingin habang yakap yakap si mama na nanginginig sa takot.

"Pinahirapan tayo nito ah, anong gisto mong gawin natin boss?"

Ngisi ng isa, humarang ako kay mama ngunit umiling siya saakin.

"Celestia!"

She said frightened as she hugged me tight while crying.

"Please, please don't! you can take all that money, just don't kill us!"

My mom begged, naikuyom ko ang kamao ko roon.

"Silence them."

The boss said with a satisfied smile plastered on his face. Nakita ko ang pagangat nila ng espada kaya naman ay napayakap ako kay mama saka mabilis na naiwasan iyon.

"Stay still!"

Galit niyang sigaw at akmang patatamaan nanaman kami ngunit muli akong nakaiwas habang yakap si mama.

"Boss! may malapit na royal guards!"

Balita ng isa, sinamaan ako ng tingin ng boss nila saka marahas na tinadyakan at tumalikod na.

"Tara na, bago pa nila tayo makita."

Sabi niya saka sila nagmamadaling umalis.

"Sorry ma, wala akong nagawa."

Sambit ko habang mariing naikuyom ang mga kamao kasabay ng pagpatak ng mga luha.

"Bakit ganun ma, sa tuwing abot kamay ko na, mayroong biglang pumipigil saakin. Mayroong bigla nalang puputol sa hagdan para mahulog ako."

Napahagulgol na ako doon ng tuluyan habang yakap yakap ako ni mama.

"Ayos na ako anak, tama na, tanggapin na natin nak."

humihikbing pag aalo saakin ni mama na nagpailing saakin saka tumayo.

"Hindi ma, gagawa ako ng paraan, hindi ko hahayaang mawala kayo."

Determinadong sabi ko. Napatayo din doon si mama.

"Celestia naman! ayokong mapahamak ka!"

Nag aalalang sabi ni mama.

"Wala na nga si papa eh! hindi ko hahayaang pati kayo ay mawala saakin!"

Naluluhang sabi ko saka naglakad kasama si mama na kinukumbinsi akong tumigil na.

"Mag stay po muna kayo dito sa park sa malapit, pupunta po ako sa templo."

Sabi ko nang makalayo kami kung saan kami inatake ng mga bandido.

"Celestia, please, baka mapano ka pa. Mas hindi ko kakayanin kung ikaw ang mapapahamak."

Lumuluhang saad ni mama.

"Sorry ma, kailangan ko pong subukan."

Sambit ko saka tumakbo patungo sa templo. Narinig ko pa ang pagtawag niya ngunit hindi ko iyon pinansin.

Pag dating ko sa templo ay pasimple akong pumasok sa loob. Ginamit ko ang abilidad ko upang maiwasan ang mga papalapit na guwardiya.

Nagtago pa ako, hanggang sa makarating sa opisina ng high priest.

"Sino ka?!"

Sambit ng mga guwardiya nang makita ako sabay tutok saakin ng kanilang espada.

"Gusto ko lang makausap ang high priest kahit sandali."

Nagmamakaawang sambit ko.

"Hindi maaari kung wala kang appointment, lumabas ka na bago ka pa namin ikulong."

Mariing sambit nila na nagpailing saakin.

"Sandali lang naman eh!"

Puno ng frustrasyong sigaw ko saka nagpupumilit na pumasok. Hinawakan ako ng mga ito para kaladkarin palabas ngunit pilit akong nagpupumiglas.

"Anong komosyon ito?"

Sambit ng high priest na kalalabas lamang ng kaniyang opisina.

Yumuko ang mga guwardiya nang makita siya bilang pag galang.

"Nagpupumulit pong pumasok ng walang appointment."

Paliwanag ng isa na nagpatango tango sa high priest.

"Ganoon ba?"

Ngumisi ito saka tumingin sa mga guwardiya.

"Iwanan niyo muna kami."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top