Kabanata 1
Note: Since completed na ang Hiraeth, sisimulan ko na po itong Celestia 😊 Since tapos ko na yung notes ko sa story na ito at naplano ko na yung mga isusulat, hopefully, makapag update ako madalas dito 😊
Anyways tried drawing Celestia ❤ ----Check the media above ⬆️⬆️⬆️
Kabanata 1
Commoners
Celestia Rougue
Ipinikit ko ang isang mata habang nakatutok ang pana sa leak. It's 6 pm and were all in our positions, ready to attack, once the monsters comes out of the leak. It's a leak, more than a decade years old, walang may gustong tumulong saamin kahit ang mga low ranked guardians ay hindi kami pinagtutunan ng pansin.
"Wala parin bang tumatanggap sa trabahong ito Ate Celestia? Aren't they heroes?"
Tanong saakin ni Allen, bata palang ito ay sumasama na saakin para magpaturo kung paano lumaban para maprotektahan ang pamilya niya.
"They are only heroes when you have money Allen, were a village of commoners, just what can we offer? Tumahimik ka muna diyan at bumalik ka sa pwesto mo."
I said, Allen pouted and went back to his position, preparing for the battle. Walang tutulong saamin kundi kami, sa loob ng ilang taon na naririto ang leak na ito ay naisaulo nanamin ang mga galaw at kahinaan ng mga halimaw na lumalabas mula rito.
Mabuti nalang at E hangang D ranked monsters lamang ang lumalabas sa leak. Kaya naman ay nakakaya namin silang labanan kahit wala kaming mga mahika.
Napangisi ako nang maramdamang papalapit na sila saka pinakawalan ang pana na, hudyat sa mga kasamahan ko. Nasapol nito ang core ng ink monster na kalalabas lamang ng leak.
"Yan, tanga mo kasi."
Ngising komento ko sa halimaw na nawalan ng buhay, pwede naming ibenta ang mga ito bukas.
Sumugod na ang mga kasamahan ko, dinilaan ko ang pang ibabang labi na inilabas ang dagger at agad na nasapul ang halimaw na balak akong atakihin sa likuran, agad kong natamaan ang core nito, ngunit sumurit ang dugo nitong tumama sa muka ko.
Ngumisi lang akong pinunasan iyon saka gumamit ng tatlong pana at pinakawalan iyon dahilan upang matamaan ang mga halimaw na akmang aatake sa ilang mga kasamahan ko.
"Ayos!"
Ngiti nila saka nagthumbs saakin, napairap ako't pinatamaan nanaman ng pana ang mga nasa harapan nila.
"Gago mamaya na kayo mag saya pagtapos nito."
Iritang sabi ko, napangiti ako nang makitang may napatay na halimaw si Allen, tuwang tuwa siyang napatingin saakin na ikinangisi ko lamang saka nagtungo na sa mga kasamahan para tulungan sila.
Sinipa ko ang isa sa mga halimaw saka iwinasiwas ang dagger kasabay ng pagkatumba at biglang paglitaw ng mga halimaw. I ran and climbed a tree fast and targetted more monsters from the above.
Tuloy tuloy akong pumana, mabilis kong napapatamaan ang mga halimaw na nagbibigay ng hindi maipaliwanag na kasiyahan saakin.
"Ah shit!"
Mura ng isa sa mga kasamahan ko nang matamaan siya ng isa sa mga halimaw, agad akong tumalon mula sa puno at sinaksak ang core ng halimaw na iyon. Mabilis kong pinunit ang polo niya at tinali sa hita niya iyon ng mahigpit para mapigilan ang pagkalat ng lason saka siya pinainom ng gamot na ginawa ko.
"Ang pait naman nnito Celest-tia, wala bang s-strawberry flavor?"
Reklamo niya habang halos mamula na nga ang bibig na nagpakunot noo saakin saka sinaksak ang halimaw na aatake sana saakin mula sa likuran.
"Tiisin mo Gago, ipakain kaya kita sa mga yan?! tatanga tanga tapos magrereklamo ka."
Iritang sabi ko saka binalingan ng tingin ang ilang mga kasamahan.
"Dalhin niyo na to sa village, may mga gamot kami sa bahay, malayo to sa bituka."
Sabi ko saka binitawan na si Gago, oo, yun talaga ang pangalan niya, bagay na bagay naman sakaniya eh.
Pag alis nila ay patuloy kami sa pakikipaglaban upang pigilan ang mga ito sa pagpasok sa village. Pagkatalo naman ng pinuno nila ay hindi sila agad babalik, bukas uli at ibang halimaw nanaman.
Mula bata pa ay tumutulong na ako, patago nga lang noon. Dahil marunong naman akong makipag laban dahil naturuan ako noon ni Papa at ni Aziel, ipinagpatuloy ko lamang habang ngayong labing walong taong gulang na ako.
Tinuruan ko din ang mga kasamahan ko, kailangan naming mabuhay, hindi pwedeng lagi kaming nagtatago.
Bukod sa pakikipag laban ay gumagawa din ako ng mga gamot at lason, natutunan ko iyon nang magtrabaho sa isang public library noon. Nag aayos ako ng mga libro para may extra income at nag babasa nadin, mabuti nalang at tinuruan ako ni mama.
Part time job ko iyon, sa mga panahong wala talagang kita.
Nagka interes akong gumawa ng mga gamot at lason upang may pagkakitaan---upang makatulong sa mga tao rito sa village.
"Found yah."
I chuckled when I saw their leader, mukang naramdaman nito ang pana ko at agad niyang naiwasan.
My mouth formed an 'o' then smirked as I targeted the damn thing again, muli niyang naiwasan ito, ngunit ginamit ko lamang iyon upang madistract siya saka biglaang sumulpot sa harapan niya't sinaksak siya saka ibinaon ang kamay ko't hinugot ang core mula sakaniya.
Napangiwi roon ang mga kasamahan kong nagpairap lang saakin at pinunasan ang sumirit niyang dugo saakin
"Hoy wag niyong hayaang makatakas yang mga natira, pera din yan!"
Sigaw ko, agad namang nagsikilos ang mga kasamahan ko't pinatay ang mga papatakas na halimaw. Maibebenta namin ang mga cores at ang ink nila sa capital, sapat na upang may makain ang buong VIllage sa buong araw, bukas.
"Baka may bumubula na bibig diyan ha, may iba pa bang napuruhan?"
Tanong ng isa saamin.
"Galos lang pero walang lason."
Sagot ng iba, nilingon ko naman ang labing tatlong taong gulang na si Allen na manghang kinokolekta ang mga cores. Ang mga core na ito ay hindi ang main core, kaya naman ay hindi rin nito magagawang isara ang leak.
"Tara na, baka naglupasay na sila doon sa pag aalala."
Biro ko saka binuhat ang malaking bag kung saan naroroon ang ilang halimaw. I trained to be strong, we may be commoners, but that doesn't mean, we'll let this damn biased world ruin us.
In this world, they treat commoners lower than insects, we don't even have a law that protects us, we have no right for education and once we are killed, the murderer will be praised instead.
"Pwede po bang sumama sainyo bukas sa pagbebenta?"
Tanong ni Allen, umiling lamang ako sakaniya.
"Alam mo naman kung gaano kadelikado ang capital sa tulad natin, you need to atleast surpass me first."
I chuckled then pat his head making him frown, nailing nalang ako. Ako ang ipinadadala nila sa Capital para magbenta dahil masyadong delikado ang lugar para sa mga commoners.
I am the strongest here, so I am the one who would always go to the Capital to sell and buy stuffs.
"Celestia!"
Salubong saakin ni Mama saka mahigpit akong niyakap.
"Mama, may dugo pa ako, saka malamig na ma, sana ay hinintay niyo na po ako sa bahay."
Ngiti ko, marahas itong napabuntong hininga.
"Kailan ba ito matatapos? grabe ang nerbiyos ko sa tuwing sasabak ka roon!"
Kunot noong sabi niya.
"Hanggang hindi po nagsasara ang leak ma, saka alam niyo namang kailangan ako roon. Ilang taon ko na itong gingawa ma, sisiw nalang ito saakin."
Hagikhik ko saka malambing na niyakap si mama.
"Intindihin mo nalang ang mama mo at nag aalala lang iyan saiyo."
Ngiti ng Chief nitong Village, sa labing isang taon na narito kami ay parang lolo ko na ito. It's been 11 years since my father got executed, ipinatapon siya sa isang sealed leak kung saan walang sino man sa mga guardians ang nakakaligtas ng buhay. It's the biggest leak among Mytheia that all countries agreed to just seal it since it's too impossible to find the core.
Hanggang ngayon ay miss na miss ko parin si papa. I sometimes still blame myself for what happened but I don't want to show my mom that I'm still affected, I don't want her to keep remembering it and be sad. All I want now is to survive and make her the happiest.
"Anong ulam mama? tulungan na po kita."
Ngiti ko pagkaligo, napatingin ako sa salamin habang nagsusuklay. The necklace Aziel gave me caught my eyes. Kamusta na kaya siya? hinanap ba niya ako? siguro ay nalimutan na din niya ako.
I don't let anyone see this necklace though, I found out about it's value before when it got nearrrly stolen from me. Mula noon ay itinatago ko na ito sa damit ko, para walang makakita.
"Hindi ka pa ba pagod? ako na ang bahala rito."
Sabi niyang nagpangiti lang saakin at nailing.
"Kayo ang bawal mapagod ma, baka lumala ang sakit ninyo, tulungan na po kita."
Presinta ko saka lumapit sakaniya, wala rin itong nagawa kundi pumayag. We used the mountain vegetables and the bore I hunted this morning as an ingredients to cook. Mama cooked another dish from her world and taught it to me.
I sometimes wish I was just born into that world instead of Mytheia.
"Ang bango ah."
Biglang sulpot ng kapit bahay namin, natawa nalang kami ni nanay.
"Umupo ka na dito, dinagdagan ko talaga ang luto namin."
Natatawang sabi ni nanay, inunahan na itong humingi ng ulam.
"Nako salamat! dibale at ako na ang maghuhugas ng pinagkainan!"
Maganang sabi nito.
"Aba dapat lang."
Biro kong nagpanguso sakaniya.
"Celestia."
Saway ni mama, nginitian ko lamang siya ng matamis.
"Nga pala Celestia, wala ka bang balak sagutin iyong mga manliligaw mo? aba'y dise otso ka na, dapat ay noong dise sais pa nga lang ay kasal ka na, tatanda kang dalaga niyan."
Sabi nitong nagpangiwi saakin, dito kasi ay dise-sais palamang ay pupwede ng magpakasal.
"Sabi naman sainyo, bibigyan ko lang ng chance iyong mga mas malakas at mas magaling saakin saka eh ano naman kung tumanda akong dalaga? hindi naman ako mamatay kapag hindi ako nakahanap ng mapapangasawa."
Irap ko.
"Mahirap tumanda ng mag isa, maganda ka pa naman, paano kapag mag sawa iyang mga manliligaw m---"
"Pake ko naman, edi mamatay na sila, hindi pagpapakasal lang ang purpose ko sa buhay, busy ako."
Iritang pagputol ko sa sasabinihin nito, makikikain na nga lang ang dami pang hanash! Akmang sasagot pa ito ngunit pinasakan ko na ng mas marami pang kanin ang bunganga nito.
"Kumain ka nalang diyan."
Sabi ko saka napangisi, nailing nalang saakin si mama saka ngumiti.
KINABUKASAN ay nagsuot ako ng simpleng damit na pinatungan ko ng cloak na abot hanggang hita ko. Dinala ko din ang dagger ko na nakasabit sa sinturon ko, pati ang pana ko ay nasaakin, kung sakali mang may mangyari habang nasa Capital ako.
Alas kwatro palamang ng madaling araw, at ganitong oras ako karaniwang umaalis upang maagang makarating sa pupuntahan at maaga ring makakauwi, bago magtanghalian.
"Mag iingat ka ha, wag mong ibababa iyang hood mo."
Sabi ni mama saka inilagay ang hood ng cloak ko sapat na upang maitago ang muka ko.
"Opo ma."
Ngiti ko saka itinaas ang mask, upang matakpan ang bibig at ilong ko. I almost got into a grave danger because of my face. I almost got sold off as a slave, mabuti nalang at nakatakas ako noon. Being beautiful is great when you're a noble or you have a great magic power. Cause if you are a commoner, you'll end up being sold off as a slave, good think I was strong to I manage to escape from that fate.
Everytime I remember that moment makes me mad, but I couldn't do anything to destroy them.
Cause I am powerless...
"Kayo din ma ha, mamaya pupunta po dito si Allen at ang nanay niya para may kasama po kayo."
Sambit ko saka yumakap sakaniya.
"Oo nak, salamat."
Ngiti nitong nagpangiti saakin saka tuluyan ng nagpaalam at lumabas ng bahay. Kinuha ko ang malaking bag kung saan naroroon ang jars ng mga hiniwalay nilang inks ng mga natalo naming halimaw kagabi.
Kinuha ko rin ang mga cores at nagpaalam na sa mga tao sa village namin upang maglakad papunta ng Capital. Ayokong gumastos at sumakay sa karwahe patungo sa lugar kaya naman ay tatlong oras akong naglalakas dala ang mabibigat na bahay upang ibenta.
Training din ito para saakin at sanay naman na ako kaya naman ay parang wala nalang saakin habang papunta roon. I started doing the transactions for our village when I was 13, I secretly followed the chief and stopped the damn merchant from tricking him since unlike other commoners, I had a mom who gave me an education even if the law said we shouldn't go to school and learn.
After that I always come with the chief and then when I was 15, I started to come alone since the chief had an accident.
"You pest!"
Narinig ko ang sigaw ng dalawang lalaki habang pinagtutulungan ang isang binata. They are both guardiuans with bronze rank, mariin akong napapikit doon, hindi ko sila kakayanin.
"P-Patawad! hindi na po mauulit!"
Pagmamakaawa ng lalaking commoner habang puno ng galos ang katawan. Nagtago ako sa likod ng puno at mariing naikuyom ang mga kamao ko.
"Binangga mo ako, nadumihan ako dahil saiyo, satingin mo makakaalis ka ng buhay rito?"
Gusto ko silang atakihin, gusto ko silang saktan kagaya ng ginagawa nila sa kawawang lalaki, pero alam kong mataas ang mahika nila base sakanilang ranggo at hindi ko sila kakayanin.
Kailangan kong umuwi ng ligtas para kay nanay. Wala akong ibang ginawa kundi maghintay na matapos sila at tignan kung may magagawa ako upang magamot ang lalaking pinagtutulungan nila ngayon.
He is trapped with an earth magic while the other guy is slashing the poor man with a water blade. Galon galong pasensya ang kailangan kong tiisin para hindi sila sugurin.
I hate it, damn it! I hate that I can't do anything to save anyone from the likes of them.
"Hoy tama na yang warm up, tinatawag na tayo doon para pasukin iyong leak."
Biglang sulpot ng isa sa mga kasamahan nila saka ngumisi at dinurahan ang nag aagaw buhay na lalaki. Nagsitawanan ang mga tangina at sinipa pa ito bago tuluyang umalis.
Naikuyom ko ang kamao ko't agad na dinaluhan ang lalaki at pinainom sila ng pain reliever saka kinuha ang ilang ginawa kong ointment at pinahid iyon sa mga sugat niya.
"Mabisa itong gamot na ito, ipahid mo tatlong beses na isang araw."
Sabi ko habang nilalagyan ng gamot ang nilinis kong malalim na sugat gamit ang dala kong tubig at binendahan iyon.
"Kaya mo bang tumayo?"
Tanong ko, dahan dahan at nanghihina siyang tumayo. Hindi kalaunan ay may humahangos at umiiyak na lalaking satingin ko ay kasing edad ko na lumapit saamin.
"Kuya!"
Hagulgol nito.
"Nalagyan ko na siya ng paunang lunas, ito ang gamot, ipainom mo sakaniya iyan hanggang sa gumaling siya."
Sabi ko, naiyak siyang tinanggap iyon.
"S-Salamat po! pero wala po kaming pera."
Malungkot na sabi niya habang dahan dahang inaalalayan ang kapatid.
"Hindi naman ako naniningil, iuwi mo na iyang kuya mo at pagpahingahin, doon niyo na siya gamutin. Sa susunod ay iwasan ninyo ang mga guardians, at baka mas malala pa diyan ang danasin ninyo."
I warned, napahikbi itong tumango.
"Salamat! Maraming maraming salamat po!"
Hagulgol niya, tumango lamang ako at tumalikod na saka kinuha ang bag na dala at nagpatuloy nalamang sa paglalakad patungo sa Capital.
"I hate those fuckers."
I mumbled with my fist clenched.
Just because they have power, doesn't mean they can hurt someome clearly weaker than them! that just shows how cowardly they are! If they wanted to kill then just kill each other for all I care, what would they gain by killing a commoner?
I sighed harshly trying to calm myself down.
"Hindi ka pa ba nasanay?"
I whispered to myself, everyday, I encounter things like this, and I still couldn't get used to it.
My mother told me that it's because of a devine blessing that I am alive. Then if there are really those so called greater gods, where are they? where are they to protect us and punish those bastards?
They only bless the rich nobles and those talented theian, the gods doesn't care about us at all.
I wish I could just live on a secluded place with everything we need with my mother. I can deal with monsters and live with them more than those fuckers, guardians and nobles.
After walking a lot, I finally reached the merchant square where I do all the transactions. I showed them the fake guardian badge to enter and sell monsters. Nang makuha ko ang pera ay itinago ko iyon sa bag at naglakad na palabas.
Nakagat ko ang labing iniwas ang tingin sa mga pagkaing ibinebenta, upang hindi mabawasan ang pera. Dapat talaga ay nagbablindfold ako sa tuwing nagpupunta dito, nailing nalamang ako.
The Capital is lively and beautiful, ang nagpapapangit lang ay ang mga taong naririto. No matter how beautiful your house is, it will still be disgusting with all those dirt around.
"The first rank guardians!"
Narinig kong tuwang tuwang sabi ng mga tao sa paligid at nagkumpulan sa daan. It's that ice guardian's group. Sa likod ng kanilang sasakyan ay ang mga naglalakihang mana crystals na milyon milyon ang halaga.
The mana crystals are used for electricityand signal used for the communicators. It is also used to make mana stones to store magic.
"They look really handsome! gosh, I wish I am powerful enough to be in that group just to be with Draco, the crown prince and Cole!"
The woman infront of me giggled.
"Isn't Draco and the prince still single? may pag asa pa girl!"
Kilig na kilig na sabi ng isa pang ambisyosa, nailing nalang ako at lumayo sakanila. Their car stopped by their group member who happily answered the questions from the reporters. Mukang nainis pa doon ang mga kasama nila pero walang nagawa.
My eyes then caught their leader, the Ice guardian Draco, he has an ash gray hair and pair of blue eyes. Not only his power is cold but also him, he looks like an ice sculpture to me.
Natigilan nalamang ako nang magtagpo ang mga mata namin, he used his ice power to freeze his irritating group mate who keeps chatting with the reporters and then started the vehicle again while still staring right into my eyes.
Or is it someone behind me? nilingon ko ang likuran ko at nakitang may kumpulan ng mga babae sa likod ko na halos himatayin na sa kilig
Yep! it must be someone behind me, why would the first ranked guardian look at me that way when he doesn't even know my existence. Nailing nalang ako at kalmadong umalis sa lugar dahil lumuwag na ang daan sawakas.
A/n: Hello melodies! sorry for the very late update, I spent this week to write my notes and plan for this story. hopefully, I could write an update daily this time, depends on how busy I am I guess. Thank you po sa lahat ng naghintay! love you all! 💖💖
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top