Kabanata 9

Kabanata 9

Last trigger

"And there! I got so full of his henpecked... I broke up with him," Ryza said it like it was just a script from a drama.

Ngumuya siya at sumubo ng fries. I pouted and hugged the pillow. Nandito sila ngayon sa bahay namen. Nagkaroon kase kanina ng engrandeng dinner dahil kakauwi lang nila Dad after maclose ang isang malaking deal from the other country. And so, they decided na dito na lang magtulog ang mga pinsan namen.

"Nice job, Azalea." Aiden sarcastically said kabaligtaran sa nararamdaman ni Aldrey.

"Buti na lang nga at hindi ka unahan noon!" he said grinning tapos ay kumuha ng shot at nilagok.

Sa veranda ng entertainment room sa second floor ang madalas na aming tambayan. Maluwag kase at malamig dito, kumbaga this is a breath of fresh air for us, kita mo din kase ang kumikislap na tubig ng pool sa baba at ang magandang tanawin ng bundok Makiling.

Ngumiwi ako sa sinabi Aldrey. Nagtawanan naman ang mga lalake at nagtuloy sa kanilang kwentuhan.

"You playgirl," I voiced out and get a handful of fries. Ngumisi lang siya sa akin. Ang tinutukoy ni Ryza ay iyong boyfriend niya sa Laguna na lagi siyang pinapagalitan.

"Talk about the snob here," tukso niya sa akin. I rolled my eyes and sipped on one of the beers in can.

Hindi pa ako kase pwede ng mga hard liquors. Nagkekwentuhan lang kami ng sumabog ang tawanan mula sa baba. Sabay-sabay na tumaas ang mga kilay namin ng makita ang inis na pagpasok ni Kuya.

He immediately marched to our sides and straightly drink a shot of red label. "What's the prob?"

"Nothing. Just pissed," he said and stand on the banister.

I shrugged and we continue our girl's talk, nagyayaya pa sila Nikaison ng bar ngunit hindi na iyon sinang-ayunan dahil may mga pasok pa bukas.

Inantok na ako kaya naman ay nagpaalam akong tutulog na. Sumunod naman sila Franz at Ryza papunta sa aking kwarto.

We immediately fell asleep at nang mag-umaga ay panay masasaket ang ulo ng mga lalake.

"Poor things!" singhal ni Aiden at pinagtawanan nila sila Nikolai. Maswerte ang mga ito dahil nga college at kadalasan ay medyo tanghali ang pasok, samantalang kami ay maaga.

"Kuya let's go!" sigaw ni Franz kay Cifran.

"Oh! It's just seven, aalis na agad kayo?" tanong ni Mom na nakarobang bumaba sa grand staircase.

I went to her and give her a hug and kiss. "Yes, mom."

"Ingat kayo! Sasabihin ko na lamang kay Ben na ihatid kayo gamit ang van," nagsigawan ang mga pinsan ko sa saya.

"Thank you, tita!"

"Your welcome, kids. Hanes, anak, bakit hindi mo naman sinabi na lalaban ka pala? We should've bought or better yet get you your own gown." she trailed off and fixed my hair. "Agahan mo ang uwi mo mamaya at dumiretso ka sa boutique ni Pledis."

"Thanks mom! Bye," I waved at her at sumunod na sa mga pinsan na nakasakay at panay nakapikit sa van. I chuckled and can't help but to annoy them more.

Nang makarating sa school ay iritado ang mga lalake at mukha daw masisira pa ang kanilang practice game sa basketball. Si Nikaison naman ay mabilis na tinungo ang building nila para makatulog agad.

"Boys, boys, boys, I really can't understand them!" I lamented while laughing. Natawa naman sila Ryza habang binabaybay namin ang kahabaan ng hallway.

"You should be thankful at iritado sila kaya hindi napansin ang suot mo!" paalala ni Franz. Mas lalo akong natawa.

Sa sobra kaseng iritasyon ay puro na lang sila reklamo sa sakit ng ulo, ayun! At hindi napansin ang white high-waist short at black croptop na suot ko.

"Anyways, sasabay na din kami sa'yo mamaya sa boutique. Sabi kase ni Tita Eloisa ay para iyon sa party ni Nikolas." tumango ako at nagpaalam na.

Bitbit ulit ang duffel bag, na kulay itim naman ngayon, ay dumaan muna ako sa room para kamustahin ang gagawin nila para sa snack bar.

"Hanes, iyong mga prutas na kukunin na'ten kay Nikolas ayos na ba?" I nodded my head.

"Damn the legs!" hinampas ni Lia ang mga hita ko. Not that hard dahil baka makalmot ko siya pag namula ito.

"Tse!"

Nang makitang ayos naman ay dumiretso na ako sa gym and Xander greeted me while his eyes dropped to my legs. I snapped my fingers at him and showed him the video that we're going to dance.

Napahilamos siya sa mukha matapos mapanood ang video. Ako naman ay tumawa lang.

"Really? Really, Frontalio. Isa kang tukso!" pabiro niya akong tinuro ngunit kalaunan ay ngumiti na din.

We shared stories at nagpalit na ako ng isang black heels dahil dumating na iyong instructor. Panay ang rampa namin, buti na lang at sanay ako sa heels dahil iyong iba ay halos nakangiwi na.

"Confident?" I shrugged at Xander na nasa likuran ko na ngayon. Hanggang tenga na niya ako dahil sa heels.

Nakangiti lang ako habang maayos ang postura na nakaharap sa baba ng stage. Yung iba kase ay rumarampa pa. Nakikipag-usap ako kay Xander nang halos masamid ako sa sariling laway nang marinig ang singhapan.

"Oh my God!"

"Si Zallejos!"

"Ang gwapong nilalang,"

I swallowed hard when his massive built made its way on the far center. Napatingin ako kay Jewel na ngayon ay namumula dahil sa mga pang-aasar.

Bigla akong hindi mapakali at parang bulang nawala ang self-esteem ko! I looked at him as he crossed his arms on his chest and even from a far, I can clearly see the veins and his muscles protruding!

His eyes intently landed on me. Gusto kong lamunin ng lupa dahil sa binibigay niyang atensyon. Dahil sa mga mata niya pakiramdam ko ay ngayon ang kompetisyon at siya ang hurado na magdedeklara kung sino ang mag-uuwi ng parangal at uuwi ng luhaan.

I glanced at Jewel. No! My irritational me started to roll. Hindi ko gusto ang sumunod na aksyon, dahil halos ibigay ko ang lahat sa lakad na ginawa ko!

Nagsigawan ang lahat nang nakakita at ang iba naman ay nagsipulan. Nadaanan ng paningin ko sila Nikolai na pumapalakpak at sumisipol!

When we reached the center. Nakita ko ang mapaglarong ngiti sa labi ni Orsovius kaya namula ako at iniwas ang tingin.

"Ikot!" sinunod ko ang saad ng instructor at magiliw na umikot. I heard screams from boys at nang humarap ako kay Xander ay ginawa ko ang siyang sinabi noong instructor.

Nakapwesto na siya sa gitna at ang gagawin ko ay iikutan siya habang mapilantik na nakalagay ang kamay ko sa matipuno niyang dibdib.

I just stared at him the whole time na ginawa ang stunt na iyon. He licked his lips as he formed a smile. Nang mapunta ako sa harap niya ay ipinulupot niya ang kamay sa aking baywang at hinapit ako papalapit sa kaniya. Then the music switched at agad na kaming naghanda para sa pagbaba ng entablado.

"Perfect!" bating sigaw noong bakla pumapalakpak pa siya sa amin. "That was so hot!"

Namula naman ako at iginala ang tingin. Umawang ang aking labi ng makita ang paggalaw ng panga ni Orsovius habang madilim ang mukha. His bloodshot eyes were directed at me na para bang may nagawa akong mali at mariin din ang kuyom ng kamay na parang pinipigilan ang sarili na manuntok.

Mabilis na kumalabog ang dibdib ko at tila kinakapos ako sa hangin. My lips quivered at gusto ko siya sugurin at tanungin kung ano ba ang problema niya ngunit naputol iyon ng makita ko si Jewel na papalapit sa kaniya. Oh right! Baka sa girlfriend niya galit kase... nakasuot ng maikling damit?

Iwinala ko ang atensyon nang agad akong nilapitan ng mga pinsan ko na masama ang tingin kay Xander.

"Siguraduhin mo lang na parte talaga iyon ng stunt niyo kung hindi ay—hmp!" tinakpan ko na ang bibig ni Aldrey dahil baka magkaroon pa ng away.

I looked at them na halatang iritado ngunit may bakas pa din ng pagkamangha ang mukha. Tumikhim si Cifran at tinanguan si Xander.

"That was good." Xander nodded at him and give him a thanks.

"Hindi ba masakit ang ulo niyo?" nakapamewang na tanong ko. Nikolai pinched my cheeks.

"Libre ka namin?" my eyes widened at agad na yumakap sa kaniyang braso.

"Sure!"

Tumaas ang kilay ni Nikolai at ngumisi. Tinanguan niya si Xander at hinila na ako doon.

"Bye Xander! Text text na lang," as always, the kind Xander just looked at me with a smile before he nodded kahit na iniintindi pa ang mainit na tungo sa kaniya ng mga pinsan ko.

"Hindi ba nasaket iyang paa mo?" umiling ako kay Cifran at tumalon-talon pa para ipakita na hindi talaga.

"See?" ngumuso siya at umirap bago nakipaglokohan kila Aldrey.

Nang marating namin ang canteen ay nandoon na sila Ryza na may hawak na cellphone. Inangat nila ang tingin sa amin at agad akong sinalubong ng yakap.

"Oh my God! You have a future on spotlight..." kumunot ang noo ko at tiningnan ang cellphone niya.

Napasinghap ako nang makita ang video ko doon kanina. "Hala! Saan niyo nakuha yan?"

"Someone uploaded it on facebook, grabe yong titigan niyo ni Xander... parang may... may spark!"

"Spark his ass!" singit ni Aldrey. Inirapan siya ni Ryza at inulan ako ng tanong.

I shut them up ng sabihin ko ang nakita. "I saw Orsovius..."

Nanliit ang kanilang singkit at doe na eye bago lumapit sa akin. "What about him?"

"I... ang gulo niya," buntong hininga ko.

Ipinilig niya ang ulo at umiling. "Just... baby cous, you know how great you are but... you're not settling for second right?"

Huminga ako at tumango. Di kalaunan ay halos lamunin ko ang sinabi nang maki-table sa amin si Jewel... but, where is Orsovius?

"Oh... himala at hindi mo kasama si Zallejos?" natatawang tanong ni Nikolai. She pouted and sighed before looking at me.

Me? What...

"He's... tired, maybe, I don't know. Hanes, do you know what he's up to? Tutal ay nakita kitang kasama siya..." nanlamig ako nang madinig ang kaniyang tono. She's looking at me with accusing eyes and I hate it!

"Malay ba niya sa boyfriend mo?" Ryza can't hide the anger in her voice. Tila wala namang alam ang mga lalaki na nakatingin lang sa amin.

"Well, he's seen with Hanes sa isang restaurant. I also saw your cousin getting out from his car, and oh! Nasa sa kaniya rin ang jacket—"

Napigtas ang natitirang pasensya ko sa kaniya ng marinig ang tono ng boses nito.

"What are you trying to say?!" sigaw ni Franz. Napatayo si Jewel at idinuro ako.

"Your cousin is stabbing me! Malandi iyang—"

Hindi niya naituloy ang sinasabi ng mabilis kong isinaboy ang tubig sa kaniyang mukha.

Nanlalaki ang mata niya habang ang tubig ay nagmantsa sa suot na kamiseta. Maging ako ay di makapaniwala sa nagawa but her accusations kept me going.

"You don't dare point your finger on me.To hell with your laments! Pwede ba? Ikaw ang girlfriend you should know by now kung nasaan ang boyfriend mo..." the sarcasm dripped, "And oh! Did I hear it right? Your relationship was just arranged. Kaya h'wag kang umastang parang hibang na asawa! God, talagang naki-table ka pa sa amin? Just to get all these? What a bitch!" I probed with gritted teeth.

Namula siya at gigil sana akong susugudin nang pigilan siya nila Aldrey. She just screamed there at pilit akong inaabot habang ako ay inis na nagpaalam bago umalis doon.

"You bitch!" I heard her shout. I rolled my eyes heavenward. Ikaw ang bitch! Now have a taste of the youngest Frontalio. Kung iginigiit mo ang hindi ko ginagawa, then thank you, you just pulled my last trigger to finalize my decision.

She doesn't deserve someone as great and respectable as Orsovius Hyrum Zallejos. Jewel doesn't deserve him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top